Kakatakot naman asawa si Jared.
"Marcus," wika ni Uncle Rick habang nakatingin sa batang may pagkamangha sa mga sinasabi sa kanya, "kapag lumaki ka at nagkaroon ka ng mga taong mahal mo at gusto mong protektahan, makakaya mong gawin ang mga bagay na akala mo’y imposibleng gawin. Lalampasan mo ang mga limitasyon mo dahil iisipin mong kailangan ka nila."Tahimik akong tumango bilang pagsang-ayon. Totoo ang bawat salitang binigkas ni Uncle Rick. Kapag may mahal ka, nagkakaroon ng saysay ang bawat paghihirap mo."At dahil bata ka pa," sabay ngiti ni Jared kay Marcus, "ang kailangan mo lang gawin sa ngayon ay magsaya. Hayaan mo muna kaming mga matatanda ang mag-alala sa mga bagay na ‘yon.""Tama sila," dagdag naman ni Diane habang hinahaplos ang buhok ni Marcus. "Mag-aral ka nang mabuti. Responsibilidad mo 'yan hindi lang sa sarili mo, kundi para rin 'yan sa kinabukasan ng mga taong mamahalin mo. 'Yan ang magiging hagdan mo para sa mas maginhawang buhay. Kaya hahayaan na lang kita na kumain muna ng kumain."Nagtagal pa k
Colleen's POVMaaaring mamatay ako, pero mamamatay akong masaya. Marami ang ‘di makakaintindi, na dapat ay umiiyak ako, nalulugmok, o naawa sa sarili. Pero hindi ko magawa. Hindi ko maramdaman ang lungkot na inaasahan ng iba. Sa halip, punô ng pasasalamat ang puso ko. Napapaligiran ako ng pamilya na nagmamahal sa akin, at sapat na 'yon.Bagamat may kaunting kirot sa dibdib ko para kay Jared. Mula nang makalabas ako ng ospital, palagi siyang abala. Hindi ko man nakikita kung anong ginagawa niya, nararamdaman ko. Parang may kung anong pinaghahandaan. Masaya siya minsan, malungkot sa iba, at madalas ay parang galit. Pero kanino? Hindi ko alam. Ayokong lamunin siya ng galit. Ayokong may gawin siyang makakasama sa kanya.Si Jared, ang asawa ko at napakagwapo niya. Kapag tinitingnan niya ako at nginingitian, parang gusto kong i-freeze ang oras. Gusto kong titigan siya nang matagal. Hindi ako plastik. Oo, nalulungkot ako. Natatakot din. Pero isinuko ko na ang buhay ko sa Maykapal. Kaya sa mg
Third Person's POV"Ang tanga mo ba?" galit na tanong ni Derrick kay Stacey habang mariing nakakunot ang noo. "Matagal na tayong may relasyon sa likod niya at ni minsan, wala siyang nalaman. Ano sa tingin mo ang dahilan para gumastos siya ng panahon at effort sa ganito lang, dahil lang nakipag-away ka sa asawa niya? Asawa na ni hindi naman niya minahal mula’t simula?"Napakuyom ng kamao ni Stacey. "Pero sinabi niyang mahal niya ang asawa niya," mariin niyang sagot, pilit pinanghahawakan ang natitirang tiwala sa lalaking nasa harap niya.Biglang tumawa si Derrick, isang mapang-asar at mapagmataas na tawa."Ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng 'pag-ibig'?" aniya, pilit pinipigilan ang panlalait. "Mas matagal pa akong kasal sa asawa ko kaysa sa kasal nila, pero ni minsan, hindi ko siya minahal. Ni hindi ko nga siya ginustong makasama. At ikaw? Akala mo ba minahal kita? Sa totoo lang, kahit gaano ka pa kagaling sumubo ng titi ko at kahit ilang ulit pa kitang kantutin, hindi ibig sabihin n
Third Person's POV"Hindi ito pwedeng mangyari!" galit na sabi ni Derrick kay Stacey. Kasalukuyan silang kumakain ng almusal sa loob ng kanilang apartment nang bigla silang bombahin ng sari-saring chat at mensahe mula sa iba't ibang tao, lahat nagtatanong, lahat gustong malaman ang totoo tungkol sa kanila."May sinabi ka ba sa kahit na sino tungkol sa atin?" singhal ni Derrick, nanlilisik ang mga mata habang mahigpit na hawak ang cellphone."Syempre wala!" mabilis na sagot ni Stacey, bakas sa mukha ang pagkabigla at pagkainsulto sa tanong ng lalaki. "Napag-usapan na natin ’to, Derrick. Matagal na tayong ganito. Bakit ko naman isasapubliko ang relasyon natin kung alam kong delikado sa’yo?" dagdag niya, nanginginig ang tinig."Eh kung ganon, paano nila nalaman?" bulalas ni Derrick, halos mapasigaw sa pagkabigla. Napatayo siya mula sa kanyang upuan, parang may sasabog sa dibdib."Ni hindi ko nga sinabi sa pamilya ko, Derrick," paliwanag ni Stacey, lumapit sa kanya ngunit pinigilan ang sa
Third Person's POVGaya ng sinabi ni Jared kay Colleen, dumiretso siya sa opisina pagkatapos ng pananghalian. Pero hindi para magtrabaho, may mahalaga siyang dapat kausapin. Isang pag-uusap kasama si Ellie, ang pribadong imbestigador na kaibigan ng kaibigan niyang si Noah.Noon pa man ay humingi na siya ng tulong kay Noah upang magsagawa ng imbestigasyon ukol kina Stacey at Derrick. Ngunit matapos ang unang ulat, napagtanto niyang kailangan niya ng mas malalim na pagsisiyasat, yung mas pribado, mas personal. Kaya't muling lumapit siya kay Noah."Pare!" bati ni Noah habang nagkakamayan sila. Umupo silang tatlo sa sofa sa loob ng opisina. Sinabihan na ni Jared ang kanyang assistant na kanselahin lahat ng appointments niya sa araw na iyon."Kumusta? Anong resulta?" agad na tanong ni Jared, diretso sa punto. Napatingin si Noah kay Ellie, na agad namang nag-abot ng isang puting envelope."Malaking tulong ang unang report mo. Dahil doon, mas madali kong nahukay ang baho ni Derrick," sagot n
Third Person's POV“Sa tingin mo, babae ang magiging baby natin?” tanong ni Jared habang kumikislap ang mga mata sa tuwa. Hindi na niya mapigilan ang ngiti sa labi dahil sa nakikitang saya ni Colleen. Ramdam niya ang matamis na enerhiya na bumabalot sa kabuuan nito at nadadala rin siya.“Babae man o lalaki, wala akong pakialam. Ang mahalaga, sigurado akong mamahalin ko ang anak natin… kasi sa atin siya,” sagot ni Colleen, habang nakatitig sa kanya ng may lambing.“Pwede na ba tayong mamili ng gamit niya ngayon?” ani Jared, puno ng sigla at sabik. Natawa si Colleen.“Maaga pa. Ni hindi pa nga natin alam kung ano ang kasarian niya,” sagot niya, habang pilit pinipigilan ang ngiting sumisilay sa labi.“Kailan tayo mamimili?” tanong ulit ni Jared, halatang hindi mapakali.“Talagang anak ka nga ni Mommy Claire,” tukso ni Colleen. “Pareho kayong hindi marunong maghintay. Pati si Ingrid, sabik palagi. Mana nga kaya sa inyo ang magiging anak natin?”“Gusto ko siyang maging kagaya ng mama niya n