BAHAGYANG NANUYO ANG lalamunan ni Roscoe. Sumimangot siya para ipakita ang pagkadisgusto sa salitang binitawan ni Everly na alam naman niyang hindi nito magagawa. Binabantaan lang siya nito. Sa bandang huli, hindi pa rin nito magagawang lisanin ang kanilang villa at tuluyang iwanan siya. Dumilim na ang tingin niya sa asawa. Pinapainit na naman nito ang kanyang ulo, muli siyang nagsalita sa mas malamig at dismayado niyang boses upang ipakita na masama na naman ang timpla ng ugali niya sa inaasta nito.
“Huwag mo nga akong paandaran na naman ng ganiyan, Everly. Ang mabuti pa ay magbihis ka at sumama ka sa akin sa hospital nang may silbi ka naman. Humingi ka ng paumanhin kay Lizzy para hindi na ako magalit pa sa'yo, keysa dada ka nang dada na para bang ikaw ang kawawa sa inyong dalawa!”
Nakagat na ni Everly ang kanyang labi. Hanggang sa mga sandaling iyon ay si Lizzy pa rin ang mahalaga.
Inalis ni Everly ang kanyang kahinaan at kinausap siya sa mas matalas na tono sa unang pagkakataon. Ang kanyang boses ay napakalamig at animo walang puso na mararamdaman sa kanyang binibitawang salita.
“I’m talking about having a divorce with you, Roscoe. Hindi mo ba iyon naiintindihan? Wala akong pakialam kay Lizzy. Ikaw ang kinakausap ko tungkol sa magiging divorce natin. Maghiwalay na tayo!”
Nahulog ang panga ni Roscoe sa unang pagkakataong ginawang pagsigaw ni Everly sa kanya. Palaging malambing ang boses nito kaya bago iyon sa kanyang pandinig. Hindi lang iyon, nakita niya rin na madilim na ang mga mata nito na kanina lang ay puno ng panlilimos ng atensyon sa kanya. She just stood next to the sofa. Kahit na sobrang lapit niya sa kanya, parang napakalayo ng distansya sa pagitan nila. Tila matagal nang hindi natititigan nang maayos ni Roscoe si Everly at noon lang niya nagawa iyon. Napansin niya na siya ay pumayat nang husto at hindi na kasingtingkad ang kagandahan gaya ng bago niya ikasal sa kanya.
Sa gitna ng katahimikan ng paligid ay nanumbalik ang isipan ni Roscoe sa kanilang kabataan. Si Everly ang pinakamamahal na panganay na anak ng pamilya Golloso. Talentado at maganda. Marami rin itong tagahanga sa lungsod, mapababae man o lalaki. Marami ang naghahangad na mapansin ng isang Everly Golloso, ngunit siya lamang ang nagawang pansinin ng babae noon at nangakong kanyang pakakasalan. Noong may sakit ang kanyang ina, si Everly na isang musmos na hindi pa nakakagawa ng gawaing bahay ay nag-aral na magluto upang alagaang mabuti ang mapili sa pagkain niyang ina. Hindi naman siya kinasusuklaman ni Roscoe noong mga panahong iyon, tinanggap pa niya si Everly na pakasalan siya. Ewan niya rin, bakit hindi niya nagawang tanggihan ang babae. Oo, maganda ito, cute, mabait at easy going.
Kailan nga ba nagbago ang pakikitungo niya sa asawa? Iyong mga munting paghanga niya ay napalitan ng disappointements dahil nakikita niyang sobrang obsessed nito sa atensyon niya na dati naiintindihan niya.
Noon napagtanto niya na dapat ay si Lizzy ang pinakasalan niya at hindi si Everly. Ito na dapat ang kanyang pinili at hindi ang kanyang asawa ngayon na pinagsisisihan niyang naging isa sa desisyon niya.
“Hindi ako nakikipaglokohan sa’yo, Everly. Kung ayaw mong sumama sa akin, maiwan ka dito!”
Logically speaking, dapat masaya siya na gusto ng asawa niya na makipaghiwalay na. Magiging malaya na siyang gawin ang gusto niya. Hindi na niya kailangan pang magtimpi ng kanyang sarili. Pero sa hindi malamang dahilan, nang tumingin siya sa mukha ni Everly, nakaramdam siya ng bahagyang sama ng loob.
“Hindi rin ako nakikipaglokohan, Roscoe. Gusto ko ng mag-divorce tayo. Narinig mo? Maghiwalay na tayo!”
“Napag-isipan mo bang mabuti iyan? Are you sure you want a divorce?” Roscoe glanced at Everly.
Sa unang pagkakataon, naramdaman ni Roscoe na may kakaiba sa asawa niya. She had worked so hard to get this marriage, kaya ba niyang hiwalayan siya? Ano ang nakapagpabago sa kanyang isipan sa oras na ito? Ang nangyari? Sisiw lang iyon. Marami pang mas malalang nangyari noon at hindi naman ito umangal.
Nakasuot pa rin ng suit at may balingkinitang pigura na mas nagpadepina ng malakas nitong sex appeal si Roscoe. Napaka-gwapo niya, lalo na ang kanyang pares ng itim at puno ng misteryoso na parang sa phoenix na mga mata na may mahabang pilikmata at makapal na pares ng kilay. Malamig kung tumitig ngunit lubhang sobrang nakakaakit iyon. Iyon ang mukhang labis na kinababaliwan noon pa ni Everly. Kaya hindi maintindihan ni Roscoe kung bakit bigla na lang na naging ganito ang takbo ng isipan ng asawa niya.
Upang manatili sa kasal na iyon, tiniis ni Everly ang kanyang malamig na trato at mga mata. Kabaligtaran iyon sa kanyang hitsura. Idagdag pa na si Lizzy ang paulit-ulit nitong pinapanigan. Akala niya karapat-dapat siya sa kasal na ito. But the marriage is a double-edged sword, and she can't hold it alone. Ayaw niyang maging puppet sa isang kasal na tanging siya lang ang nagpapahalaga, ni ayaw niyang gumawa ng anumang bagay para masira silang mag-asawa sa mata ng iba kaya naman makikipag-divorce na siya. Kapag divorce na siya, malaya na silang gawin ang mga bagay-bagay nang walang ibang inaalala. Lalo na si Roscoe, wala na rin siyang pakialam kung kinabukasan man noon ay magpakasal na silang dalawa.
“Oo naman. Matagal ko na itong pinag-isipan.” matatag na sagot niya kay Roscoe nang hindi kumukurap.
Bahagyang nagsalubong ang dalawang kilay ni Roscoe. Humigpit ang hawak niya sa kanyang coat na bitbit. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya biglang nairita sa mga sinasabi ng asawa.
“Sapat na siguro ang pitong taong minahal kita. Tama na iyon. Pagod na ako. Hindi na kita gusto.”
Sinubukan ni Everly na huwag pumatak ang kanyang mga luha kahit pa ang sakit-sakit na ng dibdib niya. Nagawa niya pang ngumiti kay Roscoe na para bang ayos lang sa kanya ang lahat ng mga nangyayari.
Talo siya. Hindi niya magawang manalo sa puso ni Roscoe na ang buong akala niya ay magagawa niya. She didn't want to admit that she would lose before, but now, bukal na sa kanyang pusong tinatanggap iyon.
Nakaramdam ng matinding sama ng loob si Roscoe nang marinig ang mga sinabi nito. Ilang beses niyang ibinuka ang bibig. Nais muling magtanong kung desidido na ba talaga sa pakikipaghiwalay si Everly at hindi dahil galit lang ito at nagseselos kung kaya naman nagawa niyang masabi ang mga iyon sa kanya? Ngunit pinigilan niya ang sarili. Kilala niya ang babae. Baka dala lang iyon ng bugso ng kanyang damdamin na pagkaraan ng ilang araw, babawiin nito ang mga sinabi. Ganun naman ito, palaging nananakot lang.
“Bahala ka kung anong gusto mong gawin!”
Hinila na ni Roscoe padabog ang pintuan na halos magiba sa lakas ng impact ng pagkakasara. Parang kahoy na humapay ang katawan ni Everly pabagsak sa sofa. Dumaloy ang pait sa buo niyang kalamnan.
“Panahon na para magising ka sa katotohanan, Everly. Gumising ka na. Kailanman ay hindi siya magiging sa’yo. Tama na ang pagiging martir mo! Tigilan mo na ang pagiging puppet sa kasal niyong dalawa!”
Kinuha niya ang cellphone upang may tawagan. Tama na. Kailangan niya ng kumawala sa tanikala ng kasal.
KULANG NA LANG ay lumuwa ang mga mata ni Lizzy nang makita niyang maputla ang mukha ni Everly na parang naaagnas, iyong tipong nangingitim na iyon. Basa ang buhok nito at hindi lang ang damit. Mukha siyang nakakatakot. Bumangon ba si Everly sa tubig? Paano siya nakatakas? Minumulto na ba siya nito dahil alam nitong siya ang nagpatumba sa kanya? Imposble rin iyon! Wala ng patay ang bumabalik para lang konsensyahin ang may gawa noon sa kanya at takutin.“Lizzy, give me back my life. Alam kong ikaw ang may kagagawan nito kung bakit ako namatay. Bakit mo ako kailangang ipadukot at ipatumba? Hindi ka na naawa. Makikipag-divorce naman ako, hindi mo kailangang gawin sa akin ang bagay na ito. Alam mong marami pa akong pangarap hindi ba? Paano na iyon ngayon, Lizzy? Paano na?” ini-unat pa ni Everly ang kanyang kamay, tila inaabot niya si Lizzy na sa mga sandaling iyon ay bakas na sa mukha ang labis na takot sa kanya.“H-Hindi, hindi ako ‘yun Everly…” nanginginig ang boses na sambit ni Lizzy na
NAGULANTANG NA DOON ang lalaki. Hindi ba dapat tumakas na ito ngayon pa lang? Bakit kailangan nitong palabasin na natuloy ang kidnapping kung hindi naman? Hibang na ba ito? “Pero kung sasabihin namin iyon, hihingan niya kami ng proof—” “Then bigyan natin siya ng proof. Hindi niyo naman siguro ako tatarantaduhin lalo na ngayon na alam niyo na kung ano ang kakayahan kong gawin sa buhay niyong lahat. Di ba na-picture niyo naman ako kanina? Hindi pa ba enough na proof iyon para maniwala siya?” “Kailangan pa rin natin pumunta ng beach.” turan ng lalaki na medyo nagpakutob ng kakaiba kay Everly, ano siya hibang? “Gaya ng unang plano. Kailangan natin magtungo dito.” Plano ba nitong gulangan siya? The seaside was their destination, they must have an ambush. Paano niya malalaman na nagsasabi sila ng totoo? Malamang ay marami silang kasamahan.“No, hindi ako sasama sa inyo sa beach. Kayo ang humanap ng paraan kung paano gagawin ang hiling ko. Pwede kayong gumawa ng ibang scenario na agad na
PANIGURADONG ILANG ARAW siyang minanmanan ng grupo at noong nakakuha sila ng pagkakataon na mag-isa na lang siya at lutang, saka sila kumilos. Naniniwala siya na ang grupo ay under ni Lizzy. Tatlong oras ang kanilang bubunuin upang makarating sa tabi ng dagat kung saan man siya nila planong lunurin. Iyong beach na iyon ay paniguradong ang family beach nina Lizzy na nasa bandang Camarines Sur. Sa loob ng tatlong oras na iyon, kailangan niyang makaisip ng paraan. Iginalaw niya ang kamay na nasa likod, biglang naging alerto ang katabi niyang lalaki na tiningnan siya ng masama at nag-check ng tali niya sa kanyang kamay. Palihim niyang pinindot ang relo na kanyang suot upang mag-send lang ng location niya kay Monel.‘What do you think of me? Gaya niyo na mga bobo?’ Mabagal ang naging takbo ng van paalis ng Legazpi. Ibinaling ni Everly ang kanyang mga mata sa labas ng bintana. Narinig niya ang munting halik ng mga kasama niya na tiwalang hindi niya magagawang makatakas dahil lang babae siy
NAPAKURAP NA LANG ng kanyang mga mata si Everly na naiwan na naman doong mag-isa. Sinundan niya iyon ng malalim na buntong-hininga. Bumalik sa kanyang isipan ang nangyari kanina sa hospital kung kaya naman bigla na naman siyang nawalan ng ganang kumain. Nagpasya siyang uubusin lang niya ang nasa plato niya at uuwi na rin. Gusto na niyang magpahinga. Isipin lang muli ang nangyari kanina na sagutan sa asawa ng pasyente at pagpunta nila ng police station ay napapagod na siya. Gusto na niyang ipahinga ang katawang lupa niya.“Sa sunod, makikinig na talaga ako kay Doctor Santibaniez.”Pagkalabas na pagkalabas ni Everly ng pintuan ng restaurant ay isang itim na van ang huminto sa kanyang harapan. Ang buong akala niya ay customer din sila doon, ngunit natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na nahawakan na ng lumabas ditong dalawang lalaki. Sa bilis ng mga pangyayari ay late ng nakapag-react ang kanyang katawan upang makahingi pa sana ng tulong. “Behave yourself, kung ayaw mong masaktan!”
HINDI NA MAITAGO ang gulat sa mukha ni Everly na sa halip na sermon ang sumalubong sa kanya, inuutusan lang siya nitong bumalik sa iniwan niyang trabaho? Seryoso ba ang head nila? Kung sa kanyang Lola niya iyon ginawa, paniguradong nasampal na siya upang magtanda siya. Tahimik na humakbang si Everly palapit sa table ni Dorothy. Baka nagkamali lang siya ng dinig.“Doctor Santibaniez, I’m sorry…”“It doesn’t matter. Lahat naman tayo ay pinagdadaanan ang ganitong stage ng buhay.”Nakikita pa rin ni Dorothy si Everly sa kanyang sarili noong bagong salta siya sa industriya kung kaya naman hindi niya masisisi kung gumamit man ito ng dahas upang may ipagtanggol lang. Sa una magiging ganito talaga ito, pero alam niyang sa pagdaan ng m
GALAITING SINIPA ni Everly ang lalaki sa mukha nang walang anumang salita. She hooked the man’s neck, clamped it hard and forced him back to the pillar on the side. Everly raised his knee fiercely and slammed it directly into the man’s face. Paulit-ulit niya iyong ginawa. Gulantang na pinanood lang siya ni Roscoe na sunod-sunod ng napalunok ng sariling laway na para bang nanonood siya ng action movie ng live. Hindi makapaniwala na marunong itong makipaglaban? Itinapon ni Everly ang lalaki sa sahig with a fierce back throw. Bingi na siya sa sigawan ng mga taong pilit na siyang inaawat at natatakot na baka mapatay niya ang lalaking kanyang kalaban.“Hindi ba babae ang ina mo at ganyan ka trumato ng mga babae ha?!” Duguan na ang gilid ng labi ng lalaki na pumutok. Tulalang napatitig na ito sa kisame. Malamig ang tinging ipinukol sa kanya ni Everly. She lightly rubbed the corner of her mouth with her fingertips. Dinuro niya ang nakahiga pa ‘ring lalaki na iniinda ang sakit ng likod. Di m