Mag-log inNang makabalik si Kayena sa kung saan siya nakaupo ay inaayos na ni Ingrid ang mga gamit nito. Nagsalubong ang mga kilay nito ng sulyapan siya. “Anong nangyari sayo? Bakit parang namumula ka at maging ang leeg mo?” kunot ang noo nitong tanong sa kaniya.
Napalunok naman kaagad si Kayena at wala sa sariling napahawak sa leeg, natataranta. “Ah, ano kasi… medyo mainit sa loob ng banyo tyaka, nangati ako kaya kinamot ko.” sagot niya rito at nag-iwas ng tingin. “Ito na pala ang makeup bag mo. salamat.” ngumiti siya rito ng bahagya.
Hindi niya magagawang sabihin dito ang totoo, kung ano talaga ang nangyari sa kaniya sa loob ng banyo kasama ang lalaking iyon.
Kinuha nito sa kaniya ang bag bago nagsalubong ang mga kilay dahil binuksan nito iyon. “Nasaan na ang ID ko?” tanong nito sa kaniya dahilan para maalala niyang nalaglag niya nga pala iyon at dahil sa pagmamadali niyang makabalik sa kanyang kinauupuan ay nakalimutan niyang pulutin iyon.
Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili niya. “Ba-baka nahulog ko. Babalikan ko na lang.” sabi niya at muling tatalikod na sana para bumalik sa banyo nang pigilan siya nito.
“Hindi na kailangan. Isa pa, magkakaroon din naman ako ng bago kong ID sa bagong kumpanyang papasukan ko e. Hayaan mo na. Halika na.” sabi nito sa kaniya kung saan ay tumango na lang siya kahit na ang totoo ay nagi-guilty na siya.
Inabot nito sa kaniya ang kanyang bag at ng kukunin niya na ito ay bigla niyang napansin ang kanyang kamay kung saan ay wala na pala doon ang bracelet niyang binili pa ng kanyang ina para sa kaniya.
Nilingon niya si Ingrid. “Mauna ka ng bumaba. May babalikan lang ako sa banyo at kailangan kong hanapin. Hahanapin ko na rin tuloy ang ID mo.” sabi niya rito at bago pa man itong muli makapag tanong ay dali-dali siyang tumalikod. Dahil dito ay nauna na lang na bumaba si Ingrid ng eroplano sa kaniya.
Hinanap ni Kayena ang bracelet sa loob ng banyo ngunit hindi niya ito nakita. Maging ang Id ni Ingrid na alam niyang nahulog niya doon ay wala na, na para bang nagkakamali lang siya. Pero hindi, totoo talaga na nahulog niya ito doon. Idagdag pa na wala naman siyang ibang pinuntahan kaya sigurado siyang naroon lang ito.
Sa huli ay laglag ang balikat niyang lumabas ng eroplano. Naabutan niya si Ingrid sa baba na hinihintay siya at habang nakatayo ay napansin niyang may tinitingnan ito kaya sinundan niya naman ito ng tingin. Nakita niya na may pinagkakaguluhan ang mga tao ng mga oras na iyon. “Kilala mo ba ang taong iyon?” bigla niyang tanong dito.
Nagulat naman ito dahil hindi nito napansin ang paglapit niya. Mabilis itong nag-iwas ng tingin. “Halika na, hindi ko siya kilala. Kanina pa nag-aantay ang sasakyan natin.” sabi nito at nauna ng naglakad. Tahimik lang siyang sumunod dito.
**********
Makalipas ang halos dalawang oras ay nakatayo na si Kayena sa harap ng bahay nila. Habang inililibot ang kanyang tingin ay may ilang masasayang alaala siya noong bata pa siya ang nag-flashback bigla sa isip niya bago niya tuluyang ipinilig ang kanyang ulo. Ang mga alaalang iyon ay nasisiguro niyang hindi na mauulit pa.
Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto. Isang kasambahay ang lumabas at lumapit sa kaniya. “Dumating na po pala kayo Miss, kanina pa po kayo hinihintay ni sir sa kanyang study.” sabi nito sa kaniya at kinuha ang gamit niya.
Hindi siya nagsalita sa halip ay pumasok lang siya. Iginala niya ang tingin sa loob at masasabi niyang napakalaki na talaga ng pagbabago sa bahay nila. Akala niya ay sa study pa siya pupunta ngunit sa sala ay nakita niyang nakaupo ang kanyang ama at hinihintay siya. Wala man lang init ang mga mata nito nang makita siya, sa halip ay puro iyon lamig at pagkadismaya.
Sinuyod siya nito ng tingin pataas at pababa. “Sabi ko na e, walang magandang maidudulot ang pagsama mo sa iyong ina.” sabi nito sa kaniya na ikinakuyom lang ng mga kamay niya. Ilang taon na siyang hindi nakita nito ngunit iyon lang ang bungad nito sa kaniya. Naging malamig ang kanyang mga mata.
“Hindi mo ako binigyan ni isang kusing sa mga taong iyon, bakit hindi mo na lang ibigay sa akin ang dapat na sustento mo sa akin sa mga taong iyon?” tanong niya rito ng walang emosyon ang kanyang mukha. Nagpakahirap ang kanyang ina na itaguyod siya dahil ayaw sila nitong bigyan ng pera.
Kaagad na gumuhit ang matinding galit sa mga mata nito. “Ang lakas ng loob mo para sabihin sa akin ang mga yan?!” sigaw nito sa kaniya at tumayo mula sa kinauupuan. Lumapit ito sa kaniya at dinuro siya. “Baka nakakalimutan mo na? Kung wala ako ay wala ka rito sa mundong ito! Naiintindihan mo ba?!”
“Meow!”
Napalingon siya sa kanyang tagiliran. Nakita niya ang pusang naglalakad palapit sa kaniya kung saan ay kaagad na napuno ng poot ang kanyang mga mata. Alaga ito ng babaeng iyon. Naningkit ang kanyang mga mata ng makita ang pamilyar na pendant na nakasabit sa leeg nito. Ito ay pag-aari ng kanyang ina minana pa nito sa kanyang lolo at lola. Bagamat hindi ito ganun kamahal ay mahalaga pa rin ito sa kanyang ina at sino ito para ipasuot lang iyon sa pusa ng walang hiyang babaeng iyon?!
Umahon ang galit sa kanyang dibdib ng mga oras na iyon. Kaagad na lumapit dito ang pusa kung saan ay kaagad na naging malambot ang mukha nito at yumuko pagkatapos ay kinarga ito. Akmang lalapitan sana niya ang pusa ngunit bigla na lang siyang hinarangan ng mga tauhan ng kanyang ama.
Nagtagis ang kanyang mga ngipin. “Nasaan si Mommy? Anong ginawa mo sa kaniya?!” sigaw niya rito.
Nilingon siya nito ng may malalamig na mga mata. “Dahil sa sobrang pagtatrabaho ay bigla na lang siyang nag-collapse at napag-alaman na mayroon pala siyang sakit sa sikmura. Wala ka ng dapat ipag-alala dahil nasa ospital na siya. Kung gusto mo na gumaling siya ay nasa iyo ang desisyon.” sagot nito sa kaniya.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Anong ibig niyong sabihin?” bumilis ang tibok ng kanyang puso. Bago pa man siya umuwi ay may kutob na siya rito.
“Bibigyan kita ng dalawang pagpipilian. Magpapakasal ka sa pamilya Salvador o ang pumayag sa gusto ng pamilya Montero na alagaan ang tagapagmana nila at pakasalan siya kapag lumaon?”
Isang buntong hininga ang pinakawalan ng kanyang abuela. “Terrence, alam mo ba kung ilang taon ka na ngayon? Magtetrenta ka na. Oras na para lumagay ka sa tahimik para naman maabutan ko pa ang magiging apo ko sa tuhod.” sabi nito sa kaniya. “At isa pa, lumilipas ang oras at sayang naman kaya katulad ng sabi ko ay ako na mismo ang naghanap ng pwedeng mapangasawa mo. huwag kang mag-alala, baka magustuhan mo rin siya.” paniniyak nito sa kaniya.“Pero sa ngayon ay magiginig isang tagasilbi mo muna siya. Magluluto, maglilinis para sayo. Ilang babae na ang dinala ko rito para sayo ngunit palagi mo na lang silang inirereklamo saka mo sila pinalayas.” Naging malamig ang mga mata ni Terrence. “Dahil iyon naman talaga ang silbi nila hindi ba? Napaka simple lang ng mga gagawin nila Lola pero hindi pa nila magawa ng maayos kaya sinong hindi maiinis sa kanila?” nakasimangot na sagot niya sa kanyang abuela. Ilang sandali pa ay muling nagbuga ito ng malalim na buntong hininga. “Ano ba talagang hin
Nakasandal lang si Kayena sa pader habang nakaupo sa sahig. Nakatulala at nag-iisip, puno pa rin siya ng pag-aalala para sa kanyang ina na hindi pa rin niya alam hanggang sa mga oras na iyon kung ano ang lagay nito, bagamat nakita at nakausap niya na ito sandali.Ilang sandali pa ay muling tumunog ang cellphone niya. Nagreply na si Ingrid sa kaniya. “Wala akong alam masyado tungkol sa kaniya e. Bakit mo natanong?” “Ah, wala naman. Nabanggit kasi siya sa akin ng Daddy ko.” reply niya. “Natanong ko lang naman pero huwag mo na iyong isipin pa. Kalimutan mo na lang. Sige na, alam kong pagod ka rin kaya magpahinga na tayo.” Isang like lang naman ang nireply nito sa kaniya. Ibinaba niya ang kanyang cellphone sa kanyang tabi at muling tumulala. Hindi pa rin siya inaantok ng mga oras na iyon.Samantala, sa kabilang banda ay hindi naman maiwasang hindi magtaka ni Ingrid. Kahit na kanina pa siya nakahiga ay hindi siya dalawin ng antok. Sa totoo lang, ang lalaking pinagkakaguluhan kanina sa pa
Kilala ni Kayena ang pamilya Salvador. Sa pagkakaalam niya ay may anak ang mga ito na isang lalaki na may kapansanan sa pag-iisip at tiyak na kaya nasabi ng kanyang ama ito ay dahil gusto ng mga ito na magkaroon ng mapapangasawa ang anak ng mga ito. Ang sumunod na pagpipilian ay ang pag-aalala sa tagapagmana ng pamilya Montero. Pumasok kaagad sa isip niya ang itsura ng isang matanda, tiyak na matanda na ito kaya kailangan na nito ng mag-aalaga hindi ba? Sunod-sunod ang naging paglunok niya. Napatitig siya sa mukha ng kanyang ama. Kahit na ayaw niyang gawin ang iniuutos nito sa kanya ay kailangan niyang isipin ang kapakanan ng kanyang ama. Huminga siya ng malalim. “Alagaan? Anong ibig niyong sabihin?” tanong niya rito.Kumunot ang noo nito. “Ano pa sa tingin mo? Nag-iisip ka ba talaga?” inis na tanong nito sa kanya. “Alam mo ba na isa sila sa pinakamayaman dito sa lungsod kaya huwag mong sasayangin ang pagkakataon.” sabi nito sa kaniya.Naging malamig ang mga mata ni Kayena dahil sa
Nang makabalik si Kayena sa kung saan siya nakaupo ay inaayos na ni Ingrid ang mga gamit nito. Nagsalubong ang mga kilay nito ng sulyapan siya. “Anong nangyari sayo? Bakit parang namumula ka at maging ang leeg mo?” kunot ang noo nitong tanong sa kaniya.Napalunok naman kaagad si Kayena at wala sa sariling napahawak sa leeg, natataranta. “Ah, ano kasi… medyo mainit sa loob ng banyo tyaka, nangati ako kaya kinamot ko.” sagot niya rito at nag-iwas ng tingin. “Ito na pala ang makeup bag mo. salamat.” ngumiti siya rito ng bahagya. Hindi niya magagawang sabihin dito ang totoo, kung ano talaga ang nangyari sa kaniya sa loob ng banyo kasama ang lalaking iyon. Kinuha nito sa kaniya ang bag bago nagsalubong ang mga kilay dahil binuksan nito iyon. “Nasaan na ang ID ko?” tanong nito sa kaniya dahilan para maalala niyang nalaglag niya nga pala iyon at dahil sa pagmamadali niyang makabalik sa kanyang kinauupuan ay nakalimutan niyang pulutin iyon. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili niya. “Ba
Ang mga mata ni Terrence ay punong-puno ng emosyon habang nakatingin sa kaniya. Humakbang ito palapit at wala siyang nagawa kundi ang mapaatras habang malakas ang kabog ng dibdib. “That night, it was you right? You are that girl.” he said in a low voice. It is not a question but a statement.Sunod-sunod ang naging paglunok niya hanggang sa tuluyang tumama ang likod niya sa pader. Iniharang nito ang mga kamay sa magkabilang gilid niya— kinulong siya. Napuno ng pagkataranta ang buong pagkatao niya.“Wh-what are you saying?” nauutal at sinusubukan niyang labanan ang matinding kaba na bumalot sa buong sistema niya.Naningkit ang mga mata nito at pagkatapos ay bumaba ang mga mata sa kanyang labi bago itinaas ang kamay at hinaplos ang nakaawang niyang labi dahilan para manuyo bigla ang bibig at lalamunan niya.“What am I saying?” ulit nitong tanong sa kaniya bago dahan-dahang ibinalik ang tingin sa kanyang mga mata. “I know it's you, it’s always been you.” bulong nito bago tuluyang bumaba







