Dumating na ang araw ng Biyernes. At dahil kinumpirma ni Graciella na pupunta silang mag-asawa sa mismong kaarawan ng anak, gumayak si Rowena nang maayos na damit. Simple pero presentable ang kanyang suot. Ang anak naman na si Leya, dinamitan niya ng magandang princess dress. Gusto niya na magmukhang prinsesa ang anak sa second birthday nito. Nilagyan niya rin ng magagandang ribbon ang hair clips na gamit ng anak. “Anak. Two years old ka na ngayon. Sa pasukan, mag-aaral ka na,” bulong ni Rowena sa anak habang sinasamyo ang mabango nitong buhok. “Mama, gusto tata,” medyo bulol pa na sambit ni Leya. Napangiti naman si Rowena. Gustong gusto din talaga ng anak ang tiyahin nito lalo at malambing nga ang ate niya sa kanyang anak. “Mamaya pa ang tita, anak. Pagkatapos niya sa shop niya punta na siya dito,” nakangiting saad ni Rowena habang hinahaplos ang buhok ng anak. Siya paglabas ni Roberta sa kusina hawak ang isang itlog. Pinaikot ito sa
Saglit na nag-isip si Menard. Ano nga ba ang ireregalo niya kay Leya? “Ikaw na ang bahala mag-isip. Mas kilala mo naman ang pamangkin mo. Ano ba ang gusto ng bata?” tanong ni Menard sa asawa. Wala pa siyang pamangkin kaya clueless siya. Napaisip tuloy si Graciella. Gusto niya na bigyan ng magandang regalo ang anak ng paboritong pinsan. Natutuwa siya kay Leya lalo at mukha itong manika. Napakainosente ng mukha nito at mas lumilitaw ang ganda ‘pag binibihisan nang maayos. Ayaw naman ni Graciella na gumastos ng mahal lalo at marami pa siyang bayarin kay Menard. Ayaw niyang abusuhin ang generosity ng asawa lalo at hindi pa naman sila totally nagkakaigihan. Sa isip naman ni Menard. Pwedeng gold item ulit pero baka sermunan na naman siya ng asawa. Napakakuripot pa naman ni Graciella at masyadong mainit sa mata ng lola nito ang alahas. “Pupunta na lang ko ng mall bukas. Maglilibot ako at maghahanap ng abot kayang panregalo,” saad ni Graciella. Si
“Just tell me what exactly happened. And also give me the full details about them. Pwede rin bigyan mo ako ng picture nilang dalawa para may reference ang management office para sa ban notice ng mag-ina na ‘yon,” paliwanag ni Menard. He doesn’t want his wife to suffer from abusive distant adoptive relatives. Tama na ang pagiging kawawa nito sa immediate adoptive family nito. At least up until they are married he is bound to protect her. Walang sinuman ang pwedeng umapi sa asawa niya. Though he knows that she is not easily bullied. He knows that she is hurt deep inside by the treatment from her relatives. “Obvious naman sa itsura nila na hindi sila gagawa ng mabuti,” komento ni Menard. “Nakita mo sila?” Gulat na sambit ni Graciella. “Mabuti at namukhaan mo?” “May dala siyang tray ng itlog at isang basket, right?” Saad ni Menard habang inaalala ang saktong dala ni Roberta kanina. Sa tagal na niyang nakakahalubilo ng mga tao, isang tingin pa lang niya, alam
Binaling ni Rowena ang atensyon sa mga tinutuping damit. “Sinabi ko na sayo para sa tuition ni Hannah. Bakit ayaw mo mangutang kay Graciella eh mayaman naman ang boyfriend niya. Aba, oras naman na makinabang tayo sa swerte niya,” maangas na saad ni Harry. “Hindi ka ba nahihiya kay ate? Nang nandito siya, malaki din ambag niya sa gastusin sa bahay. Nang nagkasakit si Leya, pera niya ang ginamit para mapagamot ang anak natin. Tapos ngayon uutangan mo siya tapos wala ka pang intensyon na bayaran siya?” matigas na saad ni Rowena. Naiinis sa ito sa asawa at halata iyon sa tono ng boses niya. “Kahit wala akong ambag dito sa bahay, hindi naman makapal ang mukha ko.” “Obligasyon niya na tulungan ang anak natin, Rowena! Pamangkin niya si Leya at siya naman may pera. At saka ikaw lang nag-iisip na nahihiya ka. Alam ko naman na hindi ka kayang tiisin ng pinsan mo,” giit pa ni Harry. Kailangan niya ang pera lalo at mahal ang tuition sa university na papasukan ni Hannah.
Alam naman ni Graciella na hindi pa rin susuko ang mag-ina. Naitaboy man niya ang dalawa, alam niya sa sarili na bubuwelo lang ang mga ito at kukuha ng tiyempo para pestehin na naman siya. Pero, handa siya na harapin ang mga ito. Hindi na siya papayag na pati silang mag-asawa ay maperwisyo ng mga walang kwenta niyang kamag-anak. Sutil ang pinsan na si Rupert at alam niyang pinagpaplanuhan na nito na okupahin ang unit nila mag-asawa. Pero, handa siya sa lahat ng mga gagawin nito. Sana lang talaga, hindi madamay si Menard sa sigalot nila na magkamag-anak. Nakakahiya sa asawa na kahit ito, madadamay sa kawalang hiyaan ng mga ito. Wala na siyang pakialam sa dalawa. Makagawa man ito ng kasalanan sa ibang tao, nunca niyang isasalba ang mga ito. Mas gusto na lang niya na gumawa ng masama ang mga ito para tuluyan na lang na makulong. Samantala, kanina pa nag-aalala si Menard sa kalagayan ng asawa. Nakita niya sa mukha ng lalaki kanina pati na sa tiyahin ng asawa
Dinampot ni Rupert ang isang mug na nasa kitchen counter at ubod lakas na pinukol sa sahig. Basag ang mug at nagkalat ang bubog. “Hindi mo naman kami kinikilala na kamag-anak. Pwes, ipapakita ko sayo kung gaano ako ka walang hiya,” nakangising saad ni Rupert. “Akala mo, masisindak mo ako sa pagbasag mo ng mug?” matigas na saad ni Graciella. “May mga kamag-anak naman kayo dito sa ciudad bakit ako pa ang pinepeste niyo? Walang kahit isang patak ng dugo niyo ang nasa katawan ko. Bakit ko kayo tutulungan kung ganyan niyo ako itrato?” “”Graciella, alam mo, nakakawa ka kaya noong bata ka pa. Isa kang ulila at walang nag-alaga sayo. Sino ba ang kumupkop sayo?” panunumbat ni Roberta sa nalumanay na boses. “Hindi kayo ang nag-alaga sa akin kaya wala akong dapat ikabahala,” matigas na saad ni Graciella. Akala ng tiyahin nito, kaya pa nila manipulahin si Graciella. “Tingnan mo, nay! Napakaingrata talaga,” galit ng sigaw ni Rupert. “Hindi naman kayo ang k