Share

chapter 4

Author: Bluemoon22
last update Last Updated: 2025-06-02 18:32:30

Dalawang araw matapos ang pormal na hapunan ng pamilya, isang umaga ng Sabado, tahimik na naganap ang isa sa pinakamahalagang sandali sa buhay ni Celestine Ramirez—ang kanyang kasal. Ngunit hindi ito marangya. Wala ang mga tagahanga, walang media, at higit sa lahat, wala ang koponan niya, maliban kay Regina, ang matalik niyang kaibigan, at si Mikaela, ang kanyang sekretarya at kababatang naging parang kapatid na rin niya.

Isang pribadong chapel sa loob ng isang exclusive resort sa Tagaytay ang napiling venue. Tahimik ang paligid, malamig ang simoy ng hangin, at tila ba ang mga ulap ay nakikisabay sa kabigatan ng damdamin ni Celestine. Suot niya ang isang simpleng off-shoulder na gown na gawa sa makinis na sutla. Walang burda. Walang alahas. Tanging simpleng belo at isang pares ng hikaw mula sa kanyang yumaong ina ang nagsilbing palamuti sa kanyang pagkababae.

"Hindi ako makapaniwala…" bulong ni Regina habang inaayos ang belo ni Celestine. "Kakasigaw lang ng pangalan mo sa coliseum, ngayon bride ka na."

Ngumiti si Celestine, pilit ngunit may kabatiran. "Ako rin. Isang iglap lang, Regina. Parang kahapon lang hawak ko pa ang volleyball, ngayon…hawak ko na ang sariling kapalaran."

Napayakap si Regina sa kanya. "Kahit ganito, proud ako sa 'yo. Kasi kahit tinanggap mo ito, hawak mo pa rin ang sarili mo. Hindi ka sumuko."

Sa kabilang bahagi ng chapel, tahimik na nakatayo si Lucas Sevilla, suot ang itim na tuxedo na parang sinadya para sa isang pelikula. Hindi man siya nagsasalita, ramdam ang tensyon sa paligid. Ngunit sa bawat pagsulyap niya kay Celestine, may kakaibang ningning sa kanyang mga mata. Hindi ito kasiyahan. Hindi rin ito libog. Isa iyong paghanga—isang pagsaludo sa babaeng hindi basta nagpapadala sa agos.

Lumapit si Mikaela kay Celestine, dala ang isang maliit na folder. "Nasa iyo pa rin 'yung kopya ng prenup?"

"Oo," sagot niya. "Dalawa ang pinirmahan. Isa kay Lolo. Isa para sa akin."

"Good. Kahit anong mangyari, may hangganan ang lahat. Hindi nila tayo kayang pasunurin habang buhay."

Makalipas ang ilang minuto, tumugtog na ang tahimik na instrumental music. Isa-isang pumasok ang iilang piling bisita: ang legal counsel ni Don Alfredo, ang sekretarya ni Mr. Sevilla, at ang matandang pari na kilalang-kilala ng pamilya Ramirez.

"Handa na ba kayo?" tanong ng pari habang nakangiti.

Tumango si Celestine. Hindi dahil sa handa na ang puso niya, kundi dahil kailangan niyang maging matatag.

Lumakad siya patungo sa altar—mag-isa. Wala siyang ama na maghahatid. Walang lolo. Wala ring musika ng wedding march. Ngunit bawat hakbang niya ay mabigat, parang hakbang ng isang sundalong pumapasok sa isang labanan.

Pagdating niya sa harap ng altar, tahimik na iniabot ni Lucas ang kamay niya. "You look beautiful," bulong nito.

"Hindi ko kailangan ng papuri," sagot niya, hindi man galit ngunit may lamig ang tinig. "Ang kailangan ko, respeto."

Tumango si Lucas. "At ibibigay ko 'yon."

Nagsimula ang seremonya. Tahimik ang lahat. Walang luha. Walang masayang tili. Parang isang eksenang isinulat ng kapalaran pero binigkas sa panahong hindi handa ang damdamin ng mga tauhan.

"Sa harap ng Diyos at ng piling mga saksi, tinatanggap niyo ba ang isa't isa bilang mag-asawa—sa hirap at ginhawa, sa kalusugan at karamdaman, hanggang sa wakas ng buhay?" tanong ng pari.

"I do," sagot ni Lucas, buo ang tinig.

Napalunok si Celestine. Isang iglap ang lumipas. Naalala niya ang ina. Ang batang Celestine na nangangarap lang ng kalayaan, hindi ng kasal.

"I do," bulong niya sa wakas.

Ilang saglit pa, idineklara na ng pari ang kanilang kasal. Tahimik na pinalakpakan ng ilang naroon ang pagtatapos ng seremonya.

Walang halik sa labi. Tanging isang magalang na paghawak sa balikat ni Celestine ang ibinigay ni Lucas. "Simula na ng laban," aniya.

Ngumiti si Celestine, malamig. "At hindi ako nagpapatalo."

Habang kumakain sila sa isang private room ng restaurant sa resort, halos walang nagsalita. Hanggang sa mapansin ni Lucas na tila malayo ang tingin ni Celestine.

"You’re thinking of your team?" tanong nito.

"Oo. Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako sanay sa…lihim."

"We can tell them, in time. Pero habang may laban pa, habang hindi pa handa ang lahat, kailangan pa ring protektahan ang pangalan mo."

Napatingin siya sa kanya. "O protektahan ang negosyo ng pamilya mo?"

"Pareho. At kahit anong sabihin mo, ayokong mawala ka sa akin. Kahit nagsimula tayo sa ganito, Celestine, I want to know you. I want to earn your trust."

Tahimik siya. Hindi niya alam kung alin sa mga salitang iyon ang totoo at alin ang bahagi lang ng kasunduang sinimulan ng kanilang mga pamilya.

Makalipas ang ilang sandali, tumayo siya. "Tapusin na natin ito. Marami pa akong kailangang gawin."

"Handa ka na bang matulog sa iisang bubong?" tanong ni Lucas, seryoso ngunit walang halong pagnanasa.

"Basta’t malinaw ang kontrata, walang problema."

"Then I’ll wait. Hanggang sa dumating ang araw na hindi mo na ako titingnan na parang kalaban."

Sa mga salitang iyon, lumabas na si Celestine sa kwarto, dala ang malamig na katahimikan at ang kontratang hindi lang papel, kundi muhon ng kalayaang pilit niyang pinoprotektahan.

At sa likod ng pinto, si Lucas—nakatingin pa rin sa kanyang likuran, at sa unang pagkakataon, mukhang hindi negosyante ang nasa loob ng kanyang puso kundi isang lalaking gustong magmahal nang totoo.

Tahimik ang loob ng sasakyan habang papalapit sila sa isang private estate sa Tagaytay, ang pansamantalang tutuluyan nina Celestine at Lucas matapos ang kasal. Binigay ito ng pamilya Sevilla bilang regalo para sa bagong kasal. Malayo sa mata ng media, ligtas sa usapan ng mga tagahanga at mga teammates ni Celestine.

Si Lucas ang nagmamaneho, abala sa kalsada. Si Celestine naman, nakasandal sa upuan at tahimik na pinagmamasdan ang tanawin sa labas ng bintana.

“Gusto mong kumain muna bago tayo dumiretso sa bahay?” tanong ni Lucas, mahinahon ang boses.

“Hindi ako gutom,” sagot niya, diretso ang tingin.

Tumango lang si Lucas, parang sanay na sa mga sagot niyang walang emosyon. Pero hindi rin niya ito pinilit.

Pagdating nila sa property, bumungad ang isang modernong bahay na may halong kahoy at salamin sa estruktura—malawak, maaliwalas, at tila sinadyang iwasan ang anumang bakas ng pagiging "pangkaraniwang tahanan ng mayayaman." Simple. Eleganteng tahimik. Walang yabang.

Pagkababa ni Celestine, binigyan siya ni Lucas ng card key. “Main door. Ikaw ang mas may karapatang unang pumasok.”

Tiningnan niya ito sandali, saka inabot ang susi. "Salamat," malamig niyang tugon.

Pagkapasok nila sa loob, naamoy agad ni Celestine ang bagong linis na kahoy. Maayos ang lahat—mga bulaklak sa vase, mahabang sofa, glass wall na tanaw ang kabundukan. Tahimik ang lugar, pero sa loob niya, may unos.

Tumigil siya sa gitna ng sala, saka humarap kay Lucas.

“May gusto tayong linawin, di ba?” panimula niya.

Tumigil sa paglalakad si Lucas, saka tumango. “Tama ka. Sabihin mo lang.”

“Ang kasal na ito ay hindi batayan ng emosyon. Ito ay kasunduan. Kaya ayokong may kahit anong aksyon o galaw na parang tunay tayong mag-asawa.”

“Walang problema sa akin 'yon,” sagot ni Lucas. “Wala akong balak pilitin kang magbago ng isip.”

“May kanya-kanya tayong silid,” dagdag niya. “At hindi mo kailangang i-update ako kung saan ka pupunta. Ganun din ako.”

May bahagyang ngiti sa labi ni Lucas. Hindi nanunuya—kundi parang natutuwa sa pagiging prangka ng babae sa harap niya. “Okay. Pero kung sakaling… may kailangan ka, o gusto mo ng kausap, hindi mo kailangang magpaalam. Lumapit ka lang.”

Hindi siya sumagot. Sa halip, iniwas niya ang tingin at lumakad palayo.

---

Kinagabihan

Nagpalit si Celestine ng simpleng pajama. Sa kuwartong pansamantalang kanya, binuksan niya ang malaking bintana. Mula roon, tanaw ang liwanag ng lungsod sa ibaba. Hindi pa rin siya makapaniwala—ilang araw lang ang nakalipas, nasa gitna siya ng isang volleyball championship. Ngayon, nasa loob siya ng bahay na hindi niya inaasahan. Sa piling ng lalaking halos hindi niya kilala.

“Ano ba talaga ang pinasok ko?” tanong niya sa sarili.

Isang katok ang gumambala sa katahimikan.

“Celestine?” boses ni Lucas mula sa labas ng pinto.

“Bakit?” mabilis niyang sagot.

“May ibibigay lang ako.”

Binuksan niya ang pinto nang bahagya. Nandoon si Lucas, may hawak na envelope.

“Prenup contract mo. Pinirmahan ko. May kopya ka na rin.”

Kinuha niya ito. “Salamat.”

Bago pa man siya makasara, nagsalita ulit si Lucas.

“Celestine… hindi ko alam kung maniniwala ka, pero hindi ako pumayag sa kasalang 'to para lang mapaboran ang negosyo ng pamilya ko.”

Tiningnan niya ito, malamig ang tingin. “Anong dahilan mo?”

Tahimik. Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot.

“Hindi ko pa alam. Pero gusto kong tuklasin habang magkasama tayo. Kung ayaw mo man, igagalang ko. Pero hindi ko aalisin ang posibilidad na baka sa dulo, hindi na lang ito basta kasunduan.”

Napatingin si Celestine sa kanya. Hindi siya handang maniwala. Hindi pa ngayon.

“Good night,” maikling tugon niya, sabay sara ng pinto.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Owned by His name   chapter 26

    Tahimik ang paligid ng campsite. Tanging ang huni ng mga kuliglig at ang marahang pagaspas ng hangin sa mga puno ang maririnig. Sa labas ng tent, patay na ang apoy na kanina’y nagbibigay-liwanag sa gabi. Sa loob, mahina lang ang ilaw ng maliit na camping lamp na inilapag ni Lucas sa tabi.Nakahiga kami sa loob ng tent, magkatabi, parehong nakatalikod sa isa’t isa ngunit ramdam ko ang presensya niya ang init ng katawan niya kahit may manipis na pagitan sa amin.Hindi pa ako dinadalaw ng antok.Si Lucas din.Marahan siyang gumalaw. Narinig ko ang mahinang buntong-hininga niya, parang may mabigat na iniisip.“Christine,” mahina niyang tawag, halos pabulong.“Hm?” tugon ko habang bumabaling sa kanya.Sa mahinang ilaw, nakita ko ang seryoso niyang mukha. Hindi siya agad nagsalita. Para bang pinipili muna ang mga salitang lalabas sa bibig niya.“Kanina,” panimula niya, “habang natutulog ka saglit sa tabi ko matagal kitang tinitigan.”Napakunot-noo ako. “Bakit?”Bahagya siyang ngumiti, pero

  • Owned by His name   kabanata 25

    **KABANATA 25Isang Umagang May Pangako**Kinabukasan, nagising ako na may bahagyang ngiti sa aking mga labi.Hindi ko man namamalayan, pero parang may liwanag na dala ang umaga—hindi lang dahil sa sinag ng araw na sumisilip sa pagitan ng kurtina, kundi dahil sa mga alaala ng kagabi na paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan.Ang mga halik ni Lucas.Ang mga yakap niya.At ang mga salitang binitiwan niya na simple pero tumimo sa puso ko.Marahan akong bumangon mula sa kama, maingat upang hindi magising si Lucas. Ngunit nang bumaling ako sa kabilang panig, napansin kong wala na siya roon. Bahagya akong napangiti—tila sanay na akong hanapin ang presensiya niya tuwing umaga.Pumasok ako sa banyo upang mag-ayos.Habang dahan-dahan akong naghihilamos at nagsisimulang maglagay ng kaunting makeup, napatingin ako sa sarili ko sa salamin. May kakaiba sa repleksiyon ko—isang ningning sa mga mata, isang ngiting hindi ko mapigilan kahit hindi ko sinasadya.Hindi ito ngiting pilit.Hindi rin ito n

  • Owned by His name   kabanata 24

    KABANATA 24 Paglabas ko ng banyo, hindi ko na mahagilap si Lucas. Wala na ito sa ibabaw ng kama.“Hmm… nasaan kaya siya?” bulong ko sa sarili habang pinapatuyo ang aking buhok gamit ang tuwalya.Umupo ako sa harap ng salamin upang suklayin ang aking buhok. Tahimik ang silid, tanging ang mahinang ugong lang ng aircon ang maririnig.Ngunit napatigil ako sa pagsusuklay nang makita ko, sa repleksyon ng salamin, si Lucas na papalapit mula sa veranda ng aming silid.Hindi ko alam kung bakit tila naging eslomostion ang lakad nito at para kung ano nararamdaman ang puso ko sa paraan ng pagtitig niya. May kung anong bigat sa mga mata niya hindi galit, hindi rin malamig malamlam ang titig niya tila may gusto sa bihin.Lumapit siya sa aking likuran at marahang ipinatong ang baba niya sa balikat ko.“Hmm,” sambit niya. “Ang bango naman ng misis ko.”Napahagikgik ako nang mahina dahil sa dampi ng maliit niyang balbas sa leeg ko.“Lucas nakikiliti ako sa balbas mo,” sambit ko habang inilalayo ko

  • Owned by His name   kabanata 23

    Kabanata 23“Ayos ka lang ba talaga?”Marahan ang boses ni Regina habang inalalayan niya akong maupo sa mahabang bench sa gilid ng court. Ramdam ko pa ang bahagyang panginginig ng mga tuhod ko hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa adrenaline na dahan-dahang humuhupa mula sa katawan ko.Katatapos lang ng interview sa akin ng reporter. Naka-off na ang mga ilaw ng camera, at ang kaninang nakakasilaw na spotlight ay napalitan na ng mapurol na ilaw ng arena. Unti-unti nang humihina ang ingay sa paligid. Ang malakas na sigawan at palakpakan ng libo-libong manonood ay napalitan ng mabababang usapan ng mga staff, ng kaluskos ng mga kagamitang nililigpit, at ng paulit-ulit na yabag ng mga taong palabas na ng venue.Ako ang tinanghal na VIP Player of the Night.Hanggang ngayon, parang hindi pa rin tuluyang nagsi-sink in sa akin ang lahat ng nangyari.“Oo, ayos lang ako,” tugon ko, pilit na nakangiti habang pinupunasan ang pawis na patuloy pa ring bumabagsak mula sa aking noo.Napabuntong-hininga

  • Owned by His name   kabanata 22

    KABANATA 22 — ANG HULING HAKBANG NI CELESTINEMalakas ang sigawan. Ang tunog ng tambol at palakpak ay umaalingawngaw sa buong arena. Sa bawat rally ng bola, parang pumipintig din ang puso ko. Ang scoreboard ay halos dikit na dikit—23-23—isang pagkakamali lang at puwedeng tapos na ang set.“Focus, girls! Isa na lang, isa!” sigaw ni Coach Martinez mula sa gilid. Pawis na pawis siya, pero kitang-kita sa mata niya ang apoy ng pag-asa.Tiningnan ko ang paligid. Ang mga ilaw ng arena ay nakakasilaw, pero hindi ko alintana. Ang mga mata ng libu-libong manonood ay nakatuon sa amin—sa bawat hakbang, bawat paghinga, bawat dampi ng bola sa kamay. Ramdam ko ang bigat ng moment.“Celestine, ready ka?” tanong ni Regina, ang setter namin. Nakataas ang isang kilay niya, pero alam kong iyon ay para itago ang kaba.Ngumiti ako. “Paliparin mo ‘yan. Ako na bahala.”Tumunog ang pito ng referee. Tumalon ang kalaban para sa serve. Mabilis, matalim, at may halong pwersa—ang bola ay lumipad na parang kidlat.

  • Owned by His name   kabanata 21

    KABANATA — SEMI-FINALS NG VOLLEYBALLMainit ang hangin sa loob ng arena, hindi lang dahil sa aircon na halos hindi nakakaabot sa bawat sulok, kundi dahil sa tensyon at excitement ng mga nanonood. Halos lahat ng tao sa paligid ay nakapikit sa laro, mga mata’y nakasaksak sa bawat galaw ng mga manlalaro, bawat palo, bawat spike na tumatama sa court. Ang sigawan, hiyawan, at palakpak ay halos magkasabay, parang musika ng kabataan at passion.“Ay, grabe talaga si Celestine!” sigaw ng isang tagahanga mula sa gilid, hawak ang bandera at sombrero. “Ang bilis ng reflex niya!”Pumaloob sa isip ko ang lahat ng training na ginawa namin sa gym—ang tuwing puyat kami, ang bawat pag-ikot ng bola sa aming mga kamay, at ang walang katapusang drills. Ngayon, ang lahat ng iyon ay nasa court na, at bawat kilos ay tila eksaktong tugma sa mabilis na ritmo ng laro.Mabilis akong bumalik sa court matapos malampasan ang kalaban sa huling rally. Nararamdaman ko ang adrenaline sa bawat hakbang. Sinalo ko ang bol

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status