Chapter: CHAPTER 8Isyra P.O.VMay mga laban na hindi nagsisimula sa putok ng baril o sigawan sa mesa.May mga laban na nagsisimula sa katahimikan...sa desisyong manatili kahit may dahilan ka nang tumakas.Pagkatapos ng gabi ng paghaharap namin kay Serik, hindi na ako nakatulog nang maayos. Hindi dahil sa sugat ko...gumagaling na iyon, unti-unti. Kundi dahil sa bigat ng katotohanang ngayon ko lang piniling harapin.Hindi na ako ang babaeng pumasok sa buhay ni Caldrin dala ang malinaw na plano ng paghihiganti.Pero hindi rin ako inosente.At iyon ang pinakamahirap tanggapin.Sa mga sumunod na araw, naging tahimik ang Roen Holdings—sa ibabaw. Walang eskandalo. Walang leak. Walang galaw si Serik. Walang ingay si Mirava.Too quiet.“Silence is strategy,” sabi ni Caldrin habang nakatayo kami sa bintana ng study room niya. “Either they’re cornered… or preparing something bigger.”Nakahawak ako sa tasa ng tsaa, ramdam ang init sa palad ko. “Serik won’t strike alone.”“No,” sang-ayon niya. “And Mirava doesn’t l
Huling Na-update: 2026-02-04
Chapter: CHAPTER 7Isyra P.O.VMay mga katotohanang kapag sinabi mo na, hindi mo na puwedeng bawiin.Pagkatapos ng gabing iyon sa ospital, nagbago ang lahat—kahit walang malinaw na kasunduan, kahit walang salitang binanggit. May pagitan pa rin sa amin ni Caldrin, pero hindi na iyon pader. Isa na itong sugat na parehong bukas, parehong masakit, at parehong kailangang gamutin.Lumipas ang ilang araw bago ako tuluyang makalabas ng ospital. Sa bawat araw na iyon, palaging nandoon si Caldrin. Tahimik. Mapagbantay. Hindi mapilit. Parang natutunan na niyang ang presensya niya lang ang kailangan ko.Hindi niya ako tinanong ulit tungkol sa plano ko. Hindi rin niya binanggit ang kasal, ang kontrata, o ang pagtataksil na dapat sana’y sumabog na parang bomba sa pagitan namin.Pero ramdam ko—iniipon niya ang lahat.At ganoon din ako.Nang makabalik kami sa mansyon, mas mabigat ang katahimikan kaysa dati. May dagdag na security sa bawat sulok. May mga matang nagmamasid. Hindi na ito bahay—isa na itong kuta.“You stay
Huling Na-update: 2026-02-03
Chapter: CHAPTER 6Isyra P.O.VMay mga sandaling ang buhay ay humihinto....hindi dahil gusto nito, kundi dahil pinilit mo itong harapin ang isang katotohanang hindi ka handa.Nagising ako sa tunog ng isang makina.Beep. Beep. Beep.Sa una, akala ko panaginip. Parang tunog lang iyon na ginagamit ng utak para bumuo ng eksena. Pero nang sinubukan kong igalaw ang kamay ko at may kirot na agad na umakyat hanggang balikat ko, doon ko naintindihan.Buhay pa ako.At masakit.Dahan-dahan akong dumilat. Puting kisame. Malamig na ilaw. Amoy ng antiseptic. Ospital. Ang alaala ng putok, ng dugo, ng bigat ng katawan ko sa sahig....sabay-sabay na bumalik, parang alon na walang pakialam kung handa na ba akong lunurin.“Easy.”Isang boses. Paos. Pagod.Lumipat ang tingin ko sa kanan, at doon ko siya nakita.Si Caldrin.Nakatayo siya sa tabi ng kama ko, suot pa rin ang gusot na damit na suot niya noong araw na iyon. May eyebags siya na parang ilang gabi nang hindi natutulog. May sugat ang kamay niya....gasgas, dugo na hi
Huling Na-update: 2026-02-02
Chapter: CHAPTER 5Isyra P.O.VNagising ako sa pakiramdam na may mali.Hindi iyon kaba. Hindi rin bangungot. Parang may kung anong humihila sa dibdib ko, isang babalang hindi ko maipaliwanag. Bumangon ako at tumingin sa bintana. Maliwanag ang araw. Normal ang lahat.Pero ako, hindi.Tahimik na gumagalaw si Caldrin sa kabilang bahagi ng kwarto. Suot na niya ang damit niya para sa trabaho. May kausap siya sa phone, mababa ang boses. Hindi ko narinig ang mga salita, pero nakita ko ang panga niyang kumunot. May problema.Pagkatapos niyang ibaba ang tawag, napatingin siya sa akin. “May site visit ako today,” sabi niya. “Sa may lumang district.”“Roen Holdings?” tanong ko.Umiling siya. “One of the subsidiaries. Matagal nang tahimik. Too quiet.”Napansin niya ang tingin ko. “You don’t have to come.”Hindi ko alam kung bakit sinabi ko ang susunod. “I want to.”Saglit siyang tumigil. Parang nagulat. Pero tumango rin siya.Hindi ko alam na iyon ang desisyon na magbabago ng lahat.Habang nasa sasakyan kami, tahim
Huling Na-update: 2026-02-01
Chapter: CHAPTER 4Isyra P.O.VHindi ko inaasahan na ang gabi na iyon ang unang gabi na makakalimutan ko ang paghihiganti.Hindi ito planado. Hindi rin bahagi ng kahit anong scheme. Isa lang itong simpleng paanyaya ni Caldrin matapos ang isang mahabang araw na puno ng tensyon at katahimikan.“Dinner,” sabi niya habang suot ang coat niya. “Just the two of us.”Wala akong dahilan para tumanggi. Kaya sumama ako.Ang restaurant ay hindi engrande. Hindi rin sikat. Isa iyong tahimik na lugar na may mainit na ilaw at mababang tugtugin. May mga kahoy na mesa at mga pader na may lumang litrato. Parang lugar na pinupuntahan ng mga taong gustong huminga sandali mula sa mundo.Umupo kami sa isang sulok. Walang masyadong tao. Walang mga mata ng press. Walang taong may interes sa apelyido niya.Sa unang pagkakataon, parang normal kaming mag asawa.Nag order kami. Tahimik. Pero hindi awkward. Parang may pagitan pero hindi pader.Habang hinihintay ang pagkain, doon ko nakita ang piano.Nasa isang maliit na espasyo sa g
Huling Na-update: 2026-02-01
Chapter: CHAPTER 3Isyra P.O.VHindi lahat ng laban ay sinisigaw.May mga digmaan na nagsisimula sa katahimikan.Sa umagang iyon, unang beses akong sumama kay Caldrin sa opisina niya. Hindi bilang asawa na proud ipakita. Kundi bilang babaeng inaasahang tumahimik at ngumiti sa gilid.Roen Holdings ay mas malaki kaysa sa inaasahan ko. Glass walls. Tahimik na elevators. Mga taong naglalakad na parang bawat segundo ay may katumbas na milyon. Ito ang sentro ng kapangyarihan. At ito rin ang lugar na kailangan kong sirain.Habang naglalakad kami sa hallway, ramdam ko ang mga tingin. May curiosity. May paghuhusga. May pagtataka.Ito ba ang babaeng pinakasalan niyaIto ba ang magiging kahinaan niyaHuminto kami sa harap ng conference room. Bago pumasok, humarap sa akin si Caldrin.“You don’t have to attend,” sabi niya.Ngumiti ako. “I want to.”Tumitig siya sandali. Parang may gustong sabihin pero pinigilan niya. Binuksan niya ang pinto at pumasok kami.Sa loob, naroon ang mga board members. Mga mukha ng taong s
Huling Na-update: 2026-02-01
You Were My Favorite Mistake
Minsan, may mga tao na alam mong mali ang pagmamahal mo sa kanila… pero masarap pa rin.
Si Isabella “Bella” Cruz, 22, ay tahimik at disiplinada. Si Rafael “Raf” Mendoza, 25, ay rebelde, mayabang, at mukhang wala sa ayos ang buhay niya—pero sa bawat ngiti niya, para kang nalulunod.
Hindi nila inaasahan na ang isang gabi ng pagkakamali ay magiging simula ng isang malakas na apoy na hindi nila kayang patayin. Puno ng pang-aakit, ligaya, sakit, at lihim, matutuklasan ni Bella na minsan, ang paborito mong mali… ay yung pinakamalalim na sugat sa puso mo.
Basahin
Chapter: CHAPTER 11Hindi agad gumising si Bella kinabukasan.At nang magising siya, ang una niyang naramdaman ay hindi sakit....kundi kawalan.Parang may hinugot na parte sa loob niya habang tulog siya.Parang may namatay, at hindi niya alam kung paano iluluksa.Nakatingin lang siya sa kisame, pinapakinggan ang katahimikan ng apartment. Walang “good morning.” Walang kamay na hahaplos sa buhok niya. Walang presensyang magpaparamdam na may naghihintay sa kanya sa mundo.Siya lang.At ang bigat ng alaala.Unti-unti, bumalik ang lahat.Ang story.Ang reaction ni Lena.Ang katahimikan ni Raf.Ang salitang confused.Confused—parang hindi siya ang nasaktan,parang hindi siya ang minahal,parang hindi siya ang ginawang tahanan kapag walang ibang mapuntahan.Umupo siya sa gilid ng kama. Nanginginig ang mga kamay niya habang kinukuha ang cellphone.May 17 missed messages.May 9 missed calls.Lahat mula kay Raf.Hindi niya binuksan agad.Parang may takot sa dibdib niya—takot na baka isang mensahe lang, bumigay
Huling Na-update: 2026-02-04
Chapter: CHAPTER 10Hindi agad napansin ni Bella ang pagbabago.Hindi dahil bulag siya—kundi dahil pagod na siyang magduda.Pagod na siyang maghanap ng mali sa bawat ngiti ni Raf, sa bawat mensaheng mas maikli kaysa dati, sa bawat “busy lang ako” na paulit-ulit niyang tinanggap nang walang tanong.She told herself she was overthinking.Na hindi lahat ng katahimikan ay pagtataksil.Na hindi lahat ng distansya ay paglayo.Pero may mga bagay na hindi mo kailangang hanapan ng ebidensya para maramdaman.At iyon ang pakiramdam na unti-unti siyang pinapalitan—kahit hindi pa umaalis si RafNagsimula ito sa mga maliliit na bagay.Mas bihira na ang good morning messages.Mas madalas na “mamaya na tayo mag-usap.”Mas maraming oras na hindi niya alam kung nasaan si Raf—at mas kaunti ang paliwanag.At kapag nagtatanong siya, laging pareho ang sagot.“Pagod lang ako.”“Marami lang iniisip.”“Don’t make it complicated, Bella.”Pero paano hindi magiging komplikado ang isang relasyon na unti-unting nilulunod ka sa katah
Huling Na-update: 2026-02-04
Chapter: CHAPTER 9Minsan, si Bella lang ang nakaupo sa kanyang kwarto, nakatitig sa bintana habang ang ulan ay bumubuhos sa labas. Ang bawat patak ay parang sumasalamin sa nararamdaman niya...malamig, malungkot, at walang direksyon.Simula nang makita niya si Lena at marinig ang mga sinabi nito, hindi na siya makapag-focus sa kahit ano. Kahit ang mga mensahe ni Raf, na dati ay nagbibigay kilig, ngayon ay nagdudulot ng pangamba.He doesn’t leave. He replaces.He tells everyone they are special.Paulit-ulit niya itong binasa sa isip. Parang mantra na hindi niya matanggal, isang babala na unti-unting sinisipsip ang kanyang katauhan.Kinabukasan, nagkita silang dalawa sa coffee shop, neutral ground. Matao, maliwanag, safe.Ngunit kahit ganoon, hindi niya maalis sa isip ang mga alaala ni Lena at ang mga salitang iniwan nito.Pagkakita niya kay Raf, hindi na tulad ng dati ang excitement niya.Bawat ngiti, bawat halik sa kamay niya, may kasamang kaba—takot na baka may parte pa siya sa puso ni Raf na para sa n
Huling Na-update: 2026-02-03
Chapter: CHAPTER 8Hindi na nawala sa isip ni Bella ang mukha ni Lena.Hindi ito galit.Hindi rin pananakot.Kalmado siya—masyadong kalmado para sa isang babaeng may dahilan para magalit.At iyon ang unang dahilan kung bakit natakot si Bella.Nagsimula ang lahat sa isang message na hindi niya inaasahan.Isang pangalan na matagal na niyang naririnig pero hindi kailanman nakita.Lena.“I’m not here to fight. I just think you deserve to know the truth.”Matagal na nakatitig si Bella sa cellphone niya. Paulit-ulit niyang binasa ang mensahe, parang naghahanap ng mali, ng bitag, ng galit na hindi niya makita.She shouldn’t reply.Alam niya iyon.Pero mas malakas ang curiosity kaysa takot.Bella: “Anong katotohanan?”Ilang minuto ang lumipas.Limang minuto.Sampu.Bawat segundo, mas bumibigat ang dibdib niya.Hanggang sa nag-vibrate ulit ang phone.“That he doesn’t leave. He replaces.”Parang may malamig na kamay na humawak sa puso ni Bella.Nagkita sila kinabukasan sa isang coffee shop—matao, maliwanag, ligta
Huling Na-update: 2026-02-02
Chapter: CHAPTER 7Bella should have knownHindi puwedeng maging ganito kasimple ang lahat. Hindi puwedeng walang multong hahabol sa isang lalaking tulad ni RafThe message came on a Sunday afternoon, habang nakahiga siya sa kama, trying to convince herself that choosing Raf wasn’t the stupidest decision she’d ever madeUnknown Number: “So ikaw na pala ang kapalit.”Nanlamig ang mga daliri niyaBella: “Sorry, who’s this?”Matagal bago dumating ang replyUnknown: “The one he never told you about.”Her chest tightenedThat night, nagkita sila ni Raf. Bella didn’t mention the message agad. She wanted to see him first. To read his face. To check if she was imagining thingsPero bago pa siya makapagsalita, may babaeng lumapit.Matangkad. Makinis. Confident in a way that screamed history“Raf,” sabi ng babae, parang walang kahirap-hirap bigkasin ang pangalan niya“We need to talk.”Nanigas si BellaRaf’s body tensed instantly“…Lena,” sabi niya, mababa ang boses.And just like that, everything made senseHind
Huling Na-update: 2026-02-01
Chapter: CHAPTER 6Hindi agad nawala ang bigat sa dibdib ni Bella matapos ang gabing nakita niya si Raf kasama ang ibang babaeKahit anong pilit niyang magpakatatag, parang may malamig na kamay na humihigpit sa puso niya tuwing naaalala niya ang eksenang iyonYou’re the only one I wantPero bakit parang may kulang? Bakit parang may hindi tugma?Sa classroom, wala siyang maintindihan sa lecture. Paulit-ulit lang bumabalik sa isip niya ang ngiti ni Raf...yung confident, yung mapang-akit, pero ngayong iniisip niya… parang may itinatagong lungkot sa likod nitoThat night, tumunog ang phone niyaRaf: “See me tonight. I need you.”Hindi miss you. Hindi want you.Need you.At doon pa lang, may something nang bumigat sa dibdib niya. Pero tulad ng mga nakaraang gabi, nanaig ang damdamin kaysa isipBella: “Okay.”Nagkita sila sa isang tahimik na restaurant—malayo sa clubs, malayo sa ingay. Hindi ito ang tipo ng lugar na inaasahan niyang dadalhin siya ni Raf. Walang malakas na music, walang alak na umaapaw. Soft l
Huling Na-update: 2026-02-01