مشاركة

His Accidental Nanny: ONE NIGHT LUST WITH THE BILLIONAIRE
His Accidental Nanny: ONE NIGHT LUST WITH THE BILLIONAIRE
مؤلف: MaoMao

Simula

مؤلف: MaoMao
last update تاريخ النشر: 2026-05-13 21:30:09

Ang mga mata ni Terrence ay punong-puno ng emosyon habang nakatingin sa kaniya. Humakbang ito palapit at wala siyang nagawa kundi ang mapaatras habang malakas ang kabog ng dibdib. 

“That night, it was you right? You are that girl.” he said in a low voice. It is not a question but a statement.

Sunod-sunod ang naging paglunok niya hanggang sa tuluyang tumama ang likod niya sa pader. Iniharang nito ang mga kamay sa magkabilang gilid niya— kinulong siya. Napuno ng pagkataranta ang buong pagkatao niya.

“Wh-what are you saying?” nauutal at sinusubukan niyang labanan ang matinding kaba na bumalot sa buong sistema niya.

Naningkit ang mga mata nito at pagkatapos ay bumaba ang mga mata sa kanyang labi bago itinaas ang kamay at hinaplos ang nakaawang niyang labi dahilan para manuyo bigla ang bibig at lalamunan niya.

“What am I saying?” ulit nitong tanong sa kaniya bago dahan-dahang ibinalik ang tingin sa kanyang mga mata. “I know it's you, it’s always been you.” bulong nito bago tuluyang bumaba ang mukha at sinakop ang mga labi niya.

Nakatitig pa rin si Kayena sa kanyang cellphone. Ilang beses na niyang binasa ang mensahe na galing sa kanyang ama. 

“Umuwi ka ngayon din kung gusto mo pang makitang buhay ang nanay mo.” 

Naging malamig ang kanyang mga mata. Mas pinili nito ang kabit nito kaysa sa kanyang ina na sinamahan siya noong walang-wala pa ito. Sa halip na pagmamahal ang matanggap ng kanyang ina mula rito ay isang divorce agreement ang ibinigay ng kanyang ama.

Hindi naman nakipag-away o ni tumutol ang kanyang ina sa kagustuhan ng kanyang ama na makipaghiwalay sa halip ay buong puso nitong tinanggap iyon at umalis sito sa buhay nito ng walang kahit na anumang dala. 

Pagkatapos niya lang matanggap ang mensaheng iyon ay hindi na niya muling matawagan pa ang kanyang ina kahit na ilang beses na niyang sinubukan. Sa sobrang pag-aalala niya rito ay wala na siyang nagawa pa kundi ang sumunod sa gusto ng kanyang ama. Sumakay siya ng eroplano na ito rin ang nag-ayos para sa kaniya. 

“May problema ba Kayena? Kanina ka pa tahimik.” sabi ng kanyang kaibigan na si Ingrid na nakaupo sa tabi niya. Hindi niya namalayan na lumilipad na pala ang isip niya ng mga oras na iyon.

Mabilis niyang itinago ang kanyang cellphone at marahang umiling dito. Ayaw niyang idamay ito sa problema niya. Marahan siyang ngumiti. “Wa-wala naman.” mabilis na sagot niya at pagkatapos ay tumayo. “Pupunta muna ako sa banyo.”

Akmang hahakbang na sana siya nang biglang hawakan nito ang kamay niya kaya puno siya ng pagtatakang napalingon dito. Inabot nito sa kaniya ang makeup bago nito. “Ayusin mo ang sarili mo sa banyo. Matagal pa naman bago lumapag ang eroplano. Ayokong kapag nakita ka ng iyong ama ay kung ano-ano na namang pintas ang gawin niya sayo.” sabi nito sa kaniya na may pag-aalalang titig.

Nagulat man siya ay kinuha niya pa rin ang bag na inaabot nito. Alam niyang nag-aalala lang ito sa kaniya kaya marahan siyang ngumiti. “Salamat Ingrid.” 

Aalis na sana siya nang muli niyang marinig ang boses nito. “Siya nga pala, huwag kang pumunta kung saan-saan okay? Narinig ko mula sa isang flight attendant na may isang mahalagang tao ang nag-book ng business class. Hindi mo naman siguro gugustuhing magkaproblema hindi ba?” paalala nito sa kaniya.

Tumango na lang siya rito at naglakad na paalis para pumunta sa banyo. Habang naglalakad ay eksakto niyang nakasabay ang isang flight attendant kung saan ay may dala itong mga inumin kaya hindi na siya nagdalawang isip pa na kumuha ng isang baso. Gusto niyang kalmahin ang nararamdaman niya. Hindi nagtagal ay tuluyan na siyang pumasok sa banyo at ininom niya kaagad ang alak. 

Dahil hindi naman siya ganun kasanay na uminom ng alak ay kaagad na namula ang kanyang mga pisngi kasabay ng paghagod ng mainit na likido sa kanyang lalamunan patungo sa kanyang tiyan na halos ikapikit niya ng mariin. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya at dahan-dahang humarap sa salamin at binuksan ang dala niyang bag. 

Biglang nagkaroon ng turbulence ang eroplano dahilan para mahulog ang dala niyang bag at nagkalaglagan ang mga laman nito. Dali-dali siyang yumuk at pinulot ang laman ng bag. Nailagay na niya ang lahat sa bag ngunit nakita niyang may naiwan pa, ang employee badge ni Ingrid sa pinasukan nitong kumpanya sa ibang bansa kung saan din ito nag intern. 

Matalino ito kaya palagi niya itong hinahangaan. Muli siyang yumuko upang pulutin sana ito ngunit bigla na lang naging malabo ang kanyang mga mata at sumakit ang ulo niya. Ilang sandali pa ay bigla na lang namatay ang ilaw sa loob ng banyo. Sa sumunod na sandali ay bumukas ang pinto. 

Namilog ang kanyang mga mata ng isang pigura ang lumapit sa kaniya at bigla siyang isinandal sa dingding ng banyo. “A-anong ginagawa mo? Bakit—” hindi niya nagawang tapusin ang kanyang tanong ng bigla na lang nitong takpan ang kanyang bibig. 

Kahit na madilim sa loob ng banyo ay hindi iyon naging hadlang para hindi makita ni Kayena ang maiitim na mga mata ng lalaking nakatitig sa kaniya. “I will pay you.” paos na bulong nito sa kaniya at bago pa siya makasagot ay binitawan din nito ang kanyang bibig ngunit sa halip ay ang labi naman nito ang tumakip sa mga ito. 

Ang init ng labi nito at wala siyang ibang naisip kung hindi ang itulak ito dahil hindi niya ito kilala at higit sa lahat ay hindi tama na halikan siya nito. Sinubukan niya itong itulak ngunit mariin na nakayakap sa beywang niya ang kamay nito. Biglang nagliwanag ang cellphone niya na ibinaba niya sa lababo.

Akala niya ay titigil na ito sa ginagawa ngunit mas lalo lang nitong diniinan ang paghalik sa kaniya hanggang sa tuluyan ng namatay ang ilaw ng cellphone niya. Ang kamay nito ay gumapang patungo sa kanyang pang-upo hanggang sa tuluyan na siya nitong buhatin. Ang mga labi nito ay gumalaw at bahagyang tinutukso siya. Marahil dala ng alak na ininom niya ay kakaibang init ang unti-unting bumalot sa kaniya. 

Tila ba may sariling isip ang kanyang mga labi at bigla na lang gumalaw at sinagot ang bawat kibot ng labi ng lalaking nasa harapan niya hanggang sa halos mablangko siya. Bumalik na lang ang katinuan niya ng halos mangatog ang tuhod niya. Rinig niya ang mabibigat na paghinga ng lalaki sa likod niya. 

Wala siyang ideya kung anong nangyari ngunit naramdaman niya ang panankit sa pagitan ng kanyang mga hita. Bago pa siya tuluyang matauhan ay isang anunsyo ang narinig niya na nagsasabing malapit na raw lumapag ang eroplano at pinapabalik na ang lahat sa kanilang mga upuan. 

Doon lang siya natauhan. Mabilis niyang itinaas ang kanyang panty at kinuha ang bag maging ang kanyang cellphone. Naramdaman niya pa na gusto pa siyang hilahin ulit ng lalaki sa likod niya ngunit mabilis niya itong itinulak bago nagmamadaling lumabas ng banyo. Wala siyang ideya kung gaano siya katagal nanatili sa loob. Hindi niya alam. 

Napalunok lang si Kayena at huminga ng malalim bago inayos ang kanyang bestida. Hindi niya akalain na magagawa niya ang bagay na iyon sa eroplano at kasama pa ang isang estranghero! Nakakahiya!  

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • His Accidental Nanny: ONE NIGHT LUST WITH THE BILLIONAIRE   Kabanata 4

    Isang buntong hininga ang pinakawalan ng kanyang abuela. “Terrence, alam mo ba kung ilang taon ka na ngayon? Magtetrenta ka na. Oras na para lumagay ka sa tahimik para naman maabutan ko pa ang magiging apo ko sa tuhod.” sabi nito sa kaniya. “At isa pa, lumilipas ang oras at sayang naman kaya katulad ng sabi ko ay ako na mismo ang naghanap ng pwedeng mapangasawa mo. huwag kang mag-alala, baka magustuhan mo rin siya.” paniniyak nito sa kaniya.“Pero sa ngayon ay magiginig isang tagasilbi mo muna siya. Magluluto, maglilinis para sayo. Ilang babae na ang dinala ko rito para sayo ngunit palagi mo na lang silang inirereklamo saka mo sila pinalayas.” Naging malamig ang mga mata ni Terrence. “Dahil iyon naman talaga ang silbi nila hindi ba? Napaka simple lang ng mga gagawin nila Lola pero hindi pa nila magawa ng maayos kaya sinong hindi maiinis sa kanila?” nakasimangot na sagot niya sa kanyang abuela. Ilang sandali pa ay muling nagbuga ito ng malalim na buntong hininga. “Ano ba talagang hin

  • His Accidental Nanny: ONE NIGHT LUST WITH THE BILLIONAIRE   Kabanata 3

    Nakasandal lang si Kayena sa pader habang nakaupo sa sahig. Nakatulala at nag-iisip, puno pa rin siya ng pag-aalala para sa kanyang ina na hindi pa rin niya alam hanggang sa mga oras na iyon kung ano ang lagay nito, bagamat nakita at nakausap niya na ito sandali.Ilang sandali pa ay muling tumunog ang cellphone niya. Nagreply na si Ingrid sa kaniya. “Wala akong alam masyado tungkol sa kaniya e. Bakit mo natanong?” “Ah, wala naman. Nabanggit kasi siya sa akin ng Daddy ko.” reply niya. “Natanong ko lang naman pero huwag mo na iyong isipin pa. Kalimutan mo na lang. Sige na, alam kong pagod ka rin kaya magpahinga na tayo.” Isang like lang naman ang nireply nito sa kaniya. Ibinaba niya ang kanyang cellphone sa kanyang tabi at muling tumulala. Hindi pa rin siya inaantok ng mga oras na iyon.Samantala, sa kabilang banda ay hindi naman maiwasang hindi magtaka ni Ingrid. Kahit na kanina pa siya nakahiga ay hindi siya dalawin ng antok. Sa totoo lang, ang lalaking pinagkakaguluhan kanina sa pa

  • His Accidental Nanny: ONE NIGHT LUST WITH THE BILLIONAIRE   Kabanata 2

    Kilala ni Kayena ang pamilya Salvador. Sa pagkakaalam niya ay may anak ang mga ito na isang lalaki na may kapansanan sa pag-iisip at tiyak na kaya nasabi ng kanyang ama ito ay dahil gusto ng mga ito na magkaroon ng mapapangasawa ang anak ng mga ito. Ang sumunod na pagpipilian ay ang pag-aalala sa tagapagmana ng pamilya Montero. Pumasok kaagad sa isip niya ang itsura ng isang matanda, tiyak na matanda na ito kaya kailangan na nito ng mag-aalaga hindi ba? Sunod-sunod ang naging paglunok niya. Napatitig siya sa mukha ng kanyang ama. Kahit na ayaw niyang gawin ang iniuutos nito sa kanya ay kailangan niyang isipin ang kapakanan ng kanyang ama. Huminga siya ng malalim. “Alagaan? Anong ibig niyong sabihin?” tanong niya rito.Kumunot ang noo nito. “Ano pa sa tingin mo? Nag-iisip ka ba talaga?” inis na tanong nito sa kanya. “Alam mo ba na isa sila sa pinakamayaman dito sa lungsod kaya huwag mong sasayangin ang pagkakataon.” sabi nito sa kaniya.Naging malamig ang mga mata ni Kayena dahil sa

  • His Accidental Nanny: ONE NIGHT LUST WITH THE BILLIONAIRE   Kabanata 1

    Nang makabalik si Kayena sa kung saan siya nakaupo ay inaayos na ni Ingrid ang mga gamit nito. Nagsalubong ang mga kilay nito ng sulyapan siya. “Anong nangyari sayo? Bakit parang namumula ka at maging ang leeg mo?” kunot ang noo nitong tanong sa kaniya.Napalunok naman kaagad si Kayena at wala sa sariling napahawak sa leeg, natataranta. “Ah, ano kasi… medyo mainit sa loob ng banyo tyaka, nangati ako kaya kinamot ko.” sagot niya rito at nag-iwas ng tingin. “Ito na pala ang makeup bag mo. salamat.” ngumiti siya rito ng bahagya. Hindi niya magagawang sabihin dito ang totoo, kung ano talaga ang nangyari sa kaniya sa loob ng banyo kasama ang lalaking iyon. Kinuha nito sa kaniya ang bag bago nagsalubong ang mga kilay dahil binuksan nito iyon. “Nasaan na ang ID ko?” tanong nito sa kaniya dahilan para maalala niyang nalaglag niya nga pala iyon at dahil sa pagmamadali niyang makabalik sa kanyang kinauupuan ay nakalimutan niyang pulutin iyon. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili niya. “Ba

  • His Accidental Nanny: ONE NIGHT LUST WITH THE BILLIONAIRE   Simula

    Ang mga mata ni Terrence ay punong-puno ng emosyon habang nakatingin sa kaniya. Humakbang ito palapit at wala siyang nagawa kundi ang mapaatras habang malakas ang kabog ng dibdib. “That night, it was you right? You are that girl.” he said in a low voice. It is not a question but a statement.Sunod-sunod ang naging paglunok niya hanggang sa tuluyang tumama ang likod niya sa pader. Iniharang nito ang mga kamay sa magkabilang gilid niya— kinulong siya. Napuno ng pagkataranta ang buong pagkatao niya.“Wh-what are you saying?” nauutal at sinusubukan niyang labanan ang matinding kaba na bumalot sa buong sistema niya.Naningkit ang mga mata nito at pagkatapos ay bumaba ang mga mata sa kanyang labi bago itinaas ang kamay at hinaplos ang nakaawang niyang labi dahilan para manuyo bigla ang bibig at lalamunan niya.“What am I saying?” ulit nitong tanong sa kaniya bago dahan-dahang ibinalik ang tingin sa kanyang mga mata. “I know it's you, it’s always been you.” bulong nito bago tuluyang bumaba

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status