Chapter 6
Kinabukasan Agad kong pinahanda sa mga katulong ang silid para sa magiging asawa ko. Walang espesyal na dekorasyon, walang kahit anong palamuti na magbibigay ng ideya na ito ay isang kwarto ng isang bagong kasal. Isang simpleng silid, malamig, walang emosyon—tulad ng kasunduang ito. Tumayo ako sa harap ng malaking bintana ng aking silid, hawak ang tasa ng itim na kape. Sa labas, ang tahimik na paligid ng aking estate ay tila sumasalamin sa lungkot at hinanakit na matagal ko nang kinikimkim. Isang malakas na katok ang pumukaw sa aking atensyon. "Pumasok," malamig kong utos. Bumukas ang pinto, at pumasok si Troy. Kita sa kanyang ekspresyon ang pag-aalinlangan. "Dumating na siya," aniya. Hindi ako agad sumagot. Tinungga ko ang natitirang kape bago ibinaba ang tasa sa mesa. "Nasaan siya?" tanong ko, hindi ipinapahalata ang kung anong nararamdaman ko. "Nasa sala. Tahimik lang siya. Hindi ko alam kung kinakabahan o takot," sagot niya. "Sigurado ka na ba talaga rito, tol?" Napangisi ako, ngunit walang init ang aking ngiti. "Huli na para umatras." Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang sala. Doon, nakita ko siya—si Kara Smith Curtiz, nakaupo sa sopa, walang emosyon ang mukha. Pero alam kong sa ilalim ng kanyang malamig na tingin, may takot at pag-aalinlangan. Nang maramdaman niyang nakatayo ako sa harapan niya, dahan-dahan siyang tumingala at tumingin sa akin. "Handa ka na ba?" tanong ko, walang emosyon sa tinig. Bahagya siyang nag-atubili bago tumango. "Oo." Matalim kong tinitigan ang mukha niya, hinahanap ang kahit anong senyales ng pagsisisi o panghihina. Ngunit nanatiling matatag ang kanyang ekspresyon. "Simula ngayon, ikaw ay magiging isang Montero," madiin kong sabi. "At walang makakapigil sa akin para isakatuparan ang lahat ng plano ko." Tahimik lang siyang nakatingin sa akin, ngunit sa likod ng kanyang mga mata, alam kong may itinatagong emosyon. Ngunit wala akong pakialam. Dahil simula sa araw na ito, siya ay pag-aari ko na. Tinawag ko si Manang Estrella, ang pinakamatagal nang katulong sa bahay, upang ihatid si Kara sa kanyang magiging silid. "Manang, dalhin mo siya sa kwarto niya," malamig kong utos, hindi man lang lumingon kay Kara. Tumango si Manang at hinarap si Kara. "Sumunod ka sa akin, iha." Tahimik siyang tumayo, dala ang isang maliit na bag—marahil ang iilang gamit na napagdesisyunan niyang dalhin. Walang imik, walang reklamo. Parang isang tauhang sumusunod lang sa utos. Habang paakyat sila sa hagdan, saglit akong natigilan. Hindi ko maintindihan kung bakit parang may kung anong bumigat sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang likuran ni Kara. Hindi, hindi ako dapat mag-alinlangan. Siya ang susi sa paghihiganti ko. At sa sandaling ito, siya na ngayon ang pinakamahalagang piyesa sa larong sinimulan ko. Agad akong kinalabit sa aking kaibigan na si Troy. "Goodluck sa paghihiganti mo, tol!" sabay iling nito at nagpapaalam na uuwi na sa kanyang mansion. Tiningnan ko lang si Troy habang papalabas siya ng bahay, umiiling-iling pa. Alam kong hindi siya sang-ayon sa plano ko, pero hindi ko rin siya masisisi. “Bahala na,” bulong ko sa sarili ko bago lumingon patungo sa hagdan kung saan tuluyan nang nawala sa paningin ko si Kara. Katahimikan ang bumalot sa buong mansyon matapos umalis si Troy. Dumiretso ako sa study at muling binuksan ang laptop ko. May ilang bagong reports tungkol sa Curtiz Corporation ang ipinadala sa akin. Inisa-isa ko ang bawat dokumento, pilit hinahanap ang anumang bahid ng kasalanan ng pamilya niya sa nangyari sa aking mga magulang. Ngunit sa bawat pahinang binubuksan ko, mas lalong lumalabo ang linya sa pagitan ng galit at pag-aalinlangan. Napabuntong-hininga ako. Hindi. Hindi ako dapat magpatalo sa mga emosyong ito. Dahil sa larong ito, ang may pinakamalakas na kontrol ang siyang panalo. At ako ang dapat magwagi. "Hindi sila!" bulong ko sa aking sarili. Napaatras ako sa aking kinauupuan, ramdam ang panlalamig ng aking mga palad. Hindi sila... Pero paano? Lahat ng ebidensya, lahat ng pinaghirapan kong pagsasaliksik, itinuturo ang pamilya Curtiz bilang dahilan ng trahedyang bumagsak sa pamilya ko. Kaya ako nandito. Kaya ako gumawa ng plano. Pero kung hindi sila... sino? Napatingin ako sa screen ng laptop, sa mga dokumentong paulit-ulit kong binasa nitong mga nakaraang taon. May nawawalang piraso sa puzzle na ito, at kung may ibang taong may kinalaman sa pagkamatay ng aking mga magulang—ibig sabihin, nagkamali ako. At si Kara... Napakuyom ako ng kamao. Hindi puwedeng magkamali ako. Hindi puwedeng mali ang lahat ng ito. Pero kung tama ang kutob ko, nangangahulugan lang na may mas malaking sikreto sa likod ng lahat ng ito. At kasal na namin ang susunod na hakbang. Wala nang atrasan. Hindi ko namalayan na alas-nuwebe na pala, kung kanina ay alas-syete, kung hindi kinatok ni Manang ay hindi ko napansin. "Sir Christopher, may tawag kayo sa office!" Napabuntong-hininga ako at mabilis na isinara ang laptop. Alas-nuwebe na pala. Kung hindi dahil kay Manang, malamang ay hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Tumayo ako mula sa upuan at tumingin kay Manang Estrella, na nakatayo sa may pintuan ng study. "Sino?" tanong ko, hindi maitago ang iritasyon sa boses ko. "Hindi po nagpakilala, sir, pero importante raw po ang pakay," sagot niya, may bahagyang pag-aalala sa mukha. Mabilis akong lumabas ng study at tinungo ang opisina ko sa loob ng mansyon. Kinuha ko ang telepono at malamig na sumagot. "Christopher Montero speaking." Sa kabilang linya, isang pamilyar ngunit matigas na boses ang narinig ko. "Akala mo ba, kaya mong itago sa akin ang balak mong kasal?" Napatigil ako. Kilala ko ang boses na iyon. At kung siya na mismo ang tumawag... nangangahulugan lang na hindi lang basta laro ang pinasok ko. May mas malaking panganib na nag-aabang. "Andrea—" tanging nasambit ko, ramdam ang bigat ng kanyang pangalan sa aking labi. Sa kabilang linya, narinig ko ang malamig niyang tawa. "Hindi mo akalaing malalaman ko, ‘no? Christopher, kilala kita. Alam kong may plano ka, at gusto kong malaman… Ano ang tunay mong balak sa Curtiz girl na ‘yan?" Napatikom ako ng kamao. Alam kong hindi ko siya basta-basta maloloko. Si Andrea ay hindi babaeng madaling palagpasin ang isang bagay na nagpapalungkot sa kanya—lalo na kung ako ang may kinalaman. "Ano bang pakialam mo?" malamig kong sagot. "P-pakialam?" Halatang nagpipigil siya ng emosyon. "Damn it, Christopher! Limang taon tayong magkasama, tapos iniwan mo ako nang walang paliwanag! At ngayon, bigla kang magpapakasal sa babaeng hindi mo mahal? Anong kalokohan ‘to?"Chapter 298Jacob POV Pagkatapos kong makausap ang isa kong tauhan tungkol sa CCTV sa bar, mariin akong napabuntong-hininga.Pinag-imbestigahan ko kung sino ang walanghiyang naglagay ng sex drug sa inumin ni Jasmine."Find out who touched her drink," malamig kong utos. "And when you find him, I want his hands crushed. Slowly."Hindi niya ako sinagot—pero ramdam ko ang tensyon sa linya.Walang may lakas ng loob na tumutol sa galit ko ngayon. Lalo na kung si Jasmine ang napahamak.Pagbalik ko sa silid…Wala na siya.Wala ni anino ng babae kong dapat ay nagpapahinga pa.Unti-unti akong lumapit sa kama.Magulo pa ang kumot, may bahid pa ng halimuyak ng balat niya sa mga unan.Dumako ang paningin ko sa maliit na table lamp—may iniwan siyang baso ng tubig. Kalahating puno.Sa tabi niyon, isang tissue na tila pinangpunas sa labi.“Damn it…”Mabilis kong hinagod ang likod ng aking batok."Why are you running away, Jasmine?"Ako ang sumagip sa’yo.Ako ang hindi natulog para lang masigurong li
Chapter 297 Napatingin ako sa ibaba niya nang hindi sinasadya. “Oh my…” Muntik ko nang mapa-atras ang ulo ko. Tayung-tayo pa rin ang junior niya. Parang hindi man lang napagod kagabi. Parang… handa ulit makipag-giyera. “A-Ah, sir…” Napakagat ako sa aking labi, pinipigilang matawa o matulala. “Pwedeng… mag-brief ka muna? O kahit towel man lang. Takpan mo naman ang junior mo, oh.” Sabay turo ko sa kanyang harapan, pilit na hindi pinapahalata na namula ako sa hiya at kilig. Pero isang ngisi lang ang isinagot niya. Yung tipong ngiti ng isang lalaking alam ang epekto niya sa’yo. Yung ngiting nakakaloko at nakakapaso. “Bakit? Natakot ka ba, Ms. Lim?” Umusog siya papalapit muli, walang balak na magtakip. “O na-miss mo agad ‘to?” sabay nguso niya pababa, kung saan… well… busy pa rin ang kanyang junior sa pagtindig ng dangal. “Sir naman!” saway ko habang tinatakpan ng kamay ang aking mukha, pero pasulyap-sulyap pa rin ako sa kanya. Tumingin siya sa akin, this time hindi n
Chapter 296 Ang mga kalaban? Agad umatras. "Come here," mahina niyang bulong sa akin, halos dikit ang labi niya sa tainga ko. Ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko—mainit, mabigat, nakakalusaw. “S-sir…” bulong ko, pero hindi ko na natapos. Bigla niya akong isinakay sa loob ng SUV. Hawak pa rin niya ang kamay ko, at nang maisara ang pinto, ay napahilig ako sa balikat niya, parang wala na akong lakas. “Jasmine…” Ang pangalan ko sa kanyang bibig ay parang kasalanan at pangakong sabay niyang nilunok. “You’re burning up,” aniya, saka marahang hinaplos ang pisngi ko gamit ang likod ng palad niya. Napapikit ako. Tumingin siya sa labi ko. Tumitig ako sa mga mata niya. “S-Sir Jacob…” At bago pa ako makapagsalita muli, lumapat ang labi niya sa akin—mainit, marahas, nag-uumapaw sa galit, pag-aalala… at isang bagay na hindi ko pa kayang pangalanan. Hindi ito tama. Pero wala sa katawan ko ang gustong kumawala. His kiss was fire. At ako? Para akong tuyong gasolina na sinilaban ng apo
Chapter 295 Two days. Ito na ang hinihintay ko. Ang pagpasok ko sa mundo nila, hindi bilang Assassin J, kundi bilang Jasmine Lim—ang babaeng inosente, walang muwang, pero may lihim na layunin: ang pabagsakin ang sindikatong kinasangkutan ng kanyang pamilya. Nagsuot ako ng simple red dress—hindi sobrang hapit, pero sapat para maakit ang sinumang lalaking hindi pa rin nawawala ang lakas ng libido. Isang manipis na lipstick ang nagmarka sa aking labi, at ang konting pulbo lang ang nagbigay ng inosenteng kinang sa aking mukha. Lumapit ako sa salamin bago umalis. "Ngayon isang Jasmine ang papasok. Hindi si Agent J. Hindi si Assassin. Isang bitag na may halimuyak ng pang-akit at panganib." Pagdating ko sa SABRE, isang high-class bar na tanging mga VIP at kilalang personalidad lang ang nakakapasok, hindi ako pinigilan ng bouncer. Iba ang tingin nila sa akin—parang kilala na ako kahit hindi pa. May lihim akong informant sa loob, isa sa mga waitress na dating nailigtas ko. Siya ang nagsa
Chapter 294 Pagkatapos kong pabagsakin si Valero, agad akong umalis sa event na parang anino sa dilim. Wala ni isang makakakilala sa akin sa gabing iyon — hindi si Jacob, hindi si Ellie, at lalong hindi ang mundo na iniwang kong nagdududa sa tunay kong pagkatao. Pinagmasdan ko ang aking repleksyon sa bintana ng sasakyan. Magulo pa rin ang damdamin ko, hindi dahil sa pinatay ko si Valero, kundi dahil sa wakas, isa na namang piraso ng puzzle ang nakuha ko. "Dalawang sunod-sunod na operasyon..." bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang liwanag sa malayo. "Kailangan kong magpahinga kahit sandali." Pagdating ko sa sariling mansion — isang property na kahit ang gobyerno ay walang impormasyon — agad akong pumasok at ini-activate ang mga security system. May lima pa akong araw bago ako muling magbalik bilang Jasmine Lim, ang secretary na inosente. Pero ngayong gabi… ako si J, ang assassin. Ang anak ng isang pinatay na agent. At ang babaeng magpapabagsak sa isa sa pinakamalupit na Ma
Chapter 293 Napalingon ako kay Ellie habang hawak ko ang braso niya, pilit ko siyang hinihila palabas ng bulwagan. "Wait, my brother is still there. Please, J… iligtas mo ang kuya Jacob ko!" Namumugto ang mga mata niya. Hindi ito ang usual na cheerful at nakakatuwang Ellie. Ngayon, isa siyang kapatid na takot—na baka hindi na muling makita ang taong pinakamamahal niya. Napakuyom ako ng kamao. Hindi ko siya agad sinagot. Saglit akong tumitig sa pintuan kung saan galing ang putok ng baril. "Shit." Alam kong hindi ito bahagi ng plano ko. Hindi dapat madamay si Jacob. Hindi pa dapat siya mawala at Hindi malaman kung sino talaga ako. Pero… "Damn it," bulong ko habang inabot ang baril ko mula sa tagiliran. Tumitig ako kay Ellie. "You stay here. Hawakan mo 'to," sabay abot ng maliit na taser at tracking pen sa kanya. "Kapag may nangyaring kakaiba, press the red button. May darating na rescue." "Pero si kuya—" "Ako ang bahala sa kanya." Tumalikod na ako, pero bago tuluyang tumakb