Home / Mafia / His Salvation / Chapter 3: Seen

Share

Chapter 3: Seen

Author: rosalynduh
last update Huling Na-update: 2025-07-31 14:20:04

Kaia's POV

Isang malakas na buntonghininga ang pinakawalan ko habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin dito sa banyo.

Ngayon ay nakikita ko na ang ebidensya kung bakit ayaw maniwala sa akin ni Dr. Adin na hindi ako kulang sa tulog.

There are dark circles under my eyes that I didn't notice lately. Sobrang halata sila dahil maputla ang balat ko. Ang payat na rin ng Kaia na nakikita ko sa harapan ko.

Hindi ito ang unang beses na nakita ko ang sarili ko sa salamin, ngunit ito pa lang yata ang unang beses na masuri ko nang husto ang hitsura ko.

I don't look good--just like how I've been feeling these past years.

I once relied on sleeping pills just to get some decent sleep... until one night, I stopped caring about the dosage--only to wake up again in a hospital bed the next morning, disappointed I ever did.

Hindi ko alam kung bakit pilit nilang ibinabalik ang taong gusto nang mawala.

Pagkatapos kong hilamusan ang mukha ko at tuyuin ay naglakad na ako patungo sa classroom.

Dapat sana ay sa cafeteria muna para makakai ng lunch ngunit hindi ko maramdaman ang gutom. O nasanay na lang siguro talaga ang tiyan ko na wala akong kinakain.

Tahimik na ang hallway at mukhang nagsisimula na ang lahat sa kanilang first afternoon class. At alam kong kahit late na ako ay hindi ako kukuwestiyonin ng sinuman.

Marahan kong binuksan ang pintuan nang makarating ako sa tapat ng classroom.

Napatigil naman sa pagsasalita ang guro na nakatayo sa harapan.

Tumingin siya sa akin nang may ngiti pero bakas sa mukha ang awa. Maging ang mga kaklase ko ay ganoon din.

"I heard what happened, Miss Esguerra. Are you feeling okay now?" Tanong ni Mrs. De Leon.

"Yes, Ma'am," mahinahon kong tugon sabay tango.

Hindi na siya muli pang nagsalita at pinaupo na ako sa upuan ko. Ramdam ko naman ang mga titig ni Charie sa akin at alam kong gusto niya rin akong kausapin ngunit minabuti na lang niyang hindi.

Itinuon ko ang atensiyon ko sa guro kahit na lumilipad ang isipan ko.

Ayoko ng ganito.

Hindi ko ginustong maging ganito pero parang wala na akong ibang mapagpipilian.

Simula noong magising ako sa ospital pagkatapos ng trahedyang 'yon, iyon na ang araw na tinanggalan ako ng karapatang mamuhay ng normal.

Hindi ko alam kung hanggang kailan kayang mag-adjust ng mga tao para sa akin. Ayoko namang kaawan nila ako dahil sa sinapit ko, kahit na maging ako ay awang-awa na rin sa sarili ko.

Ilang minuto ang lumipas nang muling matigil ang diskusyon dahil sa tatlong katok mula sa pintuan.

Agad na lumapit sa pintuan si Mrs. De Leon saka iyon binuksan. At dahil wala naman akong interest na makiusyoso kung sino ang tao sa likuran ng saradong pinto, tumingin na lang ako sa kawalan.

Maya-maya pa ay nabasag ang katahimikan ng classroom dahil sa mga bulungan at mahihinang tili. Maging si Charie na katabi ko ay napatili.

"Hi, Doc. How may I help you?" Rinig kong wika ng guro sa may galak na tono.

Tumingin ako sa may gawi niya, at hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang dibdib ko nang makita ang blonde school doctor naming nakatayo roon.

"Sorry to interrupt, Ma'am," magalang na wika ni Dr. Adin habang hawak ang isang papel sa kamay. "Kaia Aurora Esguerra has to be excused."

Napataas ang mga kilay ko nang tumingin sa direksiyon ko si Dr. Adin. Hindi na niya ako kailangang hanapin dahil nasa unahan lang naman ako. Pero parang kahit hindi rito ang pwesto ko, mahahanap pa rin niya ako.

Pati si Mrs. De Leon ay tumingin sa akin, nandoon na naman iyong pag-aalala sa mukha niya.

"May sakit ba siya?" Tanong niya sa doktor.

"No, but she's not in the best condition either," mahinahon niyang sagot. "So I believe it's best if she rests at home today. I already called her guardian." Ngumiti siya sa guro bago muling bumaling ng tingin sa akin.

At para bang alam na alam niya ang ginagawa niya, at kung ano ang mas makakabuti para sa akin.

Tumango ang teacher namin saka tumingin sa akin. "Go ahead, Kaia. Mas maganda nga kung sa bahay ka magpahinga."

Hindi na ako umangal.

Tahimik kong inayos ang gamit ko saka tumayo.

Hindi ko alam kung bakit pa ako hinayaang bumalik sa klase ni Dr. Adin kung ganito rin naman pala ang gagawin niya.

Nakita ba niya sa akin kanina na gusto ko nang umuwi? At personal pa talaga siyang nagtungo rito upang i-excuse ako?

"Ingat, Kaia!" Ani Charie.

Tinanguan ko lang siya saka na naglakad patungo sa pinto. Tumabi naman si Dr. Adin at Mrs. De Leon upang tuluyan akong makalabas.

"Here's your gate pass," anang doktor nang isarado na ng guro ang pintuan.

Inabot niya sa akin ang papel na hawak, na agad kong kinuha.

"Thank you."

"I'll walk you to the gate. Your uncle is already outside, waiting for you."

Sandaling kumunot ang noo ko, hindi dahil sa katotohanang nasa labas na ang uncle ko, kundi dahil sa sinabi niyang sasamahan pa niya ako patungo sa gate.

Hindi ko na lang iyon tinutulan at nagsimulang maglakad. Baka gusto lang niyang masigurado na maayos akong makakarating doon. After all, he's our school physician, and he should be looking after the student's safety.

Subalit hindi ko maintindihan kung bakit may kakaiba akong nararamdaman na ganito siya.

Sobrang maayos at maalaga.

Too nice, maybe.

Or too much.

Parang taliwas doon sa sinabi ko kay Dra. Emma na mahirap lapitan ang bago naming school doctor.

Paglabas namin sa buidling ay sinalubong kami ng malamig na hangin kahit na tanghali na.

Tahimik lang akong naglakad sa tabi niya. Hindi kami magkadikit pero sapat na ang distansya namin para maramdaman kong binabantayan niya ako.

"The last time I saw you in the hallway..." pagbasag niya sa katahimikan. "I know that look."

Nagsalubong ang mga kilay ko pero hindi ako sumagot. Hindi ko rin inalis ang paningin ko sa dinaraanan namin.

'"Yong parang wala ka sa katawan mo kahit nandiyan ka."

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa hiya o sa inis sa sarili.

Of course, napansin niya iyon. Pero siya pa lang talaga ang naglakas ng loob na sabihin sa akin iyon.

"I'm just worried, Kaia," aniya, halos pabulong. "Hindi ko alam kung naiintindihan mo 'yon."

Muli akong tumahimik. Gusto ko sanang magpasalamat pero parang ang hirap gawin lalo na't hindi mo alam kung saan nanggagaling ang taong kausap mo.

Sure, iyong ibang tao rito sa campus ay nag-aalala rin sa akin. Pero siya? Hindi ba't parang masyadong mabilis?

Alam na nga siguro niya ang buong nangyari sa pamilya ko, pero ganito na kaagad ang simpatya na ibibigay niya sa akin?

Tintanggap ko naman ang lahat ng pag-aalala ng ibang tao para sa akin kahit na ayoko silang abalahin. Pero itong doktor na two weeks pa lang nandito sa paaralan at kanina ko lang nakausap? Parang may something na hindi ko maipaliwanag.

O baka masyado lang talaga siyang maalalahanin. Pruweba na iyong malambing niyang tinig at maamong mukha.

Paglapit namin sa gate ay natanaw ko agad ang nakaparadang sasakyan ni Uncle Romy. Naka hazard lights pa ito.

Binati naman ng gwardiya ang kasama kong doktor.

"Ikaw lang ba ang nagsabi sa admin na pauwiin na ako?" Tanong ko habang inaabot ko sa guard ang gate pass.

Agad namang sinuri ng gwardiya ang binigay ko.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumango si Adin.

"I've seen it in you that you wanna go home."

So this doctor knows how to read minds, huh.

Nakita mo rin po ba kung gaano ako kadurog sa loob?

"Salamat po."

"Make sure you actually rest, Miss Esguerra." Sa kabila ng gentle niyang tinig ay humalo pa rin ang diin, na parang hindi siya sanay na hindi nasusunod ang gusto

"Opo," mahina kong sabi saka na tumingin sa gwardiya na binubuksan na ang gate.

Hindi na ako nagpaalam kay Dr. Adin at nagsimula nang humakbang nang bumukas na ang gate para sa akin.

"I'll see you soon, Kaia," rinig kong habol ng doktor. "Whether you like it or not."

Mabilis akong napatigil sa paghakbang at agad na lumingon sa kanya. Pero ang likuran na lang niya ang nakita ko dahil naglalakad na ito palayo.

Walang biro sa tono niya. Wala rin iyong lambing. Kalmado lang, at parang fact na kailangan kong tanggapin.

At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan... wala akong masabi.

Pero isa lang ang sigurado ako: hindi siya katulad ng ibang tao rito.

Parang nakikita niya mismo kung gaano ako nabasag ng mga nangyari sa akin.

Iyong iba ay naaawa lang. Nakatingin lang sila sa wasak kong pagkatao at nag-aalok ng simpatya. Iyong wala silang ideya kung paano nila ako bubuuin.

Pero siya?

Parang... nararamdaman niya rin 'yong sakit. 'Yong bigat. Iyong pinagdaraanan ko.

Parang hindi lang siya nanonood mula sa labas katulad ng iba. Para bang kasama ko siya sa gitna ng lahat ng 'to.

He's not even offering me anything, but I felt like... seen. After four years.

At hindi ko alam kung matatakot ako... o matutuwa.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lyn Luces
kawawa naman si Kaia......
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • His Salvation   Chapter 4: Rest

    Kaia's POVTahimik lang akong nakaupo sa passenger's seat ng sasakyan habang binabagtas ang daan pauwi sa bahay.Wala naman ding kibo si Uncle Romy na abala sa pagmamaneho. Mukha ring nagmadali siyang pumunta sa eskwela para lang masundo ako.Dapat talaga ay sa mga ganitong oras, nasa opisina pa siya. Pero dahil siya ang tinawagan ng clinic dahil sa nangyari sa akin, heto na siya.Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng guilt. Pakiramdam ko ay nagiging pabigat na ako sa mga taong nakapaligid sa akin."Sorry, Uncle..." usal ko makaraan ang ilang sandali. "Pasensiya na po kung naabala ko pa kayo." Pilit akong ngumiti nang tumingin ako sa kanya.Mabilis naman niyang sinalubong ang mga mata ko, halatang ang pagtutol dahil sa sinabi ko."Hinding-hindi ka naging abala sa akin, Kaia," umiiling niyang turan. "Lalo na sa mga ganitong pagkakataon, okay?" May ngiti sa labi niya, at kahit bahagya lang, ramdam ko ang bigat ng responsibilidad na pinili niyang yakapin para sa akin. Siya ang taong nakit

  • His Salvation   Chapter 3: Seen

    Kaia's POV Isang malakas na buntonghininga ang pinakawalan ko habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin dito sa banyo. Ngayon ay nakikita ko na ang ebidensya kung bakit ayaw maniwala sa akin ni Dr. Adin na hindi ako kulang sa tulog. There are dark circles under my eyes that I didn't notice lately. Sobrang halata sila dahil maputla ang balat ko. Ang payat na rin ng Kaia na nakikita ko sa harapan ko. Hindi ito ang unang beses na nakita ko ang sarili ko sa salamin, ngunit ito pa lang yata ang unang beses na masuri ko nang husto ang hitsura ko. I don't look good--just like how I've been feeling these past years. I once relied on sleeping pills just to get some decent sleep... until one night, I stopped caring about the dosage--only to wake up again in a hospital bed the next morning, disappointed I ever did. Hindi ko alam kung bakit pilit nilang ibinabalik ang taong gusto nang mawala. Pagkatapos kong hilamusan ang mukha ko at tuyuin ay naglakad na ako patungo sa classroom. Da

  • His Salvation   Chapter 2: Okay

    Kaia's POV There was a strange kind of noise that filled school hallways every Monday morning. Hindi maingay, hindi rin tahimik. Parang background static sa buhay ng ibang tao. Mga estudyanteng nagmamadaling pumasok sa klase, mga tawanan sa may lockers, at konting sigawan mula sa outside covered court. Normal. Iyon ang sabi nila. Pero sa akin, hindi pa rin. Humugot ako ng isang hininga at mahigpit na hinawakan ang strap ng bag ko. Narinig kong may tumawag sa pangalan ko mula sa likuran kaya napilitan akong lumingon kahit na ayoko. Nakita kong kumakaway sa akin ang isang babaeng mula sa student council habang malapad na nakangiti. Kasama pa niya ang mga kaibigan niya na nakatingin din sa akin. Mabagal lang akong tumango saka na ipinagpatuloy ang paglakad. I used to be like that. Talkative. Approachable. Even funny, according to my mom. She even called me her chatterbox. But now, I barely say five words before noon. Although, alam ko kung bakit sila nagiging approachable sa

  • His Salvation   Chapter 1: Echoes

    Kaia's POV Tahimik sa loob ng therapy room. Wala kang ibang maririnig kundi ang tunog ng wall clock sa likuran ni Dra. Emma Aballe. Sunday na naman. Lumipas ang buong linggo na hindi ko man lang namamalayan. Nasa parehong upuan ako rito sa silid, 'yong malapit sa pintuan. Hindi sa bintana. At hindi ko alam kung bakit ito ang madalas na pinipili kong pwesto, hindi lang dito sa clinic. Siguro... dahil sa mga nangyari apat na taon na ang nakakalipas? Hindi ko masabi. "How's your week, Kaia?" Tanong ng doktora tulad ng nakasanayan. Pormal pero may lambing. Palaging gano'n. "Still alive." I shrugged. "I guess." Tumango-tango siya, halatang naghihintay ng susunod kong sasabihin ngunit hindi ko na iyon dinugtungan pa. At mukhang nakuha na niya 'yon dahil ngumiti siya. "Still alive is good." Is it? Gusto kong itanong ngunit pinili ko na lang manahimik at paglaruan ang zipper ng suot kong jacket upang maiwasan ang tingin niya. Nakita ko sa sulok ng mata ko na may bago siyang halam

  • His Salvation   Prologue

    Kaia's POV Umuulan. Hindi naman gano'n kalakas, pero sapat na para lumabo ang kalsada at 'yong windshield ng sasakyan. Galing kami sa isang exclusive event--isa sa mga sosyal na gabing palaging dinadaluhan ng parents ko. Nasa likod ako, nakahilig ang ulo sa kandungan ni Mommy. Sa bawat dampi ng kamay niya sa buhok at likod ko, unti-unti akong dinadapuan ng antok. Medyo malalim na ang gabi. Halos wala na kaming kasabay sa daan. "Matulog ka muna, Kaia," bulong ni Mommy. Sa gilid ng mata ko, nakita ko ang pagsulyap ni Daddy mula sa front seat. May ngiti sa mga mata niya--'yong pagod pero kuntento. Tumango ako nang marahan at ipinikit ang mga mata ko. Pero ilang segundo lang ay biglang pumreno ang driver. Mabilis akong napamulat habang si Mommy naman ay napasigaw. Kumapit ako sa front seat para bumangon, pero napalingon ako sa unahan. Doon ko nakitang may nakaharang na isang itim na van. Hindi pa man ako nakakagalaw ay bumukas na ang pinto no'n. Sunod-sunod na bumaba ang mga

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status