Share

Kabanata 2

Author: MaoMao
last update publish date: 2026-05-13 21:31:59

Kilala ni Kayena ang pamilya Salvador. Sa pagkakaalam niya ay may anak ang mga ito na isang lalaki na may kapansanan sa pag-iisip at tiyak na kaya nasabi ng kanyang ama ito ay dahil gusto ng mga ito na magkaroon ng mapapangasawa ang anak ng mga ito. 

Ang sumunod na pagpipilian ay ang pag-aalala sa tagapagmana ng pamilya Montero. Pumasok kaagad sa isip niya ang itsura ng isang matanda, tiyak na matanda na ito kaya kailangan na nito ng mag-aalaga hindi ba? 

Sunod-sunod ang naging paglunok niya. Napatitig siya sa mukha ng kanyang ama. Kahit na ayaw niyang gawin ang iniuutos nito sa kanya ay kailangan niyang isipin ang kapakanan ng kanyang ama. Huminga siya ng malalim. “Alagaan? Anong ibig niyong sabihin?” tanong niya rito.

Kumunot ang noo nito. “Ano pa sa tingin mo? Nag-iisip ka ba talaga?” inis na tanong nito sa kanya. “Alam mo ba na isa sila sa pinakamayaman dito sa lungsod kaya huwag mong sasayangin ang pagkakataon.” sabi nito sa kaniya.

Naging malamig ang mga mata ni Kayena dahil sa sinabi nito. Alam niya na kaagad kung anong ibig sabihin nito. Gusto niya na akitin niya ang tinutukoy nitong tao hindi ba? Pero bakit siya pa? Walang emosyon ang kanyang mga mata na tumingin dito. “Bakit hindi na lang ang anak mo ang utusan mong pumunta kung ganun lang din naman pala? Ayaw mo bang mapangasawa niya ang pinakamayamang lalaking iyon?” 

Naging malamig ang mga mata nito. “At bakit ko iyon gagawin? Alam mo ba kung anong pag-uugali meron ang lalaking iyon? Hindi ko hahayaang masaktan siya. Isa pa, nakatakda na silang ikasal ni Benedict.” 

Benedict… halos makalimutan na niya ang tungkol dito sa tagal nilang hindi nagkita. Sa totoo lang ay simula bata sila ay nakatakda na silang ikasal na dalawa ngunit nang dumating ang babaeng iyon sa buhay nila ang kanyang ina at nagkagusto kay Benedict ay ginawa nito ang lahata para maghiwalay silang dalawa ng lalaki. 

Hiniling nito na ipadala siya ng kanyang ama sa ibang bansa at sa desisyong iyon nito ay wala siyang nagawa. At ngayon, tila na uulit lang ang lahat. Gusto na naman siya nitong idespatsa katulad noon. 

Dahil hindi siya sumagot ay muling nagsalita ito. “Alam mo ba kung gaano kamahal ang pagpapagamot sa iyong ina? Kung hindi mo susundin ang gusto ko ay ititigil ko na ang pagpapagamot sa kaniya naiintindihan mo ba?” pagkatapos nitong sabihin iyon ay bigla nitong dinukot ang cellphone sa bulsa. Gumawa ito ng isang tawag at sa sumunod na sandali ay nag-flash na sa screen ang mukha ng kanyang ina. 

Napuno ng pag-aalala ang kanyang mukha nang makita niya ang namumutlang mukha ng ina habang nakahiga sa kama ng isang ospital. Idagdag pa na mukhang hinang-hina ito. “Mo-mommy, okay lang po kayo? May nararamdaman po ba kayong masakit?” magkasunod na tanong niya kaagad dito.

Mabilis naman na ngumiti sa kaniya ang ina. Tila nahihirapan din itong huminga. “A-anak… hayaan mo na lang ako. Huwag kang pumayag sa gusto ng lalaking—” bago pa man nito matapos ang sasabihin ay bigla na lang pinatay ng kanyang ama ang tawag. 

Napuno ng poot ang kanyang mga mata at umahon ang matinding galit sa kanyang dibdib ng mga oras na iyon. Hindi niya napigilang hindi sumama ang loob nang tuluyang makita ang sitwasyon ng kanyang ina. “Bakit? Bakit kailangan niyong gawin ito kay Mommy? Wala na man lang ba kayong natitirang awa kahit na katiting lang? Nakita niyo naman ang sitwasyon niya hindi ba? Wala siyang ginawa kundi ang suportahan kayo noong walang-wala kayo tapos… tapos ganito ang gagawin niyo sa kaniya?” puno ng hinanakit na tanong niya rito. Nag-umpisa na ring mag-init ang sulok ng kanyang mga mata. “Anak niyo rin ako at ina ko siya!” sigaw niya rito habang tumutulo ang luha.

Napuno ng galit ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. “Pwede ba Kayena, tumigil ka. Anong pakialam ko sa kaniya? Huh? Dati ko na lang siyang asawa kaya wala na akong pakialam pa sa kaniya o kahit na mamatay na siya! Dapat nga ay magpasalamat ka pa sa akin dahil sa kabutihan ko dahil kahit papano ay dinala ko siya sa ospital at hindi hinayaang mamatay!” galit din na sigaw nito sa kaniya.

Napuno ng poot ang kanyang mga mata habang nakatingin dito. Naririnig ba nito ang lumalabas sa bibig nito? Bakit parang sobra naman yata masyado? Para na itong nagiging demonyo sa paningin niya tuloy. 

Napakasama ng loob niya rito, kung pwede nga lang na itakwil na niya ito bilang ama ay ginawa na niya pero hindi niya pa kaya. Wala na itong ibinigay sa kaniya, sa kanila ng kanyang ina kundi puro problema at pahirap. 

Pinunasan niya ang kanyang pisngi. “Fine, pumapayag na ako sa gusto niyo. Pupunta ako bukas na bukas sa bahay ng mga Montero pero gusto kong ibalik nito sa akin ang pendant na pag-aari ni Mommy!” 

Hindi niya alam kung anong naghihintay sa kaniya sa pamilyang iyon ngunit wala siyang pagpipilian. Kung kailangan niyang magpaalipin sa pamilyang iyon ay handa siyang gawin para lang sa ikabubuti ng kanyang ina. 

Mabilis na tinanggal ng lalaki ang pendant sa leeg ng pusa at inihagis sa kaniya. “Gusto kong gawin mo ang lahat ng makakaya mo para akitin ang lalaking iyon para naman magkaroon ka ng halaga at silbi!” sigaw nito sa kaniya.

Pagkatapos lang nitong sabihin iyon ay inutusan nito ang mga tauhan na ikulong siya sa malamig na silid na halos magmukha ng bodega. Kinapa niya ang kanyang cellphone at mabilis na nagtype ng mensahe. “Ingrid, kilala mo ba ang tagapagmana ng mga Montero?” 

Well, nag-research na rin naman siya at nakakuha na siya ng ilang impormasyon patungkol sa lalaki at nalaman niya na ang pangalan nito ay Terrence Montero. Nakasaad din doon kung anong pag-uugali meron ito. Nabasa niya rin na ito nga daw ang tagapagmana ng pamilya Montero ngunit kahit na ganun ay gusto niya pa ring malaman ang ibang impormasyon tungkol dito. 

Ni wala din siyang nakitang picture nito na medyo malinaw ang pagkakakuha kaya wala siyang ideya kung anong itsura nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Accidental Nanny: ONE NIGHT LUST WITH THE BILLIONAIRE   Kabanata 4

    Isang buntong hininga ang pinakawalan ng kanyang abuela. “Terrence, alam mo ba kung ilang taon ka na ngayon? Magtetrenta ka na. Oras na para lumagay ka sa tahimik para naman maabutan ko pa ang magiging apo ko sa tuhod.” sabi nito sa kaniya. “At isa pa, lumilipas ang oras at sayang naman kaya katulad ng sabi ko ay ako na mismo ang naghanap ng pwedeng mapangasawa mo. huwag kang mag-alala, baka magustuhan mo rin siya.” paniniyak nito sa kaniya.“Pero sa ngayon ay magiginig isang tagasilbi mo muna siya. Magluluto, maglilinis para sayo. Ilang babae na ang dinala ko rito para sayo ngunit palagi mo na lang silang inirereklamo saka mo sila pinalayas.” Naging malamig ang mga mata ni Terrence. “Dahil iyon naman talaga ang silbi nila hindi ba? Napaka simple lang ng mga gagawin nila Lola pero hindi pa nila magawa ng maayos kaya sinong hindi maiinis sa kanila?” nakasimangot na sagot niya sa kanyang abuela. Ilang sandali pa ay muling nagbuga ito ng malalim na buntong hininga. “Ano ba talagang hin

  • His Accidental Nanny: ONE NIGHT LUST WITH THE BILLIONAIRE   Kabanata 3

    Nakasandal lang si Kayena sa pader habang nakaupo sa sahig. Nakatulala at nag-iisip, puno pa rin siya ng pag-aalala para sa kanyang ina na hindi pa rin niya alam hanggang sa mga oras na iyon kung ano ang lagay nito, bagamat nakita at nakausap niya na ito sandali.Ilang sandali pa ay muling tumunog ang cellphone niya. Nagreply na si Ingrid sa kaniya. “Wala akong alam masyado tungkol sa kaniya e. Bakit mo natanong?” “Ah, wala naman. Nabanggit kasi siya sa akin ng Daddy ko.” reply niya. “Natanong ko lang naman pero huwag mo na iyong isipin pa. Kalimutan mo na lang. Sige na, alam kong pagod ka rin kaya magpahinga na tayo.” Isang like lang naman ang nireply nito sa kaniya. Ibinaba niya ang kanyang cellphone sa kanyang tabi at muling tumulala. Hindi pa rin siya inaantok ng mga oras na iyon.Samantala, sa kabilang banda ay hindi naman maiwasang hindi magtaka ni Ingrid. Kahit na kanina pa siya nakahiga ay hindi siya dalawin ng antok. Sa totoo lang, ang lalaking pinagkakaguluhan kanina sa pa

  • His Accidental Nanny: ONE NIGHT LUST WITH THE BILLIONAIRE   Kabanata 2

    Kilala ni Kayena ang pamilya Salvador. Sa pagkakaalam niya ay may anak ang mga ito na isang lalaki na may kapansanan sa pag-iisip at tiyak na kaya nasabi ng kanyang ama ito ay dahil gusto ng mga ito na magkaroon ng mapapangasawa ang anak ng mga ito. Ang sumunod na pagpipilian ay ang pag-aalala sa tagapagmana ng pamilya Montero. Pumasok kaagad sa isip niya ang itsura ng isang matanda, tiyak na matanda na ito kaya kailangan na nito ng mag-aalaga hindi ba? Sunod-sunod ang naging paglunok niya. Napatitig siya sa mukha ng kanyang ama. Kahit na ayaw niyang gawin ang iniuutos nito sa kanya ay kailangan niyang isipin ang kapakanan ng kanyang ama. Huminga siya ng malalim. “Alagaan? Anong ibig niyong sabihin?” tanong niya rito.Kumunot ang noo nito. “Ano pa sa tingin mo? Nag-iisip ka ba talaga?” inis na tanong nito sa kanya. “Alam mo ba na isa sila sa pinakamayaman dito sa lungsod kaya huwag mong sasayangin ang pagkakataon.” sabi nito sa kaniya.Naging malamig ang mga mata ni Kayena dahil sa

  • His Accidental Nanny: ONE NIGHT LUST WITH THE BILLIONAIRE   Kabanata 1

    Nang makabalik si Kayena sa kung saan siya nakaupo ay inaayos na ni Ingrid ang mga gamit nito. Nagsalubong ang mga kilay nito ng sulyapan siya. “Anong nangyari sayo? Bakit parang namumula ka at maging ang leeg mo?” kunot ang noo nitong tanong sa kaniya.Napalunok naman kaagad si Kayena at wala sa sariling napahawak sa leeg, natataranta. “Ah, ano kasi… medyo mainit sa loob ng banyo tyaka, nangati ako kaya kinamot ko.” sagot niya rito at nag-iwas ng tingin. “Ito na pala ang makeup bag mo. salamat.” ngumiti siya rito ng bahagya. Hindi niya magagawang sabihin dito ang totoo, kung ano talaga ang nangyari sa kaniya sa loob ng banyo kasama ang lalaking iyon. Kinuha nito sa kaniya ang bag bago nagsalubong ang mga kilay dahil binuksan nito iyon. “Nasaan na ang ID ko?” tanong nito sa kaniya dahilan para maalala niyang nalaglag niya nga pala iyon at dahil sa pagmamadali niyang makabalik sa kanyang kinauupuan ay nakalimutan niyang pulutin iyon. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili niya. “Ba

  • His Accidental Nanny: ONE NIGHT LUST WITH THE BILLIONAIRE   Simula

    Ang mga mata ni Terrence ay punong-puno ng emosyon habang nakatingin sa kaniya. Humakbang ito palapit at wala siyang nagawa kundi ang mapaatras habang malakas ang kabog ng dibdib. “That night, it was you right? You are that girl.” he said in a low voice. It is not a question but a statement.Sunod-sunod ang naging paglunok niya hanggang sa tuluyang tumama ang likod niya sa pader. Iniharang nito ang mga kamay sa magkabilang gilid niya— kinulong siya. Napuno ng pagkataranta ang buong pagkatao niya.“Wh-what are you saying?” nauutal at sinusubukan niyang labanan ang matinding kaba na bumalot sa buong sistema niya.Naningkit ang mga mata nito at pagkatapos ay bumaba ang mga mata sa kanyang labi bago itinaas ang kamay at hinaplos ang nakaawang niyang labi dahilan para manuyo bigla ang bibig at lalamunan niya.“What am I saying?” ulit nitong tanong sa kaniya bago dahan-dahang ibinalik ang tingin sa kanyang mga mata. “I know it's you, it’s always been you.” bulong nito bago tuluyang bumaba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status