THIRD PERSON:
"Mama, napakasarap po talaga ng niluluto niyo, hindi ko po mapigilang humirit pa ng isa, pahingi pa po ako ng maruya." ang masiglang hirit ng bunso ni Maricar, na natutuwa. Sa pagkakataon na walang pasok ang kanyang mga anak sa araw na iyon, na nagbibigay sa kanila ng pagkakataon na magkaroon ng masayang pagsasama-sama at ang magluto ng maruya bilang bonding activity, na puno ng tamis at saya nilang mag iina kahit wala ang kanyang asawa at busy ito lagi sa trabaho kaya bibihira lang ito magkaroon ng rest day. Ngunit hindi ito naging hadlang para makaruon parin sila ng bonding tuwing weekend.
"Naku anak nakakarami kana pero wala ka pang bayad na kiss sa akin." natatawang biro niya naman dito at ang pag pisil niya sa pisnge nito na napahagikhik naman itosa ginawa niya.
"Utang muna po Mama kapag binigyan niyo na po ako tsaka last na po ito pagkatapos ko na pong kainin ito saka po kita ikikiss ng madami." sagot ng kanyang anak na may kasamang pilyo na tawa.
"Aba mukhang kondisyon pa ata iyan' oh sige ito na po para sa cute naming bunso."
"Mama kami din po pinge ulit." Wika naman ng panganay at ang dalawa niya pang anak na nakapila na din ang mga ito sa harapan niya, natatawang napapailing na lang ito habang nilalagyan ng maruya ang mga plato ng mga ito.
"Anong amoy iyan?!! Maricar"
"Naku' nanjan po si Tita Carol, Mama!!" wika naman ni Lyca
"Salubungin niyo na doon dali!!" utos niya sa mga ito.
Ngunit ang inakala niyang mag siunahan ang mga itong lalapit sa Tita Carol nila, nanatili lamang itong mga nakatayo sa tabi niya. At nagsisiksikan pa ang mga ito sa tabi ng kanila Ina. Na pinagtaka naman ni maricar bakit ganon ang mga kilos ng kanyang mga Anak. Na para bang natatakot ang mga ito.
"Maricar?!" tawag pa nito na mas lalo namang lumipat sa kanyang likod ang dalawa paslit.
"Ate Carol!" tugon naman niya ang pag hakbang niya sana upang salubungin ang kanyang hipag ngunit di siya makahakbang dahil sa biglang may kung anong bigat sa kanyang magkabilang hita. Pagtingin niya ay ang kanyang pangatlong anak na anim na taong gulang na si Jerald at sa kabilang hita niya naman ay ang bunsong limang taong gulang na si Jacob.
"Kanina pa ako tumatawag sayo dimo ba ako naririnig?!" halatang inis na wika ng hipag niya ng makalapit na ito sa kanila.
"Sensya na po ate' di po ako makalapit agad sayo, dahil tong mga makukulit eh mga nakakapit po sa akin," ang nakangiting wika naman ni Maricar habang kanyang mga mata ay nakatuon sa kanyang dalawang anak na mga nakapulupot sa may hita niya. Pagtingin niya sa kanyang sister-in-law, ay may matalim na tingin pala ito sa mga bata na mas lalong nagpapahigpit sa pagkakayakap sa hita ng kanilang ina.
Naisip na lang ni Maricar ay marahil tinatakot lamang ito ng Tita Carol nila, subalit sa kabila ng pagkakataon na iyon, nananatili pa rin ang pag-aalala sa kanyang puso dahil ramdam niya ang pagbilis ng mga pagtibok ng puso ng mga ito, na nagpapahiwatig ng kanilang kaba at pangangamba.
Hinimas himas na lamang niya ang likod ng dalawang paslit para kahit papaano ay maibsan ang takot ng mga ito.
"Mag hi kayo at magmano sa Tita Carol niyo mga anak." Utos naman niya sa mga ito.
"Hi po Tita Carol" mahinang wika naman ng pangatlo niya anak na si Jerald at naiilang pa itong lumapit sa tita niya upang magmano. Ang kanyang mga mata'y puno ng pag-aalinlangan, na para bang natatakot na maging malapit sa mataray na anyo ng kanilang tita. Inalalayan na lang ito ni Maricar at sumunod na din ang tatlo niya pang anak.
Ngunit imbes na batiin din ang mga ito ng Tita Carol nila umikot lamang ang mga mata nitong umiwas ng tingin sa kanila pagtapos ng pagmamano nila.
"Ano ba iyan Maricar hindi mo ba kayang turuan ng magandang asal ang mga anak mo?!! Simpleng pag mano lang sa akin di pa magawa!" Galit na turan naman nito
"Sensya na po ate baka po kasi nahihiya lamang po at bihira lang po kayong bumisita dito." paliwanag ni Maricar, na nagtatangka ring pumalma sa sitwasyon. At may halong pag-aalala sa tono ng kanyang boses na nagsasalamin ng kanyang pangamba na baka nasaktan o naiinis ang kanyang tita sa reaksyon ng kanyang mga anak.
Ngunit ng makita niya ang mga anak niya ang mga tanging mga nakayuko lamang ito.
"Umuwi ba si Nathan kagabi?" bag iiba ng topic ni Carol
"Opo teh, nga po pala may pinapabigay po pala para sa birthday ni Mama Emelia."
"Akin na! Ayon nga din ang pinunta ko dito."
"Kukunin ko lang po sandali."
Pumanhik naman ito sa may sala at umupo. Habang si Maricar naman ay tumungo ng kwarto.
"Tita Carol gusto niyo po ba ng maruya?" rinig naman niyang tanong ng kanyang panganay na anak na si Eunice sa Tita nito, napa nginiti naman siya dahil kahit papano ay nakaya na ng mga ito na kausapin ang Tita Carol nila.
"Ayoko niyan!!" Mabilis na tanggi naman nito
"Ano po gusto niyo tita Carol?" tanong naman ni Lyca
"Wala' Maricar bilisan mo naman may lakad pa ako!!"
"Opo! Najan na ate Carol!" Pag mamadali naman ni Maricar nang makuha na ang sobre na naglalaman ng pera.
"Pinapasabi din ni Mama na kaylangan agahan mo daw umuwi para makapag luto ka na agad ng ibang handa dahil meron maaagang dadating na bisita si Mama." Wika naman nito habang nilalagay sa kanyang bag ang sobreng binigay ni Maricar. Di maiwasan ni Maricar na mapansin ang bag ni Carol na maganda at halatang mamahalin ito. "Ang ganda ng bag niya" tanging nasambit nito sa kanyang sa isipan niya habang ang kanyang mga mata ay nakatutok sa bag Carol.
.
"Maricar?!" tawag nito sa kanya na nagpabalik ulirat sa kanya.
"Po?! Akala ko po kukuha kayo ng magluluto, iyon po kasi sinabi ni Nathan tsaka-
"Nagbago na ang isip ni Mama ikaw na lang ang magluluto tutulungan ka naman din ni Aling Martha."
"Si-sige po."
Tumingin pa ito sa kanyang relo "Sige, alis na ako. Pasabi sa kapatid ko na salamat kamo sa ambag na binigay niya."
"Sige po Ate Carol."
Hinatid niya pa ito hanggang sa kanilang gate. At pag balik niya naman sa loob ay nanatiling parin mga nakatayo ang mga ito halatang inaatay siyang sa pagpasok, at natawa naman siya bigla ng mapansin niyang mga naka pamaywang pa nga ang mga ito.
"At para saan naman po iyan at lahat kayo ay nakapameywang pa." Natatawang tanong naman niya sa mga ito at ginaya niya din ang mga ito.
"Mama bakit di po kayo marunong tumanggi?" Tanong naman ng panganay ng Anak na si Eunice
"Sa?" kunwari di niya alam ang pinapahiwatig nito
"Na kayo mag aasikaso sa pagluluto sa birthday ni Mama Lah, pagod na nga po kayo sa pag aalaga sa amin."
Napangiti naman siya dahil naramdaman niyang concern din talaga ang kanyang mga anak pagdating sa kanya.
"Anak' okay lang iyon tsaka isang araw lang naman po iyon."
"Pero lagi na lang po kayo ang pinag luluto nila... akala ko po ba kukuha na sila ng taga luto kaya po nag bigay ng pera si Papa?" Wika naman ni Eunice
Ngunit nanatili lamang ang mga itong nakatitig sa kanya, ngumiti na lang siya niyakap ang bunsong anak niya.
"Hali nga kayo dito hug niyo nga po ako." wika niya at nag silapitan naman ang mga ito at mahigpit na yakap ang ginawad ng mga ito sa kanilang pinakamamahal na ina.
Habang mahigpit ang yakap ng mga anak ni Maricar, naramdaman niya ang init ng pagmamahal at suporta mula sa kanila. Bagama't napapagod siya sa mga responsibilidad bilang ina at sa pag-aasikaso ng pamilya, ang mga ganitong sandali ay nagpapalakas sa kanya.
"Mama, hindi po ba kayo napapagod?" tanong ni Lyca, na nakayakap pa rin sa kanyang ina.
"Napapagod din anak, pero ang importante ay masaya tayong lahat," sagot ni Maricar habang hinahaplos ang buhok ng anak.
"Ayaw ko pong makita kayong pagod, Mama. Gusto ko pong tumulong sa inyo," wika ni Eunice, na talagang nakikita ang dedikasyon ng ina sa pamilya.
"Tutulungan po kita, Mama," sabat ni Jerald, na pilit nagpapalakas ng loob kahit bata pa.
"Naku ang mga baby ko... okay lang sa akin na huwag kayong malikot doon. At kayo ate Eunice at ate Lyca bantayan niyo lang itong dalawang baby boy natin okay?"
"Oo po, Mama!" sabay-sabay na sagot ng mga ito.
"Tara na't kumain ulit ng maruya, mga anak," yaya niya sa mga ito.
"Yehey! Maruya ulit!" sigaw ng mga bata habang masiglang nagtakbuhan pabalik sa kusina.
Habang pinagmamasdan ang saya sa mga mukha ng kanyang mga anak, naramdaman ni Maricar ang pag-agos ng saya at pasasalamat sa kanyang puso. Sa simpleng pagsasama-sama at sa mga maliliit na sandali ng pagmamahalan, natutunan niya na ang tunay na kaligayahan ay hindi sa materyal na bagay kundi sa presensya at pagmamahal ng pamilya.
THIRD PERSON:“Maricar!” sigaw ng pamilyar na tinig habang papalapit sa direksyon niya. “Si Kathlyn oh! Ang sungit-sungit sa akin! Hindi naman siya ganyan sa'yo nung ikaw pa ‘yung nagmo-model sa kanya!”Parang batang nagsusumbong si Lisa, buhat ang bag habang halos mauna pa sa lahat sa paglapit kay Maricar. May dala itong halong inis at tawa sa mukha, parang naghahanap ng kakampi.Napailing si Maricar, saka ngumiti nang may halong tuwa. “Eh paano ba naman daw kasi, aba’y kayong dalawa ni Miguel, pasaway talaga,” sabay tingin kay Miguel na nakayuko lang at tila umiiwas ng tingin. “Sinabihan na ngang huwag lumalabas ng dis-oras ng gabi. Lalo na’t sikat na kayong dalawa. Dapat kayong maging ehemplo sa mga baguhan—hindi problema sa schedule ni Kathlyn.”“Saktong-sakto,” singit ni Kathlyn, lumapit habang naka-pamaywang, halatang hindi pa rin tapos ang inis. “Kung alam niyo lang kung ilang manager ang tinawagan ko kagabi kakahanap sa inyo. Akala ko na-kidnap na kayo!” na may pag amba pa nga
THIRD PERSON:Kahit mabibigat ang mga paa, pinilit pa rin ni Maricar na humakbang papasok sa dating tahanan nila ni Nathan. Bawat yapak niya sa loob ng bahay ay tila may kasamang pasaning hindi makita—parang binabalikan ng bawat sulok ang mga alaala nilang mag-iina.Pagpasok pa lamang sa sala, agad na bumungad sa kanya ang katahimikang naglalaman ng mga alaala, masaya at masakit. Sa mga dingding, sa upuan, sa lamesa, lahat may kwento, lahat may iniwang damdamin.Napahinto siya sa tapat ng sofa kung saan madalas silang magkasama ng mga bata. Doon na rin niya naramdaman ang mabigat na kirot sa kanyang dibdib. Parang hinaplos ng nakaraan ang puso niya, marahan pero masakit. Isa-isang nagsulputan ang alaala ng mga sigawan, tampuhan, at matatalim na salitang binitiwan ni Nathan. Paano siya minamaliit. Paano siya pinapalampas. Paano siya hindi pinapakinggan.Napapikit siya. Napakapit sa dibdib. Ramdam niya ang pagkuyom ng damdamin, parang sinasakal ng mga alaala.Pero sa gitna ng sakit, lum
THIRD PERSON:Sa bawat channel ng balita, sa radyo, sa social media, iisa ang laman ng ulat.Karumal-dumal na Trahedya sa Selebrasyon ng Valdez Corporation:Isang di-malilimutang trahedya ang sumira sa dapat sana’y matagumpay na selebrasyon ng Valdez Corporation, kung saan opisyal na ipinakilala si Maricar Valdez bilang bagong CEO. Sa harap ng daan-daang bisita, media, at mga personalidad sa negosyo, naganap ang isang insidente ng karahasan na ikinagimbal ng lahat.Binawian ng buhay si Nathan Villanueva, matapos nitong harangin ang bala na dapat sana’y para kay Maricar. Ang bumaril, si Ericka, ang naging kasintahan ni Nathan, ay lumusob sa okasyon habang may dalang baril at tila wala sa sarili.Ayon sa mga saksi, puno ng galit at panibugho ang kilos ni Ericka. Itinutok nito ang baril kay Maricar habang sumisigaw ng mga akusasyon at hinanakit. Ngunit bago pa man niya maiputok ang baril, mabilis na sumugod si Nathan at ginamit ang sariling katawan upang harangin ang bala—isang kabayanih
⚠️ Trigger Warning: This chapter contains themes of grief, emotional trauma, and implied violence. Reader discretion is advised.THIRD PERSON:Ang bawat hakbang niya’y mabigat, tila sinasalubong ng galit ang bawat pulgada ng sahig. Ang bawat tingin niya’y naglalagablab, punô ng hinanakit, punô ng pagkawasak.Walang umimik. Lahat ay natigilan. Isa-isang napaatras ang mga tao. Ang dating masiglang selebrasyon ay biglang naglaho, napalitan ng malamig at nakakakilabot na tensyon.Si Maricar, nanatiling nakatayo—napako ang tingin kay Ericka, na ngayo’y unti-unting inaangat ang hawak na baril... direkta sa direksyon niya.Mabilis na gumalaw si Alejandro, pilit siyang haharangin, pero mas lalong itinutok ni Ericka ang baril, kasabay ng mas lalong nanlilisik na mga mata.“Sige, subukan n’yong kumilos—may babagsak sa inyo.” Matigas. Matinis. Puno ng galit at poot ang tinig ni Ericka. Para bang bawat salitang lumalabas sa bibig niya’y punô ng pangakong kapahamakan.Tila tumigil ang oras sa buon
⚠️ Trigger Warning: This chapter contains themes of grief, emotional trauma, and implied violence. Reader discretion is advised.THIRD PERSON:"Ang kapal ng mukha mo!!!" galit na sigaw ni Ericka habang nakatitig sa screen kung saan kitang-kita niya si Maricar—nakangiti, pinapalakpakan, kinikilala ng lahat bilang bagong CEO ng Valdez Corporation. Sa bawat flash ng camera at bawat palakpak ng mga bisita, tila ba unti-unting dinudurog ang kanyang dignidad.Nanginginig ang kanyang mga kamay sa sobrang galit. Ang dibdib niya’y kumakabog, punô ng poot, inggit, at pagkasuklam."Uupo ka lang d'yan na parang walang kasalanan? Na parang wala kang inagaw?!" sigaw niya muli, halos sumisigaw sa kawalan, habang naglalakad paikot ng sala, parang mababaliw sa damdaming kumukulo sa dibdib.Bigla, isang putok ng baril ang umalingawngaw.Napapitlag si Ericka, agad na napakapit sa dibdib habang mabilis na naghanap ng pinanggalingan ng tunog. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig."Ayy!! Diyos ko po!!
THIRD PERSON:Matapos bilhin ni Don Sebastian ang kompanya ni Don Rafael, napagkasunduan ng mga board member na pag-isahin ito sa Valdez Corporation sa ilalim ng pamumuno ni Maricar Valdez.Ngunit bago pa man siya pormal na ipakilala bilang bagong CEO, mas pinili ni Maricar na unahin muna ang pagsasaayos ng lahat ng gusot sa kompanya ni Don Rafael. Isa-isa niyang hinarap ang mga problema, mula sa mga pending na kaso, pabaya sa sistema, hanggang sa mga empleyadong sapilitang tinanggal at hindi nabigyan ng tamang sahod. Sa kabila ng limitadong kapangyarihang hawak niya noon, tumulong si Maricar sa abot ng kanyang makakaya, personal niyang kinausap ang mga empleyado, nakipag-negosasyon sa mga supplier, at pinilit itama ang mga mali sa loob ng kumpanya.Ang lalim ng malasakit na iyon ang lalong nagbigay ng respeto at paghanga sa kanya ng mga board member, lalo na ng kanyang Lolo, si Don Sebastian. Ngunit higit sa lahat, tumatak sa kanilang isipan ang kundisyon na sinabi mismo ni Maricar b