Home / Mafia / His Salvation / Chapter 2: Okay

Share

Chapter 2: Okay

Author: rosalynduh
last update Last Updated: 2025-07-31 14:19:39

Kaia's POV

There was a strange kind of noise that filled school hallways every Monday morning.

Hindi maingay, hindi rin tahimik. Parang background static sa buhay ng ibang tao.

Mga estudyanteng nagmamadaling pumasok sa klase, mga tawanan sa may lockers, at konting sigawan mula sa outside covered court.

Normal. Iyon ang sabi nila.

Pero sa akin, hindi pa rin.

Humugot ako ng isang hininga at mahigpit na hinawakan ang strap ng bag ko. Narinig kong may tumawag sa pangalan ko mula sa likuran kaya napilitan akong lumingon kahit na ayoko.

Nakita kong kumakaway sa akin ang isang babaeng mula sa student council habang malapad na nakangiti. Kasama pa niya ang mga kaibigan niya na nakatingin din sa akin.

Mabagal lang akong tumango saka na ipinagpatuloy ang paglakad.

I used to be like that.

Talkative. Approachable. Even funny, according to my mom. She even called me her chatterbox.

But now, I barely say five words before noon.

Although, alam ko kung bakit sila nagiging approachable sa akin.

I am Kaia Aurora Esguerra.

Ang anak ng mag-asawang doktor na nasawi sa ambush. Ang batang himalang nakaligtas. At ang project case ng mga therapist na hindi ako mapatawa kahit kailan.

Iyon ang hindi ko lubusang matanggap. Na sa isang iglap, gano'n na ang pagkakakilala sa akin. Alam kong hindi ako iyon.

At kung minsan, hindi ko na rin alam kung sino ako.

Pagdating ko sa classroom ay agad akong umupo sa usual seat ko, malapit sa pintuan. Kahit maingay ang silid ay pinili ko pa ring tumulala sa labas.

"Good morning, Kaia!" Masayang bati ng isang babaeng umupo sa tabi ko. "How was your weekend? Okay naman ba?"

I nodded without looking because what else was I supposed to say?

I'm still alive but that doesn't mean I'm okay.

Narinig ko ang buntonghininga niya pero hindi ko pa rin siya tiningnan.

Alam kong sinusubukan niya akong tulungan sa bigat ng nararamdaman ko. Simula noong mangyari ang trahedyang iyon sa amin, nandito na siya palagi sa tabi ko.

Hindi kami magka-ano-ano. Ni hindi ko siya kaklase noong grade 7. Hindi ko rin siya nakakausap noon. Pero pagkatapos no'n, siya na ang lumapit sa akin.

Narinig ko pa siyang nakikiusap sa staff ng registrar noong grade 10 na nagpapalipat sa section ko para maging kaklase ko pa rin siya.

Apat na taon na rin niyang pinipilit ang sarili sa akin pero hanggang sa ngayon ay wala pa rin siyang napapala.

Iyong iba ay natatakot na lumapit sa akin. Ang iba naman ay sinusubukan, pero mabilis lang magsawa kapag hindi ko sila pinansin.

Pero siya? Hindi.

Minsan ay gusto ko na siyang magsawa at hayaan na lang akong mag-isa. Pero kapag wala siya o absent, hindi ko itatanggi na hinahanap ko ang presensya niya.

Hindi ko lang ipinapahalata.

Dala ko 'yong takot na baka kapag hinayaan ko na ma-attach ang sarili ko, maiiwan lang ulit akong mag-isa.

Tama na ang ganito.

"Nandito lang ako, Kaia, ha? Kapag kailangan mo ng makakausap." She offered gently. Nakita ko sa sulok ng mata ko na gusto niyang hawakan ang balikat ko ngunit hindi niya itinuloy.

Nilingon ko siya saka tipid na nginitian.

"Thanks... Charie," mahina kong sabi.

Namilog ang mga mata niya, halatang hindi makapaniwala.

Dahil ba sa wakas ay kinausap ko siya? Nagpasalamat? Tipid siyang nginitian?

"Oh my gosh! Alam mo ang pangalan ko! Oh my gosh!" Aniya.

Oh.

She thought I didn't know her name?

Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya pero bago pa man iyon tuluyang mabuo, muli na akong tumingin sa labas.

Iyong dating Kaia siguro, matutuwa sa kanya. Noong unang beses pa lang siguro niyang paglapit sa akin, tatawagin ko na siyang best friend ko.

Madaldal kami pareho. Siguradong magkakasundo kami.

It just that... Hindi ko na alam kung saan ko pa hahanapin ang Kaia na 'yon.

Natapos ang buong pang-umagang klase na sa labas lang ako ng pintuan nakatingin. Ni isa sa mga guro na pumasok ay walang sumuway sa akin.

Hindi ko na nga alam kung paano ako nakapasa sa mga nagdaang school year. Hindi ko na maalala kung papaano ko naigapang ang sarili ko.

O baka naawa sila sa akin kaya nakatuntong ako ng grade 11?

Sa totoo lang ay gusto ko nang tumigil sa pag-aaral. Gusto ko na lang magkulong sa kuwarto. Pero ang sabi ng therapist ko ay mainam nang may iba't ibang tao akong nakakasalamuha sa loob ng araw-araw.

"Sabay na tayong mag-lunch," pahayag ni Charie na inilalagay ang notebook sa loob ng bag niya.

Hindi ako sumagot. Sandali lang akong tumingin sa kanya, at siguro ay oo na 'yon para sa kanya dahil malapad siyang ngumiti.

Nauna akong naglakad palabas habang siya naman ay tahimik na nakasunod sa akin.

Lahat ng mga estudyante ay patungo na sa cafeteria kaya halos mapuno na ang entrance.

Gusto kong umatras at hayaan na lang muna na makaalis ang iba bago sana mag-lunch subalit baka hindi rin kumain si Charie.

Sanay akong nalilipasan ng gutom. Minsan ay hindi na talaga ako kumakain. Pero ayokong mandamay ng iba kaya tumuloy ako sa loob.

Subalit habang naglalakad kami palapit sa counter ay bigla na lamang bumigat ang pakiramdam ko.

Mainit. Masikip. At maingay.

Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko hanggang sa mahirapan na akong huminga.

Huminto ako sa paglakad nang umikot ang paningin ko.

"Kaia?" Rinig kong tawag ni Charie ngunit parang nagmula sa ilalim ng tubig ang boses niya. "Kaia, okay ka lang?"

Hindi.

Everything felt like it was caving in.

Nakikita ko ang mga lalaking mabibilis na bumababa mula sa van. Maging ang sigaw ni Daddy, at ang iyak ni Mommy ay naririnig ko. And then... the loud sounds of gunshots.

Bumalot sa akin ang matinding lamig hanggang sa wala na akong maramdaman. Dumilim na rin ang buong cafeteria na kanina ay maliwanag.

Isang nakakasilaw na liwanag mula sa itaas ang bumungad sa akin nang dumilat ako.

Sinuri ko ang paligid at nakitang puro puti ang nakikita ko. Nalalanghap ko rin ang amoy ng antiseptic.

Marahan akong umupo sa kamang kinaroroonan ko saka itinaas ang mga tuhod at niyakap.

Nanunuot ang lamig sa mga buto ko, hindi lang dahil sa malamig itong silid, kundi dahil natatandaan ko ang mga nakita ko bago mawalan ng malay.

Isinubsob ko ang mukha ko sa mga tuhod ko saka pumikit.

Ayokong balikan ang mga nangyari noong gabing iyon ngunit bakit hindi ko magawang kontrolin ang imahinasyon ko?

At mas lalong ayokong maging abala sa kung sino.

May mga narinig akong yabag na papalapit at kasunod no'n ay ang paghawi sa privacy curtain pero hindi ko na inabala ang sarili ko na tingnan kung sino.

"Hi."

Mabilis ako nag-angat ng mukha nang marinig ko ang tinig na iyon.

Malambot, banayad, at parang... hindi sanay makasakit ng kahit sino.

May kung anong kakaiba sa tinig niya. Parang 'yong mga boses sa guided meditation apps na tinry iparinig sa akin ng therapist ko dati. Hindi siya pilit, hindi rin matamis. Calm lang. Natural.

Boses na parang hindi pa kailanman tumataas. Parang hindi siya marunong magalit. O kung nagagalit man siya, baka hindi iyon maririnig. Mararamdaman mo lang sa hangin.

At doon--sa bukana ng nakahawing kurtina--nakatayo ang isang lalaking may suot na lab coat.

Beach blonde hair, slightly tousled, like he doesn't care. Hindi mo alam kung dito ba talaga dapat siya sa school clinic ngayong araw o sa isang photoshoot.

Ngumiti siya sa akin bago ibinaba ang tingin sa hawak niyang clipboard.

Tumitig naman ako sa kanya. There was something... familiar about his smile.

Saan ko ba nakita ang ngiting tulad ng sa kanya?

Ah! Baka noong makasalubong ko siya sa hallway? Noong parang nginitian niya ako?

"Kaia Aurora Esguerra?" Tawag niya. Agad akong tumango.

Humakbang siya patungo sa gilid ng kama. Sumandal naman ako sa may pader.

"I'm Adin delos Angeles, your new school physician," pakilala niya sa sarili.

Sumulyap ako sa ID na nakasukbit sa kwelyo ng lab coat niya at binasa sa isip ang buong pangalan niya roon.

Adin Mauricio delos Angeles.

I knew who he was. Half the girls in campus talked about him like he was some kind of celebrity.

Pero ngayon lang talaga kami nagkaharap nang ganito kalapit.

Now, I understand why most of the girl students here were simping at him.

He's not just good-looking. He's the kind that makes you forget what the hell is wrong with the world, even for a second.

"You fainted in the cafeteria," imporma niya. "Kulang ka ba sa tulog?" Ang lambing talaga ng tinig niya.

Mas malambing pa sa boses ng therapist ko. Sa gan'yang boses niya, siguro kahit injection ay hindi masyadong masakit.

"Hindi po." I lied.

Hindi lang ako kulang sa tulog. Minsan ay hindi na talaga ako pinapatulog ng mga naglalaro sa isipan ko.

Matagal na tumitig sa akin ang doktor, parang sinusuri kung nagsisinungaling ako.

"Kaia," bigkas niyang muli sa pangalan ko, na parang kabisadong-kabisado na niya. "Do you usually skip meals?"

Mabilis akong umiling.

Tumaas naman ang mga kilay niya, halatang hindi naniniwala.

"Lying to a doctor isn't a great habit."

Nag-iwas ako ng tingin.

"I'm not lying," tanggi ko sa mababang tinig.

Ilang segundo kong naramdaman ang mga titig niya sa akin hanggang sa marinig ko ang mga yabag niyang papaalis.

Humugot ako ng isang hininga saka na sana bababa sa kama ngunit muling bumalik si Dr. Adin.

"Drink this." Inabot niya sa akin ang dala niyang plastic cup na may lamang tubig.

"T-Thank you." Mabagal kong kinuha ang baso saka uminom ng konti.

"Are you feeling better?" Tanong niyang walang ngiti, pero hindi rin malamig ang tono. Kalmado lang--kontrolado.

Nilunok ko ang tubig saka tumingin sa kanya.

"Okay na po. Pwede na po ba akong bumalik sa klase?" Ipinatong ko ang baso sa ibabaw ng drawer sa tabi ng kama.

Pero mas mabuti sana kung pauuwin na ako.

Subalit kahit sinabi kong okay na, alam kong hindi iyon totoo. At wala akong ideya kung kailan magiging totoo.

Nang tumango siya ay mabilis akong bumaba. Tumabi naman siya para bigyan ako ng maayos na daan.

Agad kong tinungo ang bukas na privacy curtain at akmang lalabas na sana pero hindi ko naituloy nang bigkasing muli ng doktor ang pangalan ko.

"Kaia," he said, like testing how my name sounded on his lips.

Lumingon ako sa kanya nang may pagtatanong.

"You're not alone. Even if it feels like it," aniya. "I'll be seeing you around." Ngumiti siya.

Hindi ako ngumiti pabalik at nagtuloy na sa paglabas.

Bakit niya nasabi iyon?

Oh, of course! Baka sinabi na sa kanya kung paanong ako ang nag-iisang nakaligtas noong gabing 'yon. At kung bakit laging may dalang pasensya ang mga taong katulad niya kapag kaharap ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lyn Luces
parang ibang Adin ata to ahhh...... malambing at parang hindi sanay makasakit ng tao.........talaga ba...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • His Salvation   Chapter 4: Rest

    Kaia's POVTahimik lang akong nakaupo sa passenger's seat ng sasakyan habang binabagtas ang daan pauwi sa bahay.Wala naman ding kibo si Uncle Romy na abala sa pagmamaneho. Mukha ring nagmadali siyang pumunta sa eskwela para lang masundo ako.Dapat talaga ay sa mga ganitong oras, nasa opisina pa siya. Pero dahil siya ang tinawagan ng clinic dahil sa nangyari sa akin, heto na siya.Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng guilt. Pakiramdam ko ay nagiging pabigat na ako sa mga taong nakapaligid sa akin."Sorry, Uncle..." usal ko makaraan ang ilang sandali. "Pasensiya na po kung naabala ko pa kayo." Pilit akong ngumiti nang tumingin ako sa kanya.Mabilis naman niyang sinalubong ang mga mata ko, halatang ang pagtutol dahil sa sinabi ko."Hinding-hindi ka naging abala sa akin, Kaia," umiiling niyang turan. "Lalo na sa mga ganitong pagkakataon, okay?" May ngiti sa labi niya, at kahit bahagya lang, ramdam ko ang bigat ng responsibilidad na pinili niyang yakapin para sa akin. Siya ang taong nakit

  • His Salvation   Chapter 3: Seen

    Kaia's POV Isang malakas na buntonghininga ang pinakawalan ko habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin dito sa banyo. Ngayon ay nakikita ko na ang ebidensya kung bakit ayaw maniwala sa akin ni Dr. Adin na hindi ako kulang sa tulog. There are dark circles under my eyes that I didn't notice lately. Sobrang halata sila dahil maputla ang balat ko. Ang payat na rin ng Kaia na nakikita ko sa harapan ko. Hindi ito ang unang beses na nakita ko ang sarili ko sa salamin, ngunit ito pa lang yata ang unang beses na masuri ko nang husto ang hitsura ko. I don't look good--just like how I've been feeling these past years. I once relied on sleeping pills just to get some decent sleep... until one night, I stopped caring about the dosage--only to wake up again in a hospital bed the next morning, disappointed I ever did. Hindi ko alam kung bakit pilit nilang ibinabalik ang taong gusto nang mawala. Pagkatapos kong hilamusan ang mukha ko at tuyuin ay naglakad na ako patungo sa classroom. Da

  • His Salvation   Chapter 2: Okay

    Kaia's POV There was a strange kind of noise that filled school hallways every Monday morning. Hindi maingay, hindi rin tahimik. Parang background static sa buhay ng ibang tao. Mga estudyanteng nagmamadaling pumasok sa klase, mga tawanan sa may lockers, at konting sigawan mula sa outside covered court. Normal. Iyon ang sabi nila. Pero sa akin, hindi pa rin. Humugot ako ng isang hininga at mahigpit na hinawakan ang strap ng bag ko. Narinig kong may tumawag sa pangalan ko mula sa likuran kaya napilitan akong lumingon kahit na ayoko. Nakita kong kumakaway sa akin ang isang babaeng mula sa student council habang malapad na nakangiti. Kasama pa niya ang mga kaibigan niya na nakatingin din sa akin. Mabagal lang akong tumango saka na ipinagpatuloy ang paglakad. I used to be like that. Talkative. Approachable. Even funny, according to my mom. She even called me her chatterbox. But now, I barely say five words before noon. Although, alam ko kung bakit sila nagiging approachable sa

  • His Salvation   Chapter 1: Echoes

    Kaia's POV Tahimik sa loob ng therapy room. Wala kang ibang maririnig kundi ang tunog ng wall clock sa likuran ni Dra. Emma Aballe. Sunday na naman. Lumipas ang buong linggo na hindi ko man lang namamalayan. Nasa parehong upuan ako rito sa silid, 'yong malapit sa pintuan. Hindi sa bintana. At hindi ko alam kung bakit ito ang madalas na pinipili kong pwesto, hindi lang dito sa clinic. Siguro... dahil sa mga nangyari apat na taon na ang nakakalipas? Hindi ko masabi. "How's your week, Kaia?" Tanong ng doktora tulad ng nakasanayan. Pormal pero may lambing. Palaging gano'n. "Still alive." I shrugged. "I guess." Tumango-tango siya, halatang naghihintay ng susunod kong sasabihin ngunit hindi ko na iyon dinugtungan pa. At mukhang nakuha na niya 'yon dahil ngumiti siya. "Still alive is good." Is it? Gusto kong itanong ngunit pinili ko na lang manahimik at paglaruan ang zipper ng suot kong jacket upang maiwasan ang tingin niya. Nakita ko sa sulok ng mata ko na may bago siyang halam

  • His Salvation   Prologue

    Kaia's POV Umuulan. Hindi naman gano'n kalakas, pero sapat na para lumabo ang kalsada at 'yong windshield ng sasakyan. Galing kami sa isang exclusive event--isa sa mga sosyal na gabing palaging dinadaluhan ng parents ko. Nasa likod ako, nakahilig ang ulo sa kandungan ni Mommy. Sa bawat dampi ng kamay niya sa buhok at likod ko, unti-unti akong dinadapuan ng antok. Medyo malalim na ang gabi. Halos wala na kaming kasabay sa daan. "Matulog ka muna, Kaia," bulong ni Mommy. Sa gilid ng mata ko, nakita ko ang pagsulyap ni Daddy mula sa front seat. May ngiti sa mga mata niya--'yong pagod pero kuntento. Tumango ako nang marahan at ipinikit ang mga mata ko. Pero ilang segundo lang ay biglang pumreno ang driver. Mabilis akong napamulat habang si Mommy naman ay napasigaw. Kumapit ako sa front seat para bumangon, pero napalingon ako sa unahan. Doon ko nakitang may nakaharang na isang itim na van. Hindi pa man ako nakakagalaw ay bumukas na ang pinto no'n. Sunod-sunod na bumaba ang mga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status