Home / Mafia / His Salvation / Chapter 1: Echoes

Share

Chapter 1: Echoes

Author: rosalynduh
last update Huling Na-update: 2025-07-31 14:19:11

Kaia's POV

Tahimik sa loob ng therapy room. Wala kang ibang maririnig kundi ang tunog ng wall clock sa likuran ni Dra. Emma Aballe.

Sunday na naman. Lumipas ang buong linggo na hindi ko man lang namamalayan.

Nasa parehong upuan ako rito sa silid, 'yong malapit sa pintuan. Hindi sa bintana. At hindi ko alam kung bakit ito ang madalas na pinipili kong pwesto, hindi lang dito sa clinic.

Siguro... dahil sa mga nangyari apat na taon na ang nakakalipas?

Hindi ko masabi.

"How's your week, Kaia?" Tanong ng doktora tulad ng nakasanayan. Pormal pero may lambing.

Palaging gano'n.

"Still alive." I shrugged. "I guess."

Tumango-tango siya, halatang naghihintay ng susunod kong sasabihin ngunit hindi ko na iyon dinugtungan pa.

At mukhang nakuha na niya 'yon dahil ngumiti siya.

"Still alive is good."

Is it? Gusto kong itanong ngunit pinili ko na lang manahimik at paglaruan ang zipper ng suot kong jacket upang maiwasan ang tingin niya.

Nakita ko sa sulok ng mata ko na may bago siyang halaman na nandoon sa side table. Succulent 'yon at may nakasulat pa na 'you are growing.'

Cute. Pero cringe.

"May napanaginipan ka ba recently?" Tanong niya ulit, bago tuluyang mamayani ang katahimikan dito sa loob.

Mabagal akong tumango. "Pero hindi ko na maalala."

Which was partly a lie.

I can still vividly remember my father's scream, the way my mother tried to protect me, and then... the terrifying, deafening echoes of the gunshots.

I was just thirteen then. It's been over four years, but the memory still claws at me like it just happened yesterday.

But I didn't want to go there. Not today.

Kahit pa na araw-araw ay ibinabalik ako sa gabing iyon.

Araw-araw kong itinatanong sa sarili ko kung bakit ako ang naiwang buhay. Kung bakit kailangan kong gumising nang mag-isa sa ospital para lang malaman na wala na akong mga magulang.

Para ba madala ko ang bangungot na iyon hanggang sa pagtanda ko?

Bakit pa ako sinaklolo noong gabing iyon? Bakit pa ako iniligtas mula sa kamatayan kung araw-araw naman akong pinapatay ng mga aalala ng mga pangyayari?

Hindi ko alam kung magpapasalamat ako sa taong nakakita sa akin at nagdala sa ospital, o magagalit dahil hinayaan pa na niya akong mabuhay.

Hindi na muli pang nagtanong si Dra. Emma. Hindi siya 'yong klase ng therapist na pipilitin kang magsalita.

Hahayaan ka lang niyang lumangoy sa katahimikan hanggang sa kusa kang umahon.

Minuto rin ang lumipas nang muli akong magsalita.

"May bago kaming school doctor," pahayag ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit 'yon ang naisip kong palabasin sa bibig ko.

To lighten up the load, maybe?

Kaysa sa balikan ko na naman ang trahedyang nangyari sa pamilya ko.

Nang sulyapan ko si Dra. Emma ay nakataas ang mga kilay niya pero hindi 'yong tipong nanghuhusga.

Parang nagulat lang siya sa binuksan kong topic.

"Talaga? Kumusta naman siya?" Hinilig niya ang mga braso sa lamesa, at hindi maikakaila na interesado siyang makinig.

O dahil sa halos isang taon na nagpupunta ako rito sa clinic niya, ngayon lang ako kusang nag-open ng topic? Maayos na nag-share ng tungkol sa kung ano, maliban doon sa nangyari sa pamilya ko?

"Okay lang naman. Last week lang siya nagsimula," tugon ko. "Mukhang mas bata kaysa sa dati. Mukha ring tahimik pero agaw-pansin ang buhok niya." Maliit akong ngumuso.

Parang hindi appropriate sa isang doktor, kung tutuusin. Pero ang bago naming school doctor, mukhang hindi marunong sumunod sa kung ano ang dapat.

At in fairness, bagay naman sa kanya.

Iyon lang ay agaw-pansin talaga.

Bahagyang ngumiti si Dra. Emma. "Tahimik din pala siya, tulad mo."

Pilit akong ngumiti saka tumingin sa sahig.

Hindi ako tahimik. Madaldal ako. Alam ko 'yon sa sarili ko.

Noon, palagi akong nasasaway ni Mommy dahil sa ingay ko. Hindi ako nauubusan ng sasabihin kahit saan kami magpunta.

Mananahimik lang ako kapag inaantok o tulog.

Ang tawag nga niya sa akin ay Miss Talkie.

Pero ngayon? Pinatahimik na ako ng mga nangyari. Nakakapagod nang magsalita.

"Hindi ako sigurado kung tahimik siya," muli kong usal para makawala na naman sa mga aalala. "Nakasalubong ko lang siya sa hallway noong isang araw." Huminto ako, pinag-iisapang mabuti kung pati ang impormasyong ito ay sasabihin ko sa kanya.

"Mhmm..." May pang-uudyok ang tinig ni Dra. Emma.

"Parang... parang napatingin siya sa akin," halos pabulong kong sabi bago nag-angat ng tingin sa kanya. "Tapos... alam mo 'yong feeling na... hindi ka sigurado kung nginitian ka ba niya o nakapagkamalan kang may sakit?"

Mahinang napahagikgik si Dra. Emma.

"Baka naman nginitian ka talaga."

Nagkibit ako ng balikat saka napatingin sa halaman.

"Mukha naman siyang mabait. Pero parang medyo masungit 'yong aura niya. Parang ayaw sa maingay... at mahirap lapitan."

Wala akong balak na lumapit. I'm not even interested to know more about the new school doctor. Laman lang kasi siya ng mga bibig sa buong campus.

Simula noong ipakilala siya during our flag ceremony, siya na ang naging usapan sa loob ng araw-araw.

Halos yata humahanga sa kanya ang mga kapwa ko estudyanteng babae.

Tumango si Dra. Emma.

"Siguro kailangan niya rin ng tahimik na paligid," aniya. "Minsan, 'yong mga mukhang mahirap lapitan sila rin 'yong may mabigat na dinadala."

Sandali akong tumitig sa kanya. Hindi ko alam kung para sa akin ba 'yon o para roon sa bago naming school doctor.

Nilingon ko na lang ang bintana. Naka-blinds pa rin ito, kagaya noong una akong dinala rito.

Minsan iniisip ko kung ano ang pakiramdam ng may therapist na hindi mo kailangang pagtakpan ang sarili mo. Iyong tipong hindi ka mapapagod magpaliwanag kung bakit mahirap gumising sa umaga. O bakit gusto mo na lang mahiga buong araw at magkunwaring okay ka.

Nakailang therapist na ako, pero masasabi kong medyo komportable naman ako rito kay Dra. Emma kaysa sa mga nauna. Dahil kung hindi, hindi na ako babalik pa rito.

Hindi kami aabot ng halos isang taon.

"I'll try to talk more next week," pahayag ko nang ibaling ko ang paningin ko sa orasan.

Alas onse na, senyales na tapos na ang session namin.

"That's a good start. And I'd love that, Kaia," ani Dra. Emma. Tumango pa siya sa akin saka ngumiti.

Iniisip niya siguro na after almost a year, may progress na.

Hinapit ko ang jacket na suot ko sa katawan paglabas ko sa clinic. Mainit ang sikat ng araw pero may kakaibang warmth akong nararamdaman.

Parang iyong huling yakap sa akin ng mga magulang ko bago sila kunin sa akin ng gabing iyon.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • His Salvation   Chapter 4: Rest

    Kaia's POVTahimik lang akong nakaupo sa passenger's seat ng sasakyan habang binabagtas ang daan pauwi sa bahay.Wala naman ding kibo si Uncle Romy na abala sa pagmamaneho. Mukha ring nagmadali siyang pumunta sa eskwela para lang masundo ako.Dapat talaga ay sa mga ganitong oras, nasa opisina pa siya. Pero dahil siya ang tinawagan ng clinic dahil sa nangyari sa akin, heto na siya.Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng guilt. Pakiramdam ko ay nagiging pabigat na ako sa mga taong nakapaligid sa akin."Sorry, Uncle..." usal ko makaraan ang ilang sandali. "Pasensiya na po kung naabala ko pa kayo." Pilit akong ngumiti nang tumingin ako sa kanya.Mabilis naman niyang sinalubong ang mga mata ko, halatang ang pagtutol dahil sa sinabi ko."Hinding-hindi ka naging abala sa akin, Kaia," umiiling niyang turan. "Lalo na sa mga ganitong pagkakataon, okay?" May ngiti sa labi niya, at kahit bahagya lang, ramdam ko ang bigat ng responsibilidad na pinili niyang yakapin para sa akin. Siya ang taong nakit

  • His Salvation   Chapter 3: Seen

    Kaia's POV Isang malakas na buntonghininga ang pinakawalan ko habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin dito sa banyo. Ngayon ay nakikita ko na ang ebidensya kung bakit ayaw maniwala sa akin ni Dr. Adin na hindi ako kulang sa tulog. There are dark circles under my eyes that I didn't notice lately. Sobrang halata sila dahil maputla ang balat ko. Ang payat na rin ng Kaia na nakikita ko sa harapan ko. Hindi ito ang unang beses na nakita ko ang sarili ko sa salamin, ngunit ito pa lang yata ang unang beses na masuri ko nang husto ang hitsura ko. I don't look good--just like how I've been feeling these past years. I once relied on sleeping pills just to get some decent sleep... until one night, I stopped caring about the dosage--only to wake up again in a hospital bed the next morning, disappointed I ever did. Hindi ko alam kung bakit pilit nilang ibinabalik ang taong gusto nang mawala. Pagkatapos kong hilamusan ang mukha ko at tuyuin ay naglakad na ako patungo sa classroom. Da

  • His Salvation   Chapter 2: Okay

    Kaia's POV There was a strange kind of noise that filled school hallways every Monday morning. Hindi maingay, hindi rin tahimik. Parang background static sa buhay ng ibang tao. Mga estudyanteng nagmamadaling pumasok sa klase, mga tawanan sa may lockers, at konting sigawan mula sa outside covered court. Normal. Iyon ang sabi nila. Pero sa akin, hindi pa rin. Humugot ako ng isang hininga at mahigpit na hinawakan ang strap ng bag ko. Narinig kong may tumawag sa pangalan ko mula sa likuran kaya napilitan akong lumingon kahit na ayoko. Nakita kong kumakaway sa akin ang isang babaeng mula sa student council habang malapad na nakangiti. Kasama pa niya ang mga kaibigan niya na nakatingin din sa akin. Mabagal lang akong tumango saka na ipinagpatuloy ang paglakad. I used to be like that. Talkative. Approachable. Even funny, according to my mom. She even called me her chatterbox. But now, I barely say five words before noon. Although, alam ko kung bakit sila nagiging approachable sa

  • His Salvation   Chapter 1: Echoes

    Kaia's POV Tahimik sa loob ng therapy room. Wala kang ibang maririnig kundi ang tunog ng wall clock sa likuran ni Dra. Emma Aballe. Sunday na naman. Lumipas ang buong linggo na hindi ko man lang namamalayan. Nasa parehong upuan ako rito sa silid, 'yong malapit sa pintuan. Hindi sa bintana. At hindi ko alam kung bakit ito ang madalas na pinipili kong pwesto, hindi lang dito sa clinic. Siguro... dahil sa mga nangyari apat na taon na ang nakakalipas? Hindi ko masabi. "How's your week, Kaia?" Tanong ng doktora tulad ng nakasanayan. Pormal pero may lambing. Palaging gano'n. "Still alive." I shrugged. "I guess." Tumango-tango siya, halatang naghihintay ng susunod kong sasabihin ngunit hindi ko na iyon dinugtungan pa. At mukhang nakuha na niya 'yon dahil ngumiti siya. "Still alive is good." Is it? Gusto kong itanong ngunit pinili ko na lang manahimik at paglaruan ang zipper ng suot kong jacket upang maiwasan ang tingin niya. Nakita ko sa sulok ng mata ko na may bago siyang halam

  • His Salvation   Prologue

    Kaia's POV Umuulan. Hindi naman gano'n kalakas, pero sapat na para lumabo ang kalsada at 'yong windshield ng sasakyan. Galing kami sa isang exclusive event--isa sa mga sosyal na gabing palaging dinadaluhan ng parents ko. Nasa likod ako, nakahilig ang ulo sa kandungan ni Mommy. Sa bawat dampi ng kamay niya sa buhok at likod ko, unti-unti akong dinadapuan ng antok. Medyo malalim na ang gabi. Halos wala na kaming kasabay sa daan. "Matulog ka muna, Kaia," bulong ni Mommy. Sa gilid ng mata ko, nakita ko ang pagsulyap ni Daddy mula sa front seat. May ngiti sa mga mata niya--'yong pagod pero kuntento. Tumango ako nang marahan at ipinikit ang mga mata ko. Pero ilang segundo lang ay biglang pumreno ang driver. Mabilis akong napamulat habang si Mommy naman ay napasigaw. Kumapit ako sa front seat para bumangon, pero napalingon ako sa unahan. Doon ko nakitang may nakaharang na isang itim na van. Hindi pa man ako nakakagalaw ay bumukas na ang pinto no'n. Sunod-sunod na bumaba ang mga

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status