Kaia's POV
Tahimik lang akong nakaupo sa passenger's seat ng sasakyan habang binabagtas ang daan pauwi sa bahay. Wala naman ding kibo si Uncle Romy na abala sa pagmamaneho. Mukha ring nagmadali siyang pumunta sa eskwela para lang masundo ako. Dapat talaga ay sa mga ganitong oras, nasa opisina pa siya. Pero dahil siya ang tinawagan ng clinic dahil sa nangyari sa akin, heto na siya. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng guilt. Pakiramdam ko ay nagiging pabigat na ako sa mga taong nakapaligid sa akin. "Sorry, Uncle..." usal ko makaraan ang ilang sandali. "Pasensiya na po kung naabala ko pa kayo." Pilit akong ngumiti nang tumingin ako sa kanya. Mabilis naman niyang sinalubong ang mga mata ko, halatang ang pagtutol dahil sa sinabi ko. "Hinding-hindi ka naging abala sa akin, Kaia," umiiling niyang turan. "Lalo na sa mga ganitong pagkakataon, okay?" May ngiti sa labi niya, at kahit bahagya lang, ramdam ko ang bigat ng responsibilidad na pinili niyang yakapin para sa akin. Siya ang taong nakita kong nakaupo sa tabi ng kama ko sa ospital noon. Siya ang nag-asikaso ng lahat habang gulong-gulo pa ang utak ko. Siya na rin ang tumayong haligi nang tuluyan nang gumuho ang lahat. Hindi sila close ni Daddy. Hindi ko maalalang dumalaw siya sa bahay o nakita ko silang nag-usap. Parang palaging may pader sa pagitan nilang dalawa. Parang hindi nga siya parte ng pamilya namin. Kaya noong makita ko siyang nakaupo sa ospital, may gulat at pagkalito akong naramdaman. At noong siya mismo ang nagsabing siya na ang mag-aalaga sa akin, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Wala akong maalalang pagkakataon na dumalo siya sa mga special events ko. Tulad ni Daddy, ni minsan ay hindi niya ako binati sa tuwing makikita ako. Hindi ko kailanman naramdaman na natutuwa siya sa akin kahit na ako pa lamang ang pamangkin niya. Pero kay Mommy... iba siya. Sa tuwing may family gathering, si Mommy agad ang binabati niya. Mainit ang tingin. Palaging may halakhak, at may kompiyansang hindi ko maintindihan. May kung anong familiarity sa pagitan nila na hindi ko maipaliwanag. Naalala ko noong gabi bago mangyari ang masalimuot na trahedyang iyon, nakita kong magkausap si Mommy at Uncle Romy doon sa event. Hindi ko lang narinig kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila, pero parang ayaw paalisin ni Uncle Romy si Mommy. O baka akala ko lang iyon dahil nakahawak si Uncle Romy sa braso ni Mommy, na pilit namang kumakawala? Hindi ako nagtanong tungkol doon. Hindi ko rin sinabi kay Daddy ang nakita ko dahil ayoko silang magtalo. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Uncle. "May gusto ka bang kainin? Para mabili na natin bago umuwi sa bahay." Ibinaling niya ang paningin sa akin saka ngumiti. "Wala po," simpleng sagot ko. "Hmm. Ang sabi ni Dr. Adin, parang kulang ka raw sa tulog at hindi ka kumakain sa tamang oras," aniya. "Kaia, ayokong magkasakit ka, okay? Kaya sana, alagaan mo ang sarili mo. Kung pwede lang kitang bantayan para masiguradong nakakakain ka at nakakatulog nang maayos, iyon ang gagawin ko." Napangiti ako nang bahagya, pero may kurot pa rin sa loob ko. Hindi ko man naramdaman noon na natutuwa siya sa akin, ngayon ay alam kong mahalaga na ako sa kanya. Siguro nga may ay hindi lang sila pagkakaunawaan ni Daddy noon, na hindi na nila aayos hanggang sa mawala si Daddy. At ganito ang napili niyang paraan upang makabawi sa yumao niyang kapatid. Nakita ko naman kung gaano rin siya nasaktan nang mawala ang mga magulang ko. Pagdating namin sa bahay, dumiretso na agad ako sa kwarto saka umupo sa harapan ng salamin. Tahimik kong tinitigan ang repleksyon ko. Maya-maya ay kusang nagtungo ang kamay ko sa may likuran. Wala sa sariling kinapa ko ang peklat na malapit sa shoulder blade ko. Isa iyong patunay na totoo ang lahat ng nangyari noong gabing iyon. Na muntik na akong mawala. Na halos maubusan ako ng dugo. At kung hindi lang ako natagpuan agad, wala na rin ako ngayon. Kasama ko sana ang mga magulang ko. Hindi ko sana pasan-pasan itong paghihirap na ito. Humugot ako ng malalim na hininga saka marahang ipinilig ang ulo nang pumasok sa isip ko ang huling sinabi ni Dr. Adin kanina. Siguro ay magkikita pa talaga kami. Sa hallway. Sa canteen. Kung saan man. Pero hindi na sa loob ng clinic. At sana, mula ngayon... hindi na ako maging pabigat sa kahit na kanino. Lalo na sa taong buong-buo akong kinupkop, kahit hindi ko iyon inaasahan. Simula nang araw na 'yon, sinubukan ko nang alagaan ang sarili ko. Maaga akong gumigising para siguraduhing may laman ang tiyan ko bago pumasok sa eskwela. Pinipilit kong kumain kahit wala naman talaga akong gana. Iniiwasan ko na ring magpuyat kahit na nangangati na ang mga daliri ko sa pag-scroll o sa panonood ng kahit anong maaaring magpalimot. At sa tuwing ibinabalik ako ng mga panaginip ko sa loob ng sasakyang iyon, pilit kong ipinapaalala sa sarili ko habang umiiyak na panaginip na lang ang lahat, at wala na ako roon. Pero kahit gano'n, damang-dama ko pa rin ang lahat. Rinig na rinig ko pa rin ang mga putok, maging ang pag-iyak ni Mommy. Kitang-kita ko pa rin ang dugo sa mukha ni Daddy at ang bukas niyang mga mata, na wala nang buhay. Binabalot pa rin ako ng matinding takot--iyong uri ng takot na hindi basta-basta mawawala paggising mo. Iyong uri ng takot na parang nakaimbak na sa loob ng mga buto mo. At sa bawat paggising ko, kahit pawis na pawis at hingal na hingal ako, kailangan kong ulitin sa sarili ko na ligtas na ako. Na wala na ako sa lugar na 'yon. Ngunit kahit anong pilit ko, may bahagi na talaga siguro sa akin ang naiwan na roon. "Kaia!" Sigaw ng isang tinig ng lalaki mula sa likuran. Lilingon na sana ako ngunit bago ko pa man magawa, naramdaman ko na ang pagtama ng matigas na bagay sa likuran ko. Sandaling naputol ang hininga ko kasabay ng mabilis kong pagbagsak sa magaspang na semento ng covered court. Mainit at mahapdi kaagad ang naramdaman ko. May mga sumigaw at napatili sa gulat. "Kaia, sorry! Hindi ko sinasadya!" Anang lalaki sa natatarantang tinig, na siyang paniguradong nakatama sa akin. Dinaluhan ako ng iba at tinulugang tumayo. "Hindi ka ba marunong tumingin, huh, Raul?" Inis na sermon ni Charie. Gusto kong sabihin na okay lang, na naiintindihan ko dahil sigurado akong hindi naman niya sinasadya, pero nang makita ko ang kulay pula at brown sa mga tuhod ko, biglang umurong ang dila ko. Binalot ng pamilyar na takot ang dibdib, parang noong gabing 'yon. 'Yong mga putok, dugo, at kaba. Pakiramdam ko ay wala ako sa court at hindi namin P.E. Paunti-unti nang nabubuo ang isang pamilyar na senaryo sa utak ko. "Are you okay, Kaia?" Tanong ng isang pamilyar na tinig. Bigla akong bumalik sa ulirat ko at agad na tumingin sa lalaking kalalapit sa akin. Hindi na lang ako sumagot saka pumikit nang tumingin siya sa sugatan kong nga tuhod. Ano ba ang ginagawa niya rito? Hindi ba dapat ay nasa clinic siya? "Let's go to the clinic." It's not a question. It is a command. "N-No need, Doc," mabilis kong tanggi. "No. You're injured, Miss Esguerra," aniya. "First aid is a must." Ayoko pa rin. Kahit na takot ako sa dugo, ayoko pa ring sumama sa kanya sa clinic. Iyon ang pinaka-iniwasan ko nitong mga nakaraang araw. "Hindi naman po malala ang mga sugat ko," salungat ko. "Kaia..." He trailed off. "These are open wounds. Hindi mo ba alam na maaaring magkaroon ng infection ang mga 'yan kapag hindi kaagad nalinisan?" His voice was gentle--professional, but it made my stomach twist. Wala talaga akong balak na sumama ngunit hindi na ako nakaangal nang hawakan niya ang braso ko at alalayan akong maglakad patungo sa clinic. Kaagad na binuksan ni Dr. Adin ang privacy curtain ng isang kama saka ako pinaupo rito. Kumuha naman siya ng mga gamit panlinis sa mga sugat ko saka umupo sa may paanan ko. Tahimik lang si Dr. Adin nang simulan niyang linisin ang mga sugat ko. Maingat ang bawat kilos niya at magaan ang mga kamay. May suot pa nga itong gloves. Wala ring pag-aalinlangan ang galaw niya, na parang routine na lang ito sa kanya. Subalit kahit gano'n, ramdam ko pa rin ang hapdi na tumatagos hanggang sa loob ko. Napapapikit ako at napapakapit sa gilid ng kama sa bawat pagdampi ng sterile gauze na nilagyan niya ng saline solution. Pero siya? Patuloy pa lang. Patuloy pa rin. Ni hindi siya nagtatanong kung masakit. Tumitingin man siya sa akin kung minsan pero saglit lang. Iyong tipong sapat lang para mapansin ko. At sa bawat tingin niya, parang may kung anong lamig. Hindi siya mukhang nag-aalala. Wala ring galit. Para bang... gusto niya akong nakikitang nasasaktan. O baka dahil lang ito sa kirot ng mga sugat ko? Baka nasasaktan lang talaga ako kaya ganito ang naiisip ko ngayon. Nang matapos malinisan ni Dr. Adin ang mga sugat ko ay inilapag niya ang ginamit na gauze sa maliit na tray sa gilid niya. Walang pagmamadali ang kilos niya nang hubarin niya ang mga gloves saka itinapon sa malapit na bin. Hindi rin naman mabagal ang galaw niya. Kalkulado lang. At masasabi kong masyadong malinis ang doktor na ito dahil pagkatapos niyang magpahid ng alcohol sa mga kamay, muli na siyang nagsuot ng panibagong gloves. Ang linis niyang gumalaw. Organized, deliberate, at walang sayang na kilos. Hindi ito first aid na basta-basta lang. Parang may rhythm--procedure. Now I wonder what type of doctor he is? A surgeon, maybe? Tiningnan ko ang mga sugat ko at nakitang malinis na, pero pareho pa ring namumula. Kinuha naman ni Dr. Adin ang tube ng ointment sa tray saka binuksan. "I'll just put some ointment," aniya. Tumango ako at pinanood siyang maglagay ng amount ng ointment sa pad ng index finger niya. Napakagat ako sa inner lip ko nang pahiran na niya ang isang tuhod ko. It wasn't supposed to hurt, I knew that. But the way he moved his finger made me want to flinch under the balm. Parang may layunin. Masyadong mabagal kaya siguro ramdam ko ang kirot. At nang mapatingin ako sa kanya ay nagulat na lang ako nang makitang sa mismong mukha ko nakatuon ang mga mata niya imbes na sa sugat. Para akong umangat sa kama, at naging paunti-unti ang pagkabog ng dibdib ko. Bakit sa akin siya nakatingin, na parang pinapanood ang reaksiyon ko? Gusto kong iiwas ang tingin ko pero hindi ko ginawa. Malambot siyang ngumiti sa akin saka na itinuon ang atensiyon sa sugat ko. "All done, Rory," anunsyo niya matapos lagyan ng oinment ang isa ko pang tuhod. Mabilis namang nagsalubong ang mga kilay ko. Rory? "Saan niyo po nakuha 'yon?" Kunot-noo kong tanong. Bukod sa hindi Rory ang pangalan ko, walang tumatawag sa aking gano'n. "Short for Aurora," simpleng tugon niya saka na hinubad ang mga gloves at inayos ang tray. "You can just call me... Kaia," usal ko sa mahihiyang tinig. Everyone calls me Kaia. Minsan ay nakakalimutan ko na nga na may Aurora ang pangalan ko. At bakit ba niya naisip ang Rory? Maliit lang siyang ngumiti saka na kinuha ang tray at tumayo. Pareho pa kaming napalingon sa may gawi ng pintuan nang marahas iyong bumukas. Isang guro at isang estudyante ang natatarantang pumasok, akay-akay ang isa pang estudyanteng babae na namumutla. Lumapit si Dr. Adin sa kanila at nagtanong kung ano ang nangyari. Maya-maya ay pina-assist niya sila sa isang nurse na nandito rin. Marahan anong bumaba sa kama, handa nang unalis para maasikaso nila ang estudyanteng namumutla pero biglang bumalik si Dr. Adin. "Stay here for me," aniya sa mababang tinig. "You still need to rest." Napako ang tingin ko sa mukha niya hanggang sa maramdaman ko na lang ang kusang pagtango ng ulo ko sa sinabi niya.Kaia's POVTahimik lang akong nakaupo sa passenger's seat ng sasakyan habang binabagtas ang daan pauwi sa bahay.Wala naman ding kibo si Uncle Romy na abala sa pagmamaneho. Mukha ring nagmadali siyang pumunta sa eskwela para lang masundo ako.Dapat talaga ay sa mga ganitong oras, nasa opisina pa siya. Pero dahil siya ang tinawagan ng clinic dahil sa nangyari sa akin, heto na siya.Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng guilt. Pakiramdam ko ay nagiging pabigat na ako sa mga taong nakapaligid sa akin."Sorry, Uncle..." usal ko makaraan ang ilang sandali. "Pasensiya na po kung naabala ko pa kayo." Pilit akong ngumiti nang tumingin ako sa kanya.Mabilis naman niyang sinalubong ang mga mata ko, halatang ang pagtutol dahil sa sinabi ko."Hinding-hindi ka naging abala sa akin, Kaia," umiiling niyang turan. "Lalo na sa mga ganitong pagkakataon, okay?" May ngiti sa labi niya, at kahit bahagya lang, ramdam ko ang bigat ng responsibilidad na pinili niyang yakapin para sa akin. Siya ang taong nakit
Kaia's POV Isang malakas na buntonghininga ang pinakawalan ko habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin dito sa banyo. Ngayon ay nakikita ko na ang ebidensya kung bakit ayaw maniwala sa akin ni Dr. Adin na hindi ako kulang sa tulog. There are dark circles under my eyes that I didn't notice lately. Sobrang halata sila dahil maputla ang balat ko. Ang payat na rin ng Kaia na nakikita ko sa harapan ko. Hindi ito ang unang beses na nakita ko ang sarili ko sa salamin, ngunit ito pa lang yata ang unang beses na masuri ko nang husto ang hitsura ko. I don't look good--just like how I've been feeling these past years. I once relied on sleeping pills just to get some decent sleep... until one night, I stopped caring about the dosage--only to wake up again in a hospital bed the next morning, disappointed I ever did. Hindi ko alam kung bakit pilit nilang ibinabalik ang taong gusto nang mawala. Pagkatapos kong hilamusan ang mukha ko at tuyuin ay naglakad na ako patungo sa classroom. Da
Kaia's POV There was a strange kind of noise that filled school hallways every Monday morning. Hindi maingay, hindi rin tahimik. Parang background static sa buhay ng ibang tao. Mga estudyanteng nagmamadaling pumasok sa klase, mga tawanan sa may lockers, at konting sigawan mula sa outside covered court. Normal. Iyon ang sabi nila. Pero sa akin, hindi pa rin. Humugot ako ng isang hininga at mahigpit na hinawakan ang strap ng bag ko. Narinig kong may tumawag sa pangalan ko mula sa likuran kaya napilitan akong lumingon kahit na ayoko. Nakita kong kumakaway sa akin ang isang babaeng mula sa student council habang malapad na nakangiti. Kasama pa niya ang mga kaibigan niya na nakatingin din sa akin. Mabagal lang akong tumango saka na ipinagpatuloy ang paglakad. I used to be like that. Talkative. Approachable. Even funny, according to my mom. She even called me her chatterbox. But now, I barely say five words before noon. Although, alam ko kung bakit sila nagiging approachable sa
Kaia's POV Tahimik sa loob ng therapy room. Wala kang ibang maririnig kundi ang tunog ng wall clock sa likuran ni Dra. Emma Aballe. Sunday na naman. Lumipas ang buong linggo na hindi ko man lang namamalayan. Nasa parehong upuan ako rito sa silid, 'yong malapit sa pintuan. Hindi sa bintana. At hindi ko alam kung bakit ito ang madalas na pinipili kong pwesto, hindi lang dito sa clinic. Siguro... dahil sa mga nangyari apat na taon na ang nakakalipas? Hindi ko masabi. "How's your week, Kaia?" Tanong ng doktora tulad ng nakasanayan. Pormal pero may lambing. Palaging gano'n. "Still alive." I shrugged. "I guess." Tumango-tango siya, halatang naghihintay ng susunod kong sasabihin ngunit hindi ko na iyon dinugtungan pa. At mukhang nakuha na niya 'yon dahil ngumiti siya. "Still alive is good." Is it? Gusto kong itanong ngunit pinili ko na lang manahimik at paglaruan ang zipper ng suot kong jacket upang maiwasan ang tingin niya. Nakita ko sa sulok ng mata ko na may bago siyang halam
Kaia's POV Umuulan. Hindi naman gano'n kalakas, pero sapat na para lumabo ang kalsada at 'yong windshield ng sasakyan. Galing kami sa isang exclusive event--isa sa mga sosyal na gabing palaging dinadaluhan ng parents ko. Nasa likod ako, nakahilig ang ulo sa kandungan ni Mommy. Sa bawat dampi ng kamay niya sa buhok at likod ko, unti-unti akong dinadapuan ng antok. Medyo malalim na ang gabi. Halos wala na kaming kasabay sa daan. "Matulog ka muna, Kaia," bulong ni Mommy. Sa gilid ng mata ko, nakita ko ang pagsulyap ni Daddy mula sa front seat. May ngiti sa mga mata niya--'yong pagod pero kuntento. Tumango ako nang marahan at ipinikit ang mga mata ko. Pero ilang segundo lang ay biglang pumreno ang driver. Mabilis akong napamulat habang si Mommy naman ay napasigaw. Kumapit ako sa front seat para bumangon, pero napalingon ako sa unahan. Doon ko nakitang may nakaharang na isang itim na van. Hindi pa man ako nakakagalaw ay bumukas na ang pinto no'n. Sunod-sunod na bumaba ang mga