แชร์

Chapter 17: I think, I like you

ผู้เขียน: AVA NAH
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-03-14 23:59:16

SABOG ang buhok, nakasimangot at nakapikit nang maglakad si Halina. Hindi niya alam kung anong oras na pero parang madilim pa. Iyon ang nakita niya nang tumingin sa pader niyang gawa sa glass. Hinawi niya kanina ang kurtina niya kaya kita ang labas.

Akmang bubuksan niya ang pintuan nang maalalang tingnan kung sino ang nasa labas.

Napakunot siya ng noo nang makita si Goddy sa labas. Muli itong pumindot kaya napailing siya.

“What do you want?” tamad na tamad na tanong niya rito nang buksan ang mic.

Ngumiti ito sa tapat ng camera sabay angat ng isang plastic.

“May ibibigay lang ako,” anito.

“Pakiiwan na lang dyan, kunin ko mamaya.”

“Karne at gulay ito. Baka mangamoy dito.”

“What? Bakit kasi may dala ka niyan? Wala naman akong sinabing dalhan mo ako, a?”

“Ikaw wala, ako meron. Kaya buksan mo na ‘to, ma’am.”

Damn! Ano bang pumasok sa isipan nito at nagdala ng kung ano-ano?

“Ang aga-aga mong mang-istorbo, Goddy!”

“Hindi naman kita maiistorbo kung kanina mo pa ako pingbuksan.”

“You know wha
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (32)
goodnovel comment avatar
Emma D
Aba Halina malunaw ka nyan.
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
thank you Author..
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Yun nman pla Halina gusto kana ni Goddy..
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 52: Meet Troy

    PAREHAS na nakatingin si Goddy at Halina sa ceiling noon. Nakahiga nga sila magkatabi pero parehasa namang ilang na ilang sa isa’t-isa. Mahigit isang oras na silang ganito. Maingay ang kabilang bahay pero mas maingay ang tibok ng puso niya. Para bang first time niyang magkaroon ng katabi na lalaki.Napalunok si Halina nang makita sa gilid ng mata niya na bumaling sa kanya.“Hannah,” anito.“Hmm,” tanging sagot niya.“Mabilis din ba ang tibok ng puso mo?”Lumunok muna siya bago sumagot. Bahala na kung nakita nito. Pero sana lang hindi.“H-hindi.”“Ows?” Binalingan niya ito saglit. Nakatingin ito sa dibdib niya kaya mabilis na tinakpan niya ng kamay.“Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Basta hindi.”Akmang babaling siya sa kaliwa nang pigilan siya nito.“S-Sir Goddy.” Bigla na lang nilapit nito ang sarili at siniil siya nang halik. Napapikit siya sa ginawa nito. Hindi man siya tumugon pero walang paki ito, patuloy lang sa ginagawa. Marahil hindi ito nakaramdam nang pag-resist mula sa

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 51: Goddy

    UMILANG lingon si Halina sa malaking bahay ni Goddy. Tulog na siguro ito dahil hindi ito sumagot nang kumatok siya. Magpapaalam lang naman sana siya. Kaya nagpadala na lang siya ng text dito. Luto na ang ulam nito sa gabi. Inagahan niya para makaalis agad siya. Balik na lang siya maya para maghugas. Nabanggit niya rin ito kay Goddy. Kailangan niya lang makabili ng regalo para kay Tessa kasi.Sa malapit na mall siya nagpahatid, gamit ang sasakyang naka-park lang malapit sa kanila. Siniguro niyang walang nakakita sa kanya bago iyon minaneho. Bagong cellphone, sapatos at dalawang pares ng damit ang binili niya. Bumili din siya ng cake na pina-deliver niya na lang dahil baka masira pa sasakyan dahil wala siyang kasama para humawak. 7:30 ng gabi siya nakabalik. Nakabalot iyon sa isang box. Pinag-isa niya para hindi malaman na marami iyon.“Ate Hannah!” masayang tawag sa kanya ni Tessa nang makita siya.“Happy birthday,” bati niya rito, sabay bigay ng box dito.“Salamat po, Ate!” Niyakap

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 50: Proposal

    NAKANGITING tinanaw ni Goddy ang papalayong si Hannah. Na-offend niya yata nang tanungin niya kung nilalagnat ito. Kung alam lang nito na ganoon din siya! Nakakabaliw na pakiramdam. Parang may sasabog na ewan kaya talagang parang lalagnatin siya. Sumasabay pa ang magulong isipan dahil sa pagkakaparehas nito at ni Halina.Paano, kapag tinitigan niya si Hannah, si Halina ang nakikita niya. Ginamitan na nga niya ng AI kung ano itsura nito kung papayat— si Halina ang inilalabas. Nag-manual manipulate na siya para papayatin ito, ganoon din ang resulta.Kaso naguguluhan siya dahil may asawa na ito. Pero nakakapagtaka lang, wala itong suot na singsing. Gusto niya sanang itanong pero nasabi na nitong may asawa. Pero hindi ba dapat laging nakasuot? Kaya naguguluhan siya sa kasambahay nila. Sa kutis din, Halina na Halina. Sa build lang talaga nagkaiba. Ilang beses na niyang naitanong sa sarili— paano kung si Halina at Hannah ay iisa lang? Masaya siya pero bakit ayaw nitong malaman niya? Takot

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 49: Do you have a fever too, Hannah?

    “M-MAG-PIPITONG taon na kaming kasal. T-tapos anim na taon naman ang anak namin,” sagot niyang nauutal pa. Sana hindi nito nahalata. “Okay.”Tumaas ang kilay niya. Hindi man lang niya nahimigan na nalungkot.“Eh, kayo po?”“Annuled.” Napatitig siya rito. “Pero hindi siya ang mahal ko. May iba akong nakarelasyon. Si Halina Hernandez.”Talagang natigilan siya sa sinabi nito. Mabuti na lang at hindi nito napansin. Nagkunwari siyang may pinulot sa daan na bato. Saka lang ito tumingin sa kanya.“Mahal na mahal ko siya, Hannah,” anitong humarap sa kanya. “Pero namatay siya. Magpi-pitong taon na rin.” Titig na titig ito sa kanya kaya nailang siya. “S-sorry po. S-sana hindi ko na po tinanong.”Natawa ito nang mahina. “Ayos lang. Ikaw nga sinagot mo ang tanong ko ng totoo, kaya sinagot lang din kita ng totoo.”Humakbang na ito kaya nagpasalamat siya. Mahirap pa namang makorner ni Goddy.“Pero alam mo ba ang ikinamatay niya?”“A-ano?”“Nahulog siya sa bangin— mali pala, sadyang hinulog siya s

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 48: Was taken aback

    HINGAL na hingal si Halina nang makapasok sa loob ng gate. Walang tricycle kaya nilakad niya. Gusto niya sanang sumakay pero talagang minalas, walang dumaan. Malayo pa naman ang terminal sa bahay nila.“Ay!” gulat pa ang dalaga nang bumungad sa kanya si Goddy. Talagang sa pintuan maghihintay?“S-sorry po. Hindi na mauulit.”“Okay. Simulan mo na lang.”“S-sige po.”Nagmadali si Halina papunta sa kusina para simulan. Pero pagdating niya doon, may nakahanda ng gulay at ang isda. May kamatis din kaya tumingin siya rito.“Marunong ka ba niyan? Sabaw lang. Parang tinola. Ganoon.” “Marunong naman po.”“Mabuti.”Sa pag-aakalang umalis na si Goddy, tuloy-tuloy lang siya sa ginagawa, pero paglingon niya, muntik na siyang mapasigaw. Prenteng nakaupo pala ito sa sa upuan. Wala ring imik kaya wala siyang ideya.“Nerbyusa ka pala.”“Ah— eh, hindi naman po. N-nagulat lang po ako. Akala ko kasi umalis ka na po.”Ngumiti si Goddy kaya napalunok si Halina. “Gutom na talaga kasi ako kaya hintayin ko

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 47: Hurry up

    PARANG pinaglalaruan si Halina ng tadhana. Kasi naman kinumpirma ni Goddy na ito ang anak ni Daniela.“K-kayo ho ba ang anak ni Ma’am Daniela?”Sunod-sunod ang bundol ng kaba sa dibdib niya dahil sa muling pagkikita na ito.Bakit si Goddy pa ang anak ni Daniela? Bakit?Napatitig sa kanya si Goddy bago tumango.“Ikaw pala ang sinasabi ni Nanay na bagong kasambahay,”“O-oho.”Tinago ni Halina sa likuran ang kamay dahil sa panginginig. Tumango-tango si Goddy sa kanya. “Goddy nga pala ang pangalan ko. Ikaw, anong pangalan mo?” kaswal na tanong niya.Tinitigan niya ang binata. Hindi ba siya nito nakikilala? Kasi dahil sa pangangatawan at klase ng pamumuhay niya?“H-Hannah po. H-Hannah Miller.”“Hannah pala ang pangalan mo.”“Opo.”Ngumiti sa kanya ang binata. “Akala ko umuuwi ka kapag ganitong oras.”“Umuuwi naman po talaga. Kaso naglaba po ako ngayon at katatapos lang po.”“Kaya pala.” Hindi man lang inalis ng binata ang ngiti sa kanya. “Sige, miryenda lang ako.”“Gusto niyo ho bang ipag

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status