“Dad, you're right. Hinding-hindi ko makukuha ang pagmamahal sa puso ni Roscoe. Alam kong nagkamali ako. Tanggap ko na. Talo ako. I want to go home now.” nahihirapan ang tinig ni Everly nang sabihin sa ama.
Dinig ng buong pamilya ni Everly ang kanyang mga sinabi dahil sa may pagpupulong sila doon. The Golloso family is one of the richest family in Albay and known in a medical industry. Ang Lolo Juanito niya ay isang batikang businessman at ang Lola Antonia niya naman ay kilalang professor ng cardiac surgery. Perpektong mag-asawa ang bansag sa kanila ng mga nakakakilala kung kaya naman mas sumikat pa sila. Mula pagkabata ay tinuturuan na siya ng kanyang Lola Toning at inilalapit sa propesyon ng matanda. Naniniwala ang matanda na matalino ang kanyang apo at nakatadhanang sundan ang mga yapak niya upang mag-aral din ng medisina. Her grandparents had paved the way for her future, her father had prepared countless properties for her too to inherit, and her mother said she could be a little girl forever. Hindi niya kailangang magka-asawa. Magseryoso sa anumang trabaho. Ang kailangan niya lang gawin ay ang e-enjoy ang buhay at gawin ang lahat ng kanyang gusto. Doon ay masaya na ang buong pamilya niya. Subalit ang lahat ng offer na iyon ay tinanggihan at binitawan ni Everly nang dahil lamang kay Roscoe.
“You are a failure, Everly…sinabihan na kita!” may himig paninisi ang tinig ng kanyang ama.
Dati, pakiramdam niya na kapag ipinaglaban niya ito ay magkakaroon ng balik ang pagsisikap niya at sakripisyo. Kahibangan niya lang pala iyon. Nasa imahinasyon niya lang ang pangarap na invisible.
“I’m really sorry, Dad. Natauhan na ako ngayon. Tanggapin niyo man ako o hindi, uuwi ako diyan.”
Pinatay na niya ang tawag pagkasabi noon na hindi na hinintay pa ang pagpayag ng ama dahil sa kanya pa rin naman ang magiging desisyon. Sa kabila ng pangangatal ng buong katawan ay umakyat siya sa ikalawang palapag ng villa upang maligo at magpalit ng damit. Naglagay siya ng konting make up sa mukha upang pagtakpan ang mugtong mga mata. She cleared out all the stuff about herself. Hanging on the wall behind the sofa in the living room is a picture of her and Roscoe while watching the sunset. Ilang minuto niya iyong pinagmasdan. Tinitigan. Kinakapa sa kanyang puso ang maligayang sandali nila noon.
“This is the end of us, Roscoe.”
Natatandaan niya pa ang sinabi noon ng ina ni Roscoe na willing siya nitong pakasalan, iyon nga lang ay walang wedding ceremony. Dahil bobo siya at tanga sa pag-ibig kahit na hindi naman dapat ay walang pakundangan siyang pumayag. Hindi niya na pinag-isipan pa. Bagay na sobrang pinagsisisihan niya. Deserve niya ang ipagmalaki. Noon kasi, ang tanging nasa isip niya, as long as Roscoe is willing na maging asawa niya hindi na mahalaga sa kanya ang seremonya. Naka-jackpot na siya. Magagawa na niyang hawakan ang lalaki sa leeg. Pilit na itinago ni Everly sa mukha ang nakakabagabag na lungkot. Kinuha niya ang naka-frame nilang picture. Walang habas niyang sinira iyon at itinapon sa basurahan sa gilid. Kinuha niya ang divorce agreement na ibinigay sa kanya ni Roscoe noon sa unang gabi ng kasal nila. Mahina pa siyang natawa, doon pa lang dapat nakita niya na dito rin sila hahantong. Walang dahilan si Roscoe na bigyan siya noon kung plano nitong habang-buhay siyang maging asawa. Inilagay niya iyon sa center table kung saan nito unang makikita ang papel oras na bumalik ng villa. Ngumiti siya na parang bagong bukad na mga bulaklak na nahihiyang ipakita ang ganda matapos na pirmahan iyon upang maging opisyal na.
“Heto na ang matagal mong pinangarap. Hangad ko na maging maligaya ka oras na makita mo na ito.”
Hindi na siya nagtagal pa sa villa dahil baka biglang bawiin niya ang desisyon. Minsan pa naman ay tanga talaga siya sa paggawa ng desisyon. Matapos na isara ang pintuan ng kanilang villa, pag-ikot niya paharap ay agad na niyang nakita ang dark purple Pagani na pag-aari niya. Hinihintay na siya. Lumiwanag pa ang mukha ni Everly nang umibis doon ang isang lalaki na mas bata sa kanya ng ilang taon. Tumikwas ang gilid ng labi nito ng tingnan niya mula ulo hanggang paa na para bang ibang katauhan niya ang nakita nito.
“Finally, Everly. Natauhan ka na rin sa kahibangan. Handa ka ng iwan ang iyong masalimuot na libingan.”
“Ang bilis mo naman. Narito ka na agad?” sagot niya na mas lumapad pa ang walang humor na ngiti.
Hindi niya pinansin ang naunang remark nito. Humakbang palapit si Everly sa sasakyan at sumakay sa driver seat. Si Monel ay matatawag na kaibigan ni Everly na hindi. More on, utusan niya ang lalaki. Alipin. Marahil ay dahil sa pagtanaw nito ng utang na loob sa kanya dahil nagawa niya itong iligtas nang minsang muntik ng malunod sa pool. Iyon ang naging simula upang maging sunud-sunuran ito at kaibiganin siya.
“Of course, I've been waiting for this day for three years, Everly!” dagdag pa nitong ikinairap ni Everly.
“Ah, isa ka pala sa mga nag-e-evil eye sa marriage ko. No wonder na hindi ako manalo-nalo dito.” biro ni Everly, dinaan na lang niya iyon doon dahil ayaw na niyang mas maramdaman ang kanyang lungkot.
Nanahimik si Monel kahit na alam niyang nagbibiro lang naman si Everly. She held the steering wheel with one hand, shifted the gear with the other, stepped on the accelerator, and the car drove out with a roar. The dark purple Pagani was speeding on the road, as if venting its emotions. Doon ibinaling ni Everly ang kanyang nararamdamang frustrations. Hindi nagtagal ay huminto iyon sa harap ng isang ink studio. Walang imik na bumaba si Everly doon, kasunod niya naman si Monel na nanunuri pa rin ang mga mata.
“Nolan, I want to get this tattoo.”
Pagkapasok pa lang ng pintuan ay saad na ni Everly sabay bigay ng kanyang cellphone sa lalaki na hindi na nagulat na naroon ngayon ang babae. Tiningnan ito ni Nolan. Napangiti nang nakitang crescent moon na may isang star. Alam niyang may ibang kahulugan ang bagay na iyon sa isang gaya ni Everly Golloso.
“Alright, sweety. Saan mo gusto itong ipalagay?”
HINDI NAGLAON AY pumunta si Everly sa ward. Hinihintay na siya ni Roscoe sa may pintuan. Nakahilig ang siya sa gilid ng pader habang ang kanyang dalawang kamay ay nakasilid sa bulsa ng suot niyang pantalon. Panay ang lingon niya sa paligid matapos ay sa loob naman ng ward ibabaling ang tingin. Malalim ang iniisip niya na wala ‘ring ibang nakakaalam. Nang maramdaman niya ang paglapit ng bulto ni Everly ay napalingon na siya sa babae kung saan nagtama ang mata nila. Namumula ang mga mata ni Everly, mukhang hinang-hina rin ang kanyang katawan na parang walang anumang lakas. “Saan ka nanggaling?” mahina ang boses na tanong niya na hindi pa rin inaalis ang mga mata sa mukha ng asawa. “Sa garden. Nagpahangin.” Hindi kababakasan ang boses ni Everly ng anumang kasinungalingan. “Okay na ang Lolo, nasa ward na nga siya.” Tumango si Everly na nagkukumahog ng pumunta sa harapan ni Roscoe upang humingi ng paumanhin. “Pasensya ka na kung naabala kita ngayong araw.” “Ano bang sinasabi mo diya
NAHAWI NA SA gitna ang mga media na nakaharang kanina upang bigyan sila ng daan papasok sa loob ng hospital. Hawak pa rin sa braso ay nagawa ng pumasok ng mag-asawa sa loob ng walang anumang naging katiting na aberya pa. Magkasunod silang naglakad. Nauuna si Roscoe at nasa likod naman siya. Lalo pang nakaramdam ng lungkot si Everly dito. Hindi niya alam kung sobrang na-touch ba siya o gusto niya ang concern na ipinapakita ngayon ng lalaki sa kanya. “Sunod ka lang sa akin.” lingon ni Roscoe na hindi pa rin binibitawan ang hawak niyang braso. Sa labas ng operating room ay naabutan nila ang ama at ina ni Everly. Yakap ng kanyang Daddy ang ina niyang umiiyak ng tahimik. Nagulat ang mag-asawa nang makita si Roscoe, ngunit hindi na ginawa pang big deal iyon lalo na nang makita nila sa likod nito si Everly. Bago pa makabati si Roscoe sa kanyang mga biyenan ay bumukas na ang pintuan ng ER. Lumabas si Mr. Lim na may butil-butil na pawis sa kanyang noo. Pagtingin sa kaharap niya, hindi niya m
MARAHAS NA HINABLOT na ni Roscoe ang isang kamay ni Everly na muling humawak sa pintuan ng kanyang kotse at tangka na namang pumasok na doon. Hinila ni Everly ang kanyang braso ngunit ayaw naman iyong bitawan ni Roscoe. “Hindi ka pwedeng magmaneho sa ganyang kondisyon. Baka maaksidente ka pa. Delikado. Ihahatid na kita sa hospital.” “Hindi na kailangan, kaya ko naman. Tumabi ka diyan.” “Everly makinig ka naman sa akin, sinabi ko na ngang delikado hindi ba?!” sigaw na ni Roscoe upang mahimasmasan ito, “Wala akong ibang gagawin sa’yo. Ipagda-drive kita papuntang hospital. Nagmamadali ka di ba? Ihahatid kita!” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay sapilitan niyang hinawakan sa isang braso si Everly ay pwersahang hinila patungo ng kanyang sasakyan. Wala na siyang pakialam kung magalit man ito sa kanya basta hindi niya ito papayagang magmaneho. Kahit na alam niya sa kanyang sarili na kaya naman ni Everly na gawin iyon, hindi pa rin siya makakapayag na gawin ito.Paano kung may masamang man
NAUPO NA SA tabi ni Roscoe si Lizzy na bahagyang inihilig pa ang kanyang ulo sa isang balikat ng lalaki upang sumandal. Hindi naman nagreklamo si Roscoe kahit na ilang beses sumagi sa kanyang isipan ang tumayo sa pagkakaupo.“Masakit lang ang likod ko nitong mga nakaraan.” “Iyong sugat mo sa likod?” tanong ni Roscoe na ang tinutukoy ay ang kaparehong peklat ni Everly. Tumango si Lizzy na pinatulis pa ang kanyang nguso habang nakaharap na kay Roscoe na nakatingin sa kanya. “Siguro dahil naso-sobrahan ako ng paggamit ng aircon kaya siya sumasakit.” Hindi niya tuloy mapigilan na maisip ang sinabi ng inmate kanina patungkol umano kung paano siya iligtas nito.“Maghahanap ako ng magaling na therapist na titingin.” tanging nasabi niya na marahang hinaplos ang balikat niya.Lumapad na ang ngiti doon ni Lizzy at marahang tumango sa suggestion ni Roscoe. Nakasalubong niya pa kanina si Everly habang papunta siya ng lounge. Mukha itong paiyak na hindi niya maipaliwanag. Nag-aalala pa rin siy
SA PUNTONG IYON ay hindi na mapalagay ang loob ni Lizzy. Pumunta doon si Roscoe at hinahanap nito si Everly? Bakit? Ano ang kailangan nilang pag-usapan? Bakit kailangan pa nitong sadyain ang babaeng iyon sa kanyang trabaho ngayon?“Got it, lalabas na ako.” ani Everly na yumukod lang kay Dorothy bago tuluyang pamarsta ng lumabas. Humabol ang mga mata ni Lizzy sa likod na Everly kung kaya naman lalo pang hindi siya mapalagay sa loob ng kanilang office. Ano ba talaga ang kailangan ni Roscoe kay Everly? Hindi kaya nalaman na niya ang katotohanan na hindi naman siya ang nagligtas sa kanya kung hindi si Everly? Imposible naman iyon. May source siya. Nakarating sana agad sa kanya.“Ayos ka lang, Lizzy?” pasimpleng bulong sa kanya ni Nadia nang makita ang pagkabalisa niya. “Hmm, huwag mo na lang akong pansinin.” Sa lounge ng hospital ay walang emosyong binuksan ni Everly ang pintuan. Agad niyang nakita si Roscoe na prenteng nakaupo sa sofa. He was wearing a black suit, looking down at a ma
NASA HOSPITAL NA si Roscoe nang magising siya. Nasa kabila ng kama niya nakahiga si Lizzy, umiiyak habang ang dami nitong sugat sa buong katawan. Ang una niyang narinig na salita ay iniligtas siya nito umano sa mga kidnappers niya.“Stop talking nonsense, will you? Sino ang nagligtas sa akin?!” “Lizzy Rivera. Siya ang nagligtas sa’yo.”Nanghihina ang mga kamay na napabitaw sa laylayan ng damit sa bandang leeg ng inmate ang mga kamay ni Roscoe. Ano bang pumasok sa utak niya at tinanong niya pa ito? Dahil ba sa nakita niyang peklat sa likod ni Everly? Bakit hindi siya makuntento na si Lizzy ang saviour niya? Bakit iginigiit ng puso at katawan niya na ang kanyang asawa iyon umano?“May palatandaan siya. Nasaksak ko siya ng kutsilyo sa likod na nag-iwan ng peklat. It’s a vertical scar.”Doon napagtanto ni Roscoe na may peklat nga doon si Lizzy na kagaya ng sinasabi ng kidnapper niya.“Mr. De Andrade, si Miss Rivera ay matapang at maparaan. Muntik na siyang mamatay sa dagat para sa’yo. Is
KINUHA NA NI Everly ang kanyang cellphone at nagtuloy siya sa kanilang conversation. Tandang-tanda niya pa noon ang pagiging makulit niya na e-add siya nito sa kanyang social media account kahit na labag iyon sa loob ni Roscoe. Ilang beses siya nitong ni-reject na syempre masakit sa kalooban niya. Mukha bang hindi worth it na makipag-friend sa kanya? Marami siyang messages dito na mostly ay seen lang ng asawa. May mga reply man doon ngunit bilang lang sa daliri niya. Pagkaraan ng ilang sandali ay nagtipa si Everly ng kanyang message para sa kanyang asawa. Everly:Maraming salamat sa dinner, Roscoe. Pasensya na kung umalis ako agad. Pinag-isipan kong mabuti ang gagawin ko. Kung hindi related sa divorce ang pag-uusapan natin, marapat lang na magkaroon tayo ng distansya sa isa’t-isa. No need to reply.Pagka-send niya noon at nakita niyang na-seen na ni Roscoe, mabilis niyang pinindot ang blocked. Kailangan na niyang putulin ang communication nila. Doon niya sisimulan iyon. Naisip niya n
ANG NARINIG AY ipinagkibit lang ng balikat ni Everly at itinuloy ang kanyang maganang pagkain. Normal meal lang iyon kumpara sa masarap nilang order kanina ng kanyang mga kasamahan ngunit gandong-ganado siyang kumain ngayon. Marahil ay dahil mas marami doon ang gulay at purong seafood ang kanilang mga inorder kanina kaya mas ganado siya. Habang kumakain ay hinid mapigilan ni Everly na maisip na maayos ang relasyon ni Roscoe sa mga staff at chief ng resto. Nadala na kaya ni Roscoe doon si Lizzy? Malamang, maraming beses silang palaging magkasamang kumakain sa labas.“Magkano ang mga asset na nakapangalan sa’yo?” Napakunot ang noo ni Roscoe nang marinig na itanong ni Everly iyon. “Anong sinabi mo?” “Kako, kung magkano ang asset o mga ari-arian na nasa pangalan mo?” “Bakit mo naman natanong iyan?” “Syempre, mag-asawa tayo. Kapag nag-divorce tayo, ibibigay mo ba sa akin ang kalahati noon?” Hindi na magawang makasagot ni Roscoe dahil ni minsan ay hindi man lang siya tinanong ng ganun
HINDI MAGAWANG MAKASAGOT na ni Roscoe na agad ng binawi ang paningin kay Everly. Tahimik niyang pinaandar ang sasakyan. Gumalaw pa ang adams apple niya kahit nakatingin ang mga mata sa kalsada. Ibinaling naman ni Everly ang mata sa labas ng bintana ng sasakyan. Sa gilid ng kalsadang kasalukuyang binabagtas nila ng mga sandaling iyon. Hindi niya magawang makapagtanong kung saan sila pupunta dahil napakalinaw na hindi pauwi ng mansion ang kalsadang tinutumbok ng sasakyan. Hinintay niyang tumigil na lang iyon sa isang private na restaurant. Unang bumaba si Roscoe ng sasakyan. Tahimik na binuksan ang pintuan sa gilid ni Everly.“Anong ginagawa natin dito?”“Baba na.”Labag man sa loob ni Everly ay napilitan siyang bumaba. Hindi siya nito tatantanan hangga’t di ginagawa ang gusto nito. Kakaunti lang ang mga shops sa lugar na iyon. Tahimik siyang sinundan ni Everly. Tinulak na nito ang pintuan ng isang restaurant, isang lalaki ang lumabas dito na mukhang nasa thirties na. Ngumiti lang ito n