Masakit ang ulo ni Alexis. Parang may nakapasak na martilyo sa sentido niya, at ang ilaw mula sa bintana ay tila ba nanunuyang spotlight sa isang eksenang ayaw niyang maalala.
Pero mas masakit pa rito ang bumungad sa kanya nang buksan niya ang cellphone.
“BREAKING: ELIGIBLE BACHELOR Atty. Ralph Santillan, may wedding proposal na agad sa mysterious girl na hinalikan sa fashion event kagabi!”
At ang litrato? Walang kahihiyang full-page close-up ng kanila mismong halikan.
Kasunod noon, isa pang headline:
“Pakakasalan ko siya.” — Atty. Santillan confirms romantic intentions after viral kiss”
Napabalikwas siya ng bangon. “Anong… anong ginawa ko kagabi?”
Hindi pa siya lubusang nakakabawi mula sa pagkabigla nang sunod-sunod nang dumating ang mga mensahe.
Nag-init ang pisngi niya, hindi lang sa hiya kundi sa kalituhan.
Pumasok siya sa opisina na parang artista sa premiere night—lahat nakatingin, lahat may tanong. Ang ilang katrabaho, tuwang-tuwa. Ang iba, halatang naninibugho. Pero ang mas nakakayanig: may ilang kliyente na nagpa-resched lang para lang siya makita.
“Ikaw ba talaga ‘yung nasa video girl?”
“How did it happen? Totoo bang engaged ka na? Akala ko ba heartbroken ka?”
“Is this a PR stunt o totoong love story?”
Totoong hindi niya maalala ang buong pangyayari. Pira-piraso lang: halik, init, ang malamig na boses ni Ralph habang sinasabi ang… pakasal na tayo.
Pero bakit nga ba sinabi ‘yon ni Ralph?
At mas mahalaga—bakit sa lahat ng tao, kailangang malaman ng buong Pilipinas bago pa man siya makasagot?
Habang naglalakad siya sa hallway, bigla siyang natigilan sa harap ng isang pamilyar na boses.
“Akala ko mahirap kang hanapin. Buti na lang front page ka na ngayon.”
Si Ralph. Nakatayo sa dulo ng corridor, suot ang simpleng puting polo, ngunit parang kasing-tikas ng headline ng dyaryo.
Ngumiti ito. Kalma. Walang bahid ng panghihinayang.
“Handa ka na bang sagutin ang tanong ko, Alexis?” umpisa ni Ralph, “Let’s find a more private place.”
Nagpaunlak naman si Alexis na maghanap ng pribadong lugar para makapag usap sila ng masinsinan.
Alam at dama ni Alexis na parang may hindi tama at nakumpirma niya ang hinala nang may inilabas si Ralph mula sa kanyang messenger bag—isang folder na kulay navy blue.
“Ito na ang draft ng kasunduan natin.”
Tahimik, diretso, parang isa lang itong normal na business proposal.
Ibinaba niya ito sa lamesa. Kumalabog iyon nang bahagya, para bang sinelyuhan na ang tanong sa pagitan nila.
Napalunok si Alexis.
“May kontrata?”
“May legalities, Alexis. Dalawa tayong parehong public figures ngayon—ikaw, dahil viral ka na, at ako, dahil abogado’t involved sa corporate cases. Hindi ito basta-basta.”
Binuklat niya ang folder. Nakita ni Alexis ang mga pahinang puno ng pormal na salita: confidentiality, non-disclosure, terms of dissolution after three months, mutual consent, no romantic obligation.
At sa dulo—isang tentative date ng kasal:
Two weeks from now.
“Dalawang linggo?”
Tumaas ang boses niya, hindi dahil sa galit—kundi sa pagkabigla.
“Iyon lang ang time frame na puwedeng galawin bago umalis si Mica patungong London. Kung makikita niya tayong kasal bago siya lumipad, it will be enough. She’ll know she lost me.”
Napakuyom si Alexis sa palad. Mahal pa rin ni Ralph si Mica sa kabila ng lantarang pagtanggi nito sa alok na kasal para sa pangarap.
Totoo, galit pa rin siya kay Julio. At oo, parte sa kanya ang gustong makita itong masaktan. Gusto niyang malaman ni Julio kung anong klaseng babae ang binitawan niya. Pero pekeng kasal? Talaga bang gusto niyang magpatali dahil lamang sa kagustuhang makaganti?
May mga kondisyon sa papel na ito—pero paano niya kokontrolin ang sarili niyang damdamin? Ang mundo? Ang media? Ang mga taong paulit-ulit magtatanong: “Totoo ba?” “Paano kayo nagkakilala?” “Mahal mo ba siya?”
At ang tanong na siya mismo ay hindi kayang sagutin: Handa ba si Alexis na pumasok sa isang pekeng kasal na baka tuluyang maging totoo sa puso nya?
“Walang pipilit sa ‘yo,” sabi ni Ralph, mas mahina ang boses ngayon. “Pero kung papayag ka, simula bukas, rehearsal na tayo sa pagiging mag-asawa.”
Rehearsal.
Parang pelikula.
Pero sa pagkakataong ito, hindi lang puso niya ang maaaring masira—kundi pagkatao, dignidad, at ang kakaunti na lang na tiwala niya sa sarili.
Tumitig siya sa kontrata, sa tinta, sa pirma ni Ralph na nandoon na. Tila hinihintay lang ang kanya.
At bago siya muling makapagsalita, isang linya ang pabulong niyang nasabi sa sarili:“Ito na ba ang simula ng isang peke… o ang dulo ng natitirang totoo sa akin?”
Nabigla siya ng biglang gagapin ni Ralph ang kamay niya.“Please help me.” pagsusumamo ni Ralph.
Kahit ilang buwan na nilang inihahanda ang sarili sa araw na ito, walang makapaghahanda talaga kay Alexis at Ralph para sa mismong araw ng panganganak.Ika-siyam ng gabi, tahimik na nakahiga si Alexis sa kama. Si Ralph naman ay nasa tabi niya, binabasahan siya ng isa sa mga paborito nilang baby books. Naroon pa rin ang mga alaala ng mga araw na tila imposible ang lahat—ang pagkakaroon ng pangalawang anak, ang muling pagtitiwala, at ang muling pagbuo ng isang tahimik na mundo. Pero ngayon, andiyan na ang lahat.“Oo nga pala,” bulong ni Alexis habang tinatamaan ng antok, “naka-pack na ba yung hospital bag?”“Of course,” sagot ni Ralph sabay pisil sa kamay niya. “Tatlong beses ko pa ngang chineck kung kompleto.”“Hmm, good,” mahinang ngiti ni Alexis. “Sana hindi pa ngayon. Gusto ko pa matulog…”Pero tila sinagot ng tadhana ang kabaligtaran.Alas-diyes ng gabi, nagising si Alexis sa mainit na pakiramdam sa may hita. Pagtingin niya, basa ang bedsheet.“Ralph…” tawag niya, bahagyang nanging
Sa pagpasok ng huling buwan ng pagbubuntis ni Alexis, akala nila ni Ralph ay nakalampas na sila sa lahat ng pagsubok. Halos kompleto na ang nursery. Kumpleto na rin ang gamit sa ospital, pati playlist ni Alexis para sa delivery room ay ready na. Pero ang buhay, laging may ibang plano.Isang gabi, habang abala si Ralph sa pag-aayos ng dokumento sa home office niya, nakatanggap siya ng tawag mula sa isang unknown number.“Hello,” sagot niya.“Ralph…”Napahinto siya. Kilalang-kilala niya ang tinig. Ang babaeng minsang nagsampa ng reklamo laban sa kanya, na kalauna’y bumawi ng testimonya at humingi ng tawad.“Anong kailangan mo?” malamig ang boses ni Ralph.“May naghahanap sa’kin… Sinasabi nilang ako raw ay may utang sa’yo. Na ako raw ay binayaran mo para magsinungaling.”“Hindi totoo ‘yan. Hindi ako—”“I know. But Ralph, please. Tinututukan na rin ang pamilya ko. They’re trying to use my past para sirain ka. Hindi pa rin tapos ang mga taong galit sa’yo.”Pagkababa ng telepono, tila nanik
Mommy, may baby ka na sa tummy?” tanong ni Ayesha habang nakaupo sa lamesa, bitbit ang kanyang mini spoon at stuffed unicorn.“Oo, anak,” nakangiting sagot ni Alexis habang hinahaplos ang buhok ng anak. “May magiging baby brother or sister ka na.”Napabilog ang mga mata ni Ayesha. Tuwang-tuwa ito na parang nanalo ng laruan sa toy store. Tumalon ito sa upuan at niyakap ang tiyan ng ina, marahang-marahan, para bang alam niyang kailangang ingatan ang bagong buhay sa loob ni Alexis.“Yey! I’m going to be an ate!”Napatingin si Ralph mula sa kusina habang naglalagay ng prutas sa maliit na bowl. Nilapitan niya ang mag-ina at niyakap ang dalawa.“Family of four na tayo,” bulong niya habang hinahalikan ang sentido ni Alexis.Simula nang makumpirma ang pagbubuntis, naging mas maingat si Alexis. Ngunit kasabay ng pag-iingat ay ang pagbabago rin sa kanyang katawan, emosyon, at araw-araw na routine. Sa una, tila hindi siya makapaniwala. Sa kabila ng mga panahong sinubok sila ng PCOS at miscarriag
Boracay had a way of stopping time. Pagbaba pa lang nila ng eroplano, ramdam na ni Alexis ang kakaibang ginhawa. The sun, the salt, the sea—parang sinasabing, “Forget the world for a while.” At iyon nga ang ginawa nila ni Ralph.Walang kaso. Walang kliyente. Walang deadlines.Walang iba kundi sila.“Parang dati,” bulong ni Alexis habang magkaakbay silang naglalakad sa puting buhangin.“Mas maganda ngayon,” sagot ni Ralph, huminto para halikan siya sa sentido. “Kasi ngayon, wala na tayong kailangang itago.”And they made the most of it.Every sunset, every swim, every whispered “I love you” sa ilalim ng bituin—parang kinukumpirma lang na tama silang dalawa. At sa pagitan ng mga halakhak, halik, at tahimik na yakap—may bagong kwentong unti-unting binubuo ang tadhana.Pagbalik nila sa Maynila, may isang bagay na hindi bumalik sa dati.Ang buwanang bisita ni Alexis.Akala niya stress lang. Baka pagod. Baka dahil sa biyahe. Pero nang hindi pa rin siya dinatnan sa ikalawang linggo, may sumu
Habang tumatakbo ang pelikula, nagkulong ang mundo nila sa yakapan. Si Ralph, panay ang halik sa ulo at balikat ng asawa. Si Alexis, nakapulupot ang braso sa bewang nito.At nang matapos ang pelikula, tumingin si Ralph sa mga mata ni Alexis. “You know… I was so close to losing your trust. And that’s one thing I never want to risk again.”Alexis smiled. “You never really lost it. But I’m glad you fought to keep it.”Pilit ni Ralph na ikinubli ang pag-iyak. Umiling siya. “You deserve someone who never lets anyone come close to hurting you. That’s my job.”Nagulat si Alexis nang may iabit na envelop si Ralph."Ano naman 'to?"Bumulong naman si Ralph sa tenga niya. "Just open it."Pack light. Bring your favorite book. Leave your worries.” – RNapakunot ang noo ni Alexis habang binubuksan ang sobre. Doon ay may printed itinerary—no hotel name, no specific location. Just a note at the bottom:“You, me, and the weekend that we deserve.”She smiled, shaking her head. “What is this man plannin
Gabi na nang makauwi si Ralph, ngunit hindi siya agad pumasok sa condo unit nila. Tumigil muna siya sa labas ng pintuan, huminga ng malalim, at inayos ang hawak—isang bouquet ng peonies, paborito ni Alexis, at isang maliit na kahon ng dessert mula sa bakery kung saan sila unang nag-date.Pinikit niya ang mga mata, binalikan ang mga huling linggo—ang selos, ang katahimikan, at ang tahimik ngunit ramdam na tensyon sa pagitan nila. At sa wakas, ito na ang pagkakataong bumawi.Pagpasok niya, nakita niyang nakaupo si Alexis sa couch, suot ang simpleng pambahay na oversized shirt at may hawak na baby monitor para kay Ayesha.“Hey,” sambit ni Ralph, hawak ang mga bulaklak. “Sorry I’m late… but I hope I’m not too late for this.”Tumingin si Alexis, saglit na nagulat, ngunit agad din siyang napangiti. “Peonies,” sabi niya habang tinatanggap ang bulaklak. “My favorite.”“Alam ko. Hindi kita nakakalimutan.” Kumindat si Ralph, sabay abot ng kahon. “Tsaka itong salted caramel cake. Remember nung d