Chapter 3
Napahinto ako sa may entrance ng hotel, tila may aninong humahatak sa akin palayo. Ang daming tanong sa isip ko—Tama ba 'tong ginagawa ko? Sino ba talaga lalaki na ito? Napalunok ako. Paano kung isa siyang matabang matanda? O isang panot na may tiyan na parang lobo? O baka naman isang payat na may malalaking mata? Naguguluhan pa rin ako nang biglang lumapit sa akin ang isang babae—maganda, pino ang kilos, at mukhang sanay sa ganitong klase ng lugar. “Miss Kara Smith Curtiz?” magalang niyang tanong. Agad akong napatingin sa kanya. “A-Ako po.” Bahagya siyang ngumiti. “Kanina pa po kayong hinihintay ni Mr. Montero sa itaas. Pakisunod po ako.” Nagpantig ang tenga ko sa narinig. Kanina pa? Ibig sabihin, seryoso talaga siya sa pagkikita namin. Wala akong nagawa kundi sumunod sa babae. Sinamahan niya ako sa elevator at pinindot ang button para sa VIP floor. Lalong lumakas ang kaba ko. Anong klaseng tao ba ang naghihintay sa akin sa itaas? Habang tumataas ang elevator, pakiramdam ko’y lumulubog ang sikmura ko. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mag-isip ng kung anu-ano. Paano kung isang matandang sugar daddy ‘to na naghahanap lang ng trophy wife? O baka naman isang lalaking may masamang balak? Huminga ako nang malalim. Hindi, Kara. Ginusto mo ‘to. Para kay Papa. Para sa pamilya mo. Nang bumukas ang pinto ng elevator, para akong na-freeze sa kinatatayuan ko. Napakagara ng hallway—puro gold at marble ang interior, parang isang palasyo. Dinala ako ng babae sa isang malaking pinto, at bago niya ito buksan, bumaling siya sa akin. “Nandito na po si Miss Curtiz, sir.” Nakarinig ako ng isang malalim na boses mula sa loob. “Papasukin mo siya.” Dahan-dahang bumukas ang pinto… at napahawak ako sa dibdib ko nang makita kung sino ang naghihintay sa akin. Parang bumagal ang oras habang nakatayo ako sa pintuan. Ang lahat ng pangit na iniisip ko kanina tungkol kay Mr. Montero—na baka isa siyang matabang matanda, panot, o may malaking tiyan—ay agad na naglaho. Dahil ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay kabaligtaran ng lahat ng iyon. Matangkad siya, siguro nasa 6'2", may matipunong katawan na halatang pinaghirapan sa gym. Ang suot niyang itim na suit ay perpektong bumagay sa kanyang broad shoulders at fit na pangangatawan. Pero ang pinakaunang nakatawag ng pansin ko ay ang kanyang mukha—matangos ang ilong, may matalim na panga, at isang pares ng mata na tila binabalatan ako ng tingin. Holy— Napalunok ako. Parang artista. O hindi, mas higit pa. Isang hot, handsome, perfect husband material. “Have a seat, Miss Curtiz,” malamig pero matigas ang kanyang boses. Parang nanigas ang paa ko, hindi ko alam kung lalapit ba ako o tatakbo paalis. Sh*t, bakit parang mas mahirap ‘to kesa sa iniisip ko? Nakita kong bahagya siyang napataas ng kilay, tila hindi sanay na may nag-aalinlangan sa harapan niya. Dahil doon, pinilit kong ipanatag ang sarili ko at dahan-dahang lumapit sa upuang nasa tapat niya. Umupo ako, pero hindi ko magawang tumingin nang diretso sa kanya. Ang intense ng presence niya, parang nakakaubos ng confidence. Tahimik lang siya habang nakatitig sa akin, parang inaaral ang bawat galaw ko. Hanggang sa siya na mismo ang bumasag ng katahimikan. “So, nasabi ko na ang offer ko sa’yo.” Malalim at diretso niyang sabi. “Ano ang sagot mo?” Napalunok ako. Ito na ‘yun. Wala nang atrasan. Nagtagpo ang mga mata namin. Kaya ko ba talaga ‘to? “Nais ko sanang malaman kung ano ang nasa contract?” ngiwi kong tanong habang pinipilit itago ang kaba sa boses ko. Nakatingin lang siya sa akin, nakasandal sa upuan na parang wala siyang pakialam sa mundo. May bahagyang smirk sa kanyang labi, tila nagugustuhan ang pag-aalinlangan ko. “Smart question.” Tumango siya at kinuha ang isang brown envelope sa tabi niya. “Read it.” Maingat niyang inilapag ang envelope sa harap ko. Nagdadalawang-isip akong kunin ito. Bakit parang masyadong pormal? Pero nang makita ko ang seryosong tingin niya, alam kong hindi siya nakikipaglaro. Dahan-dahan kong binuksan ang envelope at kinuha ang mga papeles sa loob. Sinimulan kong basahin—at sa bawat linya, mas lalo akong natulala. “Isang taon?!” Napatingin ako sa kanya, hindi makapaniwala. Tumango lang siya. “One year. Hindi mo kailangang manatili habambuhay. Just for one year.” Pinagpatuloy ko ang pagbabasa. 1. Walang emotional attachment. 2. Lahat ng gastusin ng pamilya ko, siya ang sasagot. 3. Bawal akong makipag-relasyon sa iba habang nasa kasal kami. 4. Sa loob ng isang taon, kailangan kong gampanan ang papel ng isang asawa—privately and publicly. Napahigpit ang hawak ko sa papel. “Ano ang dahilan mo?” Diretso kong tanong. Napakurap siya, tila hindi inasahan ang tanong ko. Pero imbes na sumagot agad, pinagmasdan lang niya ako—parang sinusukat kung dapat niya ba akong pagbigyan ng sagot o hindi. Hanggang sa bahagya siyang ngumiti. “That’s none of your concern.” Napalunok ako. Ano ba ‘to? Isang laro lang para sa kanya? “Pumayag ka o hindi, Kara. But if you agree, sign it.” Nakatitig siya sa akin, naghihintay. At ako? Ramdam ko ang matinding dagundong ng puso ko. Isang desisyon na babago sa buhay ko. Isang kasal na walang pag-ibig. Pero para kay Papa… para sa pamilya ko… Handa ba akong gawin ito? "Hindi mo ba babasahin ang last page?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Last page? Mabilis kong nilagpasan ang mga pahina hanggang sa marating ko ang dulo ng kontrata. At doon, nanlaki ang mga mata ko. "Ano ‘to?!" Halos mapasigaw ako nang mabasa ang huling kondisyon. "Bago makuha ang buong 5 million, kailangang mabigyan ng anak si Mr. Montero." Nalaglag ang ballpen sa kamay ko. Hindi ako makapaniwala. Para akong sinampal ng realidad na hindi ko inasahan. Akala ko simpleng kasal lang ito?! Dahan-dahan akong napatingin sa lalaking nasa harapan ko. Walang bahid ng emosyon ang mukha niya. Kalma. Malamig. Walang bakas ng pagsisisi. "You didn’t expect that, did you?" mahinang sabi niya, may bahagyang amusement sa kanyang tono. "A-akala ko… isang taon lang," mahina kong sambit, halos hindi makapagsalita. Tumango siya, pero hindi inalis ang titig sa akin. "Yes. But I need an heir. And if you accept this contract, you must fulfill that condition." Biglang nanikip ang dibdib ko. Anak?! Ibig sabihin… kailangan naming…?! Hindi ko alam kung matatakot ako, mahihiya, o tatakbo palayo. "Kung hindi mo kaya, aalis ka na lang ba?" Tanong niya, malamig pero may hamon. "Are you willing to give up? O kaya mo akong harapin, Miss Curtiz?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ito simpleng kasal lang. Ngayon, mas matimbang na ang tanong… Kaya ko bang gawin ito?Chapter 298Jacob POV Pagkatapos kong makausap ang isa kong tauhan tungkol sa CCTV sa bar, mariin akong napabuntong-hininga.Pinag-imbestigahan ko kung sino ang walanghiyang naglagay ng sex drug sa inumin ni Jasmine."Find out who touched her drink," malamig kong utos. "And when you find him, I want his hands crushed. Slowly."Hindi niya ako sinagot—pero ramdam ko ang tensyon sa linya.Walang may lakas ng loob na tumutol sa galit ko ngayon. Lalo na kung si Jasmine ang napahamak.Pagbalik ko sa silid…Wala na siya.Wala ni anino ng babae kong dapat ay nagpapahinga pa.Unti-unti akong lumapit sa kama.Magulo pa ang kumot, may bahid pa ng halimuyak ng balat niya sa mga unan.Dumako ang paningin ko sa maliit na table lamp—may iniwan siyang baso ng tubig. Kalahating puno.Sa tabi niyon, isang tissue na tila pinangpunas sa labi.“Damn it…”Mabilis kong hinagod ang likod ng aking batok."Why are you running away, Jasmine?"Ako ang sumagip sa’yo.Ako ang hindi natulog para lang masigurong li
Chapter 297 Napatingin ako sa ibaba niya nang hindi sinasadya. “Oh my…” Muntik ko nang mapa-atras ang ulo ko. Tayung-tayo pa rin ang junior niya. Parang hindi man lang napagod kagabi. Parang… handa ulit makipag-giyera. “A-Ah, sir…” Napakagat ako sa aking labi, pinipigilang matawa o matulala. “Pwedeng… mag-brief ka muna? O kahit towel man lang. Takpan mo naman ang junior mo, oh.” Sabay turo ko sa kanyang harapan, pilit na hindi pinapahalata na namula ako sa hiya at kilig. Pero isang ngisi lang ang isinagot niya. Yung tipong ngiti ng isang lalaking alam ang epekto niya sa’yo. Yung ngiting nakakaloko at nakakapaso. “Bakit? Natakot ka ba, Ms. Lim?” Umusog siya papalapit muli, walang balak na magtakip. “O na-miss mo agad ‘to?” sabay nguso niya pababa, kung saan… well… busy pa rin ang kanyang junior sa pagtindig ng dangal. “Sir naman!” saway ko habang tinatakpan ng kamay ang aking mukha, pero pasulyap-sulyap pa rin ako sa kanya. Tumingin siya sa akin, this time hindi n
Chapter 296 Ang mga kalaban? Agad umatras. "Come here," mahina niyang bulong sa akin, halos dikit ang labi niya sa tainga ko. Ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko—mainit, mabigat, nakakalusaw. “S-sir…” bulong ko, pero hindi ko na natapos. Bigla niya akong isinakay sa loob ng SUV. Hawak pa rin niya ang kamay ko, at nang maisara ang pinto, ay napahilig ako sa balikat niya, parang wala na akong lakas. “Jasmine…” Ang pangalan ko sa kanyang bibig ay parang kasalanan at pangakong sabay niyang nilunok. “You’re burning up,” aniya, saka marahang hinaplos ang pisngi ko gamit ang likod ng palad niya. Napapikit ako. Tumingin siya sa labi ko. Tumitig ako sa mga mata niya. “S-Sir Jacob…” At bago pa ako makapagsalita muli, lumapat ang labi niya sa akin—mainit, marahas, nag-uumapaw sa galit, pag-aalala… at isang bagay na hindi ko pa kayang pangalanan. Hindi ito tama. Pero wala sa katawan ko ang gustong kumawala. His kiss was fire. At ako? Para akong tuyong gasolina na sinilaban ng apo
Chapter 295 Two days. Ito na ang hinihintay ko. Ang pagpasok ko sa mundo nila, hindi bilang Assassin J, kundi bilang Jasmine Lim—ang babaeng inosente, walang muwang, pero may lihim na layunin: ang pabagsakin ang sindikatong kinasangkutan ng kanyang pamilya. Nagsuot ako ng simple red dress—hindi sobrang hapit, pero sapat para maakit ang sinumang lalaking hindi pa rin nawawala ang lakas ng libido. Isang manipis na lipstick ang nagmarka sa aking labi, at ang konting pulbo lang ang nagbigay ng inosenteng kinang sa aking mukha. Lumapit ako sa salamin bago umalis. "Ngayon isang Jasmine ang papasok. Hindi si Agent J. Hindi si Assassin. Isang bitag na may halimuyak ng pang-akit at panganib." Pagdating ko sa SABRE, isang high-class bar na tanging mga VIP at kilalang personalidad lang ang nakakapasok, hindi ako pinigilan ng bouncer. Iba ang tingin nila sa akin—parang kilala na ako kahit hindi pa. May lihim akong informant sa loob, isa sa mga waitress na dating nailigtas ko. Siya ang nagsa
Chapter 294 Pagkatapos kong pabagsakin si Valero, agad akong umalis sa event na parang anino sa dilim. Wala ni isang makakakilala sa akin sa gabing iyon — hindi si Jacob, hindi si Ellie, at lalong hindi ang mundo na iniwang kong nagdududa sa tunay kong pagkatao. Pinagmasdan ko ang aking repleksyon sa bintana ng sasakyan. Magulo pa rin ang damdamin ko, hindi dahil sa pinatay ko si Valero, kundi dahil sa wakas, isa na namang piraso ng puzzle ang nakuha ko. "Dalawang sunod-sunod na operasyon..." bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang liwanag sa malayo. "Kailangan kong magpahinga kahit sandali." Pagdating ko sa sariling mansion — isang property na kahit ang gobyerno ay walang impormasyon — agad akong pumasok at ini-activate ang mga security system. May lima pa akong araw bago ako muling magbalik bilang Jasmine Lim, ang secretary na inosente. Pero ngayong gabi… ako si J, ang assassin. Ang anak ng isang pinatay na agent. At ang babaeng magpapabagsak sa isa sa pinakamalupit na Ma
Chapter 293 Napalingon ako kay Ellie habang hawak ko ang braso niya, pilit ko siyang hinihila palabas ng bulwagan. "Wait, my brother is still there. Please, J… iligtas mo ang kuya Jacob ko!" Namumugto ang mga mata niya. Hindi ito ang usual na cheerful at nakakatuwang Ellie. Ngayon, isa siyang kapatid na takot—na baka hindi na muling makita ang taong pinakamamahal niya. Napakuyom ako ng kamao. Hindi ko siya agad sinagot. Saglit akong tumitig sa pintuan kung saan galing ang putok ng baril. "Shit." Alam kong hindi ito bahagi ng plano ko. Hindi dapat madamay si Jacob. Hindi pa dapat siya mawala at Hindi malaman kung sino talaga ako. Pero… "Damn it," bulong ko habang inabot ang baril ko mula sa tagiliran. Tumitig ako kay Ellie. "You stay here. Hawakan mo 'to," sabay abot ng maliit na taser at tracking pen sa kanya. "Kapag may nangyaring kakaiba, press the red button. May darating na rescue." "Pero si kuya—" "Ako ang bahala sa kanya." Tumalikod na ako, pero bago tuluyang tumakb