author-banner
Ms Julie Ann
Author

Ms Julie Ann의 작품

CEO'S MAFIA HEIRESS

CEO'S MAFIA HEIRESS

Isang mafia heiress. Isang batang CEO. Isang lihim na misyon. Si Margarette “Blue Rose” Zobel ay bihasa sa lahat ng paraan ng laban—mula sa martial arts hanggang sa diskarte sa mundo ng krimen—pero ang pinakahuling utos ng kanyang ama ay magbantay sa anak ng isang batang CEO na pinaghihinalaan nilang may kinalaman sa pagkawala ng mahalagang shipment. Sa bawat galaw at desisyon, unti-unti niyang natutuklasan ang katapatan, tapang, at puso ng taong dati niyang kinamumuhian. Ngunit sa mundong puno ng intriga, pagtataksil, at lihim, ang kanilang galit at pagdududa ay unti-unting napapalitan ng pagnanasa at pagmamahal. Sa pagitan ng aksyon at pag-ibig, sino ang mananaig—ang tungkulin o ang pusong hindi inaasahan? Sa bawat hakbang na kanilang tatahakin, matutuklasan nilang minsan, ang pinakamalaking panganib ay ang mahalin ang taong dapat sanang labanan.
읽기
Chapter: CHAPTER 4
JAMES IÑIGOPagkatapos ng buong araw ng pagsuyod sa mansyon, wala pa ring nahuhuli. Walang mukha. Walang pangalan. Walang direksyon. At ngayon, habang nakatingin ako sa microcamera na nakapatong sa lamesa, parang mas lalo lang akong ginagapos ng sarili kong bahay.“Damn it…” bulong ko.Mas umiinit ang sentido ko sa bawat segundong lumilipas na walang resulta.Natingin ako sa pinto nang may kumatok. "Come in!" “James. Dumating na yung tao ko.”Tumayo agad ako. “Good. Bring him in.”Pagpasok ng lalaki, agad kong na-scan ang hitsura niya. Matangkad, lean, halatang sanay sa deployment. Tahimik pero mabigat ang aura. Disiplina na kahit hindi magsalita, mararamdaman mo.“James, meet Aiden Cruz,” pakilala ni Franco. “Ex-military. Sniper-trained. Walang reklamo, walang palya.”“Aiden,” bati ko.“Sir.” Diretso. Walang arte. Walang yabang.Gusto ko ’to.“Your job is simple,” sabi ko. “My daughter stays alive. No excuses.”Tumango siya agad. “Yes, sir. I’ll treat her like my own.”May laman ang
최신 업데이트: 2025-11-28
Chapter: CHAPTER 3
JAMES IÑIGONagising ako nang magaang ang dibdib—pero may bigat din na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari kagabi sa pagitan namin ni Rose, o dahil sa alam kong hindi ako puwedeng maging marupok sa panahong may banta sa paligid ko at sa anak ko.Alas-siyete pa lang pero gising na ako, nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang cellphone. Walang bagong balita. Walang update si Franco. Walang pangalan. Walang suspek.At iyon—ang kawalang impormasyong iyon—mas lalo akong pinapraning.Paglabas ko sa hallway, narinig ko ang pamilyar na tawa ni Precious. Malakas, masaya—ibang-iba sa pagiging sumpungin niya kapag bagong gising. Napabilis tuloy ang hakbang ko.Pagdating ko sa sala, nadatnan ko si Precious na nakaupo sa carpet habang inaayos ni Rose ang buhok niya. Natural ang galaw nila, para bang matagal na silang magkakilala.Pero hindi iyon ang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Nakita ko kung ano ang hawak ni Precious.Isang maliit na pendant. Metal. Bilog. May naka-engra
최신 업데이트: 2025-11-28
Chapter: CHAPTER 2
JAMES IÑIGODalawang linggo na.Dalawang linggo na mula nang mawala ang shipment.At hanggang ngayon—wala pa ring putang-inang impormasyon kung sino ang traydor sa kompanya ko.Araw-araw akong pumapasok sa opisina na ang bungad sa akin ay mga mukhang hindi ko na alam kung dapat ko pang pagkatiwalaan.Araw-araw din akong sinisingil ng Dragon Z, hindi man direkta, pero ramdam ko ang presensya nila, parang anino na sumusunod kahit saan ako magpunta.Tatlong beses na silang nagpadala ng “reminders.” Sa mundo naming ginagalawan, hindi reminder ‘yon—warning ‘yon. At ang susunod? Hindi ko alam kung makakaligtas pa ako.Pagdating ko sa mansyon, dumiretso ako sa office room sa loob ng bahay. Ibinagsak ko ang mga report sa mesa—lahat puro walang kwenta.“Damn it!”Sinipa ko ang drawer. Tumalbog ang isang pen at gumulong sa sahig.“Sir?”Napatingin ako. Nasa pinto si Rose, may hawak na maliit na towel at gatas para kay Precious. Nakaponytail siya, simple lang, pero hindi ko maipaliwanag kung bak
최신 업데이트: 2025-11-28
Chapter: CHAPTER 1
* CHAPTER 1 JAMES“Sir, nandito na po ‘yung nag-aaply na nanny,” sabi ni Maya na aking secretary, habang kumakatok sa pinto.“Let her in.”Pumasok ang babae—payak ang suot, pero agad kumapit sa atensyon ko ay ang kagandahan nito at may tapang sa postura. Parang hindi bagay sa pagiging yaya, pero hindi ko na inusisa.“Good morning, Sir James,” magalang na sabi niya. “Ako po si Rose Sandoval.”“Rose,” ulit ko. “Ikaw ‘yung nag-apply para kay Precious?”“Opo, sir.”Pinagmasdan ko siya sandali. Hindi mukhang mahirap, pero hindi rin mukhang sanay sa luho. May kung anong misteryo sa kilos niya.“Experience?” tanong ko.“Marunong po ako mag-alaga ng bata. Marunong din ako magluto, magsaing, maglinis… kahit ano po, sir.”“Hindi ko kailangan ng tagalinis,” putol ko. “Gusto ko ‘yung kayang pakisamahan si Precious. She's six years old but handful. Madalas siyang… matigas ang ulo.”“Malilikot po kasi ang mga bata sa ganyang edad, sir,” sagot niya. “Hindi po sila mahirap pakisamaham, kailangan lan
최신 업데이트: 2025-11-28
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status