"Nakunan ka? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Tanong ni Nolan.
"Para saan pa? Mas mahalaga naman sayo si Lilah kesa sa sarili mong pamilya." Malamig na saad ni Lucil. "I stopped loving you three years ago because of that incident. Napatunayan mong wala lang kwentang asawa." Dagdag pa nito. Hindi gaanong na convince si Nolan na nakunan si Lucil kaya nung umalis ang babae ay tinawagan niya ang secretary niya. "Secretary Shin, pumunta ka sa Apollo's Medical Hospital, at icheck mo ang record ni Lucil three years ago." Utos ni Nolan. "Copy sir." Sagot naman ni secretary Shin. Nung hapon ay bumalik ng office si secretary Shin at dala na ang copy ng records ni Lucil three years ago. At nakita nga doon na nakunan ito. Sising-sisi si Nolan sa nangyari. Lalo na at wala siya doon sa tabi ni Lucil nung kailangang-kailangan talaga siya nito. Tulala buong araw si Nolan sa loob ng office niya dahil dun. Hindi iyon mawala sa isipan niya. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari. Kasalanan niya kung bakit iniwan na sila ni Lucil ngayon. Tama si Lucil, wala akong kwentang asawa. Sabi ng isipan ni Nolan. Umuwi nalang sa bahay si Nolan dahil hindi rin naman siya makapag focus sa trabaho. Kumuha agad siya ng beer at ininom ito. Gusto niyang maglasing. Napapikit ito ng malasahan ang mapait na lasa nito. Hindi parin maka move on si Nolan na nakunan si Lucil nung gabing mas pinili niyang hanapin si Lilah kesa samahan itong magpunta ng hospital. Ang akala niya kasi noon ay nag iinarte lang ito. Gabi na nung umuwi galing mamalengke si manang Esther at nagulat pa ito ng makita si Nolan sa living room na nakaupo sa sahig at napapalibugan ng mga empty bottles ng beer. Umiiyak rin ito at panay sambit ng pangalan ni Lucil. "Sir, ano pong problema?" Tanong ni manang Esther. Nilingon naman siya ni Nolan. At nakita ni manang Esther na namumugto na nga ang mga mata nito at halata rin na lasing na lasing na ito. "Iniwan na kami ni Lucil at kasalanan ko kung bakit." Iyak nito saka uminom na naman ng beer. Inagaw naman ni manang Esther ang bote ng beer dahil nakakarami na ito. "Sir, tama na po iyan. Lasing na lasing na kayo." Awat ni manang Esther. Pero inagaw pabalik ni Nolan ang bote ng beer saka tinungga ito. Nanonood naman mula sa kwarto niya si Leland. Nagpasya siyang tawagan si Lilah para pumunta ito. Hindi naman nagtagal ay dumating si Lilah. Nagulat pa ito ng makita si Nolan sa ganong sitwasyon. Never niya pang nakita ito na naglasing ng ganito. "Nolan, halika na. Umakyat na tayo sa kwarto mo at ng makatulog ka na." Saad ni Lilah saka tinulungan na makatayo si Nolan. Inalalayan niya ito papunta sa kwarto nito. Nung makarating na sila sa kwarto ni Nolan ay inihiga niya ito sa kama pero dahil nakakaput sa kanya si Nolan ay natuma rin si Lilah kasama si Nolan. Nakapatong siya ngayon kay Nolan na nakapikit. Nagulat pa nga si Lilah ng magmulat ito ng mga mata at pinakatitigan siya. Maya-maya ay ngumiti ito at hinaplos ang mukha niya. "Nandito ka na." Mababakas ang mangha sa boses nito. Ngumiti naman si Lilah saka sumagot. "Siyempre naman. Matitiis ba naman kita." Saad nito. Nagulat si Lilah ng halikan siya ni Nolan pero kalanunan ay tinugon niya rin ang halik nito. "Mahal kita, Lucil." Saad nito ng maghiwalay ang mga labi nila at nawalan na ito ng malay. Natigilan si Lilah sa narinig. Agad aiyang tumayo dahil sa inis ng ma realize na pinagkamalan pala siya nitong si Lucil. Nagdadabog siyang umalis ng bahay nila Nolan dahil sa inis at selos. Maagang nagising si Lucil dahil niyuyugyug siya ni Lilo. "Hmm?" "Mommy, may tao sa labas hinahanap ka." Saad ni Lilo. Agad namang napabangon si Lucil. "Sino?" Tanong niya. Nahkibit balikat lang si Lilo. Kaya agad na bumngon si Lucil at kinuha ang walis tambo sakanagtungo sa may pintuan. Mahirap na baka masamang tao ang nasa labas. Sabi ng isip ni Lucil. Binuksan na niya ang pinto at inambahan ng hampas ang taong nasa tapat ng pintuan nila. "Sino k—" hindi natuloy ang sasbihin ni Lucil ng makita si Donovan na sinalo ang walis tambo na ipinampalo niya. Agad siyang nahiya dahil sa nangyari. "Pasensiya na. Akala ko kasi masamang tao eh." Paghingi ng paumanhin ni Lucil. "Ganito mo ba tratuhin ang lawyer na tutulong sayo?" Pagsusungit ni Donovan. "Pasensiya ka na talaga. Hindi ko sinasadya." Saad pa ni Lucil. "May muta ka pa." Natatawang saad ni Donovan. Biglang nag init ang pisngi ni Lucil dahil sa hiya at dali-daling isinara ang pinto saka nagtatakbo papuntang banyo. At totoo nga may muta pa siya. "Nakakahiya," saad nito saka naghilamos na. Hindi naman niya alam kung pagbubuksan niya pa ba ito ng pinto o hindi na dahil hiyang-hiya na talaga siya. Pero sa huli ay pinagbuksan niya parin ito ng pinto. "Ano palang ginagawa mo dito? Saka paano mo nalaman ang address ko?" Takang tanong ni Lucil. "I find ways, Lucil." Saad ni Donovan. "BDO lang?" "So ano ngang kailangan mo?" Tanong pa nito. "Gusto ko lang masigurado kong talagang gusto mong tulungan kitang ma divorce sa asawa mo at mas lalong gusto kong masigurado kung papayag ka talaga sa alok ko na kasal." "Oo nga, payag na ako. Basta ma divorce lang ako kay Nolan." "Good. So future wife, baka naman pwedi mo akong papasukin?" Natigilan si Lucil sa itinawag nito sa kanya. "Future wife?" Untag ni Donovan kay Lucil dahil napatulala ito. "Huh?" Takang tanong ni Lucil. "Sabi ko baka pwedi akong pumasok?" "Ah sure. Halika ka, pasok." Pumasok naman na si Donovan. Pero natigilan rin sa paglalakad si Donovan ng harangin siya ni Lilo na naka cross arms pa. "Sino ka? At anong ginagawa mo rito sa pamamahay namin?" Mataray na tanong ni Lilo. Natawa naman si Lucil dahil ang cute magalit ng anak niya. "You must me Lilo. Ako si tito Donovan pero soon pwedi mo na akong tawagin na daddy." Saad ni Donovan at pinantayan pa ang bata. "Bakit naman kita tatawagin na daddy eh hindi naman ikaw ang daddy ko?" Nakataas ang kilay na tanong ni Lilo. Lumingon muna si Donovan kay Lucil saka hinarap ulit si Lilo. Lumapit siya dito saka binulungan ito. "Kasi malapit na kaming ikasal ng mommy mo." Bulong ni Donovan. Nanlaki ang mata ni Lilo at napanganga pa ito sa gulat. Natawa nalang si Donovan sa naging reaction nito. Kaya ginulo nalang niya ang buhok nito. Napasimangot naman si Lilo dahil dun."Lilo, anak, lumaban ka." Umiiyak na Saad ni Lucil habang ipinapasok ng emergency room si Lilo."Misis, hanggang dito lang po kayo." Hinarang ng isang nurse sina Lucil at Donovan.Wala naman silang nagawa kundi ang maghintay nalang sa labas ng emergency room.Umiiyak at nanginginig na napaupo sa sahig si Lucil. Napatingin siya sa nanginginig niyang mga kamay na may dugo ni Lilo. Mas lalo siyang naiyak ng maalala ang duguang itsura ng anak niya.Niyakap nalang ni Donovan ang asawa para kahit papaano ay kumalma ito."Magiging okay rin si Lilo. Magdasal nalang tayo." Saad ni Donovan. Tumango naman si Lucil. Taimtim nga silang nagdasal na sana ay making mabuti ang kalagayan ni Lilo.Maya-maya ay dumating si Nolan na humahangos agad niyang itinulak si Donovan palayo at hinawakan sa magkabilang braso si Lucil at itinayo."Anong nangayri sa anak ko?!" Sigaw ni Nolan. "Bakit mo siya pinabayaang mabangga ng kotse? Anong klase kang Ina?" Dagdag pa ni Nolan. Walang nagawa si Lucil kundi ang umiy
Habang dumadaan ang mga araw ay may lumalago ang galit na nararamdaman ni Lilo kay Lucil. Napaniwala na siya sa mga kasinungalingan ni Nolan.Inis na pinatay ni Lilo ang alarm clock nung tumunog ito saka bumalik sa pagtulog. Ngayong araw ay susunduin na siya ni Lucil pero ayaw na niyang sumama dito.Maya-maya ay pumasok si Nolan sa kwarto ni Lilo para gisingin ito."Anak, bangon ka na diyan. Tumawag na ang mommy mo, susunduin ka na niya." Saad ni Nolan."I don't want to." Saad ni Lilo saka nagtalukbong ng kumot."Sir?" Napalingon si Nolan ng may tumawag sa kanya. Si Manang Esther pala."Bakit Manang?" "Nasa baba na po si madam Lucil, hinihintay si young lady." Saad ni Manang Esther. Tumango naman si Nolan."Did you heard that young lady? Nasa baba na ang mommy mo kaya bumangon ka na diyan." Padabog Naman na bumangon si Lilo saka nagtungo ng banyo para maligo."Manang, pakisabi kay Lucil na maghintay sandali dahil naliligo pa si Lilo." Utos ni Nolan."Yes, sir." Saad ni Manang Esther
Kinabukasan ay maagang si Lilo dahil sa sinag ng Araw na tumatama sa mukha niya. Kinusot niya ang mata saka bumangon. Nagtungo siya sa banyo para maghilamos at mag toothbrush. Pagkatapos ay tumakbo papunta sa kwarto ni Nolan.Nakita niya itong mahimbing pang natutulog kaya marahan niya itong ginising."Daddy, wake up." Tawag ni Lilo. Dahan-dahan namang nagmulat ng mata si Nolan at nakita ang anak."Bakit, anak?" Tanong ni Nolan."Bangon ka na po at prepare ka na ng breakfast."Nagtataka namang napatingin si Nolan sa anak. Andiyan naman kasi si manang Esther para maghanda ng breakfast nila."Go and tell Manang Esther to prepare breakfast." Utos ni Nolan pero kumunot ang noo ni Lilo saka bumusangot. Nag cros arms pa ito sa harap ng daddy niya.Naintindihan Naman agad ni Nolan ang ibig sabihin ng anak niya. Gusto nitong siya ang magluto ng breakfast para makapag bonding na rin silang mag ama."Alright, alright magluluto na ako." Saad ni Nolan saka bumangon na sa kama.Napangiti at napata
Kinagabihan ay kinauspa ni Lucil si Donovan tungkol sa pinag usapan nila ni Lilo, na dadalaw ito sa daddy at kambal niya kinabukasan."Hon, gustong dumalaw ni Lilo sa daddy at Kapatid niya at pinayagan ko Naman siya. Okay lang ba Sayo Yun?" Tanong ni Lucil habang nakahiga sila sa kama."Oo naman, daddy niya parin si Nolan at Hindi ko ipagkakait sa kanya na makasama ang totoong daddy niya at ang Kapatid niya Lalo na kung nami-miss na niya ang mga ito." Saad ni Donovan. Natuwa naman si Lucil kaya hinalikan niya sa pisngi si Donovan saka niyakap."Thanks hon." Saad nito.Pagkatapos nilang mag usap ay natulog na rin Silang dalawa.Kinabukasan ay maagang nagising si Lilo dahil super excited itong Makita ang daddy at Kapatid niya. Pumunta pa nga ito sa kwarto nila Lucil at Donovan nang 4:30 am at ginising si Lucil."Mommy, wake up." Saad ni Lilo habang niyuyugyog ang Ina."Hmmm?" Si Lucil.Nagising naman agad si Donovan ng marinig ang bosses ni Lilo."Good morning, princess, why so early?
Nakangiwing nanonood si Lilo habang naglalambingan sina Lucil at Donovan."Uhmm can you guys stop it now?" Saad ni Lilo na nagpatigil kina Lucil at Donovan."Lilo, you're still here?" Nanlalaki ang matang tanong ni Donovan."Yes.""So you see...""I've seen it all. Kaya tumigil na ho kayo kasi nandidiri na ako." Mataray na saad ni Lilo.Hindi naman makapaniwala si Lucil na ganito na magsalita ang anak niya. Para na itong teenager kung magsalita samantalang five years old palang naman ito."Titigil na. Let's go to your room now." Aya ni Lucil sa anak."How about me?" Tanong ni Donovan.Tiningnan lang siya ni Lucil saka ito ngumiti."Ayusin mo nalang yung mga pinamili ko. Thanks!" Sad nito saka umakyat na ng hagdan kasama si Lilo.Bumagsak naman ang balikat ni Donovan pero dahil gusto niyang maging mabuting asawa ay binuhat niya papuntang kitchen yung mga pinamili ni Lucil saka isa-isang inilagay sa pantry yung mga canned goods, biscuits, at pasta. Inilagay naman nito sa freezer yung mg
"Nag pa press conference kapa at ipinagkalat mo sa buong mundo na niloko ka namin ni Donovan pero ikaw, kayong dalawa naman talaga ang mga manloloko!" Sigaw ni Lucil."Hindi kita niloko." Saad ni Nolan."Mas lalo naman ako!""Kalimutan na natin ang lahat ang mahalaga ay bumalik ka na. Pinapatawad na kita." Tumaas ang kilay ni Lucil matapos marinig ang sinabi ni Nolan.Akmang sasagot na si Lucil ng matigil siya dahil sinampal ni Lilah si Nolan. Parehong nagulat sina Lucil at Nolan sa nangyari.Galit na napatingin si Nolan sa gawi ni Lila. Sobrang talim ng tingin niya dito na animoy pinapatay na niya ito. Hinawakan niy ang wrist nito saka hinila palabas ng office. Pero nakawala si Lila kaya tumakbo ito sa gawi ni Lucil saka niya ito sinabunutan."This is all your fault! Dahil sayo okay lang Nolan na nawala ang baby namin!" Sigaw ni Lilah habang sinasabunutan si Lucil.Lumaban naman pabalik si Lucil kaya nagsabunutan silang dalawa. Umawat naman si Nolan, hinila niya palayo si Lilah."Get