/ Romance / The Bride of the Nine Tailed / Chapter 4 - Saved by Anonymous

공유

Chapter 4 - Saved by Anonymous

작가: Aurum Jazmine
last update 최신 업데이트: 2022-03-14 12:07:25

NAGULANTANG siya nang biglang bumangga ang sasakyan na kinasasakyan niya sa kung saan. Ang lakas ng impact at naalog yata siya at ang mga kidnaper niya. Ang sakit ng katawan niya sa nangyari. Mabuti na lang at mukhang hindi sila tumaob.

Akala niya'y tapos na ang nangyari. Pero bigla na lang umuyog ulit ang sasakyan at tila ba niyupi ito. Sa tanang buhay niya ay noon lamang siya nakarinig ng metal na tila pinupunit ngunit hindi siya tiyak dahil wala siyang nakikita dahil sa piring niya sa mga mata.

Sunod niyang narinig ang d***g ng mga kasama niya sa loob kanina. Parang binubugbog ng kung sino ang mga ito.

"Sinong may utos nito?" gigil na gigil na tanong ng boses na pamilyar na pamilyar sa kanya.

"W—wala akong sasabihin! Wala kang mapapala sa 'kin!" ganting gigil na sagot din nito.

"Gano'n ba? Sa akala mo, hindi madadamay ang mga taong pinoprotektahan mo kung hindi ka magsasalita‽" sabi ng boses ng lalaki. Nasisiguro niya. Boses ni Lestre iyon.

Hindi siya kumikilos. Ayaw niya nang makagawa ng pagkakamali. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Masyado na siyang takot at stress. Kung maaari nga lang sana ay patayin na siya ng kung sino man ang nasa likod ng pagdukot sa kanya para matapos na ang labis na takot na nararamdaman niya.

"Si Tadeo Durang—" naputol ang sinasabi ng lalakeng tila hirap na hirap na. Nang bigla siyang makarinig ng sunud-sunod na pagsuka at huling hugot ng hininga.

"P*t*ng*na!" Iyon ang huling narinig niya dahil muli, marahil sa sobra siguro niyang pagod at sakit ng katawan ay hinila na naman siya ng matinding antok.

NAGISING siya sa matapang na amoy ng air purifier at ng tunog ng kung anong maingay na makina na sa tingin niya ay nasa kanya lamang tabi.

Naramdaman niya ang pagdaluhong bigla ng sakit ng kanyang ulo. Naalala niya kung anong nangyari at mga narinig bago siya mawalan ng malay. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at si Juris agad na mukhang may relief sa mukha ang una niyang nabuglawan.

"Beks, ang pogi mo pa-kiss nga," biro niya rito na may pilit na ngisi. Nanghihina pa kasi siya at bukod sa ulo niyang sumasakit ay masakit din ang kaha niya at iba pang bahagi ng katawan. Pakiramdam niya tuloy ay para siyang nakipagsapakan sa mga notorius na bakla.

"Kadiri ka bakla, tigilan mo ako hindi ako tomboy!" sikmat naman nito sa kanya. Natawa naman siya sa reaksyon nito.

"Bakit pala nasa hospital ako?" tanong niya rito agad. Wala na kasi siyang naalala matapos siyang mawalan ng malay.

"Tatlong araw kang walang malay bakla. Sabi ng doktor, bukod sa mga bali mo sa katawan ay stress raw ang dahilan kung bakit hindi ka agad nagkamalay. Akala namin, hindi ka na gigising eh!" kuwento nito sa kanya.

"Ah, grabe naman. Pero sino ang mga dumukot sa akin? Sinong nagligtas sa akin? Bakit daw nila ako dinukot? Nalaman daw ba nila na bilyonarya na ako kaya nila ako dinukot? Paano raw nila nalaman? Wala naman akong pinagsasabihan no'n ah‽ Magkano raw bang—"

"Hoy isa-isa lang naman!" sikmat muli nito sa kanya.

"Sorry na, baka kasi takasan mo na naman ako na hindi ka nag-e-explain eh," depensa niya rito. Natawa naman ang huli sa sinabi niya.

Magsisimula na sanang magpaliwanag si Juris sa kanya nang bumukas ang pinto at iluwa noon ang doktor kasama si Lestre. Sa kanya agad tumama ang mga mata ng dalawang dumating. Agad namang lumapit sa kanya ang doktor at isinuot nito ang stethoscope sa tainga. Si Juris naman ay pumunta muna sa isang tabi para bigyan ng espasyo ang doktor na papalapit sa kanya.

"Sabihin mo sa akin kung may iba ka pang nararamdaman bukod sa sakit ng katawan mo," anito sa kanya. Matamang nakatitig lamang si Lestre sa kanya habang pinakikinggan ng doktor gamit ang kung ano sa kanyang dibdib gamit ang stethoscope.

"Masakit lang ang ulo ko doc. Bukod doon wala na," tugon niya rito na walang emosyon ang mukha. Ewan niya ba. Parang nawalan siya ng gana nang makita niya ang lalake. At saka may naalala siya na gusto niyang itanong dito, pero sasagot naman kaya ito sa kanya ng matino?

Binigyan lamang siya ng paracetamol para sa sakit ng kanyang ulo at inindorso para ipa-scan ang ulo niya sa utos naman ni Lestre. Baka raw kasi nasobrahan ng kalog ang ulo niya o nauntog siya nang bumangga umano ang sinasakyan niya. Nang makuha naman nila ang resulta ng scan ay pina-uwi na rin siya dahil normal naman ang resulta. Mukhang sa ilang araw na tulog niya ay nabawi naman na niya ang lakas.

DALAWANG araw din ang lumipas ay naging maayos na ang pakiramdam niya. Ang bruha namang Fiona, araw-araw pa rin na nasa mansiyon at palagi pa ring laman ng opisina ng kanyang so called husband sa papel.

Paglabas niya ng kuwarto para pumunta sana ng kusina at uminom ng kung anong maiinom doon ay nakita niya na naman ang bruha na papasok sa kuwarto ng lalake na katabi lamang ng kuwarto niya.

Oo mga mars, magkatabi ang kuwarto nila kaya nakaka irita kapag nakikita niyang pumapasok ang impakta sa kuwarto sa kabila. Napaka-unique. Sa Mansyon lamang na ito ka makakakita ng mag-asawa na ang mistress ni lalake, malayang nakakagala sa pamamahay ninyo.

Nahiga na lang tuloy siya ulit dahil nakakawalang gana. Okay na sana ang pamamalagi niya sa mansyon. Narito lahat ang kanyang pangangailangan subalit narito rin lahat ng kontrabisa sa buhay niya.

Mayamaya pa ay nakarinig siya ng mahihinang katok sa kanyang pinto. Nagdadabog pa siyang tumayo dahil tinatamad na siyang bumangon at nang buksan niya na ang pinto at nakita niya si Lestre na nagmukhang puno na may nakalingkis na sawa. Kaya naman sinara niyang muli ang pinto ngunit padarag.

Kumatok naman uli ang lalake at nang mapagbuksan niya ulit ito ay nakalingkis pa rin ang ahas rito. "Kayong mag jowa, kung nagpunta kayo rito sa pinto ko para ipamukha sa akin na pinagtataksilan ninyo akong dalawa, gusto kong malaman ninyo na wala akong pake. Bumalik na kayo sa kuwarto ninyo at magjugjugan buong magdamag just don't bother me anymore please. Bussy akong tao, ayaw ko ng istorbo!" mataray na aniya sa dalawa sabay bagsak na naman ng pinto pasara.

Nang makabalik sa higaan ay saka niya lang napagtanto ang mga sinabi. She sounds like a jealous wife. Kahit ang totoo, hindi siya nag-react dapat ng ganoon pero paano niya pa ba babawiin? Nakakahiya talaga!

Nakarinig na naman siya ng mahihinang katok mula sa labas ng kanyang pinto pero nagdadalawang isip na siya kung pagbubuksan niya pa ba dahil baka si Lestre na naman ito. Wala sanang problema kung 'yung higad na ahas lang kasi as if namang mahihiya siya rito? While in fact, ang ahas na 'yon dapat ang mahiya sa kanya dahil sa ginagawa nito. Ang kaso baka si Lestre ulit iyon. Paano niya haharapin ang lalaki? Gusto niyang sabunutan ang sarili.

"Bibig ko naman kasi eh! Hayyy! Nakakahiya talaga!" aniya sa sariling sinasapo pa ang kanyang ulo.

"Celestina, open the fucking door or I will destroy it in no fucking time!" mahinahon ngunit mariin at nagbabanta ang boses na anitong patuloy ang pagkatok. Binaha ng kaba ang kanyang dibdib but there's no way he could defeat her by his words. Kahit kontrata lamang ang lahat at posibleng hindi siya bayaran nito, hindi naman siya papayag na kaya-kayanin lamang nito.

"Hay! Parang ang sarap mag-post ng no pest allowed sa pinto eh!" inis na hiyaw ng kanyang isip. Kaya lang wala naman siyang magagawa. Nagmartsa siya papunta sa pinto at binuksan ito.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 27 Reunite

    HINDI na kinaya ni Lestre ang pagbabaling ng kanyang pansin sa ibang bagay upang maging abala at hindi maisip si Celestina. Sino ba kasing niloko niya? Alam na alam niya at halatang halata na rin siya ni Juris na walang ibang umookupa ng kanyang isip kung hindi si Celestina lamang. Kung kamusta na ba ito, kumain na ba ito? Ano na ang mga naging improvements ng babae at kamusta na ba ang kanilang anak. Kanilang anak. Hindi niya mapigil na ngumiti kapag naaalala na ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan noon ay kamukhang kamukha niya. Naaalala niya pa ang lumang kasabihan noong unang panahon pa na kapag ang supling ninyo ay kamukhang kamukha ng lalake ay mahal na mahal siya ng babae and vice versa. He green sheepishly thinking Celestina being in love with him that much. Eh ngayon kaya? Hindi niya sigurado.Habang tinatalunton niya ang mahabang pasilyo ng kanyang bagong gawang mansyon ay hindi niya mapigil ang kabahan. Alam niya naman sa sariling masyado na siyang matanda sa kanyang ed

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 26 Wounded

    MINSAN pa ay minalas ni Celestina kung paano kontrolin ni Lestre ang mga kawawang alipin ni Durango sa kanyang mga palad na ani mo'y laruan. Ang inakala kasi nilang malawak na pasilyong walang bantay ay mayroon palang mga nakaabang. Mabuti na lang at mabilis ang kilos at pakiramdam ni Lestre, kung hindi ay pareho na silang tadtad ng palaso sa katawan."Sa itaas!" hiyaw ni Celestina nang mamataan ang isang tauhan na hindi pala nadamay sa mahikang ginawa ni Lestre.Mabilis ang mga pangyayari. Saglit lamang na kumislap ang mga mata ng walang kagalaw-galaw sa puwestong si Lestre ngunit parang tuod na tangkay ng punong bumagsak sa malamig na sahig ang tila paralisadong nilalang na sumugod mula sa itaas.Nagsimulang mangamoy malansang dugo muli sa parte ng mansion na iyon na katulad sa una nilang dinaanan. Gustong humanga ni Celestina sa mga nangyayari ngunit wala nang oras. Mas nananaig na sa kanyang dibdib at isip ang sari-saring isipin at pag-aalala. Wala pa sa kanila ang anak niya at hin

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 25 - The entrance

    HINDI na mabilang ni Celestina kung ilang ulit nang nagmura si Lestre. Halos bambuhin na nito ang manibela ngunit kita ang pagpipigil dahil marahil alam nitong mawawasak ang sasakyan kapag ginawa nito iyon.Si Celestina naman ay marami nang tumatakbo sa isip sa sobrang pag-aalala. Ayaw tumigil ng agos ng mga luha niya at pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa takot."Saan natin sila hahanapin?" wala sa loob niyang tanong. Ayaw niyang tumingin sa mukha ni Lestre dahil pakiramdam niya, lalong nadaragdagan ang takot niya."I don't know. Let's just—" natigil bigla ang sinasabi ni Lestre nang tumunog ang cellphone nito. Pinulot nito ang headset na nasa harapan lamang nito na naka konekta sa cellphone at sinagot ang tawag.Saglit na kinausap ni Lestre ang tumawag ngunit wala siyang maintindihan kundi "Yes, alright, I see at thank you" lang."Nahanap ko na ang location. Don't worried," anito sa kanya nang matapos ang tawag."Talaga?" tila nagkaroon ng munting pag-asa sa puso niya. Hindi niya

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 24 Kidnap

    ILANG minuto rin ang itinagal ng paghihintay ni Celestina sa isang restaurant na malapit sa school ni Leone. Kitang kita niya nang pumasok sa entrance ang hinihintay na lalaki. Si Lestre. Napaka guwapo nito sa suot na business attire kaya naman ang bawat babae sa lugar na iyon ay hindi maiwasang mapatingin sa kanya. Napapa irap siya sa tanawin lalo na nang mahuli siya nitong nakatingin rito. Malapad itong ngumisi sa kanya."Matagal ba ako?" tanong ni Lestre sa kanya.Tinaasan niya lamang ito ng kilay saka uminom ng tubig mula sa kopitang idinulot ng waiter sa kanya kanina. "I understand. Para saan ba ang meeting na 'to? Bakit tayong dalawa lang?" diretsong tanong niya rito.Actually, siya sana ang tatawag talaga rito noong sinabi ng impakta nitong asawa na may anak na sila. Gusto niya sanang tanungin dahil hindi niya kasi makitaan ng resemblance ang bata pero isinantabi na lamang niya dahil baka naman kung ano pang isipin nito sa kanya. Wala naman na

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 23 School

    ILANG araw na rin buhat nang muli niyang makita ang matandang iyon sa ampunan. Para hindi niya maisip kahit paano ang takot ay tinutuon niya na lang ang kanyang oras at isip sa trabaho. Kahit kasi nasa Pilipinas siya ngayon ay may mga clients pa rin siya sa ibang bansa na patuloy siyang kino-contact.Si Leone naman, in-enroll niya muna sa isang kinder school ngunit dahil sa antas ng learning ability nito ay hindi ito tinanggap sa kinder at diretso na ito ng grade one dahil marunong na itong bumasa at sumulat sa English, Filipino at marunong na rin ng basic Math. Hindi naman na siya nagulat dahil talaga namang tinuruan niya ito ng mga basic. Mahigpit naman ang bilin niya na kung hindi siya o si Caspiana ang susundo ss bata, walabg ibang sasamahan ang bata. Nagbigay rin siya ng mga picture ng mga Authorized na tao na puwedeng samahan ng anak niya sa mga teachers at sa buong pamunuan ng school. Sa Tate kasi, ayaw niyang ipagkatiwala ang anak sa mga school doon habang bata pa

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 22 Orphanage

    PAG-ALIS niya galing sa LS Group building ay dumiretso siya sa isang mall, gamit ang bagong bili niyang motor. Ubos na kasi ang gamit niyang make up. Naubos kanina lang. Gusto niya ring bumili ng ilan pang damit nilang mag-ina kaya naisipan niya na rin na dumaan sa mga shop doon.Una niyang pinuntahan ang kids wear at nang matapos siya doon ay agad siyang nagtungo sa women's boutique.Habang nagpipili siya roon ay hindi niya inaasahan kung sino ang kanyang makikita.Ilang taon na rin ang lumipas at malaki na rin ang ipinagbago ng hitsura ng mag-asawang umampon sa kanya. Umulan ang lahat ng mga alaala sa kanya mula noong naroon pa siya sa piling ng mga ito. Tandang tanda niya pa na parang kahapon lang ang lahat ng nangyari. Lahat ng sakit at pangmamaliit ng anak ng mga ito na si Nora. Ang pagturing ng mga ito sa kanya na isang katulong sa halip na isang kapamilya. Hindi niya lahat malilimutan iyon. Kung mayroon man isang kabutihan na naibigay ang mga

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status