Teilen

KABANATA ~ 32

last update Veröffentlichungsdatum: 26.10.2026 22:01:37

Kaius' POV

The more I smelled her, the more I wanted to devour her. How I wanted to kiss her all over... Ano ba itong nangyayari sa akin? Ayokong isipin ni Hannah na pervert ako, pero hindi ko talaga mapigilan. Isa siyang malaking tukso para sa akin. Bakit naman kasi ganito ang amoy n'ya? Ito ba ang pabangong gamit niya ngayon? Siguro ay dapat ko siyang bilhan ng bago, yung may mahinang amoy lang.

Nang malapit nang sumayad ang mukha ko sa leeg niya ay bigla na lang siyang pumiglas. Tinamaan
Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen
Gesperrtes Kapitel

Aktuellstes Kapitel

  • Ang Maalab Na Pag-ibig Ni Uncle Kaius    KABANATA ~ 32

    Kaius' POV The more I smelled her, the more I wanted to devour her. How I wanted to kiss her all over... Ano ba itong nangyayari sa akin? Ayokong isipin ni Hannah na pervert ako, pero hindi ko talaga mapigilan. Isa siyang malaking tukso para sa akin. Bakit naman kasi ganito ang amoy n'ya? Ito ba ang pabangong gamit niya ngayon? Siguro ay dapat ko siyang bilhan ng bago, yung may mahinang amoy lang.Nang malapit nang sumayad ang mukha ko sa leeg niya ay bigla na lang siyang pumiglas. Tinamaan ang ilong ko kaya napalayo ako."Uncle Kaius, dali! Patakbuhin mo na ang sasakyan!" Pagmamadali niya sa akin habang inuga-uga pa ako."Bakit?" tanong ko habang nakahawak ako sa ilong ko. Sinulyapan ko ang harapan ng sasakyan dahil sa naging reaksyon n'ya. Parang meron siyang gustong pagtaguan o kinatatakutan."B-basta... dali, magmaneho ka na. Meron kasi ako inaabangang drama, eh."Ah, yun naman pala.Binuhay ko na ang makina at nagmaneho na palabas ng Monteciel. Baka ako pa ang masisi niya kapa

  • Ang Maalab Na Pag-ibig Ni Uncle Kaius    KABANATA ~ 31

    Hannah's POV Parang bigla na lang tumigil ang mundo ko habang napagmamasdan ko silang nagtatawanan sa akin. Ano ang nangyayari? Bakit kailangan nila akong ipahiya nang ganito sa unang araw ko? Wala naman akong ginagawa, ah? Deserve ko ba ito?"Yo, parang welcome ritual lang ito, ha? Na may kahalong prank. Ganito kasi talaga kami dito kapag may ipinakikilala si Nathalie sa amin. You don't want to miss the fun, right?" sabi nung ungas na lalaki.Naikuyom ko ang mga kamao ko. Miss the fun mo mukha mo! Ano ang nakakatuwa dito, e halata namang binu-bully n'yo ako!"Huwag kang magagalit, ha? Joke lang naman. Kapag napikon ka, talo ka," nakangising wika ng isang babae. "You don't want to lose face, do you?"Anong pinagsasabi nito, e napahiya na nga ako sa ginawa nila? Anong lose face, lose face?Bahagya kong pinunasan ang milk tea sa mukha ko. "Alam n'yo, tama naman kayo; ang mapikon ay talo. Pero, di ba dapat ay patas tayo para masaya?"Ngumisi yung lalaking nagbuhos sa akin ng milk tea.

  • Ang Maalab Na Pag-ibig Ni Uncle Kaius    KABANATA ~ 30

    Hannah's POV Nagulat ako nang bigla na lang sumulpot si Nathalie. Niyakap niya ang braso ko na para bang close kaming dalawa. Na-awkwardan ako. Hindi ko alam kung ayos lang ba ito dahil hindi naman naging maganda ang pagtrato niya sa akin noong una kaming magkita.Nang sulyapan ko si Uncle Kaius ay nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Mukhang hindi rin niya ito nagustuhan."Uncle Kaius, kung pag-aaralin mo sa school ko si Hannah, ako na ang bahala sa kanya. Promise, I'll take care of her," pagpiprisinta niya.Seryoso ba siya? Ayoko nga! Ang makasama nga siya saglit dito sa bahay ay para na akong sinisilihan, pati ba naman sa school? Parang ayaw ko na tuloy mag-aral, ah? Pero hindi, once in a lifetime lang ito, ika nga nila. Kaya hindi ko dapat sayangin ang kabutihang-loob ni Uncle Kaius."Hannah, ayos lang ba 'yon sa 'yo? Para meron ka nang kakilala na puwede mong malapitan at mahingan ng tulong doon.""Um..." Ano pa ba ang magagawa ko? Kung tatanggi naman ako, baka masabihan pa ako

  • Ang Maalab Na Pag-ibig Ni Uncle Kaius    KABANATA ~ 29

    Kaius' POV Natigilan ako, pero hindi dahil sa kung ano pa man. Hindi ko lang kasi akalaing makakausap ko kaagad siya matapos naming maghiwalay. Ang kagandahan lang ay wala na akong nararamdaman pang kahit na ano para sa kanya. Wala na ang sakit ng betrayal at panloloko niya sa akin. Prente akong sumandal sa headboard ng kama. "Yes, Heidi?""Kaius, nasaan ang anak ko?" diretsahang tanong niya. "Anak? Sinong anak?" pagmamaang-maangan ko.Bigla siyang nagtaas ng boses. "Pwede ba, Kaius, huwag ka ngang magtanga-tangahan diyan? Sino pa ba ang tinutukoy ko, ha? Edi si Hannah!" "So, aware ka pala na anak mo siya? Pasensya na, ha? Nagtataka lang naman ako." "At ano ang gusto mong palabasin? Hindi kita tinawagan para lang makipaglokohan sa 'yo, ha! Kung tutuusin, kung hindi ko lang hinahanap si Hannah, tingin mo ba ay tatawagan pa kita? Masyadong seloso si Kajoe. Ayaw niyang nasasangkot pa ako sa kung sinu-

  • Ang Maalab Na Pag-ibig Ni Uncle Kaius    KABANATA ~ 28

    Kaius' POV Lumabas ulit ako ng bahay at sumakay sa kotse. Kailangan kong mahanap si Hannah dahil magga-gabi na. Kailangang makita ko siya kaagad dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya sa labas, wala pa naman siyang alam dito sa Maynila. Huwag naman sana, pero kapag may nangyari sa kanya, hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.Sinubukan kong hanapin siya sa loob ng subdibisyon namin, pero wala siya kaya nakarating na ako sa gate. Inilarawan ko siya sa guwardya at tinanong kung nakita ba niya. Sayang lang at hindi ko alam kung ano ang suot niya nung araw na iyon. Nang sabihin n'ya ang oras na may lumabas nga raw na babae katulad ng paglalarawan ko ay agad akong humingi ng tulong sa administration office ng subdibisyon namin para makakuha ng copy ng CCTV footage ng ganung oras, at nakita ko nga si Hannah. Sinundan ko ang bawat bakas niya at sa ilalim ng tulay natagpuan ang huling pinuntahan niya. Parang kinurot ang pu

  • Ang Maalab Na Pag-ibig Ni Uncle Kaius    KABANATA ~ 27

    Hannah's POV "What happened here?" Biglang pumasok ang isang lalaki sa kusina. Sa tantya ko ay parang mga kaedaran ko lang siya. Guwapo siya, matangkad. May kulay din ang buhok niya at hindi sila nagkakalayo ng hitsura ng babaeng naunang dumating sa kanya. "Tan, she stole my dress!" Turo sa akin nung babae. "Hurry! Call the cops!"Cops? Teka, pulis yun, ah? Ipapa-aresto ba nila ako? "N-naku, huwag n'yo po akong ipakulong... W-wala po akong ini-stole, wala akong ninanakaw!" pakiusap ko.Pinandilatan ako nung babae. "Nagsinungaling ka pa, e ayan na nga ang ebidensya? Dali Tan, tumawag ka ng pulis!""Nathalie, how many times have I told you to call me kuya or kuya Nathan?" wika nung guwapong lalaki sa babae. Ibig bang sabihin ay magkapatid sila?Nang biglang dumating si nana Miding ay nakaramdam ako ng pag-asa. Siya lang ang makapagpapatunay na inosente ako. "Nana Miding, you're just a maid. Bakit kayo nagpapapasok ng kung sinu-sino dito sa bahay? Maa-afford ba ng sahod n'yo kapag

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status