Chapter: Kabanata 74Ang mga mata ni Ruby ay malamig na nakatingini sa mukha ng lalaki. Mabilis niyang binuksan ang kanyang camera at nag-record ng video. “Kung gusto mo na patawarin kita ay kailangan mong sabihin sa akin ngayon kung sino ang nag-utos sayo na gawin ang lahat ng iyon sa akin.” walang emosyon ang kanyang mukhang sabi rito. Alam niya na may nag-utos ditong gawin iyon sa kaniya.Napuno ng pag-aalinlangan ito sandali ngunit sa huli ay ibinuka din nito ang bibig para magsalita. “Ang nag-utos sa akin na gawin iyon ay walang iba kundi si Wendy. Si Wendy ang nag-utos sa akin na gawin ang lahat ng ito. Ang sabi niya sa akin, kung magagawa ako ang iniuutos niya ay bibigyan niya ako ng pera ay higit sa lahat at ipinangako niya sa akin na kung maging asawa na siya ni Ethan Montefalco ay sisiguraduhin niya na ako ang unang magkakaroon ng koneksyon sa pamilya Montefalco.” Nang marinig ni Ruby ang sinabi nito ay halos gusto niya na lang matawa. “At naniwala ka naman sa sinabi niyang magiging asawa niya
Last Updated: 2026-06-13
Chapter: Kabanata 73“Ma’am, ayos lang po sana ang tungkol sa kahalayan ng ginawa ng asawa niyo. Kung iyon lang po ang problema sana ay pwedeng-pwede rin siyang makauwi kaagad kaso nga lang po ay may nagsampa sa kaniya ng kaso dahil sa tangkang panghahalay.” sabi ng pulis sa asawa ni Benedict.“What?!” namilog ang mga mata nito bago nilingon ang kanyang asawa. “Anong sinasabi ng pulis? Totoo ba ang lahat ng ito?” Dahil wala ng magawa pa si Benedict ay napilitan na lang itong sabihin ang totoo sa kanyang asawa. Kung ano nga ba talaga ang totoong nangyari para lang makalabas na siya kaagad doon. “Pero hindi ko talaga siya hinawakan man lang. Alam mo naman kung anong itsura niya hindi ba? Hinding-hindi ko siya pag-iinteresan. Siya nga itong namahiya sa akin nitong mga nakaraan.” paliwanag niya sa kanyang asawa.Sa galit nito ay muli siya nitong pinaghahampas. Talagang galit na galit ito dahil sa ginawa niya ngunit pagkatapos nito ay umalis din naman ito kaagad para linisin ang gusot na ginawa niya. Samanta
Last Updated: 2026-06-13
Chapter: Kabanata 72Sa backstage ay hindi na napigilan pa ng ama ni Mrs. Lozano ang galit nito. Hinarap niya ang kanyang anak at galit na galit na sumigaw. “Tingnan mo nga kung anong kahihiyan ang ibinibigay ngayon ng asawa mo sa akin! Sa dami dami ng lalaking pwede mong pakasalan ay talagang siya pa ang napili mo! Napakarami niya ng gusot at kahihiyang ginawa sa mga nakalipas na taon!” sigaw nito sa anak. “Sa tingin mo ba sa ginawa niyang ito ay hindi makakaapekto sa career ko? Kapag nasira niya ang lahat sisiguruhin kong pagbabayaran niya ang ginawa niyang ito!” ******Nang dalhin sa presinto si Benedict ay wala pa siyang kaalam-alam kung gaano na kagulo ang mga tao ngayon sa internet para pag-usapan siya. Hinid lang sa f@cebook siya ngayon sikat kundi sa ibat-ibang platform pa. Bukod pa doon, mabuti na lang at pinayagan sila ng mga pulis na kontakin ang kanilang mga pamilya para maayos na ang gusot. Sinabi rin sa kanila ng mga pulis na kailangan nilang manatili sa presinto ng sampung araw o higit pa
Last Updated: 2026-06-12
Chapter: Kabanata 71Hindi alam ni Ruby kung saan siya ngayon lalapit dahil naging palpak ang pakikipag-usap niya sa mga taong iyon. Kung sana lang ay matino silang kausap e di sana ay wala siyang problema ngayon. Ginamit lang siya ng mga ito para makapaghiganti sa kaniya ang Mr. Lozano na iyon sa kahihiyang ito rin naman ang may gawa. Ngayon ay mukha talagang kailangan na niyang seryosohin ang paggawa ng sarili niyang brand ngunit dahil hindi naman siya kilala ng mga tao ay tiyak na magiging napakahirap nito para sa kaniya. Ang una niyang naisip ay ang kumuha ng mga taong mag-iinvest sa kaniya at siya lang ang gagawa sana ng mga pabango at sila na ang bahalang magbenta. Pero ngayon ay malabo na iyon.Para makuha ang hustisya dahil sa ginawa ng mga ito sa kaniya ay tumawag siya sa police station at inreport ang insidente para na rin makasuhan ang mga taong sangkot. Bukod pa doon ay may ebidensya naman siyang hawak at may mga kuha din ng cctv sa hotel. ******Nang dumating ang mga pulis sa silid kung saa
Last Updated: 2026-06-12
Chapter: Kabanata 70Halos magkandaligaw-ligaw si Ruby dahil sa lawak ng villa. Ni hindi niya natandaan ang mga dinaanan niya kanina. Mabuti na lang at naroon lang ang mga kasambahay kung saan ay itinuro sa kaniya ang daan. Bumalik muna siya sa silid na tinulugan niya para kuhanin ang mga gamit niya bago nagpaturo ng daan palabas. Napakalaki ng bahay na iyon at mag-isa lang ang lalaking nakatira. Sa dami ng bahay na napasukan niya ay parang ito pa lang yata ang napasok niyang ganito kalaki. Mas malaki pa ito sa mansyon mismo ng mga Montefalco. Ano pa nga ba ang inaasahan niya sa lalaking katulad ni ZAchary Montefalco e talaga namang napakayaman talaga nito as in. Huminga siya ng malalim. Mabuti na lang at paglabas mismo halos ng villa ay highway na kaya may mga dumadaang sasakyan kung saan ay kaagad siyang pumara ng taxi para pumunta sa kanyang studio. Habang sakay siya ng taxi ay nakatanggap siya ng isang message galing sa kanyang kaibigan na si Missy at pinapapunta siya nito sa kumpanya dahil may kai
Last Updated: 2026-05-19
Chapter: Kabanata 69Pagkatapos lang umalis ni Alex ay tumayo na rin si Zach at nagtungo sa kusina. Umupo siya at hindi sinasadyang mapasulyap sa babaeng nauna ng nakaupo doon. Kahit na may makeup na ito ng mga oras na iyon ay ang tunay pa rin nitong mukha ang nakikita niya. Nagbawi lang siya ng tingin at hindi na ito nilingon pa nang marinig niya ang tinig nito. “Mukhang wala ka pang bumalik sa ibang bansa Tito…” Tumango siya.Hindi malaman ni Ruby kung bakit bigla na lang siyang napangiti nang malaman niyang hindi pa ito babalik sa ibang bansa. Para siyang isang bata na napagbigyan sa kahilingan niya. Muling napasulyap ng wala sa oras si Zach sa babae at ang unang napansin niya ay ang ekspresyon nitong masayang masaya. Bakit parang masaya ito na malaman na wala pa siyang balak bumalik sa ibang bansa? Hindi niya maiwasang hindi mapaisip. Sa murang edad nito ay baka ma mis interpret nito ang mga kilos niya lalo na at iniligtas niya ito mula sa mga taong iyon kagabi. Ito ang nobya ng pamangkin niya at
Last Updated: 2026-05-19
Chapter: Kabanata 4Isang buntong hininga ang pinakawalan ng kanyang abuela. “Terrence, alam mo ba kung ilang taon ka na ngayon? Magtetrenta ka na. Oras na para lumagay ka sa tahimik para naman maabutan ko pa ang magiging apo ko sa tuhod.” sabi nito sa kaniya. “At isa pa, lumilipas ang oras at sayang naman kaya katulad ng sabi ko ay ako na mismo ang naghanap ng pwedeng mapangasawa mo. huwag kang mag-alala, baka magustuhan mo rin siya.” paniniyak nito sa kaniya.“Pero sa ngayon ay magiginig isang tagasilbi mo muna siya. Magluluto, maglilinis para sayo. Ilang babae na ang dinala ko rito para sayo ngunit palagi mo na lang silang inirereklamo saka mo sila pinalayas.” Naging malamig ang mga mata ni Terrence. “Dahil iyon naman talaga ang silbi nila hindi ba? Napaka simple lang ng mga gagawin nila Lola pero hindi pa nila magawa ng maayos kaya sinong hindi maiinis sa kanila?” nakasimangot na sagot niya sa kanyang abuela. Ilang sandali pa ay muling nagbuga ito ng malalim na buntong hininga. “Ano ba talagang hin
Last Updated: 2026-05-13
Chapter: Kabanata 3Nakasandal lang si Kayena sa pader habang nakaupo sa sahig. Nakatulala at nag-iisip, puno pa rin siya ng pag-aalala para sa kanyang ina na hindi pa rin niya alam hanggang sa mga oras na iyon kung ano ang lagay nito, bagamat nakita at nakausap niya na ito sandali.Ilang sandali pa ay muling tumunog ang cellphone niya. Nagreply na si Ingrid sa kaniya. “Wala akong alam masyado tungkol sa kaniya e. Bakit mo natanong?” “Ah, wala naman. Nabanggit kasi siya sa akin ng Daddy ko.” reply niya. “Natanong ko lang naman pero huwag mo na iyong isipin pa. Kalimutan mo na lang. Sige na, alam kong pagod ka rin kaya magpahinga na tayo.” Isang like lang naman ang nireply nito sa kaniya. Ibinaba niya ang kanyang cellphone sa kanyang tabi at muling tumulala. Hindi pa rin siya inaantok ng mga oras na iyon.Samantala, sa kabilang banda ay hindi naman maiwasang hindi magtaka ni Ingrid. Kahit na kanina pa siya nakahiga ay hindi siya dalawin ng antok. Sa totoo lang, ang lalaking pinagkakaguluhan kanina sa pa
Last Updated: 2026-05-13
Chapter: Kabanata 2Kilala ni Kayena ang pamilya Salvador. Sa pagkakaalam niya ay may anak ang mga ito na isang lalaki na may kapansanan sa pag-iisip at tiyak na kaya nasabi ng kanyang ama ito ay dahil gusto ng mga ito na magkaroon ng mapapangasawa ang anak ng mga ito. Ang sumunod na pagpipilian ay ang pag-aalala sa tagapagmana ng pamilya Montero. Pumasok kaagad sa isip niya ang itsura ng isang matanda, tiyak na matanda na ito kaya kailangan na nito ng mag-aalaga hindi ba? Sunod-sunod ang naging paglunok niya. Napatitig siya sa mukha ng kanyang ama. Kahit na ayaw niyang gawin ang iniuutos nito sa kanya ay kailangan niyang isipin ang kapakanan ng kanyang ama. Huminga siya ng malalim. “Alagaan? Anong ibig niyong sabihin?” tanong niya rito.Kumunot ang noo nito. “Ano pa sa tingin mo? Nag-iisip ka ba talaga?” inis na tanong nito sa kanya. “Alam mo ba na isa sila sa pinakamayaman dito sa lungsod kaya huwag mong sasayangin ang pagkakataon.” sabi nito sa kaniya.Naging malamig ang mga mata ni Kayena dahil sa
Last Updated: 2026-05-13
Chapter: Kabanata 1Nang makabalik si Kayena sa kung saan siya nakaupo ay inaayos na ni Ingrid ang mga gamit nito. Nagsalubong ang mga kilay nito ng sulyapan siya. “Anong nangyari sayo? Bakit parang namumula ka at maging ang leeg mo?” kunot ang noo nitong tanong sa kaniya.Napalunok naman kaagad si Kayena at wala sa sariling napahawak sa leeg, natataranta. “Ah, ano kasi… medyo mainit sa loob ng banyo tyaka, nangati ako kaya kinamot ko.” sagot niya rito at nag-iwas ng tingin. “Ito na pala ang makeup bag mo. salamat.” ngumiti siya rito ng bahagya. Hindi niya magagawang sabihin dito ang totoo, kung ano talaga ang nangyari sa kaniya sa loob ng banyo kasama ang lalaking iyon. Kinuha nito sa kaniya ang bag bago nagsalubong ang mga kilay dahil binuksan nito iyon. “Nasaan na ang ID ko?” tanong nito sa kaniya dahilan para maalala niyang nalaglag niya nga pala iyon at dahil sa pagmamadali niyang makabalik sa kanyang kinauupuan ay nakalimutan niyang pulutin iyon. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili niya. “Ba
Last Updated: 2026-05-13
Chapter: SimulaAng mga mata ni Terrence ay punong-puno ng emosyon habang nakatingin sa kaniya. Humakbang ito palapit at wala siyang nagawa kundi ang mapaatras habang malakas ang kabog ng dibdib. “That night, it was you right? You are that girl.” he said in a low voice. It is not a question but a statement.Sunod-sunod ang naging paglunok niya hanggang sa tuluyang tumama ang likod niya sa pader. Iniharang nito ang mga kamay sa magkabilang gilid niya— kinulong siya. Napuno ng pagkataranta ang buong pagkatao niya.“Wh-what are you saying?” nauutal at sinusubukan niyang labanan ang matinding kaba na bumalot sa buong sistema niya.Naningkit ang mga mata nito at pagkatapos ay bumaba ang mga mata sa kanyang labi bago itinaas ang kamay at hinaplos ang nakaawang niyang labi dahilan para manuyo bigla ang bibig at lalamunan niya.“What am I saying?” ulit nitong tanong sa kaniya bago dahan-dahang ibinalik ang tingin sa kanyang mga mata. “I know it's you, it’s always been you.” bulong nito bago tuluyang bumaba
Last Updated: 2026-05-13