LOGINChapter 2
Lumipas ang dalawang araw matapos ang harapang sagutan nila ng kanyang abuelo. Akala ni Celestine, tapos na roon ang lahat. Pero hindi pa man siya nakakabawi mula sa exhaustion ng last game nila, sunod-sunod na ang dagok. Una ay ang tahimik na balita na hindi niya agad napansin—wala na ang manager ng restaurant niyang Salt & Smoke. Bigla na lang itong nagbitiw, walang paalam. Nang kinontak niya, umiwas ito. > “Sorry, Tin. Hindi ko kayang labanan si Don Alfredo. May pamilya rin akong pinapakain.” Iyon lang ang sinabi, at naputol ang tawag. Kinabukasan, isang inspection team mula sa City Health Office ang dumating. Diumano’y may anonymous complaint tungkol sa hindi raw maayos na food storage. “Hindi po naming inaasahan ‘to. Kumpleto po ang permits namin,” ani Mika, isa sa assistant chefs niya. Ngunit kahit anong paliwanag, sinuspinde ang operasyon ng restaurant ng dalawang linggo habang iniimbestigahan. Dalawang linggo. Dalawang linggo ng kawalan ng kita para sa buong team. “Put*ang ina…” bulong ni Celestine habang pinagmamasdan ang mga empleyadong hindi makatingin sa kanya. Sa team practice naman, dumating ang mas malupit na balita. “Tin, may kailangan tayong pag-usapan,” ani Coach Mina, habang mag-isa silang nakaupo sa gilid ng court. “Tinanggal tayo sa shortlist para sa Southeast Asian tournament. ‘Yung major sponsor, biglang umatras. Hindi raw nila gusto ang ‘potential reputational risk’...” “Anong reputational risk?” nanlaki ang mata ni Celestine. “Ako?! Dahil lang sa hindi ako pumayag sa kapritso ng—” Napatigil siya. Hindi niya kayang sabihin sa kahit sino. Walang makakaintindi. At ayaw niyang madamay ang mga taong mahal niya. Pag-uwi niya, isang liham ang naghihintay sa may pintuan ng condo unit niya. Hindi sulat kamay. Typed. Walang pangalan. Pero alam niyang galing ito sa iisang tao. > Ang dangal ng pangalan ay mas mahalaga kaysa pansariling kagustuhan. Hindi ko sisirain ang apelyido natin sa mata ng mga negosyante, politiko, at dayuhang koneksyon. May isang buwan ka para pag-isipan. Ang kapalit ng pagtutol mo ay hindi lang ikaw ang magbabayad. Napakagat siya sa labi. Nanginginig ang mga kamay niyang nakahawak sa papel. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang wasakin ang lahat sa paligid niya. Pero sa halip, tumayo siya sa harap ng salamin. “Hindi ako matatakot,” bulong niya sa sarili, kahit naglalaban ang galit at pangamba sa loob niya. --- Kinabukasan Isang empleyado ng team niya ang lumapit. “Tin… pasensya ka na. Baka po ‘di muna ako makapasok. Yung nanay ko, biglang na-deny sa PhilHealth benefit. E dati naman naka-enroll ‘yun sa programang pinasok niyo para sa amin, ‘di ba?” “Anong sabi?” usisa ni Celestine. “Ewan ko, ate… sabi may ‘system issue’. Pero parang may humarang.” At doon niya napatunayan — isa-isang hinahampas ng lolo niya ang lahat ng bagay na mahalaga sa kanya. Hindi pisikal. Hindi garapalan. Pero kalkulado. Mapanganib. Nakadisenyo para yumuko siya. Sa kalagitnaan ng gabi, habang mag-isa sa balcony ng condo, tahimik siyang lumuluha. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa bigat ng tanong na bumabalot sa kanya: “Ilang tao pa ang kailangang masaktan bago ako tuluyang sumuko?” Umuulan noong gabing tuluyan nang binalikan ni Celestine ang mundo ng pamilyang iniwan niya. Habang bumabagtas ang kaniyang sasakyan sa kahabaan ng Makati, tanging ang mahinang patak ng ulan sa salamin ang nagsisilbing himig ng kaniyang katahimikan. Walang kasamang PA. Walang kaibigang maaasahan. Wala ni isang taong pwedeng masabihan ng totoo. Napipilitan siyang gawin ito—hindi dahil sa gusto niya, kundi dahil sa mga taong umaasa sa kanya. Sa mga staff ng restaurant niyang kinailangang pansamantalang magsara. Sa assistant coach nilang muntik nang mawalan ng scholarship para sa anak. Sa teammates niyang biglang hindi na makasali sa major league dahil tinapyasan ang pondo. "Napakasaka mo," pabulong niyang sambit habang dinadama ang bigat ng pasya. Hinugot niya ang cellphone mula sa bag. Tumigil siya sandali, pinikit ang mga mata, saka nag-dial. Secretary: "Good evening, Ms. Celestine. How can I help you?" "Sabihin mo sa kanya, pupunta ako. Kung saan man niya gusto. Huwag lang siyang manggulo pa sa buhay ng ibang tao." Secretary: "Noted, ma'am. I'll inform Don Alfredo. He asked that you meet him tomorrow night at 8 PM, sa La Vigna, the private dining wing." Hindi siya sumagot. Pinutol niya ang tawag. Kinabukasan, halos alas otso pa lang ay nandoon na siya sa La Vigna, isang high-end restaurant na pinalilibutan ng mga sikretong entrance at mga unipormadong guwardiya. May sariling VIP dining wing ang abuelo niya roon. Ang lugar ay tahimik, mamahalin, at tila isang dambuhalang tanghalan na para lang sa mga makapangyarihan. Pagpasok niya, naroon agad si Don Alfredo. Nakaayos ang postura, nakasuot ng gray suit na walang kahit katiting na gusot. Wala itong ngiti. Wala ring pagbati. Ganun pa rin. Walang puso. Walang tinig ng pagkakamiss sa apong pitong taon niyang hindi nakita. Umupo siya sa tapat nito. Diretso ang tingin. Walang pag-iwas. Wala ring pakitang galang. "Pumapayag na ako," panimula niya, diretso at malamig. Napatingin sa kaniya ang matanda, ngunit ni hindi natinag ang ekspresyon. "Pero hindi ako magiging sunud-sunuran. May mga kondisyon ako," dagdag niya habang inilabas mula sa bag ang isang envelop na naglalaman ng kontrata. Maingat niya itong inilapag sa mesa. "Ano ito?" tanong ng lolo niya, malamig. "Kontrata. Kung gusto mong ituloy ang kasal, pipirmahan mo ito." Kinuha ng matanda ang papel, binuksan, at mabilis na binasa ang bawat linya. Tahimik ang paligid habang dumadaloy ang mga mata ng don sa bawat kondisyon: 1. Walang pakikialam ang pamilya sa negosyo ni Celestine. 2. Mananatili siyang may ganap na kalayaan sa kanyang karera bilang atleta. 3. Lahat ng empleyado niya ay hindi pwedeng galawin o gambalain. 4. Kapag natapos ang kasal sa itinakdang panahon (six months), at walang development sa pagitan nila ng lalaking papakasalan, pwede na siyang umalis nang walang obligasyon. Natapos basahin ni Don Alfredo ang dokumento. Tumitig ito sa kanya. Walang emosyon, pero sa kaibuturan ng mga mata nito, naroon ang unti-unting pag-amin na hindi na ito ang batang kilala niya dati. “Matapang ka pa rin,” anang matanda. “Pero mas matalino na ngayon.” “Hindi ko ito ginagawa para sa iyo. Ginagawa ko ito para sa mga taong tinarget mo! mga taong walang kalaban-laban sa impluwensya mo." galit niyang saad habang nakatingin sa kaniyang abuelo. Ilang segundo pa ang lumipas buong silid ay nababalot ng katahimikan, at marahan niyang inilabas ang kaniyang Montblanc pen. Tinanggap nito ang papel. Isa-isang pinirmahan ang bawat pahina. Pagkatapos ay isinara nito ang folder, saka marahang isinuksok sa attache case nito. “May balita na ang sekretarya mo bukas,” anang Don Alfredo. Tumayo na si Celestine. Hindi na siya naghintay ng dessert o kung anuman pang alok ng restaurant. “Magpakasal ako sa gusto mo, Don Alfredo. Pero sa kasal na ito, hindi ikaw ang magdidikta ng lahat.” mariing niyang pahayag. “Hindi ako papayag na ikahon mo ulit ako sa mundo mo.” Matagal na ako lumaya at hindi na ako papayag na bumalik muli na para ibon na ikulong sa kulubgan na walang kalayaan. “Hindi mo na ako apo kung inaasahan mong pipikit na lang ako at susunod.” At tuluyan na siyang lumabas ng silid. Ang takong niya'y kumalabog sa sahig na marmol. Walang bahid panghihina sa kanyang postura. Walang alinlangan sa kanyang mga mata. Kahit pa sa loob-loob niya, sumisigaw na ang puso niya. "Paano kung ang lalaking ito… ay mas masahol pa sa lahat ng kilala ko?" Pero hindi na siya pwedeng umatras. May kasunduan na. At may panibagong laban na kailangan niyang paghandaan ang kasal na hindi kanya pinili.Tahimik ang paligid ng campsite. Tanging ang huni ng mga kuliglig at ang marahang pagaspas ng hangin sa mga puno ang maririnig. Sa labas ng tent, patay na ang apoy na kanina’y nagbibigay-liwanag sa gabi. Sa loob, mahina lang ang ilaw ng maliit na camping lamp na inilapag ni Lucas sa tabi.Nakahiga kami sa loob ng tent, magkatabi, parehong nakatalikod sa isa’t isa ngunit ramdam ko ang presensya niya ang init ng katawan niya kahit may manipis na pagitan sa amin.Hindi pa ako dinadalaw ng antok.Si Lucas din.Marahan siyang gumalaw. Narinig ko ang mahinang buntong-hininga niya, parang may mabigat na iniisip.“Christine,” mahina niyang tawag, halos pabulong.“Hm?” tugon ko habang bumabaling sa kanya.Sa mahinang ilaw, nakita ko ang seryoso niyang mukha. Hindi siya agad nagsalita. Para bang pinipili muna ang mga salitang lalabas sa bibig niya.“Kanina,” panimula niya, “habang natutulog ka saglit sa tabi ko matagal kitang tinitigan.”Napakunot-noo ako. “Bakit?”Bahagya siyang ngumiti, pero
**KABANATA 25Isang Umagang May Pangako**Kinabukasan, nagising ako na may bahagyang ngiti sa aking mga labi.Hindi ko man namamalayan, pero parang may liwanag na dala ang umaga—hindi lang dahil sa sinag ng araw na sumisilip sa pagitan ng kurtina, kundi dahil sa mga alaala ng kagabi na paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan.Ang mga halik ni Lucas.Ang mga yakap niya.At ang mga salitang binitiwan niya na simple pero tumimo sa puso ko.Marahan akong bumangon mula sa kama, maingat upang hindi magising si Lucas. Ngunit nang bumaling ako sa kabilang panig, napansin kong wala na siya roon. Bahagya akong napangiti—tila sanay na akong hanapin ang presensiya niya tuwing umaga.Pumasok ako sa banyo upang mag-ayos.Habang dahan-dahan akong naghihilamos at nagsisimulang maglagay ng kaunting makeup, napatingin ako sa sarili ko sa salamin. May kakaiba sa repleksiyon ko—isang ningning sa mga mata, isang ngiting hindi ko mapigilan kahit hindi ko sinasadya.Hindi ito ngiting pilit.Hindi rin ito n
KABANATA 24 Paglabas ko ng banyo, hindi ko na mahagilap si Lucas. Wala na ito sa ibabaw ng kama.“Hmm… nasaan kaya siya?” bulong ko sa sarili habang pinapatuyo ang aking buhok gamit ang tuwalya.Umupo ako sa harap ng salamin upang suklayin ang aking buhok. Tahimik ang silid, tanging ang mahinang ugong lang ng aircon ang maririnig.Ngunit napatigil ako sa pagsusuklay nang makita ko, sa repleksyon ng salamin, si Lucas na papalapit mula sa veranda ng aming silid.Hindi ko alam kung bakit tila naging eslomostion ang lakad nito at para kung ano nararamdaman ang puso ko sa paraan ng pagtitig niya. May kung anong bigat sa mga mata niya hindi galit, hindi rin malamig malamlam ang titig niya tila may gusto sa bihin.Lumapit siya sa aking likuran at marahang ipinatong ang baba niya sa balikat ko.“Hmm,” sambit niya. “Ang bango naman ng misis ko.”Napahagikgik ako nang mahina dahil sa dampi ng maliit niyang balbas sa leeg ko.“Lucas nakikiliti ako sa balbas mo,” sambit ko habang inilalayo ko
Kabanata 23“Ayos ka lang ba talaga?”Marahan ang boses ni Regina habang inalalayan niya akong maupo sa mahabang bench sa gilid ng court. Ramdam ko pa ang bahagyang panginginig ng mga tuhod ko hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa adrenaline na dahan-dahang humuhupa mula sa katawan ko.Katatapos lang ng interview sa akin ng reporter. Naka-off na ang mga ilaw ng camera, at ang kaninang nakakasilaw na spotlight ay napalitan na ng mapurol na ilaw ng arena. Unti-unti nang humihina ang ingay sa paligid. Ang malakas na sigawan at palakpakan ng libo-libong manonood ay napalitan ng mabababang usapan ng mga staff, ng kaluskos ng mga kagamitang nililigpit, at ng paulit-ulit na yabag ng mga taong palabas na ng venue.Ako ang tinanghal na VIP Player of the Night.Hanggang ngayon, parang hindi pa rin tuluyang nagsi-sink in sa akin ang lahat ng nangyari.“Oo, ayos lang ako,” tugon ko, pilit na nakangiti habang pinupunasan ang pawis na patuloy pa ring bumabagsak mula sa aking noo.Napabuntong-hininga
KABANATA 22 — ANG HULING HAKBANG NI CELESTINEMalakas ang sigawan. Ang tunog ng tambol at palakpak ay umaalingawngaw sa buong arena. Sa bawat rally ng bola, parang pumipintig din ang puso ko. Ang scoreboard ay halos dikit na dikit—23-23—isang pagkakamali lang at puwedeng tapos na ang set.“Focus, girls! Isa na lang, isa!” sigaw ni Coach Martinez mula sa gilid. Pawis na pawis siya, pero kitang-kita sa mata niya ang apoy ng pag-asa.Tiningnan ko ang paligid. Ang mga ilaw ng arena ay nakakasilaw, pero hindi ko alintana. Ang mga mata ng libu-libong manonood ay nakatuon sa amin—sa bawat hakbang, bawat paghinga, bawat dampi ng bola sa kamay. Ramdam ko ang bigat ng moment.“Celestine, ready ka?” tanong ni Regina, ang setter namin. Nakataas ang isang kilay niya, pero alam kong iyon ay para itago ang kaba.Ngumiti ako. “Paliparin mo ‘yan. Ako na bahala.”Tumunog ang pito ng referee. Tumalon ang kalaban para sa serve. Mabilis, matalim, at may halong pwersa—ang bola ay lumipad na parang kidlat.
KABANATA — SEMI-FINALS NG VOLLEYBALLMainit ang hangin sa loob ng arena, hindi lang dahil sa aircon na halos hindi nakakaabot sa bawat sulok, kundi dahil sa tensyon at excitement ng mga nanonood. Halos lahat ng tao sa paligid ay nakapikit sa laro, mga mata’y nakasaksak sa bawat galaw ng mga manlalaro, bawat palo, bawat spike na tumatama sa court. Ang sigawan, hiyawan, at palakpak ay halos magkasabay, parang musika ng kabataan at passion.“Ay, grabe talaga si Celestine!” sigaw ng isang tagahanga mula sa gilid, hawak ang bandera at sombrero. “Ang bilis ng reflex niya!”Pumaloob sa isip ko ang lahat ng training na ginawa namin sa gym—ang tuwing puyat kami, ang bawat pag-ikot ng bola sa aming mga kamay, at ang walang katapusang drills. Ngayon, ang lahat ng iyon ay nasa court na, at bawat kilos ay tila eksaktong tugma sa mabilis na ritmo ng laro.Mabilis akong bumalik sa court matapos malampasan ang kalaban sa huling rally. Nararamdaman ko ang adrenaline sa bawat hakbang. Sinalo ko ang bol







