Share

Chapter 2

Author: Eckolohiya23
last update Last Updated: 2023-01-29 10:48:05

TWO WEEKS LATER.

Nasa loob ng isang suite ng mamahaling hotel si Cataleya. Nakaupo siya sa couch na naroon habang nagba-browse sa social media account niya gamit ang cellphone. Nakasuot siya ng isang roba na nagtatago sa katawan niya na nakasuot ng sexy lingerie. Iyon ang gabi ng kabayaran. Suot pa rin niya ang eye glasses na iniingatan niya.

Biglang nakita niya ang account ng kakambal niyang si Claudia. May pagka-pribadong tao ang kapatid niya dahil wala itong masyadong post o picture nito. Ngayong araw ang kasal ng twin sister niya sa matagal na nitong nobyo. Katulad nito ay galing din ang napangasawa sa mayamang angkan na may malalaking negosyo.

Wala naman siyang interest na malaman pa ang ibang parte ng buhay ng kapatid. Hindi na nga niya inalam ang pangalan ng mapapangasawa nito. Alam niya na wala siyang karapatang ituring iyon na bayaw. Si Claudia nga ay mabigat ang dugo sa kanya na ituring siyang kapatid.

Ang malaking agwat ng pamumuhay nila ang humahadlang para ganap na magtagpo ang iisang dugo na nanalaytay sa kanila. Isang limitasyon na ibinigay sa tadhana nilang dalawa.

Kung nabubuhay pa marahil ang kanyang amang si Guillermo, siguro ipapamukha at magpapasalamat dito si Claudia sa ginawang pagbenta dito sa mayamang pamilya. Na hindi nagkamali ang tatay niya sa desisyon nito kapalit ang panandaliang pangtustos sa hirap ng buhay.

At siya na naiwang anak ng mga magulang niya ay kasama niyang namuhay sa kahirapan ang mga ito. Nakikisaka lang lupa ng isang mayamang pamilya sa probinsyang pinagmulan nila ang ama niya. Ang ina niyang si Corazon ay namamasukang katulong.

Ang malaking dahilan kung bakit nagpursige siya sa buhay. Pinag-aral niya ang sarili sa pagpasok sa iba’t ibang uri ng trabaho. Noong mga panahong iyon ay hindi niya alam na mayroon pala siya nawawalang kakambal na kapatid. Buong buhay niya ay akala niya ay solong anak lang siya ng mag-asawang Domingo.

Pagka-graduate niya ng college ay nagkaroon ng munting selebrasyon sa kanilang bahay. Nalasing ang tatay niya at hindi sinasadyang inamin nito ang ginawang pagbibenta sa kakambal niya noong sanggol pa sila. Ang akala ng ina niya ay namatay ang kapatid niya na naunang lumabas sa kanya.

Nagkaroon ng tensyon sa mga magulang niya noon. Salamat na lang dahil nagawa niyang pakalmahin ang sariling ina. Kinabukasan, hindi itinatwa ng ama ang sinabi nito noong nagdaang gabi.

Nalulungkot man siya sa mga nalaman pero kailangan niyang magpatuloy sa buhay. Nag-apply siya ng trabaho sa mga company sa siyudad. Sa tulong ng internet ay nagawa niya iyon. Pursigido siyang makipagsapalaran para maiahon ang pamilya niya sa kahirapan. 

Dalawang araw bago siya lumuwas ng Maynila, biglang inatake sa puso si Guillermo hanggang sa namatay ito. Hindi na niya nakausap ng ina sa huling sandali sa mundo.

Dalawang linggo pagkalibing sa ama ay nagpasya na siyang magtungo ng Maynila. Isinama na niya ang kanyang ina dahil ayaw na niyang maiwan ito sa probinsyang kinalakihan.

Hindi naging madali ang buhay para sa kanilang mag-ina sa siyudad. Matinding pagtitiis ang ginawa nila dahil sa hirap. Nahirapan siyang maghanap ng trabaho at kung saan-saan sila nanirahan dahil napalayas pa sa inupahang boarding house. Makalipas ang tatlong buwan ay natanggap na siya sa trabaho hanggang sa maging regular na empleyado. Ngunit namatay ang ina niyang si Corazon dahil sa hit and run. Nasagasaan ng isang rumaragasang sasakyan.

Nang gabi bago ito maaksidente ay nakiusap ito sa kanya na hanapin ang nawawalang kakambal kapag may pagkakataon. Hindi inaasahan ang pagtatagpo nila ni Claudia sa isang event ng company nila noon. Pareho silang nagulat noon dahil sa malaking pagkakamukha nila sa isa’t isa. At inamin na nga nito sa kanya na adopted ito ng mayamang magulang na kinagisnan. Ang marahil ay pinagbentahan ng kanyang ama dito noong sanggol pa sila.

Hindi siya nito tinanggap bilang kapatid. Nagtanim pa ito ng galit sa mga yumaong mga magulang. At ang pagkikita nilang iyon ay ipinangako ni Claudia na una at huli na.

The rest was history.

Ang pagtunong ng messaging apps sa cellphone niya ang nagpabalik sa diwa niya sa kasalukuyan. Isang mensahe mula kay Claudia ang natanggap niya. kaagad niya iyong binasa.

Be ready. On the way na kami d’yan. Alam mo na ang gagawin.

Nag-reply naman siya ng ‘okay’ sa estranged twin sister niya. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya sa couch. Nagtungo na siya sa bathroom ng suite na kinaroroonan niya.

Ito na nga ang pagsasagawa ng plano niya para sa gabing iyon.

Makalipas ang mahigit kalahating minuto, bumukas ang pinto ng bathroom. Pumasok doon ang kakambal niyang si Claudia. Napatayo siya sa paglapit nito sa kanya. Kanina pa siya nakaupo sa nakatakip na bowl.

“Kambal nga talaga tayo Cataleya, sayang nga lamang at hindi kita kayang ituring na kapatid.” Hinaplos nito ang nakalugay niyang buhok na kagaya rin nito. “Anyway, ready ka na ba?”

Tumango siya. “Matagal ko nang inihanda ang sarili ko pabor na hiningi mo sa akin kapalit ang malaking halaga. Kung hindi nga lang ako makukulong ay never kong tatanggapin ang gusto mong mangyari.”

“Sa gabing ito, isipin mo na ikaw ay ako,” walang emosyong sabi nito. “Handa kong ipaubaya sa’yo ng ilang oras ang asawa ko, basta mapatunayan ko sa kanya na ako na buo pa rin ang pagkakababae ko.”

May pagka-conservative ang napangasawa ni Claudia at lingid sa lalaki na hindi na virgin ang kapatid. Kinailangan ng kakambal niya ang tulong niya sa honeymoon ng mga ito sa gabing iyon. At ang virginity ang kapalit sa tulong na ibinigay nito sa kanya.

“Huwag kang mag-alala, after this night ay hindi mo na ako makikita pa,” saad niya. May lihim siyang inggit na nadama sa kakambal niya. Bahagi iyon ng napagkasunduan nila.

Inalis niya ang suot na salamin sa mata.Sa sumunod na sandali ay lumabas na siya ng bathroom at naiwan sa loob si Claudia. Pansamantala ay gagamapanan muna niya ang pagkatao nito. Ginaya niya kung paano maglakad ang kapatid na natutunan niya sa ginawang orientation sa kanya. 

Sa blurred na paningin niya, naaninaw na niya ang bulto napangasawa nito na nakatayo sa may paanan ng malaki at malambot na kama. Sinadya niyang hindi magsuot ng contact lense dahil ayaw niyang malinaw na makita ang mukha ng lalaking pag-aalayan niya ng sarili. Ang sobrang liwanag na nakikita niya ang nagsisilbing gabay niya. Isa siya ngayong substitute wife. Si Claudia muna siya ngayon. 

“You’re already here my wife,” anito pagkalapit niya dito. “Akala ko ay susundan na kita sa bathroom para sa love making natin.”

Mahina siyang napatawa na katono ng kay Claudia. Aral din ang intonasyon niya sa pagsasalita. “Ikaw talaga hon, pasensya na kung natagalan ako. Ikaw kasi ang una at huling lalaki na pag-aalayan ko ng sarili ko, kaya pinaghandaan ko. Pasensya na kung natagalan ako.”

Mahina itong napatawa. Halatang napaniwala niya ito na siya si Claudia. Hindi man niya malinaw na napagmamasdan ang asawa ng kapatid pero alam niya na may taglay na  kakisigan at katikasan ito. May kung anong kakaibang init ang nabuhay sa katawan niya sa isiping iyon.

Bahagya pa siyang nagulat nang biglang hapitin nito sa baywang niya. Lalo pang nagkadaiti ang kanilang mga katawan. Sa una’y nagtama ang kanilang mga mata hanggang sa naglapat naman ang kanilang mga labi. Unang pagkakataon na maranasan niya ang isang marubdod at maalab na halik.

Sa mga turo ng kakambal niya ay sinunod niya ang pagtugon sa mainit na halik na asawa nito. Umangla ang mga kamay niya sa batok ng lalaki. Naramdaman na lang niya ang pag-angat ng katawan niya sa ere. Namalayan na lang niya na pinangko siya nito saka marahan siyang ibinaba sa kama.

Iyon na nga ang honeymoon kung saan ay isa siyang substitute wife na kanyang kakambal. Ang kabayaran sa ginawang pagtulong sa kanya ng kapatid.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Acaly JEan D Garci
kpit nlng cataleya
goodnovel comment avatar
Eulyn Kris Rubillete
slmat author
goodnovel comment avatar
Bascon Reyes Pasumala Leen
Ang Sama mo Claudia nagawa mo yan sa sarili mong kapatid
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • IKAW SA AKING MGA KAMAY   THE FINALE

    TUMIGIL ang van sa compound na nasa labas ng Metro Manila. Mula sa nasabing sasakyan ay sapilitang ibinaba ang dinukot na mag-asawa. May nakasaklob na sako sa mga ulo nito. Bumaba na rin ang mga goon saka pakaladkad na ipinasok ang mga bihag sa loob ng isang lumang bodega. Papakalat na ang dilim sa buong paligid.Sa loob ng bodega ay may dalawang upuang kahoy kung saan iniupo sina Lukas at Cataleya. Nagpapalag ang dalawa pero walang silang magawa para makatakas. Nakatali ang kanilang mga kamay at panibagong tali pa ang ginawa sa kanilang mga katawan sa kanilang kinauupuan.“Welcome,my dear Lukas at Cataleya,” anang ng isang boses na babae na may pagbubunyi ang tono.Kasabay n’on ay ang pagtanggal ng nakasaklob na sako sa kanilang mga ulo. Hindi makapaniwala si Lukas sa mukha ng taong nagpadukot sa kanila. “M-Mama Matilde, kayo ang may kagagawan nito?”Si Cataleya naman ay maang nakatingin sa may katandaan ng babae. Halatang may ginagamit para mapigilan ang pagkulubot ng mukha. Hindi n

  • IKAW SA AKING MGA KAMAY   Chapter 100

    "I admit Cataleya, iniwan nga kita noon dahil sa pagkagalit ko sa'yo," walang emosyong pag-amin ni Lukas. Nagtagis ang bagang nito pero sa kislap ng mga mata ay naroon ang pagka-guilt. "Inisip ko na niloko mo ako, dahil nalaman ko ng gabing iyon na ikaw pala ang kakambal ng namatay kong asawa.""At k-kailan nangyari iyon?" Kumabog ang dibdib niya sa walang kalinawang dahilan. Pakiramdam niya ay mas lalo pang nahiwa ang puso niya.Kagaya ng nitong nakaraang araw, wala siyang maapuhap sa alaala niya."It was three years ago, nang i- invite tayo ng father ko sa mansyon for a dinner date. Gusto ka nilang makilala," pagpapatuloy ni Lukas. "Pero malaki ang pagka-disgusto sa'yo ng Mama Matilde. Siya ang nagsiwalat ng pagkatao mo kasabwat ang dating secretary ng kakambal mo."Marahan siyang napatango ngunit may isang particular na emosyon ang nagnanais kumawala sa dibdib niya. Her temporary memory loss prevented her from fully bursting out."Iyong totoo Lukas, until now ay galit ka pa rin ba

  • IKAW SA AKING MGA KAMAY   Chapter 99

    "KANINONG bahay ito Lukas?" tanong ni Cataleya sa nagpakilalang asawa niya. Kabababa lang nila sa sasakyan at nasa harap sila ng dalawang palapag na bahay na tabing-dagat. "Ang ganda namam ng view dito."Sumalubong sa paningin ang tanawin ng dagat na kung saan ay may natatanaw siyang tila maliliit na isla.Nilingon siya ni Lukas, karga nito ang dalawa sa triplet na parehong nakatulog sa mahabang byahe. "Bahay mo ito my dear wife."Namanghang nanlaki ang mata niya. "Wow talaga, sa akin talaga ang bahay na ito.""Oo, dito ka tumira noong nag-stay ka pa dito sa El Nido," sagot ni Lukas. "Anyway, pumasok na muna tayo sa loob at para madala sa kwarto ang mga anak natin."Marahan siyang tumango at napasunod na lang sa muling paglakad ng asawa. Humahanga siya sa magandang interior ng bahay na pag-aari niya daw. Dulot ng amnesia niya ay hindi niya maalala ang pagiging bahagi n'on sa buhay niya.Isang kuwarto ang binuksan ni Lukas at nanatiling nakasunod siya dito. Marahan nitong inihiga sa ka

  • IKAW SA AKING MGA KAMAY   Chapter 98

    NAGISING siya ng umagang iyon na pakiramdam niya ay malakas na siya. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa malambot na kama. Nakasanayan na ng mga mata niya ang kinaroroonan niyang apat na sulok ng silid, ang madalas niyang makamulatan sa bawat umaga.Isang malaking tanong sa kanya kung nasaan siyang lugar. Humakbang siya palabas silid. Marahan niyang pinihit ang seradura para ganap na siyang makalabas.Hindi pamilyar sa kanya ang pasilyo na nabungaran niya. malinis, maaliwalas at maalwan ang bahaging iyon ng kabahayan. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad.Natagpuan niya ang sarili na bumababa sa grand staircase. Indikasyon na naroon siya sa isang mansion. Pero ang tanong, kaninong bahay ang kinaroroonan niya?“Gising ka na pala, ahm okay na ba pakiramdam mo?” Salubong sa kanya ng isang matangkad at gwapong lalaki pagkababa niya ng hagdan. Kita niya ang concern sa mukha nito.Tumango siya pero kinikilala pa rin niya ang itsura nito. “Ayos naman ang pakiramdam ko. Teka, s-sino ka ba?”“Ak

  • IKAW SA AKING MGA KAMAY   Chapter 97

    CATALEYA gently stroked him. Tila may nakikipaglaban sa mahigpit niyang pagkakapit niya sa isang bagay nasa loob ng short ni Lukas. Biglang napahiwalay ang labi ng asawa sa kanya at napaungol ito sa bawat paghagod ng kamay niya sa ebidensya ng pagiging lalaki nito. Naroong nakagat pa nito ang sariling labi.“You’re making me crazy,” anas ni Lukas saka naipikit pa nito ang mga mata. Nanatiling pa ring nakaupo ito.Lihim naman siyang nangiti dahil nagawa niyang paligayahin ang asawa sa kanyang mga kamay. Lalo pa ito naging hot sa mga mata niya dahil nakikita niyang reaksyon ng gwapong mukha nito.Lalo pa niyang itinodo ang ginagawa niya. Ayaw niyang maputol ang mainit na sandaling iyon. She loves every inch of him.Maging si Lukas ay hindi na rin nakapagpigil sa matinding init na lumuukob dito. Marahan nitong inalis ang kamay niya na nasa loob ng shot nito. Naramdaman niya ang pag-angat ng katawan niya sa ere at saka niya namalayan na pangko na siya ng asawa.Iniangkla niya ang magkasug

  • IKAW SA AKING MGA KAMAY   Chapter 96

    “MAY kailangan ka ba sa akin Lukas?” tanong ni Cataleya sa asawa nang mabungaran niya ito sa mini-bar ng bahay nito. Prente itong nakaupo sa isang round table na kanugnog ng ipinasadyang table. Naka-display ang mga mamahaling alak at iba’t ibang uri ng kopita. A sign of luxurious living.Nilagok muna nito ang lamang alak ng hawak na kopita saka tumingin sa gawi niya. “May gusto lang akong sabihin about sa nangyari kanina sa mansion. Take a seat first.”Medyo kinakabahan na naupo siya sa upuang itinuro nito na malapit lang sa pwesto nito. Sinikap niya na maging kalmado. “I’m sorry kung naging rude o nawalan ako ng galang sa Mama Matilde mo.”Hindi kaagad ito tumugon bagkus ay kumuha pa ito ng isang kopita. Ipinatong sa mismong tapat niya saka sinalinan iyon ng vodka. “It’s not what I mean my dear wife. Ang totoo n’yan ay napahanga mo pa ako sa ginawa mo kanina. Hindi ko inaasahan iyon lalo na ang DNA result.”My dear wife. Tila musika iyon sa pandinig niya na kinasabikang marinig ng pu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status