Share

309

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-07-03 17:05:07

KINABUKASAN, sa university...

Umiiyak si Vanna sa harapan ng kanyang best friend na si Lyca. Nasa paborito nilang tambayan silang magkaibigan.

"Takot na takot ako, Lyca. Anong gagawin ko?" nanginginig ang boses ni Vanna habang pinupunasan ang luha. "Parang kahit saan ako magpunta, nakikita ko si Mayor Oscar na nakatingin sa akin. Hindi na ako mapakali... parati na lang akong kinakabahan kapag lalabas ako ng boarding house."

Ikinukuwento niya kay Lyca ang lahat ng nangyari, ang pakiramdam na takot sa ilalim ng titig ng matanda, ang kaba na parang may sumusunod sa kanya, at ang trauma na bumalot sa buong sistema niya kahit isang gabi pa lang ang lumipas nang makapag-usap sila.

Buong buhay niya, ngayon lang siya natakot para sa sarili niyang kaligtasan. Isang araw pa lang, pero pakiramdam niya'y nawala na ang katahimikan sa buhay niya. Parang wala na siyang ligtas na lugar.

Hinawakan ni Lyca ang kamay niya at marahang pinisil.

"Vanna, hindi mo kailangang itago 'to. Kung may binabal
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Nelia Lavesores Araracap
maganda ang story nila Velora Dewie Aster at jai......pero Kay vanna medyo kainis dami Arte dami nman nyang pagsabihan ng problema....Jan nman c tony ipaliwanag lng nya mabait nman....
goodnovel comment avatar
Gie AB
di maganda Yung story,Dami Arte ni vanna...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   334

    “Z-ZANDER…” ulit niyang tawag sa asawa. “Hmm?” tugon nito na nakapikit pa rin. Pero hindi na mapigilan ang ngumiti. “Hindi ba't… nasa gilid ka ng higaan?” pilit na pinaalala ni Vanna ang puwesto ng asawa. “Eh, gininaw ako. At nakita ko namang may espasyo pa sa kama.” Pagsisinungaling na sagot ni Zander. Pero sa loob-loov niya, si Vanna ang naunang yumakap. “Hindi mo rin naman ako tinulak, ‘di ba?” Hindi na siya nakasagot pa. Totoo naman. Hindi niya pinigilan. 'Di niya rin maipaliwanag kung bakit pakiramdam niya ay komportable siyang nakayakap sa lalaking isang araw pa lang niyang opisyal na asawa sa mata ng iba. Tahimik silang pareho. At sa katahimikang iyon, mas umingay ang tibok ng puso ni Vanna habang yakap pa rin ni Zander. "MA, alis na po kami ni Vanna," paalam ni Zander sa ina. Pareho na silang bihis ni Vanna. Papasok siya sa trabaho at ang asawa naman niya ay sa university ang punta. Nilingon ni Len ang mag-asawa. "Mag-iingat kayong dalawa." "Ihahatid ko lang po si Vann

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   333

    UNANG gabi sa katatapos lang na kasal nina Vanna at Zander. Hindi mapakali si Vanna na nakaupo pa sa gilid ng kama. Biglang pumasok sa loob ng kuwarto si Zander. Napatunghay ang tingin niya sa kanyang asawa. Hubd-baro ito na naka-pajama lamang ang pang-ibaba. Gulo-gulo pa ang buhok, nakaligo na at halatang matutulog na. "Check lang kita, kaya pumasok ako dito. Matulog ka na, Vanna. May pasok ka ba sa university bukas?" Walang salita na sumagot si Vanna at tumango lamang sa asawa. "Ihahatid kita sa university. Baka naghihintay na naman sa'yo ang matandang 'yon," sabi pa ni Zander. Napalingon si Vanna sa kanya. Napakunot ang noo. "Si Mayor Oscar?" Tumikhim si Zander at lumapit pa ng kaunti. “Oo. Alam kong hindi siya dapat na pagkatiwalaan. Hindi ako kampante kapag naglalakad ka na mag-isa. Masyadong makulit ang matandang 'yon. Kahit na ilang beses na itinaboy ay hindi pa rin tumitigil," giit ni Zander na tila mayroong galit sa tono ng boses niya. “Hindi mo kailangang magselos,”

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   332

    NAPAKAGAT-LABI si Vanna. Tumitig siya kay Zander, kita niya ang sinseridad sa mga mata nito. Doon siya muling nayanig dahil alam niyang may bahagi rin ng puso niya na bumibigay. Unti-unti nang hindi sumusunod sa pinirmahang kasunduan. "Kuya Zander…" mahina niyang tawag. Ngunit bago pa siya makasunod pa ng salita, marahan siyang hinalikan ng lalaki sa noo. "Isa pa 'yan, puwede bang tanggalin mo na ang tawag mo sa aking kuya. Hindi mo na ako Kuya," nangingiting sabi ni Zander. Marahang tumango si Vanna. Sasananayin niya pa ang sarili na tawagin sa pangalan ang asawa. Simula't sapol iyon Kuya Zander na kasi ang tawag niya rito. "Magpahinga ka na muna. Gigisingin na lang kita kapag tapos ng magluto si Mama. Nagluto siya ng kaunti para pagsaluhan nating talot." Tumayo na si Zander. "Baka matulog ako sa kuwarto ko," aniya pa habang papunta sa pintuan. "Para hindi ka mailang. Alam ko na maninibago ka sa akin, kung dito na ako agad natutulog sa kuwarto mo." Nagulat si Vanna. "Hindi mo

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   331

    TAHIMIK sila sa loob ng taxi, magkatabi sina Len at Vanna sa passenger seats habang si Zander ay katabi ng driver. Ramdam na ramdam ang ilang sa kanilang tatlo. Binabagtas nila ang pauwi sa bahay. Pagkatapos ng kasal ay diretso lang sila ng uwi, walang engrandeng handaan at magandang venue. Tahimik pa rin si Len, bahagyang nakasandal sa bintana habang pinipigilan ang sariling mapaluha. Kanina pa siya hindi kumikibo, pero hindi rin maikakaila ang bigat ng nararamdaman niya. Hindi ganito ang inakala niyang mangyayari sa kasal ng anak. Walang masasayang bisita, walang selebrasyon, at lalong walang saya. Si Vanna ay nakayuko, nilalaro ang mga daliri sa kandungan niya. Gusto niyang magsalita kahit humingi ng tawad man lang kay Len. Pero hindi niya alam kung anong tamang salita ang sasabihin. Alam niyang masakit ito para sa ginang. Alam niyang sa mata ng itinuring niya ina, isa siyang sumira ng plano at pangarap para sa anak nito. Minsan ay lihim siyang sumusulyap kay Zander sa harap. N

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   330

    ARAW ng kasal nina Vanna at Zander. Kilalang judge ni Lyca ang kinausap para magkasal sa kaibigan niya. Andoon na ang saksi, ang judge at ang bride. Pero wala pa si Zander. Patingin-tingin si Vanna sa kanyang relo. "Ano, Vanna, pupunta pa ba si Kuya Zander mo?" Napabaling ang tingin ni Vanna sa kaibigan. Naiinip na nga siya at maging ang judge na magkakasal sa kanila. "Hija, darating pa ba ang groom mo? Parang ang tagal ata niya..." sabat na tanong ng judge. "Pupunta po siya. B-Baka po natraffic. Tatawagan ko po," sagot ni Vanna. Kinapa ni Vanna ang cellphone sa maliit niyang bag, pero nanginginig ang mga daliri niya habang tine-type ang pangalan ni Zander sa screen. Tumatawag na ang kaba sa dibdib niya, lalo’t ilang minuto na lang at aalis na raw ang judge kung hindi pa darating ang groom. “Vanna…” mahinang bulong ni Lyca habang hawak ang braso niya. “Sigurado ka bang gusto mong ituloy ’to kahit parang ayaw niyang dumating?” Hindi sumagot si Vanna. Itinapat niya sa tenga ang

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   329

    NANGINGINIG pa rin si Vanna sa takot habang kaharap si Lyca. Umiiyak na naman siya dahil sa takot sa naging engkwentro nila ni Mayor Oscar. "Kailangan na talagang gawin ang kasal ninyo ni Zander sa madaling panahon." Bulalas ni Lyca sa kaibigan habang hinahagod ang likod nito. "Kung hindi, baka kung ano na naman ang gawin ni Mayor Oscar," dugtong pa ni Lyca, pilit na pinapakalma si Vanna. "Hindi mo na dapat pang balikan 'yung bahay na 'yon. Delikado na talaga." Napapikit si Vanna, pilit pinapakalma ang sarili habang mahigpit na yakap ang kumot. "Hindi ko alam kung kakayanin ko, Lyca. Ang bilis ng lahat. Parang hindi pa rin nagsi-sink in na ikakasal na talaga kami." "Pero Vanna, ano pang hinihintay mo? Si Zander, handang ipaglaban ka. Mahal ka na siguro no'n. At kung siya lang din ang magiging proteksyon mo laban sa Mayor, huwag mo na sayangin ang pagkakataon." Napapikit si Vanna, pilit pinipigilan ang pag-iyak. “Paano kung hindi pa sapat 'yung nararamdaman niya para sa'kin? Paano

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status