공유

Chapter 2

작가: Kamen Shoujo
last update 최신 업데이트: 2025-05-16 01:39:10

It was a death sentence. Indeed.

Who would’ve thought that I would get married to a stranger? 

Okay sa ‘kin na makipaglandian sa hindi ko kilala pero para isalang sa kasal ay ibang usapan na ‘yun. Tinulak ako ng isa sa mga bodyguards ni Daddy papunta sa sofa naming kulay gray. Narating namin ang mansyon na sobrang magarbo ngunit hindi ito naging tahanan para sa ‘kin.

Sumalubong sa ‘kin ang isang babaeng naka-cap pa ang buhok. Suot ang face mask sa mukha pero kita ang kulubot sa galit dahil sa ‘kin at sa nangyari sa ate ko.

“Saan mo siya nakita, Gerald?” tanong nito habang matiim na nakatingin sa ‘kin. Nakapamewang pa habang nakasuot ng pink na bathrobe.

“Sa bar, Rosanna.” Sinapo ang kanyang noo. “Naglalasing na naman ang anak mo. Nakikipaglandian!” galit na sumbong ni Daddy. Full of disappointment. 

I was always their disappointment. Katunayan, ang ate Gem ko ang ideal na anak sa kanila. She always outshines me as if she was the most beautiful, fragile and smart.

“Wala ka na bang pagbabago sa buhay, Geraldine?” malumanay na tanong ni Mommy. 

Sa kanya ako nagmana; balingkinitang katawan na kahit kumain ng marami ay hindi basta papayat, mga mapupungay na mata, maliit na ilong at maliit na labi.

“Wala na ang ate Gem mo, lumayas.” dagdag pa niya. “Kaya ikaw ang pakakasalan ng panganay na anak nina Sigyn at Loki Jensens.”

Pagak akong tumawa. “Wow. Panakip-butas ako, gano’n? Bakit hindi na lang po si Odi ang pakasalan ko? BFF ko ‘yun -”

Nagsalubong ang mata ni Mommy at Daddy, may sariling usapan na wala akong kaalam-alam. Aakmang sasagot si Mommy pero humarang si Daddy sa kanyang likuran. “Geraldine, hindi pupwede si Odin…”

“At bakit hindi?” asik ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit kay Daddy. “Anak din siya nina Tita Sigyn at Tito Loki, ah. Magkakasundo kami kaysa - pakshet naman! Ngayon ko lang nalaman na may kuya siya.” Hinatak ko ang sariling buhok hanggang sa magulo ito. 

“Geraldine, hindi pupwede si Odin…besides, he was irresponsible and carefree just like you.”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Daddy. Tama naman siya. Odin was irresponsible and a playboy. Maputi kasi, mukhang AFAM na may asul na mata at dilaw na buhok. 

“They just wanted a wife for their eldest son, Fenrir,” paliwanag pa ni Daddy. “Unfortunately, he avoided the public eye.” Make sense.

Lumapit si Mommy para hawakan ang aking kamay. “Kaya naman, Geraldine, pagbigyan mo na kami. This is the key for our booming business -”

Kumawag ako sa pagkahahawak ni Mommy. She gasped about it. “Booming business? Eh, palugi na nga ang negosyo niyo. Sabihin niyo po, gusto niyo na ‘kong pakawalan dahil wala akong kwentang anak sa inyo!”

“Geraldine!”

“Totoo naman, eh!” tiim-bagang kong sinabi sa kanila. “Atat na ba kayong mawala ako sa puder niyo? Palibhasa, si ate Gem lang ang anak niyo -”

Isang malakas na sampal ulit sa kanang kamay ang nagpabaksak sa ‘kin sa sahig. Tumakbo ako pataas ng second floor. Kahit anong tawag nila sa ‘kin, nagmistula akong bingi.

Marahas kong binuksan ang pintuan ng aking kwarto, agad akong tumalon sa aking kama. Padapa akong humiga. My mouth quivered. Tears streamed on my face until the bedsheet drenched.

**************

Para akong nakainom ng suka nang bumangon ako sa kama; eyebrows furrowed, itchy scalp out of frustration and wearing the same clothes that led me to smell like rotten fruit.

After that commotion in the bar, my memory was acting up. 

I grabbed my phone from the bedside table.

“Who the fuck are you?” iritableng tanong ng isang lalaki na mala-DJ ang boses sa kabilang linya. Gaya ko, mukha ring bagong gising.

“Fuck you ka rin, Odin! Tangina mo.” sagot ko. Yeah, I know I have a potty mouth. Walang disiplina. Bahala kayo. “Hindi ka ba sasama sa parents mo today?” I asked. 

He grunted. I heard that he was slapping something. “Hey, babe, wake up. Time to go.”

“Odi, babe, I’m still sleepy -”

“I don’t care! Get out!” sigaw ni Odin na parang demon lord. 

“Tanginang ‘yan, nag-uwi ka ba talaga ng babae sa inyo? Buti pumayag sina tita -”

“Don’t ask. Don’t tell.” maagap niyang sabi. 

Odin was one of my friends, or so called my ‘ride-or-die’ guy. We have been friends since we're kids. Mula sa pang-aalaska ng iba hanggang maging wingman ko siya sa tuwing inaasar ako sa school.

“So, ganito ang siste,” bungad ko habang pinakikinggan ang pagwawala ng isang babae sa background. “magpapakasal na ko.”

Isang malakas na ubo na tila mamatay na ang nasunod kong narinig. “Fuck. Ehek! Tangina, seryoso, Ger?”

Out of his reply, I rolled my eyes, shifted the phone to my other ear. “Makinig ka, okay? Si Ate, naglayas…”

“So?” 

Tumaas ang aking kilay sa narinig. “Gago ka ba -”

“Listen, Ger. We all know how you despise your ate. Hindi ka ba masaya na wala na siya? Your parents’ love and attention are all yours,” bored ang pagkakasabi niya kasabay ng malakas na kalabog mula saan. 

My teeth gritted. Kung kaharap ko lang ito, nasapak ko na. “Makinig ka rin, Odi,” airy ang pagkasasagot ko. “I’ll be getting married.”

Lalong lumakas ang pag-ubo na may kasamang pagdahak na. Kadiri.

“Odi, seryoso ako -”

“ - seryoso din ako, Geraldine Roxanne. Sino ang pakakasalan mo?”

Nalipat ang limelight sa ‘kin sa tanong niya. “Tanong lang, Odi. May kapatid ka ba?” I stuttered.

“Uhh…oo.”

“I-I mean…mas matanda sa ‘yo?” 

“Oo. Cut the chase, Ger. Who’s that un-lucky guy para ma-warning-an ko na.” pangungulit niya. 

Silence occurred around me. Silenced due to the bomb that Odin threw. “Kuya mo.” Isang beep ang aking narinig. He dropped the call.

Iniamba ko na ang aking kamay nang muling nanginig ang aking selpon. Nahulog ko pa sa kamay ko na agad kong nasalo saka sinagot ko. “Hello, gago, bakit mo ko binabaan -”

“Fuck! You’re going to marry my kuya?!?” eksaheradang wika niya sa kabilang line. Ang boses niya ay gising na gising, with a sarcasm.

“Tangina ka, tinanong mo ko kung sino. Nang sinabi ko kung sino, saka ka nagkakaganyan,” sikmat ko. Dumapa ako sa kama habang hawak ang phone. “A-Ano ba ang itsura no’n?”

“Pangit, Ger.” Ekis agad. “Malas mo, Ger. Pangit lahat sa kanya.”

A lightbulb appeared on my head. It was new information that Odin had a brother. Older than him. 

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Marrying the Frigid Incognito Magnate   Chapter 21

    “...you think that we also agreed to marry our adopted son to your mediocre precious daughter?”My system churned after I heard it. Ampon lang si Fenrir.“Malaki naman ang pakinabang ng ampon namin. Pinayaman niya kami…”Hindi natuloy ang sinasabi ni Tito Loki nang may nasipa akong bagay saka ito nabasag at nagkapira-piraso.Napahinto sila sa pag-uusap saka tumayo. Padungaw-dungaw ang mata kung sino ang nakikinig sa usapan nila.Yumuko ako at mabilis na naglakad na naka-all fours. I can’t afford to be caught. Para akong aso na mabilis gumapang papalayo hanggang sa marating ang staircase papunta sa kwarto namin.“Ayaw bumukas ang pinto!” I jammed the doorknob hopefully it would budge. Wala akong dalang susi. Naririnig ko ang mga yabag ng paa sa paligid. Hinahanap kung sino ang daga ang nagbasag ng vase. Muli kong sinubukan na pihitin ang doorknob ngunit wala pa rin. Napapikit ako. Umaasa na may milagro na bubukas ang pintuan ng kwarto namin. Tila nadinig ang aking panalangin — big

  • Marrying the Frigid Incognito Magnate   Chapter 20

    Back to reality. Buhat ng dumalaw kami sa sementeryo ay muling nagkulong ang aking asawang hilaw sa kwarto. Sabi niya, may importante siyang gagawin kaya ako na namang mag-isa… ulit. “Siguro na-realize niya na anak ng demonyo ang asawa niya…” himig ko sa aking sarili. Sumalampak ang kalahati ng katawan ko sa dining. Nakakailang pelikula na ko. Ilang beses ko ng nabasa ang magasin na nasa center table na lukot-lukot na. Nakakakain pa ba siya nang maayos? Binawalan nga siya ng doktor na kumain ng kahit anong processed food — lalo na ang instant noodles. Palagi ko na siya pinaglulutuan ng pagkain sa kusina niya. Aanhin ba ang kusina kung hindi naman gagamitin?“Fenrir,” ani ko habang nakatatlong katok na ko.Nagsalubong ang aking kilay nang hindi siya sumagot sa katok ko. Pinabago nga lang naman niya ang doorknob at susi kaya hindi na ko nakapuslit.Iniba ko ang tono ng pagkakatok gaya sa military clap. “Kapag hindi mo binuksan, akin na ‘to, gago!” pakanta kong sabi ngunit wala rin

  • Marrying the Frigid Incognito Magnate   Chapter 19

    Hindi pa ring mawala ang sigawan ng mga tao tungkol sa ‘kin. Mga paratang na matagal kong tinago sa kabila ng panghuhusga nila sa ‘kin.Anak ng demonyo. Walang may kagustuhan sa nangyari kay Yaya Emily. Wala rin akong muwang dahil 5 years old ako nang siya'y namatay. Nalusutan ko ang kaso dahil kulang sa ebidensya pero sarili kong pamilya ang nagpasok sa ‘kin sa isang asylum. Doon ko naranasan ang mapapait na karanasan sa loob. Walang mayaman o mahirap dahil sama-sama kami sa kwarto. May rehas pa na nakaharang sa pintuan at mga 3 bata kami doon. May rasyon din ng pagkain at may mga nars na nananamantala sa iba kong kasama.Hindi nga lang ako magalaw ng iba dahil lumalaban ako sa kanila kaya hindi na rin tinuloy ang mapang-abusong staff sa loob. 10 years old ako nang naisipan nilang ilabas ako. Inaakala ko na magbabago ang turing sa akin ng magulang ko ngunit mas nadama ko ang pagpapabaya nila sa 'kin.“Roxie.” tinawag niya ko para mawala ang mga flashbacks noong nakaraan. Napaling

  • Marrying the Frigid Incognito Magnate   Chapter 18

    Tatamae – isa itong Japanese trait na kung saan, iba ang ugali mo in public at mas lalong iba ang ugali kapag mag-isa ka na lang. Kumbaga, araw-araw ay may suot kang maskara pagdating sa pakikisalamuha sa tao. All of us have our own facade. It may be pleasant or rude to others. It attenuates that you have something to protect, or you’re hiding something on your sleeves. Normal sa tao na hindi maging bukas na libro. Minsan, kinakailangan mo ng trusted one para ibahagi ang katago-tago mong sikreto. Hindi mo alam pero maaari din na ang kaibigan na kasama mo ay isa palang matinding kaaway. Hindi ko alam pero naging magaan ang loob ko kay Fenrir. Siya ang may sakit pero siya ang todo asikaso sa ‘kin. Paglulutuan ko sana siya ng arroz caldo pero dahil naalala ko si Yaya Emily ay bigla akong napunta sa outer space. Muli ko naman siyang napilit na lumabas sa kanyang bahay. Igting ang panga at kamao habang nakatuon ang mata sa daan. “Pwede ka namang tumanggi.” sabi ko pero inismiran lang

  • Marrying the Frigid Incognito Magnate   Chapter 17

    They said, whatever struggles you have mentally caused by your childhood trauma. As I grew up, I never experienced real love from my parents. They gave more love and attention to my older sister, Gem. Kung nagpaulan ng TLC si God, nasalo ‘yun ng aking ate. While me…they just gave bare minimum. Akala ko, wala ng makapapansin sa ‘kin. Akala ko, wala ng magmamahal sa ‘kin gaya ng ginagawa ng magulang ko kay Ate Gem. That waa the time that my parents brought a young, slender woman in her early 20’s. Her skin was dark, attenuating struggles in life. I was in awe of her doe eyes that were radiating like a sun and a smile that melted my frigid heart. “We got you a nanny,” my daddy said, but all I could see his face was pitch black. “Yes, Geraldine,” a woman with a pitch black face added. “We will be busy with your Ate Gem. You know she needs attention, right?” Yes. All I could do was nod. Anong laban ko? Mas bata ako kumpara kay Ate Gem na malapit na sa pagdadalaga. I mean feeling dal

  • Marrying the Frigid Incognito Magnate   Chapter 16

    Isa na lang ang kidney ni Fenrir at si Ate Gem ang donor? Wala naman akong nakitang peklat sa may tagiliran si Ate Gem noon. Saka…palagi siyang nasa bahay bago siya umalis. “Gem didn’t donate her kidney,” ani Fenrir na kinaginhawa ng aking dibdib. “But let’s not dwell about it.” Sumandal ito sa backrest saka dinekwatro ang binti. Pinagsalikop pa niya ang dalawang kamay sa ibabaw ng tuhod niya. “Let’s cut the chase, is there something wrong with my kidney?”May kinuha siya sa bag niya sa gilid. Isang papel na medyo lukot. “Hmmmm…base sa blood chem at urinalysis mo…wala. Impeksyon lang sa urinary track.” Tumayo si Doctor Santos saka hinampas ang papel sa ulo mo. “Ano bang pinagkakakain mo, bata ka?” singhal nito.Natatawa lang si Fenrir sa kanya.“Sabi mo sa nurse na kumausap sa ‘yo, puro noodles ang kinakain mo. Pinagsabihan na kita tungkol do’n!”Tinakpan ko ng hintuturo ang tainga ko dahil walang humpay na sermon ang pinagsasabi ni Doctor Santos. Nangingibabaw pa ang boses sa buong

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status