Si Hestia Angela Gonzaga, isang sikat na pop idol, ay may madilim na sekreto: isa siyang assassin na sinanay ng Phantom Syndicate. Matapos masaksihan ang brutal na pagpatay sa kanyang pamilya noong bata siya, isinumpa niyang maghiganti sa mga mafia na sumira sa kanyang buhay. Ngayon, bilang CEO ng sarili niyang entertainment agency, ginamit niya ang kasikatan upang mapalapit sa kanyang target: si Demetrius Skye Van Heuffman. Si Demetrius, isang malamig at walang awa at makapangyarihang German-Filipino na mafia boss, ay bumalik sa Pilipinas bilang CEO ng isang multi-bilyong kompanya. Sa muling pagtatagpo nila, sinimulan ni Hestia ang kanyang plano—nagpanggap siyang kasintahan nito upang makalapit, makakuha ng impormasyon, at pabagsakin. Ngunit habang lumilipas ang panahon, hindi niya maiwasang mahulog sa lalaking dati niyang kinamumuhian. Ngayon, nahaharap si Hestia sa matinding laban: itutuloy ba niya ang kanyang misyon ng paghihiganti, o susundin ang puso at isusugal ang lahat para sa isang pag-ibig na maaaring magwasak sa kanya?
View More⚠️‼️reader discretion is advice
7 years ago… “Today is your birthday, tomorrow another day…” pakanta-kanta ko habang masayang tumatakbo sa bakuran ng bahay. Excited na kasi akong makita ni Papa ang cake na binili ko para sa birthday niya. Matagal-tagal ko rin itong inipon, nag-part time muna ako sa Night Bar ng boyfriend ng pinsan ko bilang waitress. Sa isang linggo ko roon ay nakaipon ako ng two thousand pesos. Sakto pambili ng cake at grocery namin. Hindi mahilig sa cake si Papa pero gusto ko siyang sorpresahin. May maliit na parte sa akin na umaasang makita siyang ngumiti kahit slight lang! “Papa, nandito na po ako!” Tawag ko. Tuloy-tuloy akong pumasok maski walang sumasagot. Siguro naman ako na nakauwi na siya ganitong oras. Pasado alas sais ng hapon. Takipsilim. Mainit ang panahon dahil sa taas ng humidity, walang umiihip na preskong hangin. Nakatira nga ako sa probinsya subalit mainit ang panahon dito. Kasalanan ito ng mga factory na pumapalibot sa lugar namin. Pinunasan ko ang namumuong mga butil ng pawis sa noo ko nang pinihit ko pabukas ang pinto. Nahirapan pa akong ibalanse ang malaking cake na hawak ko. Lumangitngit ang pinto na’ng tinulak ko pabukas. Biglang dumapo ang kakaibang pakiramdam sa dibdib ko. Para bang may hindi tama. Nakakabingi ang katahimikan ng bahay, mabigat at hindi natural. Araw-araw akong nandito pero kakaiba ito ngayon, lalo na ang ilaw. Magsasalita sana ako nang may malakas na humatak sa akin papasok. “Hestia!” Umugong ang natatarantang boses ni Papa. Humahangos siya na parang tumakbo ng milya-milya para hulihin ako. “Bilisan mo, pumasok ka! Pumasok ka sa loob!” “Ano’ng nangyayari pa?” Nakuha kong tanong na tila langgam lang ang makakarining. “Tumago ka dito sa cupboard. Bilisan mo!” Walang lingon niyang sambit at hinila ulit ako sanhi ng pagkalaglag ng cake. Sumikip ang dibdib ko nang marinig ang pag-plak ng malambot na dessert. Naglaho na parang bula ang pinaghirapan ko. “Bakit Pa? Cake ko,” ingos ko hanggang sa tinulak niya ako papasok sa madilim at masikip na cupboard sa ilalim ng hagdan. Kahit na luma na itong two-story building na bahay namin ay di nagkulang sa cupboard. Dito ako tumatago noon tuwing maglalaro kami ng tagu-taguan. “Wala ng oras, dapat mong magtago agad. Hindi ito ang tamang panahon para magtanong ka. Sumunod ka na lang,” nauubusan niyang pasensiyang wika. “Pa, sixteen na po ako. Hindi na ako bata para maglaro ng tagu-taguan,” inosenteng reklamo ko. “Wala ‘yan sa edad, anak. Ito ang tamang panahon para tumago ka ng maigi sa loob,” aniya na luminga-linga na tila may inaasahang darating. “Dito ka lang. Siguraduhin mong ‘wag gumalaw. H’wag gumawa ng ingay. Kahit ano pa ang marinig mo sa labas, Hestia. Naiintindihan mo ba ako?” Kumabog ng malakas ang puso ko sa di malamang dahilan, basta’t nasa kutob ko na may di mangyayaring maganda. Dalawa na lamang kami ni Papa, at ayokong mangyari ulit ang nangyari kay Mama. “Pa, birthday mo ngayon, mags-celebrate muna tayo,” pamimiliit ko. Hinawakan ko ang laylayan ng long-sleeve niya. “Oo, birthday ko pero i-se-celebrate na lang natin sa susunod. Magtago ka muna dito!” Pagkasabi niya’y matulin niyang sinara at ni-lock sa labas. Imbes na kinalampag ang pinto ay tumalima ako sa sinabi niya. Ilang saglit ay narinig kong may sumipa sa pinto na sinundan ng mga yabag. Mabibigat at mapanganib na mga yabag na parang may dadagitin silang ‘prey’. Mariin kong tinutop ang bibig habang hinahabol ang hininga sa loob ng madilim at masikip ng lugar. Kumislot ako sa maingay na mga sapatos na huminto sa sala. May mga lalaking pumasok, matutulis at mapanganib ang kanilang boses. Nakikita ko sila sa pamamagitan ng maliit na butas ng susihan. “Una sa lahat, nasaan ang pera, hukluban?” Pag-angil ng isa. “Matagal-tagal na kaming naniningil ha. Akala mo siguro matatakasan mo ang atraso mo. Once na pumasok ka sa grupong ito ay wala ka nang takas at yeah, nasaan ang mafia princess?!” Umigiting ang isa pang boses, mas malamig, mas malupit. “Where’s your precious baby, old man?” Tila mabibingi ako sa kakapalan ng german accent niya. Kagaya sa magsalita ng english ng mga artista sa film ni Hitler. Mabilis kong natukoy ‘yon dahil mahilig ako sa mga German. “P-Patay na ang anak ko. Ano pa ang kailangan niyo?” Pagdadahilan niya. “A-At ako mismo ang pumatay.” Nanigas ako sa kinauupuan ko. Nagsisinungaling siya, pero parang hinahati ng kutsilyo ang dibdib ko. Umungol sa inis ang kasama nito. Tantsya ko ay anim silang, puro maskulado at matatangkad. Nanahimik sila saglit, hanggang sa nagsalita ang sariwang boses. Malalim, kalma at nakakatakot. “Don’t fool me!” Mas nakakasindak ang German accent niya. Bumakat sa imahenasyon ko na naliligo siya ng dugo ng mga pinatay niya habang hawak ang baril. “Demetrius…” anas ni Papa na napapaluhod sa sahig. “M-Maniwala ka. Nagsasabi ako ng totoo. Pinatay ko na ang mafia princess n'yo. Wala na kayong mapapala sa'kin.” Pinigilan ko ang paghinga. Sa pamamagitan ng keyhole, nakita ko s’yang lumapit sa kaawa-awang kong ama. Bagama’t madilim alam kong bata pa siya kasi maliit pa ang pangangatawan niya pero hindi makakaila ang kaangasan niya. Wala siyang takot pumatay. Hindi ko makita ang ekpresyon niya dahil nakatalikod sila sa akin. “Tell me the truth,” malamig niyang saad na kinwelyuhan si Papa, “ or I’ll make you beg for death.” Tinutok niya ang baril sa gilid ng sentido nito. “O-Oo, totoo lahat ng sinasabi ko. Wala na ang anak ko at wala na ang prinsesa niyo! Sinusunod ko lang ang utos ng mga Nero!” Kaila ni Papa kahit nanginginig ang buong katawan sa takot. Wala pa sa alas kwatro na hinampas ng lalaki ang baril sa ulo ni Papa. Dumaloy ang mga luha ko at lalo kong hinigpitan ang pagtakip sa bunganga ko. Sumubsob ang duguang mukha ni Papa sa sahig. Hindi nakontento si Dimetrius, pinadyakan pa niya ito. “Wala na kayong makukuha sa akin, lalo na ang anak ko!” Asik ni Papa kahit hirap na hirap siyang kumilos. Gumapang siya patayo pero sinipa siya ulit ng demonyo. Humalinghing sa sakit ang tatay ko. “Wala? Eh, ano ito?” Tinutok ni Demetrius ang baril dito. Mapanudyo namang tumawa ang mga kasama niya. Animo’y nawiwili sila sa pinapanood. Unti-unti akong nilulukob ng galit, gusto kong lumaban. Kaso wala akong magawa. Ang kinatatakutan ko sa lahat ay ang nakakabininging kalansing ng baril. Bin@ril niya ang ama ko, sapol sa ulo at kitang-kita ko mismo kung paano tumalsik ang dugo at dumaloy na parang fountain. Kinagat ko ang kamay para pigilan na sumigaw. Sinundan pa iyon ng maraming putok, at napuno ng masangsang na amoy ng dugo ang hangin. Walang magawa ang tatay ko. Wala na siyang buhay ngayon na nakalupasay sa malamig na semento ng bahay namin. Sa mismong papamamahay namin siya pinatay kagaya ng nanay ko dalawang taong nakalilipas. Gusto kong tumakbo, tulungan siya, pero ayaw sumunod ng katawan ko. Malamang alam niya. Alam niya na wala na ang tatay ko. Mula sa butas ay nakita ko ulit ang tinawag niyang Demetrius. Binigay niya ang hawak na baril sa kasama. Inayos ang gusot sa damit habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng bahay. Naglakad-lakad siya hanggang sa mapansin ang cupboard. Ang lugar kung saan ako. Nagtataka siyang huminto roon, nilapit ang mga mata sa butas. Umisod ako, nabibingi sa malakas na kabog ng aking puso. Natatakot ako na baka maririnig niya. Humaba ang kamay niya sa door knob. Narinig ko ang pag-click ng lock. Hinihipo niya na ang door knob. Malapit na siya. Nawawalan na ako ng huwesyo.DEMETRIUS "It's really surprising you came here," ani Selena sa lalaking tinawag niyang Zeus. "Naku! Napadaan lang. Hindi ko napansin na padpad pala ako sa casino," kinakamot ang batok na anito. Naasar na ngumisi si Selena. "Sige mauna na ko," sabi ulit nito saka mabilis na nawala sa paningin namin. Kumibit balikat ang malanding babae, ngumuso saka umupo sa tabi ko. I had been trying to keep my irritation in check. Hindi ito ang tamang oras o lugar para lumikha ng eksena. Lalo na't abala ako sa mahalagang tao na tina-target ko ngayong gabi. Nandito lang naman si Dante Alegri, ang boss ng Nero Mafia. Sakto ang pagpunta ko bagaman plano ko lang sana mag-relax. That bastard was here at this high-stakes poker table, not just to gamble. He was making his way toward a secret auction in the back rooms of this underground casino–one that only black‐market elites had access to. Matalas ang mga mata ko kaya alam ko na 'yon ang plano niya. Tumayo ang balahibo sa batok ko nang yumukod s
HestiaIritado na ako ngayon sa ingay ng halinghing ni Zeus. Ang daya kasi siya lang ang nasasarapan hindi ako. Tinapos ko ng biglaan ang pagsipsip ng kanya, binitawan ko siya at nilinis ang naiwang katas niya sa gilid ng bibig ko gamit ang dila ko. Lupaypay siyang nagpatihulogsa kama saka inirapan ako."What?" malamig kong bwelta."I didn't come yet, you bitch," pagmamaktol niya kasabay ng pagkislot ng alaga niya."Hoy, Agent Z, tatlong beses ka na kayang dumating. Halos mabilaukan ng ako," nabibwesit kong usala bago hinila ang kamay niya. "Tumayo ka nga diyan at bumihis kasi aalis ako!""We're not finished yet. You think I let you slide like that." Malakas niya akong hinila pabagsak sa kama.Nang muli kong dinilat ang mga mata ay nasa ibabaw ko na siya."Leche! Ba't ba kasi umi-exist ang sinturon!" Parang bata niyang sigaw habang hinuhubad ang pantalon ko."Abnormal ka talaga, Zeus. Bilasan mo kasi aalis agad ako.""Pwede ba kumikiskis this time?""Hindi! Baka pumasok ka.""Kahit sa
Hestia After that heartfelt conversation, ay nasa condo ako ngayon. Pinipili ang damit kung paano aakitin si Demetrius. Balak kong maging ka-fling niya para makapasok ng kanyang mansyon. Siguro babawiin ko ang sinabi kanina sa presscon. Lumabi ako nang mapusuan ang kulay ginto na casual dress. Matagal-tagal ko na 'yong di nasusuot—noong huli ay ang inauguration ng H.A.G pa. Binaba ko muna ang hawak ko para hubarin ang damit ko. Gusto kong sukatin kung magkasya pa. Akma akong maghuhubad nang tumunog ang kama sa likod ko. Mabilis pa sa kidlat kong hinugot ang pocket knife at binato sa intruder sa likod ko. "The heck—Tia!" tili niya. Sinangga niya ang punyal gamit ang makapal na libro—ang lumang italian dictionary ko. Gumuho ang gitna at kumirot ang dibdib ko dahil sa wakas ay nasira ang libro na pinakaayaw ko sa lahat. Halos madurog ang ngipin ko sa matigas na pagtiim bagang nang matanaw ang gwapong pagmumukha ni Zeus. Parang katatapos niya lamang naligo. "Sinong nagsabi sa
HESTIA ANGELA GONZAGA Pinipigilan kung magsuka matapos ang presscon. Napilitan kasi akong humarap sa camera sa kagagawan ng manager ko. Nangigil ako. Ang sarap niyang ipasok sa imburnal. "Ang ayoko rito, Hestia ay iyong pinagsisinungalingan mo ako!" bulyaw ni Monyeen. Hindi pa ako nakakapasok sa studio ay pinapak na ako ng sermon. Minsan, gusto kong sigawan siya na wala siyang karapatan na pangaralan ako dahil hindi ko namans s'ya ina ngunit malaki ang respeto ko sa kanya at ayoko s'yang saktan. Nagsilbi siyang ina ko noong sinimulan kong magtrabaho sa ganitong industriya. "Hindi 'yon pagsisinungaling. Sadyang nakalimutan kong sabihin sa'yo," I replied plainly. Sinalubong kami ng tatlong myembro ng A.N.G.E.L.S. na may masamang tingin sa akin. Sino ba ang hindi madi-disappoint kung may ganoong scandal. Kilala kaming malinis sa entertainment world kaya hinahangaan ng lahat pero boom... binago ko ang kasaysayan. "So, totoo pala nakipagkita ka kay Mr. Van Heuffman ng pasekreto. May
DEMETRIUS SKYE VAN HEUFFMAN "M-Maawa ka!" impit na pagsusumamo ng tauhan ni Dante Alegri-ang kalabang mafia boss ng Cosa Nostra. Nakaluhod siya sa harapan ko habang nakatutok sa kanya ang mahabang baril ng limang tauhan ko. Tagaktak ng pawis ng mukha hanggang t-shirt niyana humalo sa dugo ng mga galos niya. Namaga ang mata, pisngi at labi niya na parang kinagat siya ng bubuyog. Sa sobrang deform ng hitsura ay di na siya matukoy. Kahit na malaki siyang tao ay di 'yon mapapantayan ng pwersa ng mga tauhan ko. Ako pa lang ay todas na s'ya. Nahuli namin ang isang ito na pinapatay ang malilit na kasapi na sekretong bumibenta ng armas namin sa kanila sa mababang presyo. "Mercy didn't exist on the devil's heart," I uttererdicily without looking at him. "Binabayaran mo lang ang katarantaduhan ginawa mo." Sinipa ko siya sa mukha. Humalinghing siya sa sakit at gumulong-gulong. "Sino ka ba para traidurin kami? Ang lakas ng loob mong sundin si Alegri," kahol ni Sylvester. Asta niyang sisip
HESTIA ANGELA GONZAGA Kinasa ko ang baril bago tinutok sa dummy target ko. Nandito pa rin ako sa HQ. Hindi ako umuwi sa condo dahil may biglaang meeting kaya bahala silang maghanap. "Sorry to interrupt you, pero kanina pa tumutunog ang cellphone mo. Sasagutin mo ba o hindi?" Pinagduldulan ni Blueberry ang mukha niya sa'kin sabay abot ng iphone ko. Pinaputok ko ang baril kesa pansinin siya. Naningkit ako nang di ko natamaan ang gusto kong target. "Hello? Itatapon ko ba ang iphone mo?" Sabad niya ulit. "Akin na nga 'yan!" Naiinis kong inagaw iyon. Nakita ko sa screen ang pangalan ni Glenn. May masama bang nangyari sa HAG? O baka ipapasa na niya ang resignation letter niya? "What is it?" I answered in a raspy voice. "Saang sulok ka ba ng mundo at di ka namin mahagilap? Nag-aalala na sa'yo ang ANGELS lalo na ang lola mo," nag-alala niyang turan. "Wala ako sa mood, Glenn. Ayaw ko munang magpakita sa madla matapos ng nangyari sa Concert," tinatamad kong sagot. "Pero kailangan ka ng
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments