Michelle's POV
Sign or leave it... Iyon lamang ba talaga ang choices na maari kong pagpilian? Either sa dalawa ay wala akong gustong gawin. Hindi ko rin pakikinabangan. Ako pa rin ang talo. Hindi ko gustong idiborsyo agad ako ni Lucas. Dahil alam ko, babalik siya agad kay Olivia kapag nagkataon na pinagbigyan ko siya. "Three years! Iyan lang ang maibibjmigay ko para sa atin bilang kasal..." muling umalingawngaw sa pandinig ko ang boses ni Lucas. Pinigilan ko ang mga luha ko habang nakatitig sa dokumento. Pilit kong inaalisa ang bawat nilalaman niyon. Pero hindi agad napoproseso sa utak ko ang lahat. "Sign it!" muling utos niya. Nagulat ako nang may ballpen na nakalahad sa harapan ko. Tumingala ako at nakasalubong ng mga mata ko ang mga mata ni Lucas na siyang nag-aabot sa akin ng ballpen na iyon. "I...I have one condition," nagawa kong sabihin. Sa nilalaman ng dokumento ay talong talo ako. Kaya hindi ko hahayaang mabalewala lang lahat ng ginawa ko. I will not give up so easily. I will give it a shot. Kinuha ko ang ballpen na iniaabot niya sa akin. Imbes na pumirma ay nagsulat ako sa ibaba ng mga kondisyon na nilagay niya doon. Pagkatapos ay pinulot ko iyon at ibinigay sa kanya. Kunot ang noo niulya nang basahin ang nilalaman ng sinulat ko. At batay sa bigla niyang pagbaling sa akin na nanlilisik ang mga mata ay alam kong labis na ginalit ko siya at hindi iyon nagustuhan. "This is ridiculous!" singhal niya. Nakakatakot siya. Kanina pa nangangatog ang mga tuhod ko. Nilakasan ko laman ang loob kong harapin talaga siya. "You want our marriage to be a secret? Okay. Walang problema iyon sa akin. Kaya kong magkunwari. We can do whatever we want to na hindi pinapakialaman ang isa't isa? Call!" nagtatapang tapangan ako sa harap niya. Tumayo ako at ngayon ay magkaharap na kami. Tumingala ako para hulihin ang mga mata niya. "Gusto mong kasal lang tayo ng tatlong taon? Sige, papayag ako. Marami ang kondisyon mo, Luk—. " Napalunok ako. Ayaw niya palang tinatawag ko siya sa pangalan na iyon. "Lucas, iisa lang ang kondisyon na nilagay ko diyan. Take or leave it." Tinalikuran ko sjya at humakbang ako paalis. Pero nang malapit na ako sa pinto ay tumigil na muli ako. "Huwag mo din akong gawin tanga, Lucas. Hindi mo ako basta-basta maididiborsyo na wala akong pirma..."sabi ko na hindi siya nililingon. Pagkatapos ay tuluyan na akong umalis. Hindi siya binigyan ng pagkakataong makapag isip at kontrahin ang sinulat ko roon. Naghihina ang pakiramdam ko pagdating sa aming bahay. Pagkatapos kong manggaling sa opisina ni Lucas ay wala na akong gana sa lahat. Ni hindi ko nga nagawang kumain ng tanghalian kahit inaaya ako ng mga ka-trabaho ko. "O, Mich, nandito ka na pala, tamang-tama, pakilinia at pakiayos mo nga ang kuwarto ni Olivia. Mamaya ay uuwi na siya," salubong na utos ni Mama sa akin. Papanhik ako at siya ay pababa na ng hagdan. "Saan po kayo pupunta?" natanong ko nang makita siyang nakapustura. Nakaayos ang buhok niya at naka-make up pa. Mukhang bago rin ang kanyang damit. Tinaasan niya ako ng kilay. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Susunduin namin si Olivia." Mas nangunot ang noo ko. Pero agad kong iniiwas kay mama ang mukha ko. Pagalitan pa ako kapag nakita ang hilatsa ng mukha ko. Susundo? Susundo lang siya ay nakapustura pa talaga? Hospital lang ang pupuntahan hindi party. O baka naman magpa-party talaga siya dahil uuwi na ang mahal niyang anak. Naglakad ako para lagpasan na siya. Ngunit mabilis niyang nahawakan ang braso ko nang magtabi kami sa hagdan. Ang mahahabang kuko niya ay bumaon bahagya sa balat ko. Napalingon ako sa kanya. "Narinig mo ba ang sinabi ko, Mich?" "Ho?" Saan ba sa sinabi ni Mama? "Sabi ko linisan mo ang kuwarto ng kapatid mo!" "Ma, pagod ako. Hindi ba kaya ni Nanay Susan?" Mas humigpit ang pagkakahawak ni Mama sa braso ko. Tinaasan pa niya ako ng kilay. "Mag-isa na lang ni Susan dito. Magluluto pa siya ng handa sa pagbabalik ni Olivia. Iisa na nga lang ang ipinapagawa ko sa iyo nagrereklamo ka pa! Aba, Mich, wala kang naitutulong dito sa bahay ha!" litanya ni Mama. Bumuntong hininga ako. Paulit-ulit din lang naman ang sinasabi ni Mama tungkol sa pagiging wala kong silbi sa bahay. "Kung matapos mo ang kuwarto, tulungan mo si Susan. Darating din kasi si Lucas, ang fiancee ng kapatid mo..." Bigla siyang nabuhayan nang marinig ang pangalan ng lalaki. Pero agad din naman nanlumo dahil hindi naman siya pupunta sa bahay bilang asawa ko kundi bilang fiancee ng kapatid ko. "Sige na, aalis na kami," aniya ni Mama. Napahaplos ako sa braso ko nang bitiwan niya iyon. "Ano pa tinutunganga-tunganga mo riyan, ha?" "Sige ma. Ingat po kayo," sabi ko na lamang. Ipinagpatuloy ko ang pagpanhik sa kuwarto ko. Pagdating sa kuwarto ko ay napahiga ako sa kama ko kahit naka-uniform pa. Pagod na pagod talaga ang pakiramdam ko. Ni hindi ko magawang nagpalit ng damit. Tumagilid ako at napatitig na lang sa dingding habang hindi ko mapigilang mapaluha. I am not self pitying just to justify what I am feeling. Pero pakiramdam ko talaga ay hindi ako belong sa pamilya namin. Simula noong bata ako ay ganito na ang trato nila sa akin. I am an outcast. Saka lang nila ako mahal at kinagigiliwan kapag may nakaharap na ibang tao. Lalo na si Mama. Ginawa ko naman ang lahat for her to like me. Kahit sabihin na hindi ko naman talaga siya tunay na ina. Pinalaki niya ako. Siya ang tumayong ina ko habang lumalaki ako. Si Papa kasi ay laging wala dahil sa negosyo. Niyakap ko ang aking sarili habang hindi mapigilang mapahikbi. Ang bigat ng dibdib ko. Wala ako ni isang kakampi. Maging ang tunay kong ama ay hindi ako ang kinakampihan. Lalo na noong ma-engaged sina Lucas at Olivia. He saw a big opportunity, kapag nga naman nakasal si Olivia kay Lucas, matutulungan siya ng future son in law niya sa negosyo. Ako kaya, kapag ba nalaman niyang ako ang ikinasal kay Lucas, magiging proud kaya siya sa akin? "Chelle, nariyan ka ba sa loob?" sunod-sunod na katok ang narinig ko mula sa labas kasabay ng pagtawag ni Nanay Susan sa pangalan ko. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at bumangon. Nga pala, kailangan ni Nanay Susan ng kasama. Lalo at mag-isa na lamang siya na katulong sa aming bahay . Wala akong alam sa nangyayari. Ayaw nilang sabihin sa akin pero isa-isa nilang pinagtatanggal ang mga katulong sa bahay. Si Nanay Susan na lamang ang talagang natira dahil siya ang pinakamatagal na naninilbihan sa pamilya namin. "Nay, magbibihis lamang po ako," ika ko nang mapagbuksan siya. "Mukhang pagod ka. Magpahinga ka na lamang. Ako na ang bahalang maglinis sa kuwarto ni Olivia," sagot niya sa sinabi ko. Umiling ako. Matanda na rin si Nanay Susan para hayaan kong siya lahat ang gumawa. "Tutulong ako, Nay. Saka na tayo magpahinga pagkatapos nating matapos ang lahat," sabi kong pilit na ngumiti. Alam kong nag-aalala siya sa akin kaya naman ang ngiti sa mga labi ko ang paraan para pawiin ang pag-aalala niya. "Oh, siya. Sinabi mo eh. Kailangan na natin kumilos." "Opo, sususod na po ako," sabi ko bago ko isara ang pinto. Muli akong huminga ng malalim. Pilit kong sinasabi sa sarili kong magiging maayos din ang lagay ko. 'Paanong magiging maayos ang lagay mo kung may ginawa kang kasalanan' Biglang kastigo ng kunsensiya ko. Ipinilig ko ang aking ulo. Wala akong kasalanan na nagawa. I did what I did for love. Maintindihan din ako ng lahat. Maiintindihan din ako ni Lucas, sa tamang panahon. Kapag ready na akong sabihin kung bakit nagawa ko iyon. It's not only because I love him. There's something more...Michelle's Point of ViewI was so weak that Emman didn't allow me to go home. He wants me to stay the whole night. Just to monitor me. Dahil wala akong lakas, hindi ko na nagawang ipagpilitan ang kagustuhan kong umuwi dahil sa pagdating ni Lucas."Some days are fine. Some are going to be hell for you. It won't be easy, but I'm here for you. Handa kitang tulungan, Michelle."Those are comforting words from Emman. Nakikita ko ang sobrang pag-aalala niya para sa akin. Nakatagpo na naman ako ng taong nagpapahalaga sa akin. Isang kaibigan na alam kong pinadala ng langit dahil sa kalagayan na kahaharapin ko. Maybe His way of making up with the struggles his giving me since I was born. Wala na yata Siyang ginawang tama sa buhay ko. Ako lagi ang talo. Ako lagi ang kawawa sa mga nagaganap sa buhay ko. Though it's my choice. Or because I don't have any choice kahit gustuhin kong kumawala.Ngunit alam kong may kalakip na pagdurusa ang pagdating na muli ni Emman sa buhay ko.Dahil ang kaibigan
Lucas Point of ViewOlivia was still not feeling well, and I needed to go home because of a job related reason. Hindi ko puwedeng ipaubaya na lang kay Robert ang lahat lalo na at may importante kaming proyekto na ginagawa. We are acquiring some businesses as well. Isa na roon ang business na nilugi ng ama nila Michelle at Olivia."Lucas..." Napalingon ako kay Olivia nang lumapit siya sa akin. Nasa balkonahe ako at nakatingin sa labas. She hugged me from my back. Ipinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko. "Are you really going home tonight?" tanong niya sa akin sa malambing na boses. Naramdaman kong dumampi ang labi niya sa leeg ko."Yeah," tipid kong sagot. Hinayaan siyang yakapin ako habang nakatanaw pa rin sa malayo."Can you not stay a little longer?" May pagsusumamo sa boses niya. I was stunned a little bit. Dati kasi ay hinahayaan niya ako at hindi kailanman pinipigilan. Ngayon lamang siya nagsumamong mag-stay ako at huwag munang umuwi."I need to go home..." sabi kong hin
Michelle's Point of View"Michelle buti napadalaw ka," masayang bati sa akin ni Nanay Susan. Yumakap ako sa kanya. Halos isang buwan din na hindi ako nakadalaw sa kanila. Mula noong insidente sa picture na na-upload tungkol kay Lucas ay hindi muna ako pinayagan ni Lucas lumabas. Maging noong umalis sila Sonia at Ethan ay hindi ko sila nagawang maihatid at makapagpaalam man lamang."Mag-isa po yata kayo?" tanong ko nang makitang wala si Lea. "Nasaan po si Lea?""Naku, umuwi muna sa kanila at nagkaproblema daw sa kapatid niyang pakialamera at masyadong nagmamarunong sa buhay. Ayon at pinoperwisyo daw ang nanay nila..."Natawa ako kay Nanay Susan. Masyado siyang kampanteng ikuwento ang buhay ni Lea sa akin. Siguro dahil nga mag-isa siya at walang makausap."Bakit daw po?" At ako naman ay isa ding 'marites' na napatanong na lang. Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako paupo sa sofa. Nagsimula na siyang kuwentuhan ako. "Si Ning-Ning na kapatid niya. Nakapag-asawa iyon ng may kaya. Ngay
Lucas Point of View You are a asṣhòle Lucas. Make up your mind!Those words are torturing me right now. My anger was above my head. Parang bulkan na gusto ko ng pumutok. Kung wala lang ako rito ngayon, baka nagwala na ako. Kumuyom ang kamao ko at naipukpok iyon sa hawakan sa balkonahe na nagsisilbing harang. Ilang beses din na naipukpok ko iyon at hindi inalinta ang sakit na dulot ng pagpukpok ko. Namula ang kamay ko pero wala akong pakialam. Mas nangibabaw ang galit sa sistema ko. Michelle! Talagang ginagalit mo ako!I was about to dial and call Robert when..."Luke..."Napatingin ako sa nagsalita. I saw Olivia, balot siya ng roba at kagagaling lamang sa loob ng kanyang kuwarto. She looks better now after the bath. Lumapit ako sa kanya. Hindi siya puwedeng lumabas at mahanginan bigla. Sinara ko ang sliding door papunta sa balkonahe at hinila siya sa loob ng kuwarto niya.Niyakap niya ako nang magkalapit na kami. Sa una ay napatda ako. But then my hands slowly hugged her also. Pil
Lucas Point of ViewIt was a tiring and long flight. Pero pagkababa ko, parang biglang nabuhayan ang loob ko. It was a surprised visit. Alam kong nararamdaman na ni Olivia ang biglang pagbabago sa relasyon namin. And I don't want her to do something kapag nalaman niyang paparoon ako para magkausap kami.Sa totoo lang, wala pa akong desisyon na nabubuo. Naiipit pa rin ako whether to break or make it. I'll know once I face her. Nagcheck in ako sa hotel bago pumunta sa bahay na tinutuluyan nila Olivia. Bagaman pag-aari ko iyon, ayaw kong doon tumira sa loob ng dalawang araw. Wala pa akong desisyon at hindi dapat maapektuhan anuman ang meron siya ngayon. I still want her to succeed in life. That is how she's important to me.Hindi pa man nakakapahinga ay agad akong pumunta sa bahay kung nasaan si Olivia."Lucas! Oh my God. Buti at narito ka..."Pagbukas pa lamang ng pinto ay agad na bungad iyon sa akin ni Mrs. Asuncion. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Napakunot noo ako dahil sa itsu
Michelle's Point of View Nagulat ako nang pagpasok namin ay may mga bumati sa amin na mga katulong. Mga apat siguro ang mga iyon. Pagkatapos ay mabilis silang nagsialisan na parang napapaso. Lalo na noong nakasunod na sa amin si Emman. Mga nagsiyuko. Bumaling ang tingin ko kay Emman. Nginitian niya ako. Pero ramdam kong hindi bukal iyon sa kanya. I saw him smile before. Kakaiba ngayon maging ng ikinikilos niya. Parang napipilitan.Ewan ko. Pero mas naging mapagmatiyag ako sa aking paligid dahil sa kanila. "Maupo ka, Michelle..."untag sa akin ng Mama ni Emman. Hihila na sana ako ng mauupuan ko nang mabilis na kumilos si Emman. Siya ang humila sa isang upuan para sa akin. "Seat here, Michelle," aniya.Sumunod naman ako. Umikot siya sa akin at ipinaghila din ang kanyang ina ng mauupuan. He's being himself naman. Pero may mga pagkakataong may awkwardness talaga. Pagkatapos ay naupo siya sa upuang nakagitna sa amin ni Mrs. Vistro.Nang makaupo kami ay isa-isang inilabas ng mga katulo