Chapter: Chapter 4: RestKaia's POVTahimik lang akong nakaupo sa passenger's seat ng sasakyan habang binabagtas ang daan pauwi sa bahay.Wala naman ding kibo si Uncle Romy na abala sa pagmamaneho. Mukha ring nagmadali siyang pumunta sa eskwela para lang masundo ako.Dapat talaga ay sa mga ganitong oras, nasa opisina pa siya. Pero dahil siya ang tinawagan ng clinic dahil sa nangyari sa akin, heto na siya.Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng guilt. Pakiramdam ko ay nagiging pabigat na ako sa mga taong nakapaligid sa akin."Sorry, Uncle..." usal ko makaraan ang ilang sandali. "Pasensiya na po kung naabala ko pa kayo." Pilit akong ngumiti nang tumingin ako sa kanya.Mabilis naman niyang sinalubong ang mga mata ko, halatang ang pagtutol dahil sa sinabi ko."Hinding-hindi ka naging abala sa akin, Kaia," umiiling niyang turan. "Lalo na sa mga ganitong pagkakataon, okay?" May ngiti sa labi niya, at kahit bahagya lang, ramdam ko ang bigat ng responsibilidad na pinili niyang yakapin para sa akin. Siya ang taong nakit
Last Updated: 2025-08-01
Chapter: Chapter 3: SeenKaia's POV Isang malakas na buntonghininga ang pinakawalan ko habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin dito sa banyo. Ngayon ay nakikita ko na ang ebidensya kung bakit ayaw maniwala sa akin ni Dr. Adin na hindi ako kulang sa tulog. There are dark circles under my eyes that I didn't notice lately. Sobrang halata sila dahil maputla ang balat ko. Ang payat na rin ng Kaia na nakikita ko sa harapan ko. Hindi ito ang unang beses na nakita ko ang sarili ko sa salamin, ngunit ito pa lang yata ang unang beses na masuri ko nang husto ang hitsura ko. I don't look good--just like how I've been feeling these past years. I once relied on sleeping pills just to get some decent sleep... until one night, I stopped caring about the dosage--only to wake up again in a hospital bed the next morning, disappointed I ever did. Hindi ko alam kung bakit pilit nilang ibinabalik ang taong gusto nang mawala. Pagkatapos kong hilamusan ang mukha ko at tuyuin ay naglakad na ako patungo sa classroom. Da
Last Updated: 2025-07-31
Chapter: Chapter 2: OkayKaia's POV There was a strange kind of noise that filled school hallways every Monday morning. Hindi maingay, hindi rin tahimik. Parang background static sa buhay ng ibang tao. Mga estudyanteng nagmamadaling pumasok sa klase, mga tawanan sa may lockers, at konting sigawan mula sa outside covered court. Normal. Iyon ang sabi nila. Pero sa akin, hindi pa rin. Humugot ako ng isang hininga at mahigpit na hinawakan ang strap ng bag ko. Narinig kong may tumawag sa pangalan ko mula sa likuran kaya napilitan akong lumingon kahit na ayoko. Nakita kong kumakaway sa akin ang isang babaeng mula sa student council habang malapad na nakangiti. Kasama pa niya ang mga kaibigan niya na nakatingin din sa akin. Mabagal lang akong tumango saka na ipinagpatuloy ang paglakad. I used to be like that. Talkative. Approachable. Even funny, according to my mom. She even called me her chatterbox. But now, I barely say five words before noon. Although, alam ko kung bakit sila nagiging approachable sa
Last Updated: 2025-07-31
Chapter: Chapter 1: EchoesKaia's POV Tahimik sa loob ng therapy room. Wala kang ibang maririnig kundi ang tunog ng wall clock sa likuran ni Dra. Emma Aballe. Sunday na naman. Lumipas ang buong linggo na hindi ko man lang namamalayan. Nasa parehong upuan ako rito sa silid, 'yong malapit sa pintuan. Hindi sa bintana. At hindi ko alam kung bakit ito ang madalas na pinipili kong pwesto, hindi lang dito sa clinic. Siguro... dahil sa mga nangyari apat na taon na ang nakakalipas? Hindi ko masabi. "How's your week, Kaia?" Tanong ng doktora tulad ng nakasanayan. Pormal pero may lambing. Palaging gano'n. "Still alive." I shrugged. "I guess." Tumango-tango siya, halatang naghihintay ng susunod kong sasabihin ngunit hindi ko na iyon dinugtungan pa. At mukhang nakuha na niya 'yon dahil ngumiti siya. "Still alive is good." Is it? Gusto kong itanong ngunit pinili ko na lang manahimik at paglaruan ang zipper ng suot kong jacket upang maiwasan ang tingin niya. Nakita ko sa sulok ng mata ko na may bago siyang halam
Last Updated: 2025-07-31
Chapter: PrologueKaia's POV Umuulan. Hindi naman gano'n kalakas, pero sapat na para lumabo ang kalsada at 'yong windshield ng sasakyan. Galing kami sa isang exclusive event--isa sa mga sosyal na gabing palaging dinadaluhan ng parents ko. Nasa likod ako, nakahilig ang ulo sa kandungan ni Mommy. Sa bawat dampi ng kamay niya sa buhok at likod ko, unti-unti akong dinadapuan ng antok. Medyo malalim na ang gabi. Halos wala na kaming kasabay sa daan. "Matulog ka muna, Kaia," bulong ni Mommy. Sa gilid ng mata ko, nakita ko ang pagsulyap ni Daddy mula sa front seat. May ngiti sa mga mata niya--'yong pagod pero kuntento. Tumango ako nang marahan at ipinikit ang mga mata ko. Pero ilang segundo lang ay biglang pumreno ang driver. Mabilis akong napamulat habang si Mommy naman ay napasigaw. Kumapit ako sa front seat para bumangon, pero napalingon ako sa unahan. Doon ko nakitang may nakaharang na isang itim na van. Hindi pa man ako nakakagalaw ay bumukas na ang pinto no'n. Sunod-sunod na bumaba ang mga
Last Updated: 2025-07-31