Share

Kabanata 4

Author: MaoMao
last update publish date: 2026-05-13 21:33:19

Isang buntong hininga ang pinakawalan ng kanyang abuela. “Terrence, alam mo ba kung ilang taon ka na ngayon? Magtetrenta ka na. Oras na para lumagay ka sa tahimik para naman maabutan ko pa ang magiging apo ko sa tuhod.” sabi nito sa kaniya. “At isa pa, lumilipas ang oras at sayang naman kaya katulad ng sabi ko ay ako na mismo ang naghanap ng pwedeng mapangasawa mo. huwag kang mag-alala, baka magustuhan mo rin siya.” paniniyak nito sa kaniya.

“Pero sa ngayon ay magiginig isang tagasilbi mo muna siya. Magluluto, maglilinis para sayo. Ilang babae na ang dinala ko rito para sayo ngunit palagi mo na lang silang inirereklamo saka mo sila pinalayas.” 

Naging malamig ang mga mata ni Terrence. “Dahil iyon naman talaga ang silbi nila hindi ba? Napaka simple lang ng mga gagawin nila Lola pero hindi pa nila magawa ng maayos kaya sinong hindi maiinis sa kanila?” nakasimangot na sagot niya sa kanyang abuela. 

Ilang sandali pa ay muling nagbuga ito ng malalim na buntong hininga. “Ano ba talagang hinahanap mo sa isang babae Terrence?” muling tanong sa kaniya.

Nang marinig niya ang tanong nito ay kaagad na pumasok sa kaniya ang babaeng iyon. Napakuyom ang mga kamay niya. Hindi siya sumagot. Kahit na anong sabihin ng lola niya ay wala siyang plano na muli itong mag-uwi doon ng babaeng walang kwenta. Wala siyang balak na mag-asawa pa at hindi niya naman iyon kailangan sa buhay niya. Masaya siya sa buhay na meron siya.

Muling nagsalita ang kanyang lola. “Alam mo ba na palagi na lang akong kinakapos ng paghinga? Paaging naninikip ang dibdib ko na parang palaging may nakadagan. Hindi ko alam kung magtatagal pa ba ang buhay ko Terrence kaya sana naman ay pakinggan mo ako.” 

Napapikit na lang si Terrence sa sinabi ng kanyang lola. Dalawang dekada na ang nakakaraan ng mamatay ang mga magulang niya at wala siyang ibang naging kasama kundi tanging ito lang kaya napakalapit ng loob niya rito. Naging malambot ang kanyang ekspresyon. Sino ba siya para hindi makinig sa kagustuhan ng kanyang abuela? Idagdag pa na ayaw niyang sumama ang loob nito sa kaniya. 

“Sino siya?” tanong niya sa wakas. Wala din naman siyang pagpipilian kundi ang pumayag dahil hindi niya kayang tiisin ang kanyang abuela.

“Ang pangalan niya ay Kayena at galing siya sa pamilya Lopez. Maganda siya at disente kaya wala kang dapat ipag-alala.” naging masigla ang boses nito.

Tumaas lang ang sulok ng labi ni Terrence. Tingnan niya lang kung hanggang kailan nito makakayang magtiis. Wala siyang balak na mapangasawa ito kundi sa halip ay gawin itong katulong niya at handa niya itong pahirapan hanggang sa ito na mismo ang sumuko at magdesisyong umalis. 

Pagkatapos niyang makipagkwentuhan sandali sa kanyang lola ay umalis na rin siya para makatulog na ito dahil gabi na. 

Pumunta siya sa kanyang study at binanggit ang tungkol sa babaeng sinabi sa kaniya ng kanyang lola. “E ano pong gusto niyong gawin sa kaniya sir?” tanong niya rito.

Nagpakawala siya ng isang mahabang buntong hininga. “Wala. hindi mo na siya kailangan pang problemahin pa. Paniguradong hindi din naman siya magtatagal.” 

Paniguradong susuko din ito kaagad sa pantasya nitong makasal sa kaniya. Alam niya na pera lang nito ang gusto nito. Pero syempre ay hindi niya hahayaan na makuha nito ang gusto kaya papahirapan niya ito. 

********

Kinabukasan, halos kakasikat pa lang ng araw ay ipinahatid na siya kaagad ng kanyang ama sa bahay ng pamilya Montero. Isang matandang lalaki at isang nasa trenta ang edad ang sumalubong sa kaniya. Ngumiti ang matandang lalaki sa kaniya. “Ako nga pala si William, ang butler ng pamilya. Ikinagagalak ko kayong makilala.” nakangiting sabi nito sa kaniya.

Isang mahinang ngiti ang ipinaskil niya sa kanyang labi at yumuko din dito. Sumunod naman na nagsalita ang lalaking nakatayo sa tabi nito. “”Ako naman po si Alec, Miss Kayena.” ngumiti ito sa kaniya. “Gusto kong sabihin sa inyo ang magiging trabaho niyo.” patuloy nito na wala ng paligoy-ligoy pa. “Kayo ang bahalang maghanda ng pagkain ni sir Terrence at bukod pa doon ay magiging personal niya kayong sekretarya. Kaya araw-araw ay sasama kayo sa kaniya sa kumpanya.” dagdag pa nitong sabi.

Sa loob-loob ni Alec ay hindi niya maiwasang hindi titigan ng mabuti ang babaeng nasa harap niya. Ilang babae na ang pinapunta ng matandang babae para sa apo nito ngunit itinuring lang itong katulong ng kanyang boss at bukod pa doon ay naging mapangahas ito, bigla na lang itong pumasok sa silid ng kanyang amo at gustong akitin ito ngunit hindi ito nagtagumpay. Sa halip ay pinalayas ito ng oras ding iyon. 

Kaya ang babaeng nasa harap niya ay tiyak na ganun din ang gagawin. Sinuyod niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. May bangs ito at nakasuot ito ng isang maluwag na jacket. Sa itsura nito ngayon, ano kaya ang pang-aakit nito sa kanyang boss kung sakali?

Samantala, nang marinig ni Kayena ang sinabi ng assistant nito ay hindi niya maiwasang mapakunot noo. Kung iyon ang magiging trabaho niya, hindi ba at parang isang katulong ang labas niya doon? 

Pero kung siya lang ang tatanungin ay okay lang naman sa kaniya iyon dahil sanay naman siya sa mga trabahong katulad nito kaya wala namang magiging problema sa kaniya. Tumango siya sa lalaki. “Walang problema sa akin.” mabilis na sagot niya. “Ano ang kailangan kong gawin ngayon?” tanong niya rito.

Kaagad naman na natigilan si Alec nang marinig niya ang sinabi nito. Sa dami ng babaeng nagpunta doon at dinala ang matanda ay ito pa lang ang unang beses na nagpunta doon ng hindi man lang hinanap ang kanyang boss. Napuno ng pagkabigla ang kanyang mukha ngunit nakabawi din naman siya kaagad. “Ihahatid na muna kita sa magiging silid mo at iiikot muna kita sa buong manyson para maging pamilyar ka.” 

Kaagad naman na tumango si Kayena at sumunod dito. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Accidental Nanny: ONE NIGHT LUST WITH THE BILLIONAIRE   Kabanata 4

    Isang buntong hininga ang pinakawalan ng kanyang abuela. “Terrence, alam mo ba kung ilang taon ka na ngayon? Magtetrenta ka na. Oras na para lumagay ka sa tahimik para naman maabutan ko pa ang magiging apo ko sa tuhod.” sabi nito sa kaniya. “At isa pa, lumilipas ang oras at sayang naman kaya katulad ng sabi ko ay ako na mismo ang naghanap ng pwedeng mapangasawa mo. huwag kang mag-alala, baka magustuhan mo rin siya.” paniniyak nito sa kaniya.“Pero sa ngayon ay magiginig isang tagasilbi mo muna siya. Magluluto, maglilinis para sayo. Ilang babae na ang dinala ko rito para sayo ngunit palagi mo na lang silang inirereklamo saka mo sila pinalayas.” Naging malamig ang mga mata ni Terrence. “Dahil iyon naman talaga ang silbi nila hindi ba? Napaka simple lang ng mga gagawin nila Lola pero hindi pa nila magawa ng maayos kaya sinong hindi maiinis sa kanila?” nakasimangot na sagot niya sa kanyang abuela. Ilang sandali pa ay muling nagbuga ito ng malalim na buntong hininga. “Ano ba talagang hin

  • His Accidental Nanny: ONE NIGHT LUST WITH THE BILLIONAIRE   Kabanata 3

    Nakasandal lang si Kayena sa pader habang nakaupo sa sahig. Nakatulala at nag-iisip, puno pa rin siya ng pag-aalala para sa kanyang ina na hindi pa rin niya alam hanggang sa mga oras na iyon kung ano ang lagay nito, bagamat nakita at nakausap niya na ito sandali.Ilang sandali pa ay muling tumunog ang cellphone niya. Nagreply na si Ingrid sa kaniya. “Wala akong alam masyado tungkol sa kaniya e. Bakit mo natanong?” “Ah, wala naman. Nabanggit kasi siya sa akin ng Daddy ko.” reply niya. “Natanong ko lang naman pero huwag mo na iyong isipin pa. Kalimutan mo na lang. Sige na, alam kong pagod ka rin kaya magpahinga na tayo.” Isang like lang naman ang nireply nito sa kaniya. Ibinaba niya ang kanyang cellphone sa kanyang tabi at muling tumulala. Hindi pa rin siya inaantok ng mga oras na iyon.Samantala, sa kabilang banda ay hindi naman maiwasang hindi magtaka ni Ingrid. Kahit na kanina pa siya nakahiga ay hindi siya dalawin ng antok. Sa totoo lang, ang lalaking pinagkakaguluhan kanina sa pa

  • His Accidental Nanny: ONE NIGHT LUST WITH THE BILLIONAIRE   Kabanata 2

    Kilala ni Kayena ang pamilya Salvador. Sa pagkakaalam niya ay may anak ang mga ito na isang lalaki na may kapansanan sa pag-iisip at tiyak na kaya nasabi ng kanyang ama ito ay dahil gusto ng mga ito na magkaroon ng mapapangasawa ang anak ng mga ito. Ang sumunod na pagpipilian ay ang pag-aalala sa tagapagmana ng pamilya Montero. Pumasok kaagad sa isip niya ang itsura ng isang matanda, tiyak na matanda na ito kaya kailangan na nito ng mag-aalaga hindi ba? Sunod-sunod ang naging paglunok niya. Napatitig siya sa mukha ng kanyang ama. Kahit na ayaw niyang gawin ang iniuutos nito sa kanya ay kailangan niyang isipin ang kapakanan ng kanyang ama. Huminga siya ng malalim. “Alagaan? Anong ibig niyong sabihin?” tanong niya rito.Kumunot ang noo nito. “Ano pa sa tingin mo? Nag-iisip ka ba talaga?” inis na tanong nito sa kanya. “Alam mo ba na isa sila sa pinakamayaman dito sa lungsod kaya huwag mong sasayangin ang pagkakataon.” sabi nito sa kaniya.Naging malamig ang mga mata ni Kayena dahil sa

  • His Accidental Nanny: ONE NIGHT LUST WITH THE BILLIONAIRE   Kabanata 1

    Nang makabalik si Kayena sa kung saan siya nakaupo ay inaayos na ni Ingrid ang mga gamit nito. Nagsalubong ang mga kilay nito ng sulyapan siya. “Anong nangyari sayo? Bakit parang namumula ka at maging ang leeg mo?” kunot ang noo nitong tanong sa kaniya.Napalunok naman kaagad si Kayena at wala sa sariling napahawak sa leeg, natataranta. “Ah, ano kasi… medyo mainit sa loob ng banyo tyaka, nangati ako kaya kinamot ko.” sagot niya rito at nag-iwas ng tingin. “Ito na pala ang makeup bag mo. salamat.” ngumiti siya rito ng bahagya. Hindi niya magagawang sabihin dito ang totoo, kung ano talaga ang nangyari sa kaniya sa loob ng banyo kasama ang lalaking iyon. Kinuha nito sa kaniya ang bag bago nagsalubong ang mga kilay dahil binuksan nito iyon. “Nasaan na ang ID ko?” tanong nito sa kaniya dahilan para maalala niyang nalaglag niya nga pala iyon at dahil sa pagmamadali niyang makabalik sa kanyang kinauupuan ay nakalimutan niyang pulutin iyon. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili niya. “Ba

  • His Accidental Nanny: ONE NIGHT LUST WITH THE BILLIONAIRE   Simula

    Ang mga mata ni Terrence ay punong-puno ng emosyon habang nakatingin sa kaniya. Humakbang ito palapit at wala siyang nagawa kundi ang mapaatras habang malakas ang kabog ng dibdib. “That night, it was you right? You are that girl.” he said in a low voice. It is not a question but a statement.Sunod-sunod ang naging paglunok niya hanggang sa tuluyang tumama ang likod niya sa pader. Iniharang nito ang mga kamay sa magkabilang gilid niya— kinulong siya. Napuno ng pagkataranta ang buong pagkatao niya.“Wh-what are you saying?” nauutal at sinusubukan niyang labanan ang matinding kaba na bumalot sa buong sistema niya.Naningkit ang mga mata nito at pagkatapos ay bumaba ang mga mata sa kanyang labi bago itinaas ang kamay at hinaplos ang nakaawang niyang labi dahilan para manuyo bigla ang bibig at lalamunan niya.“What am I saying?” ulit nitong tanong sa kaniya bago dahan-dahang ibinalik ang tingin sa kanyang mga mata. “I know it's you, it’s always been you.” bulong nito bago tuluyang bumaba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status