Home / Romance / THE WEIGHT OF THE VEIL / THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 1

Share

THE WEIGHT OF THE VEIL
THE WEIGHT OF THE VEIL
Author: MIKS DELOSO

THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 1

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2025-02-10 13:07:14

Sa mundo ng mga mayayaman, hindi damdamin kundi pangalan at kapangyarihan ang nasusunod. Ngunit paano kung isang araw, matali ka sa isang sumpaang kailanman ay hindi mo ginusto....

Forbes Park Mansion, Manila

"Klarise, anak! Bumangon ka na! Malalate tayo sa binyag!" sigaw ni Pilita Olive habang kumakatok sa napakalaking kwarto ng anak.

Nasa loob ng isang engrandeng silid si Klarise, napapalibutan ng mga mamahaling chandelier at custom-made European furniture. Ang mga kurtina ay mula sa Italy, ang carpet ay handwoven mula sa Persia. Ngunit kahit gaano ka-ganda ng paligid niya, isa lang ang gusto niya ngayon—ang matulog!

Dumating siya kagabi mula Paris sakay ng kanilang private jet, pagod sa rehearsals at performances bilang isang kilalang ballerina. Halos hindi pa siya nakakapagpahinga, tapos ngayon, gigisingin siya para sa isang binyag?

"Mom, I swear to God, if this is not important—" ungol niya habang pilit tinatakpan ng unan ang kanyang mukha.

"Binyag ‘to ng anak ng pinsan mo, kaya dapat nandoon tayo! Alam mo namang importante ang social connections natin!" sagot ni Pilita, may halong pagkataranta sa boses.

"Fine! Pero bakit kailangan kong magsuot ng puting bestida?!"

"Yan ang motif! Wag ka nang maraming tanong, isuot mo na!"

Napabuntong-hininga si Klarise habang nakatitig sa sarili sa full-length mirror ng kanyang kwarto. Nakasuot siya ng isang eleganteng puting bestida na ni-design pa ng isang sikat na French designer. Napakaganda niya—mistulang isang prinsesa mula sa isang fairy tale. Pero bakit pakiramdam niya, isa siyang tupa na inihahanda sa katayan?

"Mom naman, do I really have to wear this? I look like I'm getting married!" reklamo niya habang hinahaplos ang magarang tela ng kanyang suot. "Mag-message na lang ako kay Camille. Susunod na lang ako sa venue. I'm so damned tired from my long flight yesterday. Please, Mom!"

Namumungay pa ang kanyang mga mata dahil sa jet lag, at ang katawan niya ay gustong bumalik sa higaan.

Ngunit walang awa ang kanyang ina.

"Ang arte mo talaga!" sigaw ni Pilita habang nilalapitan siya. "Kumilos ka na kung hindi, kukurutin kita sa singit! Huwag mo akong daanin-daanin sa pag-e-English mo! Dalian mo, ha? Huwag mo kaming paghintayin ng daddy mo! Dapat pagbalik ko, nakagayak ka na!"

"Mommy naman!" reklamo ni Klarise, pero wala na ang kanyang ina—lumabas na ito ng kwarto, nagmamadaling bumalik sa paghahanda.

Walang nagawa si Klarise kundi umirap at bumuntong-hininga. Bakit ba kasi ang kulit ng mommy niya? Para namang malaking kasalanan ang matulog ng kahit ilang oras.

Hindi niya alam na ang bawat galaw ng kanyang pamilya ngayon ay may mas malaking dahilan—isang dahilan na magpapabago sa buong buhay niya.

Samantala, sa Ray Estate...

Sa kabilang panig ng mundo ng mga elite, isang lalaki ang mariing nakapikit, nagbabakasakaling makatulog muli. Ngunit imposible iyon dahil sa walang-humpay na katok ng kanyang ina.

"Louie, hijo! Ano ba?! Bakit hindi ka pa bumabangon?!"

Ang kwarto ni Louie ay may malawak na floor-to-ceiling windows na tanaw ang buong Tagaytay Highlands. Ang kama niya ay custom-made mula sa Italy at may sariling walk-in closet na kasing laki ng isang condo unit. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, mas pinili niyang magmukmok sa kama, pilit na tinatakasan ang araw na ito. Pagod siya kahapon sa mahabang oras ng operasyon. Isang cosmetic surgeon si Louie, isang bilyonaryo, CEO at nagmamay-ari ng White Aesthetique Clinic na may iilang branch sa iba't ibang parte ng Pilipinas, at siya ang bunsong anak nina Philip at Georgina Ray na isang trillionaire na nagmamay-ari ng factory na nagdi-distribute ng puting bond paper, notebooks, at iba pa.

Narinig ni Louie ang nakaiiritang boses ng kanyang ina mula sa likod ng pinto. Sinubukan niyang hindi ito pansinin, pero nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ina na may hawak na puting tuxedo, wala na siyang nagawa.

"Mom, hindi ako mahilig sa binyag!" iritadong sagot ni Louie.

"Louie Ray! Bumangon ka na at isuot mo ang puting tuxedo mo!"

Napabangon si Louie at napaikot ang mga mata. "Puting tuxedo? Para sa binyag?"

"Basta sundin mo na lang ako!" sagot ni Georgina, tila balisa.

Pinagmasdan ni Louie ang mamahaling puting tuxedo na nakahanda sa gilid ng kanyang kama. May kakaibang pakiramdam siya.

"Bakit kailangan kong magsuot nito?" tanong niya, nagtataka.

"May importante tayong pupuntahan," sagot ni Georgina, ang kanyang ina, habang iniaabot ang tuxedo.

Sinipat ni Louie ang suot ng kanyang ina. Nakasuot din ito ng puting dress na para bang a-attend ng kasal.

"Binyag daw ‘to, pero parang masyado kayong pormal," komento niya habang kinukuha ang tuxedo. "At bakit kailangan kong magsuot ng ganito? Hindi ba pwedeng simpleng suit lang?"

"Walang tanong-tanong, anak! Sundin mo na lang ako, okay?"

"Fine. Pero kung boring ‘to, aalis ako agad."  

"Hay naku, Anak, ang dami mong reklamo. Sundin mo na lang kami, ok? Naka-ready na ang daddy mo sa baba," napapailing na sabi ni Georgina sa anak.

Narolyo ni Louie ang kanyang mga mata. "Yeah, yeah, whatever," sagot niya, saka kinuha ang puting tuxedo mula sa kanyang ina. Isinuot niya iyon nang walang ganang intindihin kung ano ba talaga ang pinaggagawa ng kanyang pamilya ngayon.

Pagkababa niya mula sa grand staircase ng kanilang mansyon, naroon na ang kanyang ama, si Philip Ray, na matikas na nakatayo habang pinagmamasdan siya.

"Hijo, let's go," mahina ngunit mariing sabi nito.

Napatingin si Louie sa labas—nakapila ang kanilang convoy ng mga luxury cars, at mukhang hindi lang ito simpleng "binyag." Something was definitely off.

"Dad, can someone please tell me what the hell is going on?"

Matalim siyang tinitigan ng kanyang ama bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Wala kang kailangang alamin. Sumunod ka lang."

"What?!"

Bago pa siya makapagtanong ulit, tinapik siya ng kanyang ama sa balikat. "Trust us, hijo. This is for the best."

"Akala ko ba mom and dad, binyag ang pupuntahan, bakit 'this is for the best'?" takang tanong ni Louie. "Huwag ka na nga magtanong pa, anak. Yan ang motif ng binyag, sumunod ka na lang."

Tiningnan ni Georgina ang asawang si Philip na parang binabalaan na huwag magsalita ng kung ano-ano, baka madulas at mabuko pa sila sa plano.

Napangiwi si Louie. "For the best? Ewan ko lang kung para sa akin 'yun o para sa kanila." Ngunit kahit anong gawin niya, tila may isang pwersang nagtutulak sa kanya patungo sa isang bagay na hindi niya pa nauunawaan. At sa oras na makarating siya sa venue, isang bagay lang ang magiging malinaw—hindi ito isang ordinaryong araw, at siguradong magbabago ang buhay niya magpakailanman.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 181

    Hindi agad sumagot si Louie. Tinanggap niya ang singsing, pinagmasdan ito. Tila binabasa niya ang bigat ng bawat pagkakabuo nito—ang pangakong nakaukit sa ginto, kahit hindi niya maalala ang mismong araw.“Sa puso ko… pakiramdam ko, hindi ko ito inalis,” sabi niya, sabay suot ng singsing sa sarili niyang daliri. “Ngayon… isusuot ko na uli. Sa buhay ko.”Napaluha si Klarise. Lumapit siya, at sa harap ng kama nilang dalawa, walang sinuman kundi sila, hinalikan niya ang noo ng asawa.“Welcome home, mahal ko.”Tumayo si Louie sa wheelchair, pinilit kahit manghina. Hinawakan niya ang kamay ni Klarise.“Ako naman. Ako ang dapat magsabi niyan.”Lumuhod si Louie. “Klarise Olive Ray… salamat. Sa lahat. Sa pagkapit. Sa pagmamahal. Sa pagpilit sa’kin kahit wala akong maibalik. Ngayon, handa na akong ibalik lahat. Handa na akong maging asawa mo, tatay ni Luna, at lalaking muling pipili ng tahanang ito… araw-araw.”Napayuko si Klarise at niyakap siya nang mahigpit. Hindi na sila nagsalita. Niyakap

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 180

    “Louie…” sabi ni Klarise, dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa tenga nito. “Kung naririnig mo ako… sabihin mo lang ang pangalan ko. Kahit pabulong. Kahit sa isip mo lang.”Tahimik na ilang segundo.Hanggang sa…“...Kla…”Mala-hiningang tunog. Halos hindi marinig. Pero dumaan sa pandinig ni Klarise na parang kulog mula sa langit.Napasinghap siya. “Louie?!”Nanginig ang mga labi ni Louie. Nakapikit pa rin ang mga mata, pero gumalaw ang bibig.“...Klarise…”Parang huminto ang mundo.Tumulo ang luha ni Georgina. Si Philip ay napaupo, natulala. Si Pilita ay napahawak sa puso niya. Si Hilirio ay hindi na nakapagsalita, nakatingin lang sa anak ng anak niya na—sa wakas—bumalik.Klarise, nanginginig, yumakap sa dibdib ni Louie.“Diyos ko… bumalik ka…”“...Sabi ko naman sa’yo…” mahinang tinig ni Louie. “...hindi ko kayo iiwan…”“Louie…” lumuluhang bulong ni Klarise. “Mahal na mahal kita…”At sa wakas, dahan-dahang dumilat ang mga mata ni Louie. Mahina, nanlalabo, ngunit nakatuon lamang sa i

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 179

    Bumaligtad ang mundo. Nawala sa linya ang langit. Nalubog sila sa malamig at malakas na agos ng tubig.Tubig. Hangin. Sigaw.“KLARISE!” sigaw ni Louie mula sa ilalim ng dagat, habang sinisid niya ang pamilyar na aninong lumubog. Hinanap niya ang kamay nito sa gitna ng bula at alon. Lumalaban siya sa hampas ng tubig, hanggang sa maabot niya ito.“Nandito ako!” sigaw niya, hinila si Klarise pataas.Pag-angat nila sa ibabaw, habol-hininga si Klarise, nanginginig, naluluha. “Louie…!”“Okay ka lang?” tanong niya, yakap siya ng mahigpit habang tinatahak ang bangka ng mga rescue personnel mula sa isa pang isla. Ngunit isang alon pa ang humampas.“Louie!”Ngunit sa isang iglap, si Louie ang nawalan ng balanse. Bumitaw siya upang itulak si Klarise papalayo sa banggaan ng mga kahoy na bahagi ng bangka.Nakita ni Klarise kung paanong nilamon ng alon si Louie—wala nang salbabida, wala nang mahawakan.“LOUIE!” sigaw niya, nanginginig ang buong katawan. “LOUIE, HUWAG MONG IIWAN!”Mabilis ang mga pa

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 178

    Kinabukasan – Bandang alas-otso ng umagaLa Verda Beach Resort Pier, Batangas“Sure kayo po, Ma? Hindi po kayo mahihirapan kay Luna?” tanong ni Klarise habang yakap si Baby Luna, na ngayon ay gising na at ngumanganga habang sinisipsip ang sariling hinlalaki.“Anak naman!” sabat ni Pilita Olive, sabay agaw ng sanggol. “Hinintay ko ‘to buong buhay ko. Ako pa ba ang mahihirapan sa apo ko?”“Hayaan mo na ang Mama mo, iha,” dagdag ni Hilirio Olive, na hawak ang isang bote ng baby lotion. “Kanina pa ‘yan gising. Pati ako sinabihan nang, ‘Hil, kumuha ka ng gatas!’ Ni hindi ko alam kung anong formula ang tama, pero pinilit ko. Ganyan ang epekto ng apo—napapag-aralan kahit ang imposible.”Tawanan.Lumapit si Georgina Ray, naka-shades at nakabikining may cover-up. “At huwag mong kalimutan, Klarise, pediatrician ako. Hindi lang basta lola. Ang apo ko… nasa kamay ng isang propesyonal.”“Grabe kayo, Ma,” natatawang sabi ni Louie habang inaayos ang life vest ni Klarise. “Parang isang team of doctor

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 177

    Maagang sumilip ang araw sa kawalan, sumayaw sa puting kurtina ng kubo, at marahang dumapo sa pisngi ni Klarise. Nakahiga siya sa kama, nakatalikod kay Louie, yakap ang unan, at may banayad na paghinga. Tahimik ang paligid—tanging huni ng alon at ang mahinang ihip ng hangin ang nangingibabaw.Sa likod niya, si Louie—nakadilat, gising, ngunit hindi gumagalaw. Takot na baka magising si Klarise, takot na baka mawala ang payapang sandaling ito. Ngunit sa kanyang puso, may init—hindi init ng alaala, kundi ng damdamin na unti-unting sumusulpot. Buong gabi silang magkatabi, hindi para balikan ang nakaraan, kundi para damhin ang kasalukuyan.Hinayaan siyang manatili ni Klarise. Walang tanong, walang kondisyong inilagay sa pagitan nila. Kaya ngayon, heto siya—hindi bilang doktor, hindi bilang estranghero, kundi bilang Louie… ang lalaking muling natututo kung paano magmahal.Dahan-dahan siyang gumalaw, marahang inilapit ang sarili sa likod ni Klarise. Inabot niya ang buhok nito at maingat na in

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 176

    Humagulhol na si Klarise. “Hindi mo kailangang ligawan ako ulit. Mahal kita, Louie. Kahit ilang beses pa akong masaktan sa pagkawala mo, pipiliin pa rin kita.”Nagpalakpakan si Hilirio. “Ayos! Ibalik ang kasalan!”Tumawa si Philip. “Baka pwedeng sa susunod, mag-cruise wedding naman kayo!”“Hoy,” singit ni Pilita, “huwag muna nating ipressur—”Pero bago pa matapos, si Georgina na ang lumapit kay Klarise at niyakap siya ng mahigpit.“Salamat,” bulong niya. “Sa pagmamahal mo sa anak ko. Sa katatagan mo. Sa pagiging ilaw sa panahong wala siyang makita.”Umiyak si Klarise, yakap ang biyenan.At sa gitna ng tawanan, luha, at muling pagkilala, sumisikat ang araw sa harap nila—liwanag na nagsasaad ng bagong umaga.Hindi pa tapos ang laban, ngunit buo na ulit ang pamilyang minsang winasak ng isang trahedya.Tahimik ang dalampasigan, at ang mga alon ay tila nagkukuwento ng matatandang pangarap na muling binubuhay. Nakalapag ang mga ilaw sa paligid ng kubo sa tabi ng baybayin—maliliit, dilaw, at

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status