Author's Note: Sa mga wala pong interested sa mga company issue and company talks, pwede niyo pong laktawan ang chapter na ito. I am just making sure na hindi kayo ma bored sa mga statistics na prinovide ko, kaya if wala apo kayong interest sa mga ganitong scenes, just skip it and don't force your self to read this. Thank you po sa walang sawang pagbabasa, love lots! Nag aantay pa rin po ako ng comments niyo para sa magiging call sign ko sa inyo HAHHAHAHAHAHHA
Chapter 55 Levi POV Hindi pa man ako nakakabawi sa stress ng pagbabalik sa opisina, heto na naman—sinalubong ako ng tambak na papeles at sunod-sunod na tawag mula sa legal at financial department. Parang walang katapusan ang mga kailangang ayusin at iresolba. Mula pa lang pagpasok ko sa building, ramdam ko na ang tensyon. Ang mga empleyado, tahimik at abala, at tila ba ay nag-aabang ng susunod na utos ko. CEO nga pala ako, at wala akong pwedeng lusutan. Pag-upo ko sa opisina ko, agChapter 99Levi POVNakatitig ako kay Rosela Navarro, ang babae sa harapan ko na ngayon ay tila muling binubuhay ang isang kasaysayan na dapat matagal nang isinara. Akala ko, ang dahilan ng pag-uusap na ito ay para sa pagbawi niya kay Calista—para humingi ng tawad, para muling buuin ang pagkakabuo ng isang relasyong nawala. Pero hindi. Hindi ganun kasimple.“Pumili ka sa kanila, Levi,” mahinahon ngunit mariing sabi niya.Napakunot ang noo ko. “What do you mean?”Tumayo siya mula sa pagkakaupo, marahang naglakad papunta sa bintana habang hawak ang isang tasa ng tsaa. Mula roon, tanaw ang malawak nilang bakuran—isang tahimik na lugar na tila malayo sa gulo ng mundo, pero sa sandaling ito ay nagsisilbing saksi sa isang tanong na kay bigat dalhin.“You need to choose between my daughter Elise and Calista,” sabi niya, diretsong tumitig sa akin. “Hindi pwedeng silang dalawa ang piliin mo. Isipin mong mabuti dahil si Elise pa rin ang ina ni
Chapter 98Levi POVTahimik ang paligid habang nakaupo ako sa terrace ng opisina, hawak ang tasa ng kape na kanina pa nanlalamig. Sa harap ko ay ang tablet, bukas sa isang confidential report na pinapaverify ko kay Daphne — at sa mismong gitna ng screen ay nakalagay ang pangalan:Rosela Araceli Navarro– mother of Elise Navarro. Grandmother of Princess. At... biological mother ni Calista.Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Paulit-ulit lang na gumugulong sa isipan ko ang katotohanang hindi ko inaasahan.Ang inang hinahanap-hanap ni Calista, ang babae sa likod ng sakit at tanong niya sa pagkatao… ay siya ring lola ni Princess.Hindi ito coincidence.Hindi ito biro ng tadhana.Isa itong sumpa ng katotohanan na hindi ko alam kung paano ko ihaharap kay Calista.Kanina, matapos ang pag-alis ni Daphne, hindi ko na kinaya ang pagdududa. Tinawagan ko ang isang private investigator na matagal ko nang ka
Chapter 97Levi POVPagkauwi namin mula sa hindi inaasahang pagkakadismaya, ramdam kong tahimik at mabigat ang paligid sa loob ng sasakyan. Si Calista, nakatanaw lang sa bintana habang yakap ni Princess ang kanyang braso. Gusto kong sabihin na ayos lang, na hindi pa tapos ang paghahanap, pero alam kong mas makabubuting hayaan ko muna siyang mapag-isa sa mga iniisip niya.Pagdating sa mansion, tahimik pa rin siya. Tumango lang nang magpaalam ako papunta sa office. Hindi na ako nagpilit magsalita. Alam ko—may kanya-kanyang paraan ang tao para maghilom, at kailangan ko ring bigyan ng espasyo si Calista para buuin ang sarili niya sa gitna ng lahat ng natuklasan niya.Sa opisina, sinalubong agad ako ni Daphne.“Sir, ang daming backlog ng documents from last week, pero inayos ko na po ‘yung priority folders,” bungad niya habang sinasabayan ako sa elevator.“Thanks, Daphne. Ako na ang bahala sa mga urgent.”Pagpasok ko sa office, tu
Chapter 96Calista POVKinabukasan, maaga akong nagising. Mahapdi pa rin ang mata ko sa kakaiyak kagabi. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ng ama ko — na anak ako sa labas, at hindi pala ako tunay na anak ni Mama. Sa bawat pagdilat ko, parang totoo pa rin ang sakit. Pero ngayon, may iba nang kasama ang sakit na ‘yon: determinasyon.Pagbaba ko mula sa kwarto, nadatnan ko si Levi sa garden, nakaayos na, hawak ang laptop habang may hawak na tasa ng kape. Tahimik siyang nagbabasa ng kung ano’t pinapabayaan lang ang ihip ng hangin na pagpagaanin ang paligid. Napansin niya akong paparating at agad siyang tumayo.“Good morning,” mahinang bati niya.“Morning,” sagot ko, halos pabulong. Umupo ako sa tabi niya at sandaling natahimik.“Ano ‘yan?” tanong ko habang pasimpleng sumilip sa laptop niya.“Background check,” sagot niya. “Nag-search ako kay Rosela Navarro.”Napatingin ako sa kaniya, nagulat. “Ginagawa mo ‘y
Chapter 95 Calista POV Luhaan akong bumaba ng jeep habang mahigpit na yakap-yakap ang bag na kinalaman ng buong pagkatao ko—mga sulat, larawan, at katotohanang hindi ko kailanman hiniling malaman. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa mansion. Parang lumilipad ang utak ko, parang hindi ko naririnig ang paligid. Pagkababa ko sa gate, biglang bumukas ang pinto. “Calista!” Si Levi. Nagmamadali siyang lumapit sa akin, halatang galing sa loob. Hindi pa man ako nakakapagsalita, agad na niyang hinawakan ang magkabila kong braso at tinitigan ako—nag-aalala, naguguluhan, handang makinig. “Anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Saan ka galing?” sunod-sunod niyang tanong. Gusto kong magsalita, pero nauunahan ako ng hikbi. Nahulog sa lupa ang bag na dala ko, at kasabay noon, ako rin ay halos matumba. Mabuti na lang at sinalo ako ni Levi at agad akong niyakap. “Shhh..
Chapter 94 – Calista POV“Minsan hindi ang tanong kung sino ka, kundi kung bakit hindi mo nalaman ang totoo mula pa noon.”Dinala ako ng mga paa ko pabalik sa bahay naming luma. Hindi ko sinabi kina Levi o kina Princess na aalis ako ng umaga ring iyon. Ang sinabi ko lang ay kailangan kong puntahan ang isang bagay—isang bahagi ng buhay ko na hindi ko matatakasan.At pagdating ko sa labas ng bahay namin, tumigil muna ako. Malamig ang ihip ng hangin pero mas malamig ang pakiramdam ko sa dibdib. Sa wakas, kailangan ko nang harapin ang matagal ko nang kinikimkim.Binuksan ko ang pinto. Amoy alak, sigarilyo, at lumang kahon ang sumalubong sa akin. Nandoon siya—ang lalaking tinawag kong "Pa" buong buhay ko—nakahiga sa lumang sofa, may hawak na bote, at tila lutang ang isipan.“Pa,” tawag ko, mahinahon pero may diin.Napatingin siya sa akin. Medyo namumula ang mga mata niya, lasing pa rin. “Oh, Calista? Bakit ngayon ka lang? Umaga pa lang ah.