Chapter 3: Ang Hapunan ng Dalawang Pamilya
Tila ba walanh nangyari sakuna sa restaurants niya muling bumalik sa normal ang daloy ng buhay ni Celestine o kahit papaano'y pilit niyang inaayos ang nasirang balanse sa pagitan ng kanyang mundo at ng mga utos ng pamilyang Ramirez. Sa kabila ng pinilit na desisyong magpakasal para sa kapakanan ng kanyang mga empleyado, pinanatili niyang buo ang kontrol sa kanyang sarili. Dalawang araw bago ang kasal, mistulang walang sakuna ang nangyari. Bumalik sa operasyon ang "Salt &Smoke" ang kanyang restaurant na kilala sa buong Luzon sa galing ng modernong lutong-Filipino. Muli itong dinagsa ng mga parokyano. Masigla ang mga kusinero, buhay na muli ang musika sa lounge, at ang bawat serbidor ay tila nakahinga na rin ng maluwag. Inayos ni Celestine ang lahat sahod, benepisyo, schedule. Hindi niya kayang ipagpalit ang mga taong bumuo sa pangarap niya.” Tila walang hinarap na eskandalo ang restaurants ng ilan araw para wala pakialam ang mga customer na masayang kumakain sa kanyang kainan. Maging ang mga kasama niya sa Philippine National Volleyball Team ay nakitang muli ang sigla sa kanyang paglalaro. Sa pagbabalik niya sa training matapos ang matinding emosyonal na yugto, umani siya ng papuri sa coaching staff. Halatang bumalik ang dating anyo ng "The Queen of Spikes." Nasa kalagitnaan sila ng paghahanda para sa Asian Volleyball Tournament, at muling napuno ng buhay ang sports complex ng Rizal Memorial Stadium sa bawat pagtalon, set, at spike na ginagawa ni Celestine. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi niya maalis sa isipan ang nalalapit na araw. Dalawang araw na lang at ikakasal na siya hindi sa lalaking pinili ng kanyang puso, kundi sa lalaking hindi pa niya lubos na kilala at nakikita. Gabi ng Miyerkules, isang formal dinner ang itinakda ng kanyang abuelo. Isang pagtatagpong pampamilya bago ang mismong kasal. Isang klaseng "pagtitiyak" na magiging maayos ang daloy sa pagitan ng dalawang makapangyarihang pamilya. Gaganapin ito sa "La Mer Alta," isang eksklusibong restaurant sa kanilang bayan kilala sa pagiging tahimik, elegante, at malayo sa mata ng media. Tumatama ang malambot na ilaw mula sa mamahaling chandelier sa mahabang mesang yari sa narra. Nakaayos ang kubyertos sa perpektong pagkakahanay, ang bawat pinggan ay nilalambungan ng gintong gilid, at may mga sariwang bulaklak sa gitna ng mesa—puting orchid at pulang rosas, tila simbolo ng isang kasunduang hindi mababali. Maaga siyang dumating, gaya ng bilin ng kanyang sekretarya. Sa kanyang suot na white silk dress na may simpleng slit sa gilid at manipis na strap, lumitaw ang pagiging elegante niya kahit hindi siya nagsikap na mag ayos. Ang makeup niya’y natural, ang buhok niya’y nakaayos sa loose bun. Walang emosyon ang mukha ni Celestine—tila isang aktres sa papel na kailangang gampanan. Tumango lamang siya sa maître d’ na agad siyang inihatid sa private room sa ikalawang palapag. Pagpasok niya, nandoon na ang kanyang abuelo, si Don Alfredo, nakaupo sa dulong bahagi ng mesa, kasama ang ilang kapatid ng ama niya at ang matandang tagapayo ng pamilya. May katabi itong nakatayong lalaki, marahil ang bodyguard nito, tulad ng dati. Hindi nagtagal, dumating na rin ang pamilya ng lalaki—ang mga Sevilla. Una niyang napansin ang ama ng lalaki, si Mr. Damian Sevilla, isang kilalang business tycoon na nasa larangan ng luxury logistics at import-export. Matikas pa rin ito sa kabila ng edad. Sumunod ang ina nito, si Mrs. Helena, isang dating diplomat, at ang kapatid nitong babae na naka-pearl necklace at halatang sanay sa mga diplomatic function. At ang lalaki—ang lalaking pakakasalan niya. Si Lucas Sevilla. Matangkad, maputi, may lahing Espanyol, may buhok na magulo sa maayos na paraan, at may mga matang parang laging nagmamasid. Nakasuot ito ng navy blue na suit at puting polo. Nang magkatinginan sila, bahagyang ngumiti ito, ngunit hindi ngumiti si Celestine. Umupo silang lahat. Nagpalitan ng pormal na bati, nagkamayan, nagpakilala ang mga hindi pa magkakakilala. Ngunit tahimik pa rin si Celestine. Nang magsimulang ihain ang mga putahe—lobster bisque, wagyu steak, at ang pinakapaborito ni Don Alfredo na truffle risotto—wala pa ring imik si Celestine. Tila may sariling mundo habang pinagmamasdan ang bawat galaw ng kanyang abuelo. Pagkatapos ng main course, inilabas niya ang folder mula sa kaniyang bag. Isang manipis ngunit solidong kumpol ng dokumento. “Bago po tayo tumuloy sa detalye ng kasal,” panimula ni Celestine, mahinahon ngunit matalas ang tono. “May gusto po sana akong ipakita.” Nag-angat ng tingin si Don Alfredo. “Ano ‘yan?” Pagkatapos ng ilang pambungad na usapan tungkol sa kasaysayan ng kanilang pamilya at tagumpay ng kani-kanilang negosyo, iniharap ni Celestine ang isang brown envelope na inilapag niya sa gitna ng mesa. Maingat ngunit matapang. “Prenuptial contract,” aniya. “Pinagawa ko ito ayon sa batas. Nakasaad dito ang mga kondisyon ko—kung hanggang saan ang dapat ko lang gampanan, kung ano ang mga hindi ko papayagan, at kung ano ang mga pananagutan naming pareho.” Naputol ang katahimikan ng buong hapag. Parang may bomba na sumabog sa gitna ng malamig na restaurant. Napatingin si Mr. Sevilla sa anak niya, at ang mga pinsan nito'y nagkatinginan na para bang hindi alam kung dapat ba silang makialam. "Celestine," mahinang sabi ng ina ni Lucas, "Hindi mo na sana kailangan pang..." Ngunit pinutol siya ni Celestine ng marahang tingin. Hindi bastos, ngunit may awtoridad. "Ito lang ang paraan para makasiguro akong hindi ako matatalo sa larong hindi ko pinili." Tahimik si Lucas. Hindi agad nagsalita. Sa halip, kinuha niya ang envelope at inilabas ang dokumento. Binuklat ito, binasa ang unang ilang bahagi, saka ngumiti. Ngumiti. Isang tunay na ngiti, hindi pang-show. Hindi panunuya. Parang isang tao na natagpuan ang sagot sa tanong na matagal na niyang tinatanong. "Matapang ka," ani Lucas. "At gusto ko 'yan." Lahat ay napatingin sa binata. Ngunit nagpatuloy ito. "Mas gusto ko ang babaeng may paninindigan kaysa sa sunud-sunuran. Ang babae kong mapapangasawa, hindi ako hinahanap para turuan ko, kundi para sabayan ako." Bahagyang nagtaas ng kilay si Celestine. Hindi pa rin siya ngumiti. Pero sa loob-loob niya, may kakaibang kiliti sa kanyang dibdib. Hindi siya sanay sa ganitong klase ng pagtanggap. Sumulyap si Lucas sa kanyang ama, na halatang nagulat din sa sinabi ng anak. Ngunit hindi ito sumalungat. Ang mga mata ni Mr. Sevilla ay tila tumanggap na rin sa panibagong direksyong tinatahak ng kasunduang ito. Samantala, kinuha ni Don Alfredo ang dokumento at iniabot sa kanyang legal counsel. Tahimik itong nagbasa ng bawat detalye. Maya-maya, tumango ito at bumulong sa matanda. “Payag ako,” saad ni Don Alfredo. Walang pag-aalinlangan sa boses, ngunit ni isang emosyon ay wala rin. Isang negosyador. Isang hari ng negosyo na bihasa sa pakikitungo kahit sa sarili niyang pamilya. Muling bumalik ang mga plato at wine sa hapag. Nagsimulang mag-usap ang ibang miyembro ng pamilya tungkol sa detalye ng kasal, sa magiging lugar ng seremonya sa Tagaytay, sa mga bisita, at sa mga pulitikal na kaibigang kailangang iimbitahan. Ngunit si Celestine, nanatiling tahimik. Nagpapanggap na makikinig. Pero ang isip niya'y patuloy na gumagana. Hindi pa siya panalo. Pero hindi na rin siya talo. Habang pinagmamasdan niya si Lucas na mahinahong nakikihalubilo sa kanilang mga magulang, hindi niya maiwasang mag-isip: tunay nga kaya ang sinasabi nito? O isa lang itong lalaking mahusay umarte sa entablado ng mga may kapangyarihan? Sa kabila ng lahat, isang bagay lang ang tiyak sa kanya—wala siyang balak isuko ang sarili niyang prinsipyo, kahit pa harap-harapan na siya sa altar. At habang palalim ng palalim ang gabi, at isa-isa nang nag-uuwian ang mga bisita, alam niyang ang totoong laban ay hindi pa nagsisimula. Ito pa lamang ang simula ng kanyang pakikidigma—hindi laban sa isang lalaki, kundi laban sa sistemang matagal nang nagtali sa mga babae sa kasunduang hindi nila pinili. Ngunit ngayon, iba na ang panahon. At si Celestine, hindi basta-basta pumapayag. Hindi siya basta babae. Siya si Celestine Ramirez. At kahit ang apelyidong Sevilla ay hindi sapat para patahimikin ang apoy na nasa loob niya. Sa loob ng kotse pabalik ng condo unit niya, sumandal si Celestine sa likod ng upuan. Nakapikit. Pagod na pagod. Ngunit buo ang loob. Hindi niya alam kung ano ang magiging buhay niya pagkatapos ng kasal, pero isang bagay ang sigurado—hindi siya papayag na mawala sa kanya ang sarili. At sa unang pagkakataon sa matagal na panahon, kahit hindi niya ito pinili, ramdam niyang may bago nang kabanata ang bubukas sa buhay niya. Isa itong yugto ng laban, ngunit para kay Celestine, sanay siyang lumaban. Lalo na kung puso na niya ang nakataya.Kabanata: Sa Loob ng Bahay, Sa Loob ng PusoMasaya at magaan ang naging hapon ni Celestine kasama ang pamilya ni Lucas. Masigla ang mga kwentuhan habang nagkakainan sa hardin, tawa nang tawa ang mga pinsan at pamangkin ni Lucas habang naglalaro sa likod-bahay, at ang mga matatanda nama’y abala sa mas seryosong pag-uusap ukol sa negosyo, pamilya, at buhay-buhay.Hindi na ganoon kabigat ang nararamdaman niya. Kung noong una ay parang may harang sa pagitan nila ng pamilya ng kanyang asawa, ngayon ay tila isa na rin siyang bahagi ng mundong iyon. Lalo na nang mahuli niyang nakatitig sa kanya si Lucas, bahagyang nakangiti, parang sinasabi ng mga mata nitong, “Sabi ko sa’yo, kayang-kaya mo.”Pagkatapos ng hapunan, abala silang lahat sa sala—relaxing mood, may soft jazz na tumutugtog sa background at malamig ang simoy ng hangin na pumapasok sa malalaking bintana ng bahay. Ang ilan ay naka-recline sa sofa, may hawak na wine glass o kape, habang ang iba nama’y nakaupo sa sahig na may throw pil
Kabanata 16: Sabado ng PagharapTanghali na nang magising si Celestine. Bumungad sa kanya ang sinag ng araw na unti-unting gumagapang sa puting kurtina ng kanyang silid. Sandali siyang napapikit muli, sinasamyo ang kakaibang katahimikan ng Sabado—ang tanging araw sa linggo na walang tunog ng alarm clock, walang padalos-dalos na paghahanda para sa trabaho, at higit sa lahat… walang tensyon.Inikot niya ang paningin sa silid. Malinis. Tahimik. Ngunit sa likod ng lahat ng ito, may kaba sa kanyang dibdib.Tumayo siya mula sa kama at lumakad papunta sa dressing table. Mabilis niyang sinuklay ang kanyang buhok, saka inayos ang simpleng pastel na blouse na plano niyang isuot. Isang banayad ngunit pormal na estilo—dahil hindi lang ito basta Sabado.Nagpadala lang siya ng maikling mensahe kay Mekaela:“May meeting ako sa volleyball team. Catch up soon.”Hindi na niya binanggit ang ibang detalye. Wala siyang lakas para magpaliwanag. Hindi rin niya gusto ang ideya ng pag-uusisa ni Mekaela kung m
Kabanata 15– Hindi Inaasahang BisitaMuling sumikat ang araw, at tulad ng nakasanayan, maaga na namang bumangon si Celestine. Suot ang simpleng puting blouse, jeans, at nakataling buhok, dala niya ang kanyang signature apron habang papasok sa Salt & Smoke. Kasama ng mabangong aroma ng kape at bagong lutong tinapay ang sigla sa kanyang puso—sigla na dala ng kanyang dalawang mundo na ngayo'y sabay niyang niyayakap: ang pagiging atleta, at ang pagiging negosyante.“Good morning!” masigla niyang bati sa staff habang tinatanggal ang coat sa harap ng entrance.“Ma’am Tin!” sabay-sabay na bati ng mga ito, may kasamang ngiti at pagkasabik.“Ready na ba kayo? Mukhang isa na namang full house tayo ngayon,” aniya habang sumisilip sa reservation log.“Opo, Ma’am. Halos lahat po ng table may nakapila na,” sagot ni Makaela, sabay abot ng clipboard. “May tatlong walk-in group din sa waiting list.”“Ayos. Mukhang kailangan ko na naman magpa-picture mamaya,” pabirong tugon ni Celestine.“At wag kang m
---Kabanata 14 – Champion sa KusinaDalawang linggo ang ibinigay na pahinga kay Celestine matapos ang matagumpay nilang pagkapanalo sa regional volleyball games. Isang karangalan ang masungkit ang kampeonato, ngunit alam niyang mas malalaki pa ang laban sa hinaharap—lalo na at ang susunod nilang pagsabak ay sa pandaigdigang torneo kung saan iba’t ibang bansa ang kanilang makakalaban.Pero sa ngayon, iwinaksi muna niya sa isipan ang bola, ang court, at ang ingay ng hiyawan. Sa loob ng dalawang linggo, gusto niyang ituon ang atensyon sa kanyang iba pang mundo—ang mundo ng pagluluto at serbisyo. Sa loob ng kaniyang restaurant na "Salt&Smoke," isang rustic at eleganteng kainan sa gitna ng lungsod, dito siya nakakahanap ng katahimikan.Masarap sa pakiramdam na magising ng maaga hindi para tumakbo o mag-ensayo, kundi para humigop ng mainit na kape sa veranda ng kanyang kwarto habang tanaw ang mga naglalakad sa umaga. Pero mas masarap sa pakiramdam ang bumalik sa restaurant—ang kanyang pers
KABANATA 13– Sa Likod ng Tagumpay“Akala ko di ka makakarating?” ani Celestine habang inaabot ang bouquet ng mga puting lilies at pulang tulips mula sa kanyang asawa. Pawisan at pagod siya, ngunit bakas sa mukha niya ang tuwa at hindi mapigilang kilig.Ngumiti lamang si Lucas, 'yung pamilyar na ngiting parang sinasabing, "Kahit saan ka man naroroon, susundan kita."Tahimik siyang pinagmasdan ni Lucas. Sa gitna ng court, kahit basang-basa ng pawis at may gasgas sa tuhod, si Celestine pa rin ang pinakamagandang babae sa kanyang paningin—hindi dahil sa pisikal na anyo kundi sa tapang at determinasyong taglay nito.“Gusto mong malaman ang totoo?” tanong ni Lucas.“Hmm? Ano?” tugon ni Celestine, bahagyang nakakunot ang noo.Lumapit si Lucas at bumulong, “Halos lagnatin ako sa kaba kanina habang pinapanood kang gumulong sa court. Kung hindi lang magugulo ang laban, pupuntahan na kita sa gitna para buhatin pauwi.”Napatawa si Celestine. “Finals namin 'to, Lucas. Wala sa bokabularyo ko ang su
KABANATA 12 – Sa Gitna ng Laban at Tibok ng PusoMainit ang simoy ng hangin sa loob ng arena. Ilang minuto bago magsimula ang finals match ng kupunan ni Celestine, punô na ng mga tagasuporta ang bawat upuan. May hawak na placards, may mga may suot na t-shirt na may pangalan ng mga manlalaro. Ngunit sa gitna ng ingay at sigawan, kalmado si Celestine. Nakaupo siya sa bench ng kanilang team, nakatingin sa court na tila ba minamapa na ang magiging galaw ng laban."Tin! Warm-up na," sigaw ng coach nila.Tumayo siya, sinigurong maayos ang tali ng sapatos, at saka tumakbo patungo sa gitna ng court kasama ang buong team. Ramdam niya ang tensyon—hindi dahil sa pressure kundi dahil sa kagustuhang manalo, hindi lamang para sa sarili kundi para sa mga taong naniniwala sa kaniya.Samantala, ilang minuto bago ang pagsisimula ng laro, dumating si Lucas sa arena. Kasama niya ang dalawa sa mga pinakamatagal na kaibigan at business partners—sina Gian at Roel. Kapwa naka-formal attire pa ang mga ito, ha