Share

Kabanata 3

Author: MaoMao
last update publish date: 2026-05-13 21:32:36

Nakasandal lang si Kayena sa pader habang nakaupo sa sahig. Nakatulala at nag-iisip, puno pa rin siya ng pag-aalala para sa kanyang ina na hindi pa rin niya alam hanggang sa mga oras na iyon kung ano ang lagay nito, bagamat nakita at nakausap niya na ito sandali.

Ilang sandali pa ay muling tumunog ang cellphone niya. Nagreply na si Ingrid sa kaniya. “Wala akong alam masyado tungkol sa kaniya e. Bakit mo natanong?” 

“Ah, wala naman. Nabanggit kasi siya sa akin ng Daddy ko.” reply niya. “Natanong ko lang naman pero huwag mo na iyong isipin pa. Kalimutan mo na lang. Sige na, alam kong pagod ka rin kaya magpahinga na tayo.” 

Isang like lang naman ang nireply nito sa kaniya. Ibinaba niya ang kanyang cellphone sa kanyang tabi at muling tumulala. Hindi pa rin siya inaantok ng mga oras na iyon.

Samantala, sa kabilang banda ay hindi naman maiwasang hindi magtaka ni Ingrid. Kahit na kanina pa siya nakahiga ay hindi siya dalawin ng antok. Sa totoo lang, ang lalaking pinagkakaguluhan kanina sa paliparan ay walang iba kundi si Terrence Montero. Hindi niya nga akalain na makakasabay pa nila ito. 

Ang totoo kaya siya bumalik sa bansa ay dahil gusto niyang pumasok sa kumpanyang pag-aari nito dahil gusto niyang mapalapit dito. Habang naiisip niya ang gwapo nitong mukha ay bigla na lang pumasok sa isip niya ang itsura ni Kayena kanina. Nahuli niyang nakatingin din ito kanina kay Terrence at tinanong pa siya nito. Tapos ngayon ay nagtatanong na naman ito. Hindi kaya interesado ito sa lalaki? 

*****

Nang pumarada ang Rolls Royce sa mansyon ng mga Montero ay kaagad na bumaba si Terremce. Nakasunod sa likod niya ang assistant nitong si Alec. “sir, kanina pa dumating ang mga tao at dala na nila ang naglagay ng gamot sa inumin niyo.” sabi nito sa kaniya.

Hindi siya sumagot sa halip ay naging malamig lang ang kanyang mga mata. Hindi niya akalain na may maglalakas ng loob na gawin ang bagay na iyon sa kaniya. Pagkarating nila sa hardin ay naroon ang apat na taong nakaluhod. 

Dinukot niya mula sa kanyang bulsa ang kahon ng sigarilyo at nagsindi. Humithit siya ng isang beses saka nagbuga ng usok. Huminga siya ng malalim at napapikit. Ang totoo ay halos hindi pa humuhupa ang nararamdaman niyang init sa kanyang katawan kahit na… ipinilig niya ang kanyang ulo at ibinalik ang tingin sa mga taong nakaluhod sa harapan niya. 

Naalala niya pa kung paano siya kagatin ng babae kanina sa cr kahit na sinabi niya na babayaran niya ito. Nagmatigas pa ito ngunit sa huli ay hindi rin naman nakatanggi sa kaniya.

“Alam niyo na kung anong gagawin niyo sa kanila.” sabi niya at tinalikuran ang mga ito. Masyado siyang busy para pagtuunan niya pa ng pansin ang mga taong ito.

Sinabayan siya ng lakas ni Alec at inabot ang ilang gamit sa kaniya. “Sir, nakuha ito ng mga tauhan noong maglinis sila ng banyo.” 

Isang ID at isang bracelet. 

Kinuha niya ang Id at tiningnan ang pangalang nakasulat. “Ingrid Santos.” bulong niya at tumitig sa mukha nito. Masasabi niyang maganda ito ngunit hindi ganun kaganda, yung tipong kababaliwan niya. Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy si Alec.

“Pina imbestigahan ko na rin po siya sir at nalaman kong galing siya sa isang middle class na pamilya at nag-aral sa ibang bansa gamit ang scholarship. Ang kumpanya na pinanggalingan niya masasabi kong hindi nagpapahuli. Nakapag apply na siya sa kumpanya niyo at natanggap kaya siya umuwi dito sa bansa.” 

Pinulot ni Terrence ang bracelet at inamoy at doon niya nakumpirma na ang amoy nito ay kapareho ng amoy ng babaeng iyon sa banyo. Hindi niya akalain na magiging ganito kalakas ang epekto ng amoy nito sa kaniya dahil bigla na namang nagwala sa kanyang pantalon ang kanyang alaga. 

Biglang bumalik sa kaniya ang lahat ng nangyari sa pagitan nilang dalawa at naging mabibigat ang paghinga. “Dalhin mo siya sa akin bukas. Gusto ko siyang makausap.” sabi niya.

“Okay po sir. Siya nga po pala. Kanina pa po kayo hinihintay ni Madam.” sabi nitong muli sa kaniya na ikinatango niya lang bago sinulyapan ang relo sa kamay niya. Anong oras na pero gising pa rin ito at hindi pa nagpapahinga? 

Ano kaya ang sasabihin nito?

Naglakad siya patungo sa silid ng abuela. Kumatok muna siya sa pinto bago tuluyang pumasok sa loob. Nakita niyang nakaupo ito sa upuan nito at gising pa nga. Kaagad na nagliwanag ang mukha nito ng wala sa oras nang makita siya.

“May kailangan po ba kayo Lola?” marahan niyang tanong dito at lumapit. Umupo siya sa tabi nito.

Tumitig ito sa kaniya bago nagsalita. “Ang totoo niyan Terrence ay gusto ko ng magkaapo. Hindi na kita mahintay pa na mag-uwi rito ng girlfriend mo para ipakilala sa akin kaya ako na mismo ang naghanap ng babaeng pwede mong mapangasawa.” sabi nito sa kaniya.

“Lola…” sabi niya at napa buntong hininga. Sa totoo lang ay hindi ito ang unang beses na ginawa nito ang bagay na iyon sa totoo lang. Kung hindi siya magkakamali ay pang-apat na itong babae na napili nito para sa kaniya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Accidental Nanny: ONE NIGHT LUST WITH THE BILLIONAIRE   Kabanata 4

    Isang buntong hininga ang pinakawalan ng kanyang abuela. “Terrence, alam mo ba kung ilang taon ka na ngayon? Magtetrenta ka na. Oras na para lumagay ka sa tahimik para naman maabutan ko pa ang magiging apo ko sa tuhod.” sabi nito sa kaniya. “At isa pa, lumilipas ang oras at sayang naman kaya katulad ng sabi ko ay ako na mismo ang naghanap ng pwedeng mapangasawa mo. huwag kang mag-alala, baka magustuhan mo rin siya.” paniniyak nito sa kaniya.“Pero sa ngayon ay magiginig isang tagasilbi mo muna siya. Magluluto, maglilinis para sayo. Ilang babae na ang dinala ko rito para sayo ngunit palagi mo na lang silang inirereklamo saka mo sila pinalayas.” Naging malamig ang mga mata ni Terrence. “Dahil iyon naman talaga ang silbi nila hindi ba? Napaka simple lang ng mga gagawin nila Lola pero hindi pa nila magawa ng maayos kaya sinong hindi maiinis sa kanila?” nakasimangot na sagot niya sa kanyang abuela. Ilang sandali pa ay muling nagbuga ito ng malalim na buntong hininga. “Ano ba talagang hin

  • His Accidental Nanny: ONE NIGHT LUST WITH THE BILLIONAIRE   Kabanata 3

    Nakasandal lang si Kayena sa pader habang nakaupo sa sahig. Nakatulala at nag-iisip, puno pa rin siya ng pag-aalala para sa kanyang ina na hindi pa rin niya alam hanggang sa mga oras na iyon kung ano ang lagay nito, bagamat nakita at nakausap niya na ito sandali.Ilang sandali pa ay muling tumunog ang cellphone niya. Nagreply na si Ingrid sa kaniya. “Wala akong alam masyado tungkol sa kaniya e. Bakit mo natanong?” “Ah, wala naman. Nabanggit kasi siya sa akin ng Daddy ko.” reply niya. “Natanong ko lang naman pero huwag mo na iyong isipin pa. Kalimutan mo na lang. Sige na, alam kong pagod ka rin kaya magpahinga na tayo.” Isang like lang naman ang nireply nito sa kaniya. Ibinaba niya ang kanyang cellphone sa kanyang tabi at muling tumulala. Hindi pa rin siya inaantok ng mga oras na iyon.Samantala, sa kabilang banda ay hindi naman maiwasang hindi magtaka ni Ingrid. Kahit na kanina pa siya nakahiga ay hindi siya dalawin ng antok. Sa totoo lang, ang lalaking pinagkakaguluhan kanina sa pa

  • His Accidental Nanny: ONE NIGHT LUST WITH THE BILLIONAIRE   Kabanata 2

    Kilala ni Kayena ang pamilya Salvador. Sa pagkakaalam niya ay may anak ang mga ito na isang lalaki na may kapansanan sa pag-iisip at tiyak na kaya nasabi ng kanyang ama ito ay dahil gusto ng mga ito na magkaroon ng mapapangasawa ang anak ng mga ito. Ang sumunod na pagpipilian ay ang pag-aalala sa tagapagmana ng pamilya Montero. Pumasok kaagad sa isip niya ang itsura ng isang matanda, tiyak na matanda na ito kaya kailangan na nito ng mag-aalaga hindi ba? Sunod-sunod ang naging paglunok niya. Napatitig siya sa mukha ng kanyang ama. Kahit na ayaw niyang gawin ang iniuutos nito sa kanya ay kailangan niyang isipin ang kapakanan ng kanyang ama. Huminga siya ng malalim. “Alagaan? Anong ibig niyong sabihin?” tanong niya rito.Kumunot ang noo nito. “Ano pa sa tingin mo? Nag-iisip ka ba talaga?” inis na tanong nito sa kanya. “Alam mo ba na isa sila sa pinakamayaman dito sa lungsod kaya huwag mong sasayangin ang pagkakataon.” sabi nito sa kaniya.Naging malamig ang mga mata ni Kayena dahil sa

  • His Accidental Nanny: ONE NIGHT LUST WITH THE BILLIONAIRE   Kabanata 1

    Nang makabalik si Kayena sa kung saan siya nakaupo ay inaayos na ni Ingrid ang mga gamit nito. Nagsalubong ang mga kilay nito ng sulyapan siya. “Anong nangyari sayo? Bakit parang namumula ka at maging ang leeg mo?” kunot ang noo nitong tanong sa kaniya.Napalunok naman kaagad si Kayena at wala sa sariling napahawak sa leeg, natataranta. “Ah, ano kasi… medyo mainit sa loob ng banyo tyaka, nangati ako kaya kinamot ko.” sagot niya rito at nag-iwas ng tingin. “Ito na pala ang makeup bag mo. salamat.” ngumiti siya rito ng bahagya. Hindi niya magagawang sabihin dito ang totoo, kung ano talaga ang nangyari sa kaniya sa loob ng banyo kasama ang lalaking iyon. Kinuha nito sa kaniya ang bag bago nagsalubong ang mga kilay dahil binuksan nito iyon. “Nasaan na ang ID ko?” tanong nito sa kaniya dahilan para maalala niyang nalaglag niya nga pala iyon at dahil sa pagmamadali niyang makabalik sa kanyang kinauupuan ay nakalimutan niyang pulutin iyon. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili niya. “Ba

  • His Accidental Nanny: ONE NIGHT LUST WITH THE BILLIONAIRE   Simula

    Ang mga mata ni Terrence ay punong-puno ng emosyon habang nakatingin sa kaniya. Humakbang ito palapit at wala siyang nagawa kundi ang mapaatras habang malakas ang kabog ng dibdib. “That night, it was you right? You are that girl.” he said in a low voice. It is not a question but a statement.Sunod-sunod ang naging paglunok niya hanggang sa tuluyang tumama ang likod niya sa pader. Iniharang nito ang mga kamay sa magkabilang gilid niya— kinulong siya. Napuno ng pagkataranta ang buong pagkatao niya.“Wh-what are you saying?” nauutal at sinusubukan niyang labanan ang matinding kaba na bumalot sa buong sistema niya.Naningkit ang mga mata nito at pagkatapos ay bumaba ang mga mata sa kanyang labi bago itinaas ang kamay at hinaplos ang nakaawang niyang labi dahilan para manuyo bigla ang bibig at lalamunan niya.“What am I saying?” ulit nitong tanong sa kaniya bago dahan-dahang ibinalik ang tingin sa kanyang mga mata. “I know it's you, it’s always been you.” bulong nito bago tuluyang bumaba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status