NAWALA ang nadaramang pagod ni Cataleyah pagkapasok niya sa loob ng kanyang writing room. Kaagad siyang naupo sa harap ng kanyang personal computer na binuhay na niya. Mamaya na siya kakain ng dinner at uunahin muna niya ang pagsusulat.Madami siyang tinapos na trabaho sa hotel at resort at halos ma-drain ang energy niya. Dulot ng ininom niyang coffee ay nakapag-recharge siyang muli ng energy. Mga ilang sandali pa, kaharap na niya ang ongoing story niya sa isang platform sa internet. Binasa muna niya ang mga comment sa last updated chapter na ni-upload niya kahapon.Minsan pa siyang nagpalamon sa ikalawang mundo niya. Ang kanyang lihim na katauhan bilang isang manunulat.“Kung kayo excited sa mangyayari kay Von at Amarah, paano pa kaya ako na writer?” napalakas niyang sabi sa sarili. Para bang may kausap talaga siya. “Kumalma lang kayo at tatapusin ko ang pagkabitin ninyo sa aking story.”Bumuntong-hininga siya sa harap ng monitor. Isusulat na kasi niya ang love scene ng kanyang mga c
“IKAW ba talaga ang minana kong secretary?” mariing tanong ng bagong boss kay Cataleya. Pauyam ang mga tingin nito sa dalaga. “Unattentive at wala sa focus.”Mabilis niyang hinamig ang sarili sa sandaling iyon. Diretso siyang tumingin sa mukha ni Lukas. “I’m s-sorry Sir, medyo kinikilatis ko lang kayo as my new boss.”Kulang na lang ay mapapikit siya sa alam niyang sablay niyang dahilan. Masyado kasi nitong nawindang ang buong pagkatao niya. Kailangan na lang niyang panindigan ang mga sinabi niya.Nakita niya ang pag-alis nito sa likod ng executive table nito at lumakad patungo sa harap niya. Hanggang balikat siya nito dahil taglay na katangkaran. Pinagsalikop nito ang mga braso habang nanunuri ang mga tingin. “Late ka na nga Miss Domingo, pero nakuha mo pa akong kilatisin. Hindi ba dapat ako ang gumawa n’yan sa’yo.”Lukas Adriatico was handsome as hell. Sa mga simpleng kilos nito ay mababasa ang dinadalang authority. Malayong-malayo ito sa namayapa niyang boss. At isang malaking adju
SAGLIT na tumigil sa paglakad si Cataleya pagkababa niya ng unang palapag. Galing lang naman siya sa ika-apat na palapag ng second building ng hotel. Bale nasa anim na department ang pinuntahan niya. ngayon lang siya sa nakadama ng matinding pagkapagod sa trabaho niya. Pinunasan niya ang pawis na naglitawan sa mukha niya. Napansin niya na magtatanghaling tapat na, kung kaya kumakalam na ang sikmura niya sa gutom.Sa isip niya ay pinapagalitan niya ang bagong boss niya. Doon niya inilalabas ang panggigil dito. Maling-mali na ginawa niya itong visual peg sa male character niya. Ibang-iba it okay Von.Ewan ko ba sa’yo Mr. Lukas Adriatico. Parang wala kang pakialam sa nararamdaman ng mga empleyado mo.Humakbang na siyang muli para bumalik na sa opisina niya. Humupa naman na ang nadarama niyang pagkapagod ng katawan. Naroon pa rin ang lihim niyang pagkastigo sa isip niya sa bagong boss.Sa sumunod na pagkhakbang ng paa niya, bigla iyong nawala sa pagkakaapak sa sementong daan. May malakas
“GANYAN ka ba talaga kalupit Sir Adriatico?” nakapameywang na tanong niya sa bagong boss. Isang pambihirang lakas ng loob ang sumanib sa kanya. Hangga’t maaari ay ayaw niyang may naagrabyadong maliliit na tao lalo at katrabaho niya. Alam niya ang pakiramdam ng mga nagprotestang empleyado ng resort. Masakit para sa mga ito ang mawalan ng trabaho.Hinarap siya ni Lukas, hindi na kinabakasan ng pagkagulat ang mukha nito. isang nang-uuyam na ngisi ang kumintal sa labi nito. “Ibang klase ka talaga aking secretary. Kanino ba ang loyalty mo huh, sa akin na boss mo o sa mga pasaway na empleyadong tinaggal ko?”Samu’t saring reaksyon ang makikita sa mukha ng buong empleyado na naroroon sa hall. Lalo pang umugong ang bulungan sa paligid. Lahat ay naghihintay sa susunod na mangyayari.“Wala kang awa Sir, sana inisip mo ang maapektuhang pamilya na pinapakain nila.” Kulang na lang ay magpakawala ng mumunting punyal ang labi niya patungo sa binatang boss. “Palibhasa kasi ay hindi ka lumaki sa hir
BIGLANG hinawakan siya ni Lukas sa dulo ng baba niya. Iniangat pa nito iyon para lalong magtama ang kanilang mga mata. May pagbabanta sa titig nito sa kanya. “Feel free to leave this office now Miss Domingo. At huwag mong pagsisihan ang pag-alis mo sa akin bilang secretary ko.”Pagalit niyang tinabig ang kamay nitong nakahawak sa kanya. Muli siyang nakadistansya muli dito. “Alam mo Mr. Adriatico, ang gulo mo ring kausap ano? ‘Di ba ayaw mong empleyado na hindi epektibo sa trabaho? So, heto na nga, kusa na akong magri-resign.”“Nasabi ko na ang dahilan ko sa’yo.” Naisuklay nito ang kamay sa wavy hair nito. “Besides may freedom ka naman magdecide, but be ready for the consequences of your action.”Umiling-iling siya na hindi makapaniwala. Napapasuko na siya sa bagong boss pero ayaw niyang ipakita dito ang pagkatalo niya. bumalik siya sa table niya saka prenteng naupo sa swivel chair niya. katulad niya, hindi rin magpapatalo sa argumento si Lukas.Tila naaliw na pinanood siya ni Lukas sa
HINDI niya inaasahan niya ang paglapit sa kanila ni Lukas. Masama pa rin ang tingin nito sa kanya. pakiramdam ni Cataleya ay may nagawa na naman siyang kasalanan. Wala nga lang siyang ideya kung ano iyon.“Andito ka na pala Buddy,” sabi ni Brian pagkakita sa binata. Halatang kakilala nito si Lukas. Nabitawan nito ang kamay niya para makipagkamay sa bagong dating.Pero hindi ito masyadong pinansin ni Lukas. Nilabanan niya ang kaba nang balingan siyang muli ng binatang boss. Naroon pa rin ang panlilisik sa mga mata nito. “Sumama ka sa akin Miss Domingo, now!”Napapitlag siya nang mahigpit siyang hawakan ni Lukas sa braso niya. Lumakad itong muli kung kaya awtomatikong napasunod ang katawan niya. Sinikap niyang patatagin ang balanse dahil nakakaladkad siya sa mga sandaling iyon. Napapatingin sa kanila ang ibang guest doon sa bar.Nagpuyos na naman ang damdamin niya. Balewala kasi kay Lukas kung mapahiya man siya sa maraming tao. Kahit yata sa maraming tao. Namalayan niya na nakalabas sil
“SIMPLE lang Frenny, i-adapt mo na mismo si Lukas sa character mo d’yan sa story mo,” suggestion ni Ria. Nangislap ang mga mata nito dahil sa pagpasok ng nasabing idea. “Sayang kasi ang story mong ito kung hindi mo itutuloy.”Napataas ang kilay ni Cataleya. “Paano ko pa gagagwin ‘yun aber? Ang layo ng ugali ni Von kay Lukas. Halos siya ang dream guy ng karamihan na sweet, caring at gwapo.”“Parang kang ‘di writer!” Pinalo siya ng kaibigan sa balikat. “Tutal, wala pa namang ten chapeter, gawan mo ng isang pangyayari na pwedeng mabago ang male lead mo. Baguhin mo ang back story ni Von.”“Baka naman magalit sa akin ang mga reader ko n’yan,” medyo worried niyang sabi. “At hindi na umangata ang reads.”“Alam mo base sa sinabi mo sa akin about d’yan sa bagong boss mo, ramdam ko magki-click pa rin siya sa readers mo. Mga ganoong male lead na tulad ni Lukas ang kadalasang pumapasok sa trending list. Dagdag, appeal kasi ‘yun sa ating mga babae.”“Naku, sa’yo lang may appeal ‘yun frenny.” Humal
NARAMDAMAN ni Cataleya ang pagbaba sa katawan niya ng sinumang bumuhat sa kanya. Naramdaman niya ang pagtapak ng tsinelas na suot sa buhanginan. Pumatlang ang isang katahimikan hanggang sa may lumapit muli sa kanya. May mga kamay na kusang nagsuot ng eye glass niya sa mata. Luminaw na muli ang tingin niya sa paligid.“Okay na po ba ulit kayo Miss?”Awtomatiko siyang napalingon sa may-ari ng tinig na iyon. Nakita niya ang isang lalaking mataas ng isang pulgada sa kanya at may kapayatan ang katawan nito. Tumango siya nang makilala ito. “Romeo ikaw pala ‘yan, ikaw ba ang bumuhat sa akin p-papunta dito sa may gate ng bahay?”“Opo Ma’am Cat,” anito na parang nahiya sa ginawa. “Pasensya na po kung binuhat ko kayo. Ayoko na po kasing mahirapan kayo sa paglalakad dahil alam kong labo po mata ninyo.”“Sana nagsalita ka man lang, ayan nabigatan ka pa sa akin,” nangingiting sabi niya. Kilala niya ang lalaki, anak ito ng kapit-bahay niyang si Aling Trining. Magkasunuran lang ang munting bahay ng