author-banner
Nepthalie
Author

Novels by Nepthalie

My Cold Billionaire Husband Wants Me Back

My Cold Billionaire Husband Wants Me Back

"Kaya siguro hindi siya nagdalawang isip na pakasalan ako dahil kahawig ko ang babaeng tunay nitong mahal.” Tatlong taon na kasal si Clara kay Adrian Monteverde, umaasang balang araw ay matutunan din siyang mahalin nito. Pero isang gabi, natuklasan niyang may ibang babae si Adrian—buntis ito at higit sa lahat, kamukha niya. Doon niya napagtanto ang masakit na katotohanan: baka pinakasalan lamang siya ni Adrian dahil kahawig niya ang babaeng tunay nitong mahal. Kaya pinili ni Clara na wakasan ang kanilang kasal at humingi ng tulong kay Nathaniel Reyes, isang mahusay na abogado at matagal nang kaibigan ng kanyang kuya. Ngunit habang unti-unting lumalapit si Clara kay Nathaniel, saka naman nagsimulang magselos at maging possessive si Adrian. Akala ni Clara, ayaw lang siyang pakawalan ni Adrian dahil asawa siya nito at malaking pera ang nakataya sa kanilang paghihiwalay. Hanggang sa mabunyag ang katotohanan na matagal na pala siyang mahal ni Adrian. Pinili lamang ni Adrian na ilayo ang sarili kay Clara dahil sa isang lihim ng kanilang mga pamilya na maaaring maglagay sa kanya sa panganib. Ngunit ngayong handa na siyang ipaglaban at bawiin ang asawa, baka huli na ang lahat. Dahil habang abala si Adrian sa pagtatago ng tunay niyang nararamdaman, unti-unti namang nahulog ang loob ni Clara kay Nathaniel. Ngayong desperado nang bawiin ni Adrian si Clara at handa na niyang ipakita ang tunay niyang nararamdaman dito. May puwang pa kaya para sa kanya sa puso nito? O baka huli na ang lahat?
Read
Chapter: Chapter 5
CLARANang makapasok ako sa law firm ni kuya Erickson, agad akong dumiretso sa office niya. Hindi na ako nag paalam pa sa receptionist, alam kong sinabi na rin niya sa mga staff na parating ako at papasukin na lang ako anumang oras. Nang makita niya ako, agad siyang napakunot-noo.“Naligaw ka ata, Clara, anong ginagawa mo rito?”Umupo ako sa harap ng mesa niya.“Gusto kong mag-file ng annulment.”Nanatili siyang tahimik, matagal niya akong tinitigan na para bang sinusubukan niyang alamin kung seryoso ba talaga ako. “Sigurado ka ba? Pinag isipan mo na ba iyan?”Tumango ako.“Oo kuya, sigurado na ko and hindi na siya dapat pag isipan pa.”Huminga siya nang malalim at sumandal sa kanyang upuan.“Alam mo namang hindi ganun kadali iyon.”Hindi ako nagsalita.“Naalala mo ba noong inayos ng dalawang pamilya ang kasal ninyo?” patuloy niya. “Nagpalitan ng shares ang pamilya natin at ang pamilya ni Adrian bilang bahagi ng kasunduan.”Tumango ako.“Kapag nag-hiwalay kayo, hindi basta-basta mai
Last Updated: 2026-08-14
Chapter: Chapter 4
CLARABuong gabi ako hindi nakatulog, paulit-ulit lang akong hihiga tapos babangon. Ngunit kahit anong pwesto ang gawin ko, hindi ako mapatahimik ng isip ko. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, bumabalik sa akin ang lahat. Ang pregnancy test, ang babae niyang kamukha ko at higit sa lahat ang malamig nitong boses nang aminin niya ang totoo. You will always be my wife.Dati, baka iyon ang mga salitang pinakaaasam kong marinig. But now, it was just empty words. Sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko namalayan na sumikat na pala ang araw. Kaya naman bumangon na ako mula sa kama. Mugto pa rin ang aking mga mata, pero wala na akong mailuha pa.Marahil ay ubos na ito sa buong gabi kong pag-iyak. Kinuha ko ang bag ko at para lumabas na ng guest room. Pagbukas ko ng pinto, agad akong sinalubong ng isang kasambahay.“Ma'am, pinapatawag na po kayo ni Sir para kumain ng almusal.”Napatingin ako sa kanya.Napangiti ako nang mapait, ngayon pa talaga? Eh kagabi na mismong anniversary namin, hin
Last Updated: 2026-08-14
Chapter: Chapter 3
CLARAMabilis na nagbago ang ekspresyon ni Adrian. Kanina lamang ay parang wala siyang pakialam sa nangyayari, pero nang marinig niya ang sinabi ko, unti-unting nanlamig ang mukha niya. “Anong ibig mong sabihin?”Matalim ang boses niya, hindi ko alam kung bakit parang may biglang dumagan sa dibdib ko nang marinig ko iyon. Sa halip na sagutin ko siya, napatingin ako sa balikat niya. At doon ko nakita ang isang maliit na marka, isang hickey. Halos hindi iyon mapapansin kung hindi titignang mabuti, ngunit mabilis ko itong nakita. At sapat na iyon para tuluyan kong maintindihan kung saan niya iyon nakuha.Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko. Kahit hindi niya pa sabihin ang totoo, nasa harapan ko na mismo ang ebidensya. Ilang oras lang siguro ang nakalipas nang may ibang babaeng dumampi sa balat niya. Habang ako, ang asawa niya, ay naghihintay sa bahay at umaasang maaalala man lang niya ang anniversary namin.Mapait akong napangiti bago ko sinagot ang kanyang tano
Last Updated: 2026-08-14
Chapter: Chapter 2
CLARAMaliwanag na ang araw nang makauwi ako, ni hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay. Ang tanging alam ko lang, buong biyahe ay para akong robot na walang maramdaman. Walang luha, walang galit o miski kahit anong emosyon. Para bang may malaking bahagi ng puso ko na tuluyang namatay nang makita ko ang asawa kong may kasamang ibang babae. Tahimik ang buong bahay, parang walang nangyari. Parang hindi ko lang nalaman na sa tatlong taon naming pagsasama, isa lamang pala akong pansamantala. Ginawa ko buong araw ang mga daily routines ko, mas pinili ko na libangin ang aking sarili kaysa magmukmok. Sa sobrang gulo ng utak ko dahil sa mga tanong na bumabagabag sa akin, nagawa kong linisin ang buong bahay. Hapon na nang matapos ako sa lahat ng gawain, umupo ako sa sofa at tahimik na naghintay. Hindi ko rin alam kung bakit, siguro dahil gusto kong marinig mula mismo sa bibig niya ang katotohanan. Siguro gusto kong makita kung magsisinungaling pa rin siya sa harap ko. O baka sa kab
Last Updated: 2026-08-14
Chapter: Chapter 1
CLARATahimik ang buong silid, tanging tunog ng tubig mula sa banyo ang naririnig ko habang nakaupo ako sa gilid ng kama.Tatlong taon na kaming mag asawa ni Adrian Monteverde, tatlong taon na rin akong umaasa na baka isang araw ay matutunan niya rin akong mahalin. Noon pa man, hindi ko hiniling sa kanya na mahalin niya ako agad. Dahil alam ko naman na kinasal lang kami dahil sa kagustuhan ng pamilya namin. Sa totoo lang, hindi ko inaasahang magiging madali ang pagsasama namin. Pero ang kinagulat ko ay ang bilis ng pagsang-ayon niya. Ni hindi man lang siya tumutol o nagtanong. Parang napakadali lang para sa kanya na pakasalan ako.Noong gabing pinag-usapan namin ang kasal, hindi ko napigilang tanungin siya.“Sigurado ka ba sa akin?”Gamit ang malamig niyang mga mata tumingin lamang siya sa akin.“Wala naman akong dahilan para tumanggi.”Iyon lang ang naging sagot niya at pinili ko na rin na huwag nang magtanong pa. Siguro dahil bata pa ako noon at medyo may pagka-tanga rin. Umasa pa
Last Updated: 2026-08-13
You may also like
El Haciendero
El Haciendero
Romance · MM16
44.6K views
My Tutor is A Billionaire
My Tutor is A Billionaire
Romance · Kaliedox
44.5K views
My Husband's Revenge
My Husband's Revenge
Romance · Moanah
44.5K views
Dela Vega's Surrogate Wife
Dela Vega's Surrogate Wife
Romance · Midnight Nightingale
44.3K views
The Billionaire's Seventh Wife
The Billionaire's Seventh Wife
Romance · SUMMERIASWINTER
44.2K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status