แชร์

Chapter 6

ผู้เขียน: Ajai_Kim
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2023-05-30 15:10:34

ALLISON'S POV

Dahil walang pamalit ng damit si Kenneth sa nabasa niyang damit na kagagawan nila CJ ay kailangan niyang umuwi sa kanila. Hindi ko naman siya maiwan-iwan dahil makokonsensya ako kapag ginawa ko iyon. Isa pa, ako ang dahilan kung bakit palaging binubully nila CJ at ng mga kaibigan niya si Kenneth kaya may pananagutan ako sa kanya.

"Uuwi nalang muna siguro ako, Allison. Hindi na muna ako aattend sa huling klase ko dahil sa ganitong kalagayan ko. Medyo natuyo na nga ako pero basa pa rin ang ilang parte ng damit ko." Sabi ni Kenneth at bumuntong-hininga siya.

"Sasama nalang ako sa'yo pauwi ng bahay niyo." Nakangiti ko namang sabi.

Tila nagulat siya sa sinabi ko.

"S-sasama ka sa akin pauwi ng bahay? M-may huling klase ka pa, hindi ba? Kaya ko naman ang sarili ko at sanay na ako sa ganitong sitwasyon." Sabi naman niya.

I shrugged. "Dahil sa akin kaya ginawa 'yan nila CJ sa'yo. Hindi kita kayang iwan na ganyan ang sitwasyon mo kaya kung okay lang sa'yo ay sasamahan na kitang umuwi sa inyo." Sabi ko at hinawakan ang isang balikat niya.

Parang naestatwa naman siya sa ginawa ko at napatitig sa akin. Hindi ko rin maiwasang hindi mapatitig sa kanya at kasabay nun ay ang pabilis ng pabilis na tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung ano ba itong nararamdaman ko pero sigurado akong gusto ko talaga si Kenneth. Dahil parang nalulunod na ako sa mga titig niya ay ako na ang unang bumitaw nun at napaiwas nalang ng tingin. Ganon rin siya kasabay ng pagkamot nito sa batok niya.

"Kung 'yun ang gusto mo. S-sige." Sabi niya nalang. Napangiti naman ako dun.

Kinuha ko muna ang bag ko sa classroom namin bago ako bumalik ulit kay Kenneth na naghihintay sa akin mula sa labas.

"Let's go?" Masaya kong ani.

Tumango naman siya at ngumiti saka kami umalis. Kaya ko namang mag-iskip ng isang klase para kay Kenneth at mabuti naman na wala sa paligid si CJ kaya malaya akong masasamahan siya pauwi sa kanila. Kaagad kaming nagtungo sa parking lot ng school namin at pinasakay niya ako sa kotse niya.

Nagulat pa ako dahil Volkswagen T-Roc ang kotse nito at alam kong sa India palang ito mabibili na nagkakahalaga rin ng ilang milyon. Alam ko iyon dahil mahilig sa kotse si Kuya Robin at may mga magazines siya na puro mga car models ang nando'n at kapag bored ako sa bahay ay tinitignan ko iyon at binabasa. Mayaman pala talaga ang pamilya nila Kenneth at hindi lang siya isang simpleng mayaman kundi mas higit pa doon.

"Where did you get this car?" Gulat kong tanong nang nasa loob na kami ng kotse niya.

"Binigay 'to sa akin ni Dad. Kahit papaano ay may awa pa rin siya sa akin at iniregalo niya sa akin 'to nung birthday ko." Sabi naman niya at pinaandar na nito ang kotse niya.

Tumango nalang ako at hindi na muling nagsalita pa. Mabuti pala at kahit papaano ay may care ang Dad ni Kenneth sa kanya. Ilang minuto lang ay inihinto na niya ang kotse niya sa isang bahay o I mean mansyon na sa tingin ko ay ang tinitirhan niya. Bumaba naman kami sa loob ng kotse niya at napanganga nalang ako sa lawak at laki ng mansyon nila Kenneth.

"Pasok na tayo sa loob?" Tanong niya. Tumango naman ako at kaagad na niya akong hinatak papasok sa loob ng mansyon nila.

Pagkapasok namin ay kaagad kaming binati ng mga maids na nakaabang mula sa loob ng mansyon.

"Good afternoon po, Sir Kenneth." Sabay sabay na sabi nila.

Tumango naman si Kenneth. "Good afternoon din. Nakauwi na ba si Kendrick?" Tanong nito sa isang maid na sa tingin ko ay nasa mid 50's na ang edad.

"Kanina pa siya nakauwi, anak. Nandoon sa loob ng kwarto niya at lasing na lasing. Kahit kailan talaga ay wala nang ginawang mabuti 'yang kapatid mo." Umiiling na sabi nung maid.

"Ganon po ba? Hayaan niyo nalang po muna siya. Nga pala, Manang Loida, ito nga pala si Allison. Kaibigan ko." Pagpapakilala ni Kenneth sa akin.

Ngumiti naman sa akin 'yung maid at hinaplos ang mukha ko na ikinagulat ko. "Ang ganda-ganda mo namang dalaga at napakakinis pa, ineng. Mabuti pala at magkaibigan kayo nito ng alaga ko. Alam mo bang ikaw palang ang ipinapakilala niya sa aming kaibigan niya? Bagay na bagay kayo dahil kung nag-aayos lang itong si Kenneth ay makikita mo kung gaano ito kakisig!" Nakangiting sabi niya na ikinapula naman ng buong mukha ko. Nangingiting umiling nalang si Kenneth dahil sa sinabi ni Manang Loida.

"Salamat po, Manang Loida." Nahihiyang sabi ko naman.

"Paano po, Manang Loida. Aakyat na po kami sa kwarto ko." Pagpapaalam ni Kenneth.

Tumango naman si Manang Loida. "Kung may kailangan kayo ay tawagin niyo lamang ako, ha?" Tumango lang si Kenneth at pagkatapos nun ay hinila na niya ako paakyat nang kwarto niya.

Pagkapasok namin sa loob ay sobrang laki at lawak rin ng kwarto niya. Halos lahat na yata ng kakailanganin niya ay nandito na. Idagdag pa ang mga iba't-ibang klase ng libro na nakalagay sa maganda at malaki niyang bookshelves maging pati na rin ang mga awards niya sa schools ay nakalagay naman sa isang wooden cabinet. He's such a genius and talented guy at hindi na nakakapagtaka kung marami man siyang nahakot na awards at achievements mula sa school.

"May pagkain diyan sa loob ng ref, Allison. Kumuha kalang ng kahit anong gusto mo. Magpapalit lang ako ng damit." Sabi niya sa akin saka ako nito pinaupo sa mahaba niyang couch. Tumango naman ako at ngumiti sa kanya.

"Salamat." Sabi ko.

Umalis naman siya at nagtungo na sa banyo niya. Ako naman ay nililibot pa rin ng tingin ang kabuuan ng kwarto niya. Hindi katulad ni Kuya Robin na magulo pagdating sa mga gamit niya ay maayos at malinis naman sa kwarto si Kenneth. Ni wala nga yata akong makitang alikabok o dumi man lang sa mga gamit niya. Mas lalo pa iyong nakapagdagdag ng pogi points niya sa akin at mas lalo ko pa siyang nagustuhan nang dahil do'n. Pagkalipas lang ng ilang minuto ay lumabas na rin si Kenneth mula sa banyo.

Laking gulat ko na ang kaninang nerd na Kenneth na nakita ko ay ibang-iba na sa Kenneth na nakikita ko ngayon. He's wearing a white sando shirt at kitang-kita ko 'yung mga muscles niya sa braso at chest nito. Nakasuot rin ito ng black shorts na hanggang tuhod niya at ang buhok niyang parang Jose Rizal style ay medyo magulo at naka brush-up na. Wala na rin ang suot niyang malaking eyeglasses at talagang napakaganda ng mga mata niya.

Napakagwapo ni Kenneth at sa tingin ko nga ay mas gwapo pa siya kaysa kay CJ.

Nang makita niya akong nakatitig sa kanya habang nakaawang ang bibig ay napakamot na naman ito sa batok niya pagkatapos ay lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko.

"Ganito talaga ang ayos ko kapag nasa loob lang ako ng kwarto ko. Nagiging pangit at nerd lang ako kapag nasa labas dahil talagang nahihiya akong ipakita ang tunay kong itsura." Sabi niya.

"Pero bakit? Kung ganyan ang ipinapakita mong itsura sa labas at sa school natin ay sigurado akong hindi ka pagtatawanan at lalaitin ng ibang tao at siguradong sisikat ka rin katulad ni CJ dahil gwapo ka. You're handsome, Kenneth pero bakit nahihiya kang ipakitang ganyan ang ayos mo?" Concern kong tanong.

Ngumiti naman siya ng mapait. "Wala naman akong pakialam sa kung anuman ang itsura ko, Allison. Nasanay na ako sa pagiging baduy at nerdy ko. Ayoko rin na maging sikat sa school natin katulad ni CJ at okay na ako sa ganito kong kalagayan. Hindi ko nga aakalain na kakaibiganin mo pa ako kahit pangit ang itsura ko sa school natin." He chuckled.

Hinawakan ko naman ang kamay niya. Nakakatuwa lang na kahit marami pala siyang kayang ipagmalaki sa sarili niya ay hindi niya iyon ginagawa dahil kuntento na siya sa Comfort Zone na gusto niya.

Ibang-iba siya sa lahat ng mga lalakeng nakilala ko.

"Kahit ano pa man ang itsura mo ay tanggap pa rin kita bilang kaibigan ko. You saved me from danger before, right? Kaya nagkaroon rin ako ng malaking utang na loob sa'yo, Kenneth. At isa pa-"

Hindi ko naman maituloy ang mga susunod na sasabihin ko. Aaminin ko na bang may gusto ako sa kanya? Paano kung magulat siya sa sasabihin ko? Paano na kung umamin ako ng tunay kong nararamdaman para sa kanya ay layuan niya na ako?

"What is it, Allison?" Tanong niya.

Umiling nalang ako at hindi ko na itinuloy pa ang sasabihin ko. Mukhang hindi yata maganda na ngayon ako umamin ng nararamdaman ko para sa kanya.

"W-wala 'yon." Sabi ko nalang saka ako umiwas ng tingin.

Nagulat nalang ako nang bigla niya akong hinawakan sa mukha at iniharap sa kanya.

He looks so serious right now.

"Allison, may gusto akong aminin sa'yo at ngayon yata ay ito na ang tamang panahon para sabihin ko 'to." Seryosong sabi niya habang nakatitig ito sa mga mata ko.

"Ano 'yon?" Tanong ko naman na naguguluhan.

Ngumiti siya at sa hindi ko inaasahan ay bigla niya akong hinalikan sa labi na ikinagulat ko. Naramdaman ko nalang ang paghalik niya sa akin habang napahinto naman ako sa sobrang pagkagulat. Hindi pa rin ako tumutugon sa mga halik niya hanggang sa huminto na siya sa paghalik sa akin.

Sinapo niya ang buong mukha ko.

"Allison, mahal kita. Please, let me court you,"

At sa sinabi niyang iyon ay hindi na matigil sa pagtibok ng mabilis ang puso ko at sa pag-ikot na kung ano sa sistema ko.

He's my first kiss.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Their Obsession (Book 1 and 2)   Epilogue

    Trinity's POVAfter 5 years...Living with the 13 guys was surprising and unexpected for me. Nang nakilala ko ang labin-tatlong lalake at nakasama sa iisang bahay ay doon na tuluyang nagbago ang mundo ko. Sa pagkakakilala ko sa kanila ay marami akong natutunan katulad nalang ng pagsasakripisyo at pag-unawa.Mason or Alec is my bestfriend. Mas nauna ko siyang nakilala kaysa kay Jaden. Noong mga bata palang kami ay siya na ang naging kasama at kalaro ko noon. That was my best happenings in life, ang makilala ko siya.Then Jaden came, ang lalakeng mahal na mahal ko simula noong palang. He has a lot of imperfections pero in the past few years ay natanggap ko na lahat iyon lalo na nung pinatawad siya ni Mason sa naging kasalanan niya.Pagkatapos ng limang taon ay marami na rin nagbago. Madalas ay nag-aaway kami ni Jaden dahil sa pagiging seloso nito pero nasanay na ako sa kanya at nagkakabati rin naman kami sa huli. Alam ko naman na noong una

  • Their Obsession (Book 1 and 2)   Chapter 50

    Jaden's POVLumipas ang isang buwan at naging maayos naman ang lahat sa amin ni Trinity. Sa pagkawala ni Mason ay marami akong natutunan at narealize na mga bagay. Hindi sagot ang inggit at selos sa puso para makapanakit ka ng isang tao. Kung gagawin mo ang mga bagay na 'yon ay kahit kailan ay hinding-hindi ka magiging masaya.Humingi ako ng tawad kay Mason at sa mga magulang niya dahil sa ginawa ko noon sa pamamagitan ng pagdadasal. Sa kabila noon hanggang ngayon ay malaya pa rin akong nagagawa ang mga bagay lalong-lalo na ang mahalin si Trinity.Nandito kami ngayon sa Tagaytay kasama si Trinity, ang TREASURE guys at ang mga kaibigan ni Trinity. Bakasyon ngayon at naisipan naming magpunta ulit dito sa resthouse nila Kyle para makapagrelax man lang. Sa daming nangyari nitong nakalipas na isang buwan ay minabuti nalang naming kalimutan ang lahat at makapagsimula ulit ng bago.Nakangiti kaming dalawa ni Trinity sa isa't-isa habang nakaholding hands

  • Their Obsession (Book 1 and 2)   Chapter 49

    Trinity's POVNasa ospital ako ngayon at nang iminulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang mga nag-aalalang mukha ng TREASURE Guys."Trinity, are you now okay?" Nag-aalalang tanong ni John sa akin.Ngumiti naman ako saka tumango. Natamaan ng basag na vase ang binti ko nang magwala si Mason kaya nasugatan ito at halos hindi ko na maigalaw ang paa ko sa sakit. Isinakay niya ako sa isang wheelchair dahil ipapagamot raw niya ako sa personal doctor niya.Hindi ko aakalaing aabot kami sa ganito at sa pagkamatay niya ay lubos akong nalulungkot para dun. Siya pa rin ang Alec na kababata ko. Siya pa rin 'yung Alec na mabait at mapagmahal sa mga magulang niya. Napaiyak na naman ako na ikinaalarma nila."Trinity, what's wrong?" Tanong ni David at inalo niya ako.Umiling lang ako bilang sagot saka hinarap ang TREASURE Guys."Maraming salamat sa pagligtas niyo sa akin. Nasaan na pala si Jaden ngayon?" Tanong ko.Umili

  • Their Obsession (Book 1 and 2)   Chapter 48

    Jaden's POVNapa facepalm nalang ako habang tinatahak namin ang Batangas kasama ang ibang TREASURE Guys. Nang nabalitaan nila sa akin na si Mason ang Alec na tinutukoy ko na kababata namin ni Rinrin ay nagpresinta na rin sila na sumama sa akin para iligtas si Trinity. Ikwinento ko na sa kanila ang lahat para hindi na sila magtaka pa kung bakit dinukot ni Mason si Trinity.Ang sikip ng pwesto namin dito sa Van at dahil ang dami namin sa loob ng sasakyan ay halos hindi na ako makahinga sa sobrang suffocation."Ano ba naman 'yan, John! Pwede bang 'wag kang malikot? Nakita mo na ngang ang sikip-sikip dito tapos para ka pang bulate na inasinan diyan!" Inis na reklamo ni Justin habang katabi si John."Sorry na! Nag-aalala lang naman kasi ako kay Trinity kaya hindi ako mapakali, e." Nakapout niyang sabi."Tsk! Mabuti nalang at wala si Micca dito kundi baka-" David stopped them."Huwag na nga kayong magbangayan dyan. Kahit ngayong araw l

  • Their Obsession (Book 1 and 2)   Chapter 47

    Trinity's POVNagising na lamang ako sa isang madilim na kwarto. Tanging ilaw na lamang na nanggagaling sa bintana ang nagsisilbing ilaw sa kwarto. Nakahiga ako sa isang kama habang nakagapos ang mga paa at kamay ko. May panyo rin na nakalagay sa bibig ko. Naiyak nalang ako nang mapagtanto ko na kung sino ang gumawa sa akin nito.Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at kahit madilim at hindi ko maaninag ang mukha niya ay alam ko na kung sino siya. Lumapit ito sa akin at umupo sa gilid ng kama. Nakatitig ako sa kanya habang umiiyak habang siya naman ay nakangising nakatingin sa akin."You're still beautiful even if you're crying." Nakatitig niyang sabi sa akin.Takot ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil nakatakip ang bibig ko ng panyo. Hikbi na lamang ang nagawa ko at sumiksik ako sa dulo ng kama gawa ng takot ko sa kanya. Hindi siya ang Mason na nakasama ko sa TREASURE House. Ibang-iba siya. Nakakatakot siya.

  • Their Obsession (Book 1 and 2)   Chapter 46

    Trinity's POVNapag-usapan namin ni Mason na magkikita kami sa Coffee Shop mamayang 8am at iuuwi naman daw niya ako ng 5pm. Mabuti nalang at may pasok si Jaden sa kompanya nila at kaninang 6am pa siya umalis at baka 9pm na rin siya makauwi kaya pasalamat nalang at hindi kami magkikita ngayong araw dahil magiging busy siya sa trabaho niya.7:45am na at nakabihis na rin ako. I wear simple jeans at sleeveless ruffled dress na kulay yellow. Nagdala rin ako ng purse at ready to go na.Nagpahatid ako sa driver namin papuntang Coffee Shop. Nang makarating na ako at makalabas ng kotse ay nakita ko kaagad si Mason sa labas ng Coffee Shop na mukhang naghihintay sa akin. He's very simple when it comes to his fashion. Hindi siya katulad ni Jaden at ng ibang TREASURE Guys na kung todo pumorma. He's wearing a simple gray t-shirt, wristwatch, jeans and rubber shoes pero kahit napakasimple lang ng get up niya ay nakaw atensyon pa rin siya dahil napakagwapo niya. Hindi nga

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status