"MAGANDANG gabi, Dewei. Salamat at pinagbigyan mo akong makausap ka. nakangiting sabi ni Vener habang nakatayo at nakatingin sa binata. Inilahad niya ang kamay para makipagkamay.Napilitan namang tumayo si Dewei at tinanggap ang pakikipagkamay ni Vener Del Sol."Good evening din po, Mr. Del Sol. Have a seat," alok niya sa ama ng kanyang dating nobya. Sa isang restaurant pinili ni Dewei na makipagkita kay Vener Del Sol, ayaw niyang sa kompanya sila magkita at makita ng iba na muling may ugnayan siya sa pamilya Del Sol.Nang makaupo sila, mataman niyang pinagmasdan ang lalaking kaharap. Halata na ang tanda nito, pero siya pa rin ang ama ng babaeng minsan niyang minahal."Masyado namang pormal ang tawag mo sa akin. Papa Vener na lang ulit. 'Yan naman ang tawag mo sa akin noong kayo pa ni Marilyn," sabi nito.Napatikhim si Dewei. "Do you want something to eat? Or do you prefer coffee or juice?" tanong niya."Coffee na lang. Hindi rin naman ako magtatagal."Tumango si Dewei at napalinga sa
HINDI dumiretso nang uwi si Dewei. Sa halip ay pumunta ito sa isang bar, kasama niya si Jai na nakaupo hindi kalayuan sa kanya. Ganito palagi ang ginagawa ng binata sa tuwing masama ang loob. Gusto niyang hayaang lunurin sa alak ang sarili para makalimutan saglit ang nararamdamang sakit. "Sh^t—! Seven years... after seven years, sasabihin niyo sa akin na may anak kami! Ano bang akala nila sa akin? Tanga?!" Mga sigaw ni Dewei. Hinayaan naman ni Jai ang amo na isigaw ang galit sa puso. "Niloko ako! Minahal ko siya, higit pa sa buhay. Ibinigay ko ang mundo ko sa kanya. Pero, g@go! Sinaktan niya lang ako!" Ginulo niya ang kanyang buhok saka malakas na hinampas ang lamesa. Kinuha ni Dewei ang isa pang bote ng beer at nilaklak 'yon. Gulo-gulo ang kanyang buhok at tanggal na ang apat na butones ng kanyang polo. Pagkaubos ng laman ng bote ay malakas na ibinato ni Dewei ito sa sahig. Lalapit sana ang waiter pero pinigilan ito ni Jai. "Hayaan mo siya. Bayad naman ang buong bar.
NAGISING si Dewei na parang binibiyak ang ulo sa sobrang sakit. Wala siyang matandaan sa mga nangyari kagabi. Ang huling naalala niya ay kasama niya si Jai sa bar. Napansin niya ang tray ng pagkain sa side table. Pero bago pa siya tatayo ay bumukas na ang pintuan. "Kumusta ang pakiramdam mo, Dewei?" tanong ng dalaga na naglalakad palapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Dewei nang maalala na inaya niya pala si Velora na kumain sa labas kagabi. "I'm okay. Kumikirot lang ang ulo ko..." "May gamot akong inilagay sa tray. Pero bago ka uminom ng gamot. Kumain ka muna ng breakfast," sabi ni Velora. Napatingin si Dewei sa kanyang kabuuan. Naka-pajama na siya pero walang suot pang-itaas. "Ikaw ba ang nagbihis sa akin?" "O-Oo," sagot ni Velora na parang naiilangan. May mapaglarong ngiti sa labi ni Dewei. "E, 'di may nakita ka?" Mabilis na umiling si Velora. "W-Wala..." todo tanggi nito. Humalakhak ng mapang-asar si Dewei. Bigla ring sumeryoso ang kanyang mukha. "Sorry nga pala. Na
BIGLANG humarang si Magenta sa kanyang daraanan. Nangungusap ang mga mata na umiling-iling sa kanya. Nagtaka si Dewei at tumaas ang kanyang kilay. "What's the problem, Magenta? Bakit ka humaharang sa dadaanan ko?" Pagalit na mga tanong niya. "E, sir... K-Kasi po..." Kumunot ang noo ni Dewei dahil sa putol-putol na sinasabi ng kanyang sekretarya. "Magenta!" tawag niya na tumaas ang tono ng boses. Tiningnan niya ito nang may madilim na ekspresyon sa mukha. Tumabi si Magenta at napayuko ang ulo. Pagkapasok ni Dewei sa loob ng kanyang opisina, natigilan siya nang mamukhaan ang babaeng nasa loob. Saglit siyang napahinto at napatitig kay Marilyn. "D-Dewei..." tawag nito sa pangalan niya, habang dumadaloy ang luha ni Marilyn sa kanyang mga mata. Nakatayo si Dewei sa pintuan, ang mga mata’y matalim at puno ng galit. "Anong ginagawa mo dito?! tanong niya, galit ang kanyang nararamdaman nang makita ang babaeng unang nanakit sa kanya. Nanatiling nakatayo siya, hindi makagalaw. Ipino-pr
MASAYANG sinalubong ni Velora si Dewei pagkalabas nito sa kotse. Niyakap niya ang binata pero napatigil siya nang parang hindi gumanti ng yakap ang binata. Hindi niya nagawang halikan sa pisngi si Dewei dahil sa ramdam na panlalamig. "Nakapaghanda na kami ni Nanay Igna nang hapunan. Baka gusto mo nang kumain," tila nag-aalangan na sabi niya. Hindi makatingin ang binata sa mga mata niya at umiwas sa kanya. "Sa kuwarto na muna ako, magpapahinga lang saglit. Mamaya-maya na lang ako kakain." Malamig na tugon ni Dewei sa kanya. Saka siya nilagpasan at pumasok sa loob ng bahay. Nakasunod ang mga mata ni Velora habang papasok si Dewei sa loob ng bahay. Nagtataka siya sa ikinikilos ng binata sa kanya. Hinawakan ni Velora ang seradura ng pinto at pumasok sa loob ng kuwarto. Napahinto siya nang makita si Dewei na nakahiga sa kama, na nakatalikod sa pintuan. Walang salita na lang na lumabas siya muli ng kuwarto. May tampo man siya, pilit na lang niyang ipinapaintindi sa sarili na baka dala
"INIIWASAN ko na ngayon si Velora. Wala na akong mukhang maiharap sa kanya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko." Malalim na bumuntong hininga si Dewei. Nasasaktan na siya sa dalaga dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling. Alam niyang nasasaktan na niya ang dalaga pero hindi man lang ito nagrereklamo. O kaya'y sinusumbatan siya. Kahit ang magalit ay hindi niya makita sa mga mata ni Velora. "Ano ba ang desisyon mo ngayon? Dumating ang mag-ina mo tapos may Velora ka pa. Pareho silang walang kaalam-alam. Napakalaking gulo nito kapag nalaman nila na katotohanan," sabi ni Jai. Mas masasaktan si Velora. Ginulo niya ang buhay ng dalaga. Sana noon pa pinakawalan na niya ito para hindi na ito labis na masasaktan nang dahil sa kanya. Napakasama niya talaga. Hindi siya deserve ni Velora. Hindi siya manhid para hindi maramdaman na mahal siya ng dalaga, nahulog na ito da kanya. Pero ito siya, pinapaasa lamang si Velora. "Hanggang ngayon parang panaginip lang ang lahat. Bigla na lang ako na
KABADO si Dewei, ninenerbiyos na siya. Pinagpapawisan ang mga kamay. Hindi siya mapakali nang itawag ni Marilyn sa kanya na papunta na silang mag-ina sa Solara. Tunayo siya at nagpalakad-lakad sa loob ng kanyang opisina. Gusto niyang ikalma ang sarili. Hindi niya alam kung ano ang iaakto kapag nakita ang kanyang anak. 'Pag nasa harapan na niya ito. "Sh^it! Sa buong buhay ko, ngayon lang ako naging ganito ka-tense," bulalas niya. Napasuklay si Dewei sa kanyang buhok. Napahinto siya sa paglalakad, pabalik-balik. Kinuha niya ang receiver ng telepono. "Magenta, order food from a famous fast-food chain. A kid's meal for the girl and two meals for adults. It’s up to you. Also, order something for yourself or for all the employees of Solara Essence," mariing utos niya sa sekretarya. "Ho? S-Sir, sa buong kompanya po?" Hindi makapaniwalang tanong ni Magenta. Mariing napapikit ng kanyang mga mata si Dewei. Pinipigilan niya talagang sumama ang mood niya. May gagawin pa siya at buong araw n
DINALA ni Dewei ang mag-ina sa kuwarto niya sa loob ng kanyang opisina. Namangha si Marilyn at anak nito sa mga nakikita sa loob ng kuwarto. Natuwa rin si Dewei sa nakikita sa mag-ina. Kitang-kita niya ang tuwa sa mga mata ng kanyang anak nang makita ang maraming iba't ibang klaseng laruan na pambabae. "Ang dami pong laruan, Mama," ang narinig ni Dewei na sabi ng kanyang anak. Napangiti siya nang malamang nagustuhan niyo ang mga inihanda niya. "Do you want to play with them? You can have them if you want. They're all yours, baby girl," pilit na pinapalambing ni Dewei ang boses niya, ginagaya ang timbre ng boses ni Marilyn kapag kausap ang anak nila. Nanlaki ang mga mata ni Marizca. Maging ito ay hindi makapaniwala na para sa kanya lahat ang mga laruan. "T-Thank you po..." mahina ang boses na pasasalamat ng bata. Iniabot ni Dewei ang kanyang kamay kay Marizca. Tiningnan ito ng bata, halatang nagtataka. "Come, a-anak..." aniya, bahagyang nanginginig ang tinig habang nakalahad pa
"BE my contract wife for one year, Aster. Isang taon lang, tapos babayaran kita ng limang milyong piso," seryoso at walang pasubaling alok ni Jai. Nanlaki ang mga mata ni Aster sa pagkabigla. Hindi kaagad siya naka-react at tinapik-tapik ang mukha. "Paki-kurot nga ang pisngi ko..." Napakunot ang noo ni Jai. Tumaas ang isang kilay niya sa inasta ng babaeng kaharap. Napa-roll naman ang mga mata ni Aster sa reaksyon ng binata. "Ito naman, hindi na mabiro. Gusto ko lang malaman kung gising ba ako o nanaginip. Tapos iyong mukha mo, akala ipinaglihi sa sama ng loob..." "Act formal and normal, Aster. Seryoso ako." Nalaglag ang panga ng dalaga. Mukha ba siyang mongoloid o sinto-sinto para sabihin ni Jai 'yon? "Huh? E, kasi naman ikaw. Nangbibigla ka. Saka, bakit ako?" tanong ng dalaga na tila hindi pa rin makapaniwala sa inaalok ni Jai. "Sobrang ang laki naman ng ibabayad mo para lang maging asawa mo. Iba rin ang umaasenso, no?" Parang nabingi ata siya sa narinig niya kanina. Inaya s
AFTER three days na pahinga, nag-report na rin sa trabaho si Aster. Todo ang ngiti niya habang naglalakad papunta sa kanyang desk. "Good morning, people," masiglang niyang bati sa mga kasamahan. Napalingon isa-isa ang mga ka-trabaho ni Aster sa kanya. "Iba ka, Aster. Ang saya-saya mo, ha. Iba talaga kapag galing sa bakasyon ng tatlong araw," kantiyaw ng isang kasama niya sa trabaho. Ang gaan lang ng pakiramdam ni Aster sa trabaho. Pero ganyan naman talaga siya, laging nasa mood, kwela, at madaling pakisamahan. Hindi siya nauubusan ng kwento, at kahit pagod na ang lahat, may energy pa rin siyang magpatawa. Pero sa likod ng masigla niyang boses at matatamis na tawa, may mga gabing hindi rin siya makatulog. Nag-iisa lang siya dahil ang parehong magulang niya ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Hindi rin siya malapit sa mga kamag-anak niya both side ng parents niya dahil hindi siya madalas makihalubilo sa kanila. Tanging si Velora lang at ang pamilya nito ang ka-close niya. "Anak, kumust
BIGLANG hinaklit ni Marlon ang braso ni Jena at hinila ang asawa papasok sa kuwarto nila. "Ang sabi ko sa'yo humingi ka ng pera kay Jai. Bakit hindi mo ginawa? Nakipagdaldalan ka pa sa anak mo.." mahinang sabi ni Marlon na may diin ang mga salita. Ayaw niyang makalikha ng ingay at marinig ni Jai ang pinag-uusapan nila ni Jena. Napadaing si Jena sa higpit ng kapit ni Marlon sa braso niya. "Nasasaktan naman ako... bitiwan mo nga ako." "May inuutos ako sa'yo, hindi mo sinunod. Alam mong wala na akong pera. Pano pa ako pupusta mamaya, ha?" Binitawan na ni Marlon ang asawa. Napadaing pa rin si Jena. Nag-iwan ng pulang marka ang hawak ng asawa sa kanyang braso. "P-Pasensiya na, nakalimutan ko..." "Nakalimutan? Ang sabihin mo, hindi ka talaga humingi ng pera. Galing ang anak mo sa Tatay niyang mapera. Malamang sa malamang, nabigyan 'yan si Jai," giit ni Marlon. Wala na itong pakialam kahit makasakit basta may pera s'ya at makapag-sugal. Napayuko na lamang si Jena. Ayaw niyang s
"I'M desperate now. Saan ako kukuha ng babaeng papayag na maging asawa ko at aanakan ko pa?" frustrated na tanong ni Jai. Inaya niya si Dewei na uminom, pero sa restaurant lang sila nagpunta. Ayaw niya sa bar, bukod sa maingay, mausok pa. Siya ngayon ang may problema. Dahil sa kagustuhan niyang patunayan ang sarili sa tunay na ama, nahihirapan siyang magdesisyon. Sa kaso niya wala naman siyang nagugustuhan na babae pa. Ni hindi pa niya nasubukan na manligaw. "I told you to ask Aster. Wala kang choice. Mapagkakatiwalaan mo pa siya sa sekreto mo. Iyong nga lang, kung papayag siyang magpabuntis sa'yo. Siyempre, may expiration ang kontrata n’yo. And it’ll be hard for her to leave her child with you," mungkahi ni Dewei. Napaisip si Jai. Paano kung tama si Dewei? Aster might be the best option to be his contract wife. Ang kinakatakot lang niya ay kung papayag ba itong may mangyari sa kanila. Hindi iyon magiging madali para sa dalaga. "Pero, mahirap mapapayag ang babaeng 'yon. Alam ko
NAKAUPO si Rey sa pinaka-gitna, ang head ng pamilya Bautista. Panganay siya sa kanilang magkapatid na si Renan. May pamilya ang kanyang kapatid, at may isang anak, si Ray Tony. Sa kanyang mansyon nakatira ang mag-anak ng kanyang kapatid na halos siya na ang tumayong pangalawang ama ni Tony. Nasa kaliwa ni Rey si Renan, kasunod si Carlita, na asawa nito. At si Tony naman na katabi ng ina nito. Sa kanan ni Rey ay si Jai, ang nag-iisang anak niya. Napatikhim muna si Rey, inalis ang bara sa kanyang lalamunan. "I discussed this with Jai before, and he doesn't have an option. Anak ko siya at patutunayan niyang isa siyang Bautista," mariing saad ni Rey habang matiim ang mga matang nakatingin sa anak. "Ano naman ang mangyayari, Uncle? Kung hindi mapatunayan ni Jai sa aming lahat na isa siyang karapat-dapat na maging isang Bautista..." tanong ni Tony, nakataas ang sulok ng labi niya na parang nagmamalaki. "Well, ang nauna kong Last and Will testament ang susundin." Sagot ni Rey saka buma
MAKALIPAS ang tatlong buwan, pabalik na ng bansa ang buong mag-anak nina Dewei at Velora. They spent their honeymoon in Paris. Sinulit nila ang mga buwan ng bakasyon sa City of Love. Kompleto ang buong pamilya na sasalubong sa kanila sa airport. Hindi mawawala sina Aster at Jai. Malawak ang ngiti ni Solara nang masilayan ang kanyang panganay na anak, karga si Devor habang hawak sa isang kamay ang asawang si Velora. "Andiyan na sila..." masayang pahayag ni Solara. Napapahaba naman ang leeg ni Aster sa kakatingin sa kaibigan. Hindi rin matawaran ang tuwa nina Marilyn at Vanna nang makita si Velora. Maging ng kanilang amang si Vener. "Namiss ko na sila," ani Solara. "Namiss nating lahat sila, Mommy," segunda ni Dwight, sabay tawanan nilang lahat. Lumapit ang bagong dating na pamilya. Niyakap sila isa-isa ng mag-asawa. Si Devor ay agad na kinuha ni Donny mula sa anak. "Welcome back, son," bati ni Donny. "Thanks, Dad." "So, how was your honeymoon and long vacation?" Maaliwalas a
TUMATAKBO na si Aster papasok sa hotel, kung saan sila aayusan lahat na bridesmaids at ang bride. "Aster, careful. Ang lampa mo pa naman," hirit ni Jai. Matalim na tinapunan ng tingin ng dalaga si Jai. "Bilisan mo kasi. Naghihintay na sila.." madiing tugon niya. "Oo na. Magkaiba naman ang suite natin. Kaya mauna ka na. Just be careful, baka matalisod ka." Sabi ni Jai na may bahid ng concern sa tono ng boses. Natuwa naman ang puso ni Aster nang marinig iyon sa binata. Wala siyang oras para lumando, kailangan na niyang magmadali na pumunta sa suite nila. Pagkapasok sa loob ni Aster sa suite nila ay nakita niyang bihis na ang mga bridesmaid na sina Vanna at Marilyn. Maid of honor siya ni Velora. "Late ka. Bakit ngayon ka lang?" Bungad na tanong ng kaibigan niya. "Ti-Tinanghali ako ng gising," sagot niya na napabaling ng tingin sa ibang direksyon. Napatitig si Velora sa kaibigan niya. "Oh, siya. Magpa-make up ka na at pagkatapos ay magbihis ka na. Marami kang utang na kwento sa
Hi Dear Readers, Maraming salamat po za pagsubaybay at pagbabasa ng story nina Dewei at Velora. Magtatapos na po ang story nila at kasunod po ang story nina Aster at Jai. Hindi pa rin po mawawala sina Daddy De at Queen V, mananatili po silang kasama sa kuwento. Sana'y suportahan niyo rin po ang love story nina Jai at Aster. Muli po, taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong suporta at pagmamahal sa isinulat ko, kina Dewei at Velora. Nababasa ko po lahat ang mga comment niyo. Happy reading and love lots, Rida Writes ♥️
NAGISING si Aster, nag-inat at pupungas-pungas pa ng mga mata. Napasinghap siya nang may biglang may naalala. Kasal ng kaibigan niya ngayon, ni Velora. Napatingin siya sa relong suot. Napatampal si Aster sa kanyang sariling noo. Alas otso na ng umaga, kailangan na niyang magmadali. Marami pa namang gagawin sa kasal at isa siya sa mga bridesmaid ng kaibigan sa kasal.Nadaanan ng kanyang tingin ang isang pigura. Doon lang niya napansing iba na ang suot niyang damit. Naka-t-shirt na siya? Sinong nagbihis sa kanya?"Hala!" Buladas niyang nagugulat at nanlalaki ang mga mata.Bigla siyang lumingon sa kanyang katabi. Lumuwa ang mata niya sa nakita, hindi siya nakagalaw. Parang biglang huminto ang mundo niya.May nakahubad na lalaking nakadapa sa kanyang kama at katabi pa niya?Napatingin siya sa kanyang kabuuan. "Wait... may damit pa 'ko? Pero, bakit siya nakahubad?" Usal niyang tanong na may pagtataka. Napakamot pa ng kanyang ulo si Aster.Pilit na sinasariwa ang mga nangyari kagabi. Pina