공유

Chapter 2

작가: Moonstone13
last update 최신 업데이트: 2023-12-19 12:46:00

Lumipas ang isang linggong hininging palugit ng school kay Leslie at bago pa man siya magpaalam sa kanyang mga co- teacher at mga student ay dumating na ang kapalit niyang bagong teacher na magtuturo sa kanyang mga estudyante.

Mahirap para sa kalooban niya na iiwanan na niya ang mga estudyante niyang napamahal na rin sa kanya sa loob ng ilang buwan, magmula ng magsimula ang kanilang klase ay kailangan niyang tanggapin na magkakahiwa- hiwalay na sila.

"Last day mo na today sa school, Teacher Leslie.

Nakakalungkot naman na iiwan mo na talaga kami ng mga estudyante mo. Mag iingat ka Leslie ha, kapag may kailangan ka ay tawagan mo lang ako okay, mamimiss kita ng sobra." naiiyak na sabi ni Teacher Melody sa kanya.

"Walang iyakan, parang tanga 'to, pati tuloy ako naiiyak na rin. Kainis ka, halika nga rito payakap ako." naiiyak na nga niyang sabi sa kaibigan nang di niya na rin maiwasan na hindi maging emosyonal sa pagpapaalam niya.

Si Melody kase ang super close sa kanya sa mga co-teacher niya sa school dahil sabay silang nagsimulamg magturo sa eskwelahan.

"Bukas na pala ang balik mo sa Cebu, mag iingat ka roon Teacher Leslie ha! kapag nabalik ka ng manila ay dalaw-dalaw ka rin dito." ang sabi naman ng isa pang guro na may edad na. Naging adviser nila ni Melody nung baguhan pa lamang silang nagtuturo.

"Thank you.. Maam, sa lahat ng itinuro niyo sa akin. Hindi ko po kayo makakalimutan, kayong lahat rito." nakangiti niyang saad kay Teacher Fernandez.

Kinabukasan ay nakabalik na siya ng Cebu. Hindi na siya nagpasundo pa sa mga kaanak dahil hindi rin naman niya sinabi na ngayon ang balik niya.

Habang nasa byahe siya pauwe sa bahay ng kanyang mga elder ay naalala niya ang pangyayare kung paano siya napapayag sa kasal.

Flashback

"Iha, apo, gising ka na ba? maaari ba kitang makausap?" alam niyang ang lola Esmeralda niya ang nasa labas ng pinto ng kwarto niya kaya tumayo siya ng kama at pinagbuksan ang abuela at nang makapasok na ito ay bumalik siya sa kama at naupo.

"Alam kong masama ang loob mo sa amin ng lolo Arturo mo apo. Hindi naman lingid sa inyo ng mommy mo na mahalaga ang koprahan sa lolo ninyo di ba. Matanda na kami apo, kahit na anong oras ay maaari na kaming mawala sa mundong ito. Ang iniisip lang ng lolo mo ay una pa atang mawawala sa atin ang koprahan at ang bahay na ito na gusto sana namin ipamana sa inyong magpinsan. Nagkataon lang din na ikaw ang gustong maging kapalit ni Don Menandro na pambayad sa pagkakasanla ng buong koprahan upang maging asawa ng kanyang nag iisang apo na lalaki. Hindi rin naman ako pabor sa naging desisyon ng lolo mo apo, kaya kung labag sa loob mo ay wag mo na kaming intindihin pa." ani ng abuela sa kanya at ikinayakap niya rito dahil hindi siya nito pinilit na magpakasal pa.

"Lola..., si lolo Arturo dalian nyo..!!" nagmamabilis na saad ng katulong ng mga matatanda na agad din nagpalabas sa kanila sa kwarto at nakita nila si Danilo na anak ng kapatid ng Mommy niya na buhat- buhat na ang kanilang lolo.

"Bakit anong nangyare sa lolo mo, Danilo?" nag- aalalang tanong ng lola niya sa pinsan ng makita nitong buhat nito ang kanilang lolo Arturo.

"Inatake sa puso, si lolo, La." nagmamadaling wika ni Danilo.

"Leslie, maiwan ka na rito samahan mo si lola. Kami na muna ang bahalang magpunta ng ospital at babalitaan na lang namin kayo." ang sabi ng kanyang pinsan na nagdudumali na paandarin ang owner type jeep na sakay na ang kanyang lolo at ang isang kasambahay.

Dahil sa pag-aalala sa lolo niya ay di na rin siya nakapagsalita pa at tumango na lamang.

Nang makaalis na ang kanyang pinsan ay nakita niya ang dahan-dahang pag upo ng kanyang abuela sa pang isahang sofa at napapikit ng mata at napansin niya ang pagtulo ng luha sa gilid ng pisngi ng matanda.

Dumaan ang ilang araw na nanatili ang kanyang Lolo Arturo sa ospital, na mild stroke daw ito ang sabi ng kuya Danilo niya ng tawagan sila nito nung unang araw na nadala sa pagamutan ang kanilang Abuelo.

Nasabi ng kanyang lola na hindi na mapagkatulog ng ayos ang lolo niya sa kakaisip sa problema at iniisip din daw nito ang koprahan na mawawala sa kanila, kaya naman nagdesisyon na siyang pumayag na sa kasal upang maibsan ang kalungkutan na nadarama ng dalawang matanda.

"Lola, nakapagdesisyon na po ako. Pumapayag na po ako sa kasal." pagbubukas niya ng usapan ng gabing naghahapunan sila.

"Sigurado ka na ba apo? baka naman nabibigla ka lang dahil sa nangyare sa lolo mo?" paniniguradong tanong na turan ng abuela at pinakatitigan siya sa mata na parang gustong basahin ang nasa isip niya.

"Salamat Leslie, salamat.." natutuwang wika ng pinsan niya na narinig rin ang sinabi niya.

Alam niyang mahalaga rin dito ang koprahan nila dahil ito ang katuwang ng kanyang lolo sa pagpapatakbo ng kanilang pangkabuhayan.

"Siya sige, kung desidido ka na talaga ay ipapaalam na natin kay Don Menandro ang desisyon mo. Matutuwa ang lolo mo apo, salamat!" aniyang muli ng abuela sa kanya.

"Sige po Lola, gusto ko rin po na makausap ang Don." ang sabi niya na tinanguan ng abuela.

Kinaumagahan ay dinalaw sila ni Don Menandro dahil nalaman nitong na ospital ang lolo Arturo niya.

"Magandang umaga Don Menandro, pasok ho kayo para makapag-usap po tayo ng maayos." bungad na bati niya sa Don na sumunod naman sa kanya sa sala.

"Manang, padala naman po ng maiinom rito. Ano pong gusto n'yo Don Menandro, kape, tsaa o juice?" pag- aasikaso niya sa bisita.

"Tubig na lang iha." maayos na sagot naman nito.

"Manang, tubig na lamang po lahat, salamat." ani n'yang utos sa kasambahay.

"Pumunta ako rito upang kumustahin ang asawa mo Esmeralda, kumusta na si Arturo?" saad ng matandang lalaki.

"Maayos naman na ang kalagayan ng aking asawa, Menandro. Mabuti rin at nadalaw ka na, nakausap ko na ang aking apo at pumapayag na siya sa kasal." wika ni Esmeralda kay Don Menandro at napatingin ito sa kanya na seryoso lang din niya itong tinignan.

"Totoo ba ang sinabi ng iyong lola esmeralda iha? pumapayag ka ng talaga?!" tanong na nais makasigurado kung tama nga ang narinig.

"Opo Don Menandro, pumapayag na ko." sagot niya.

"Thanks iha, from now on Lolo Menandro na ang itatawag mo sa akin. Matutuwa ang apo ko kapag nasabi ko na sa kanya ang pagpayag mo iha sa kasal." ani ng Don.

"May picture po ba kayo ng apo niyo Don Menandro?" tanong niya sa matanda.

"Oo naman iha. Wait lang, mayron ako dito sa cellphone ko. Oh ito iha, tignan mo ang apo ko."

Iniabot sa kanya ang phone nito at pinakatitigan niya ang picture sa phone. Gwapo ang lalaki, matangos ang ilong, halatang may lahing kastila, hawig din ito ng Don. Pero walang dating para sa kanya, wala siyang atraksiyon na maramdaman sa lalaking nasa picture.

"Tutupad po ako sa pangako Don Menandro, sana po ay kayo rin. Ipatawag na lamang ninyo ako kapag nakabalik na rito ang apo ninyo." ang sabi niya sa matanda.

End of flashback

"Miss, narito na tayo." ang sabi ng manong driver na sinakyan niya pahatid sa bahay ng lolo't lola niya.

"Salamat po, manong driver!"

"Pwede po bang magpatulong na ibaba ang mga gamit ko?" hinging tulong niya dahil walang sumalubong sa kanya sa labas ng bahay.

"Walang problema, iha."

"Apo.., apo ko.. Leslie narito ka na!" sigaw ng Lola Esmeralda niya ng makita siyang pumasok ng tarangkahan.

Napapikit siya at napahingang malalim. Pilit na ngiti sa labi ang ipinakita niya sa abuela niya dahil nahihirapan siyang itago ang tunay niyang nararamdaman. Hind siya masaya sa kanyang pagbabalik.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Jossa
Umpisa pa lang nakakaexcite ng basahin......
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • The Run Away Fiancee.   BACK TO ME last chapter.

    Nagpaalam si Dailyn kay Leslie na sasama na muna siya kay Edward at pupuntahan nila ang ate niya sa ospital.Nagpaiwan naman si Leslie sa mall at sinabing magkita na lang uli sila sa ibang araw.Pinuntahan nga nila Dailyn at Edward si Aileen sa ospital at kinausap."A-Ate.. Nagkausap na kami ni Edward. Okay na kaming dalawa, nagkaayos na kami. Ba-babalik na ko sa kanya, Ate.." nahihiyang saad ni Dailyn kay Aileen.Napabuntong hininga naman si Aileen."Napag isipan mo bang mabuti yan? sigurado ka bang hindi ka na paiiyakan ng lalaking yan?!" tanong ni Aileen sa kapatid na kay Edward ay seryosong nakatingin."Oh come on, Aileen. Alam ko namang nagkamali ako noon, pero pinagsisihan ko na yun at gusto kong bumawi sa kapatid mo lalo na ngayong magkakaanak na kami." angil ni Edward sa ate ni Dailyn.Sinamaan naman ng tingin ni Aileen si Edward. "Kapag sinaktan mo uli ang bunso namin Edward, tandaan mo hindi mo na siya uli makikita pa. Siraulo ka eh! katulad ka rin ng pinsan mong si Rodjun n

  • The Run Away Fiancee.   Back To Me C24

    Pagkalapag ng eroplano sa Cebu at paglabas nila ng airport ay agad silang kumuha ng taxi at nagpahatid kung saang ospital naroroon si Aileen at kung nasaan si Dailyn ng oras din na 'yon. Hindi na sila nag aksaya pa ng oras dahil ang nais lang nila ay makita ng muli ang mga babaeng mahal nila.Nagpahatid na muna si Edward sa Sm seaside mall sa Cebu kung saan naroon ang kaibigan niyang nakasunod lang kay Dailyn. Habang sina Rodjun at Jasper naman ay nagpatuloy na sa Ospital kung saan nagtatrabaho si Aileen."Edward, naroon si Dailyn sa may seaside nakaupo. Nakikita mo yung dalawang babae na yon? yung isa may highlights sa buhok, si Dailyn ang kasama nun, lapitan mo na baka mawala na naman yan. Sige na, goodluck. Pagkakataon mo na ito, lapitan mo na." saad ni Dave nang makita na si Edward at ipinagtutulakan pa na lumapit na kay Dailyn.Huminga muna si Edward ng malalim bago naglakad palapit sa pwesto nila Dailyn at dahil nakaharap ang mga ito sa dagat habang nagkukwentuhan ay hindi agad

  • The Run Away Fiancee.   BACK TO ME C.23

    Isang buwan ang lumipas ay wala pa rin naging balita kay Dailyn at gabi-gabi na lang ay nag iinom si Edward, upang makatulog. Halos pinabayaan na ni Edward ang sarli niya, mabuti na lang at may co owner na manager siyang katulad ni Renz kaya kahit na hindi siya magtrabaho ay ayos lang din. At mula rin ng umalis si Dailyn sa bahay ng mga Cristobal ay hindi na maayos ang pakikitungo sa kanya ni Mayor. Sa nakalipas na mga araw mula ng umalis si Dailyn ay mas napatunayan pa niyang mahal na nga niya ang asawa. Oo, asawa na niyang tunay si Dailyn dahil ipinaayos na niya ang Marriage Contract na pinirmahan nilang dalawa. Naipanotaryo na niya ito at nakarecord na ang kasal nila sa munispyo, ganun din sa PSA. ( philippine statistic authority.). Laking pasalamat niya na itinago lamang niya ang papel at hindi niya pinunit.Lumipas pa ang ilang linggo na nanatili pa rin sa Cebu ang magkapatid na Aileen at Dailyn. May umbok na ang tiyan ni Dailyn na nasa tatlong buwan na, kaya halata ng nagdadal

  • The Run Away Fiancee.   BACK TO ME C.22

    Magkasama na ang magkapatid sa apartment na tinutuluyan ni Aileen. Inanyayahan nila na sumama si Leslie sa kanila ngunit tumanggi ito para raw magkasarilinan muna silang magkapatid kaya naman hindi na rin nila pinilit pa si Leslie."Kailan ka pa narito sa Cebu, Dailyn?" panimula ni Aileen sa usapan."Ilang araw pa lang ate Aileen, galing akong Singapore, 2 days ako roon kasama nang kaibigan kong si Chris. Tanda mo pa ba yung classmate ko nung college?""Oo, alam mo bang hinahanap ka ni Edward? Alam ko na ang naging problema ninyo. Sinabi ni Edward. Pinuntahan niya ako at nakiusap na sabihin ko kung nasaan ka. Ano naman ang sasabihin ko sa kanya, hindi ko nga alam kung nasaan ka at hindi ko akalain na makikita kita rito." litanya ni Aileen.Napahinga ng malalim si Dailyn ng maalala si Edward."Bakit ka nga ba umalis? sabihin mo sa akin ang totoo." curious na tanong ni Aileen dahil gusto niyang marinig ang side ni Dailyn."Ganito kase ang nangyari nung umalis ka nang araw ng engagement

  • The Run Away Fiancee.   BACK TO ME C.21

    Nakarating ng Cebu si Dailyn at magkasama na silang dalawa ni Leslie sa bahay ng lolo at lola ng kaibigan.Ipinakilala siya ni Leslie sa Lola Esmeralda at lolo Arturo nito at sa pinsan din nitong si Danilo.Nasa iisang kwarto lang silang dalawa at pareho ng nakahiga sa kama."Leslie, buntis ako." pagtatapat ni Dailyn.Napabangon naman ng upo bigla si Leslie sa sinabi ni Dailyn."Ows talaga?!""Oo, nalaman kong buntis ako ng nasa eroplano na kami ni Chris papuntang Singapore. Nakapagpacheck up na rin ako kahapon at isang buwan na nga akong nagdadalang tao.""Pinaalam mo na ba sa nakabuntis sa'yo Dailyn na magiging ama na siya?""Hindi pa, hindi pa ko makapagdesisyon, Leslie. Naguguluhan pa rin ang isip ko. Mahal ko si Edward pero kapag naalala ko ang ginawa niya ay naninibugho ako sa kanya.""Ano ba kase ang nangyari at nagkakaganyan ka? sabihin mo kaya sa akin para mapayuhan kita." wika ni Leslie.Napahingang malalim si Dailyn at nagsimulang ikwento kay Leslie ang lahat."Kung ibang t

  • The Run Away Fiancee.   BACK TO ME C.20

    Nang makalapag ang eroplanong kinalululanan ni Dailyn ay napabuntong hininga siya. Napahawak pa siya sa kanyang tiyan ng maalala niya ang mukha ni Edward. Hindi pa rin siya handang makita ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.Ayaw pa rin niyang bumalik sa kanila sa Batangas, ayaw rin niyang tawagan ang Ate Aileen niya at ipaalam kung nasaan siya. Iniisip niya kase na baka malaman agad ni Edward kapag kay ate Aileen niya siya pupunta o humingi ng pabor. Nahihiya pa rin kase siya sa ate Aileen niya kahit alam niyang mauunawaan naman siya.Nang may nakatabi siyang pinay na nakasabayan niyang maglakad patungong immigration at marinig niya itong may kausap sa cellphone nito na ang gamit na lengguwahe ay salitang bisaya ay napangiti siya sa kanyang naisip dahil naalala niya ang kaibigang si Leslie na alam niyang kasalukuyang nasa Cebu.****Sa kabilang dako naman ay hindi pa rin tumitigil si Edward sa paghahanap kay Dailyn. Sinubukan na rin niyang kumuha ng Private Investigator upang mapadali

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status