Share

Chapter 39

Author: yshanggabi
last update Last Updated: 2025-06-24 10:02:03

Chapter 39

Levi POV

Abala ako sa pagtapos ng mga gawain ko dito sa opisina. Isang normal na araw para sa isang CEO—nakaupo sa leather chair habang sinusuri ang bawat dokumentong kailangang pirmahan, aprubahan, i-reject, o padagdagan. May halo itong pressure at pagod, pero sanay na ako. Matagal ko nang pinanghahawakan ang kompanyang ito, at hindi biro ang responsibilidad na nakaatang sa balikat ko.

Ang mga mata ko ay halos mamula na sa kakabasa ng reports—sales, acquisitions, updates sa mga bagong proyekto. Hindi pa man ako natatapos sa isang bundle ng papeles, pumasok na agad si Daphne, ang ever-reliable kong secretary, bitbit ang panibagong tumpok.

"Sir, these are for your afternoon approval," sabi niya habang maingat na inilapag sa gilid ng lamesa ko ang mga dokumento. May ngiti siya, pero halata ang pagod sa mukha niya.

Tumango ako. "Thank you, Daphne. Leave them here. I’ll finish these before 4."

"Noted, sir," sagot niya at tumal
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Aggressive Maid   Chapter 55

    Author's Note: Sa mga wala pong interested sa mga company issue and company talks, pwede niyo pong laktawan ang chapter na ito. I am just making sure na hindi kayo ma bored sa mga statistics na prinovide ko, kaya if wala apo kayong interest sa mga ganitong scenes, just skip it and don't force your self to read this. Thank you po sa walang sawang pagbabasa, love lots! Nag aantay pa rin po ako ng comments niyo para sa magiging call sign ko sa inyo HAHHAHAHAHAHHA Chapter 55 Levi POV Hindi pa man ako nakakabawi sa stress ng pagbabalik sa opisina, heto na naman—sinalubong ako ng tambak na papeles at sunod-sunod na tawag mula sa legal at financial department. Parang walang katapusan ang mga kailangang ayusin at iresolba. Mula pa lang pagpasok ko sa building, ramdam ko na ang tensyon. Ang mga empleyado, tahimik at abala, at tila ba ay nag-aabang ng susunod na utos ko. CEO nga pala ako, at wala akong pwedeng lusutan. Pag-upo ko sa opisina ko, ag

  • The Billionaire's Aggressive Maid   Chapter 54

    Chapter 54Levi POVPagbalik ko pa lang sa opisina ay parang binagsakan ako ng sangkaterbang batong problema. Para akong bumalik sa realidad mula sa panaginip. Halos tatlong araw akong nakalayo sa gulo ng mundo dahil sa bakasyon kasama sina Calista at Princess, pero ngayon, isang tingin ko pa lang sa lamesa ko, alam kong tapos na ang honeymoon phase ng katahimikan."Sir Levi, welcome back," bati ni Daphne na may dala-dalang folder, tablet, at dalawang kape—alam na niya na isa rito ay kakailanganin ko agad-agad."Salamat, Daphne. Kumusta ang opisina habang wala ako?"Ngumiti siya ng pilit. Masama na agad kutob ko."We have some issues, sir. And I think it would be best if we tackle them one by one... pero brace yourself," seryoso niyang sabi habang inaabot ang tablet.Pinindot ko ang screen at bumungad agad sa akin ang dashboard ng mga reports:SALES: -7.4% decrease this weekSUPPLIER DELAYS: 3 major partners expe

  • The Billionaire's Aggressive Maid   Chapter 53

    Chapter 53Pagkarating namin sa mansion, agad na bumungad sa amin ang mga yaya at kasambahay. "Naku, si Princess! Kumusta ang bakasyon?" bungad agad ni Ate Marcia habang may bitbit na tray ng prutas. Napangiti si Princess at mabilis na tumakbo papunta sa kanya."Ate Marcia! Ang saya saya po! May pool, may sand, may masarap na pagkain!" excited na kwento ni Princess habang nagkukuwento ng sabay sabay sa galak. Kumindat naman sa akin si Ate Marcia sabay bulong, "Mukhang sobra kayong nag-enjoy, Yaya Cali. Parang fresh na fresh ka ah."Napakamot na lang ako sa batok. "Ay naku, Ate, napagod din ako pero worth it. Sobrang saya ni Princess, ang daming ginawa.""Tara na Princess, aakyat na tayo para makapagpahinga ka na," yaya ko kay Princess at hinawakan ko siya sa kamay. Nagpaalam naman si Levi sa amin."I'll be in the kitchen, may mga trabaho pa akong kailangang tingnan," sabi niya at tumango ako bilang tugon. Pagkasabi niyon ay dumiretso na s

  • The Billionaire's Aggressive Maid   Chapter 52

    Author's Note: Kamusta naman po pagbabasa niyo? hindi naman siguro kayo tinamad? please huwag po kayong tamarin,kasi baka tamarin rin ako magsulat HAHAHHAHA. And ngayon may e she share akong learnings. If tinataamad man po kayo, you need to motivate yourself, you need to learn how to fight your katamaran. Gaya ko, tamad din po ako pero dahil may Dreame ako na pinupursue ay kailangan kong lumaban, kailangan kong labanan ang katamaran ko. Kaya kayo, fighting lang, soon magiging successful din tayo.Chapter 52 Calista POV "Huwag muna tayong umuwi, dito muna... muna..." Napalingon ako mula sa pag-aayos ng maleta ni Princess. Kumakanta siya habang naglalagay ng mga stuffed toys niya sa isang maliit na backpack. Nakatayo siya sa kama, palundag-lundag pa habang hawak ang hairbrush na parang mikropono. Kumakanta siya ng BINI song na para bang ayaw talagang tapusin ang bakasyon namin dito. "Princess," tawag ko sa kanya, nat

  • The Billionaire's Aggressive Maid   Chapter 51

    Chapter 51 - Calista POVAng lamig ng tubig sa pool, pero hindi sapat 'yon para mawala ang init sa mukha ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa araw o dahil sa titig ni Levi na parang may sinasabi na hindi niya mabigkas. Simula kaninang umaga, pagkatapos ng breakfast namin, tahimik lang siya pero iba ang tingin niya sa akin. Hindi na gaya ng dati—ngayon ay may laman na, may bigat, may kilig."Yaya! Daddy! Come on! Race tayo!" sigaw ni Princess habang kumakaway mula sa kabilang dulo ng pool.Napangiti ako. "Princess, hindi ako marunong lumangoy nang mabilis gaya ni Daddy mo!" sigaw ko pabalik."Then I’ll help you!" boses ni Levi mula sa tabi ko. Nagulat ako nang hawakan niya ang baywang ko at dahan-dahan akong itinulak papasok sa tubig. "Let me guide you.""Ay grabe ka!" sigaw ko, natatawa habang papasok na rin siya sa tubig.Lumangoy kami papunta kay Princess. Hindi ko mapigilan ang kilig dahil sa bawat hawak ni Levi sa akin, parang

  • The Billionaire's Aggressive Maid   Chapter 50

    Author's Note:Hello everyone! Makarating na Pala tayo ng Chapter 50 tapos wala pa kayong mga nicknames. Ano kayang itatawag ko sa inyo? Suggest naman kayo sa baba, comment lang kung anong gusto niyong itawag sa akin. By the way, thank you very much po, dahil Ang sipag niyong mag unlock ng stories ko, at makarating na kayo sa Chapter 50. Alam niyo, Ang sarap lang sa feeling na may mga readers na subrang sipag mag unlock (manood ng ads) tapos Tig tatatlong ads pa, Jusko thank you very much po talaga. Welcome to Chapter 50! At dahil makarating ka sa Chapter na to, patunay lang yan na may dedication ka sa pagbabasa ng story ko. Wala pa po Tayo sa Climax, marami pa pong mangyayari, kaya sana ay hindi niya ako Iwan hanggang sa huli. Wala lang, na experience ko lang kasi na maiwan ng readers kasi daw pangit stories ko HAHAHHAHAHA pero in the end, patuloy pa rin akong nagsusulat kaya sana, huwag kayong gumaya sa kanila. Samahan niyo po ako hanggang sa katapusan, dahil malayo pa po

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status