LOGINMaliwanag na ang araw nang makauwi ako, ni hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay. Ang tanging alam ko lang, buong biyahe ay para akong robot na walang maramdaman.
Walang luha, walang galit o miski kahit anong emosyon. Para bang may malaking bahagi ng puso ko na tuluyang namatay nang makita ko ang asawa kong may kasamang ibang babae.
Tahimik ang buong bahay, parang walang nangyari. Parang hindi ko lang nalaman na sa tatlong taon naming pagsasama, isa lamang pala akong pansamantala.
Ginawa ko buong araw ang mga daily routines ko, mas pinili ko na libangin ang aking sarili kaysa magmukmok. Sa sobrang gulo ng utak ko dahil sa mga tanong na bumabagabag sa akin, nagawa kong linisin ang buong bahay.
Hapon na nang matapos ako sa lahat ng gawain, umupo ako sa sofa at tahimik na naghintay. Hindi ko rin alam kung bakit, siguro dahil gusto kong marinig mula mismo sa bibig niya ang katotohanan.
Siguro gusto kong makita kung magsisinungaling pa rin siya sa harap ko. O baka sa kabila ng lahat, may maliit na bahagi pa rin sa akin na umaasang may paliwanag siya.
Ngunit lumipas ang ang isang oras, walang Adrian na dumating.
Dalawang oras, tatlo. Patuloy lang akong nakaupo roon habang unti-unting lumalalim ang gabi. Hanggang sa hindi ko namalayan, mag hahating gabi na. Espesyal sana ang araw na ito, dahil ngayon ang 3rd wedding anniversary namin.
Tatlong taon na pala, tatlong taon mula nang isuot niya sa akin ang singsing. Tatlong taon mula nang manumpa kami bilang mag-asawa. At kahit alam kong hindi niya ako mahal, pinahalagahan ko pa rin ang kasal namin na para bang balang araw ay matututo rin siyang mahalin ako.
Ngunit ngayong gabi, hindi pa siya nakakauwi. Napayuko ako at hindi ko namalayang basa na pala ng luha ang pisngi ko. Mabilis ko iyong pinunasan dahil ayokong umiyak, hindi niya deserve ang mga luha ko.
Tumayo ako at naglakad papunta sa kwarto, hindi ko na kaya pang hintayin siya. Pumasok ako sa banyo at binuksan ang shower, hinayaan kong bumagsak ang malamig na tubig sa katawan ko.
Doon ko na tuluyang hinayaan ang sarili kong umiyak, hindi ko alam kung gaano ako katagal nanatili sa ilalim ng shower. Hindi ko rin alam kung gaano karaming luha ang iniyak ko, kaya naman nang tuluyan akong matapos maligo namumugto na ang mga mata ko.
Nagpatuyo ako ng buhok bago ako lumabas ng banyo, ngunit bigla akong huminto nang may napansin akong nakalagay sa ibabaw ng kama. Isa itong magandang silk na nightdress. Maingat iyong nakalatag sa ibabaw ng kumot, napatingin ako rito at saglit na natigilan.
Para sa akin ba ito?
Napatingin ako sa p***o, baka umuwi na si Adrian hindi ko lang namalayan dahil naliligo ako. Baka anniversary gift niya ito, sa kabila ng lahat ng nalaman ko hindi ko napigilang magkaroon ng kaunting pag-asa.
Agad akong lumapit sa kama, maingat kong hinawakan ang tela. Napakalambot at napakaganda nito, ngunit bago ko pa man tuluyang maiangat ang damit. May napansin akong bagay na nakasingit sa ilalim nito, isang polaroid photo.
Bahagyang kumunot ang noo ko, dahan-dahan ko iyong kinuha. At nang makita ko ang larawan…..
Parang muling gumuho ang mundo ko nang makitang nasa litrato ay ang babaeng kamukha ko. Siya ang nakasuot ng nightdress, na ekstaktong dress na nasa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko, hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatitig sa picture.
Hanggang sa mapansin ko ang nakasulat sa likod nito, maingat kong binaligtad ang Polaroid. Doon ko nabasa ang isang maikling message na lalong kinadurog ko.
“Sorry, sis. He said it looks better on me.”
Nanigas ako, parang biglang nagliyab ang buong katawan ko. Ang sakit pala, unti-unting namuo ang galit sa dibdib ko. Lahat ng emosyon na kanina ko pa pinipigilan ay sabay-sabay na sumabog.
“Napakasama mo...”
Nanginginig ang mga kamay ko, hindi ko alam kung si Adrian ba ang kausap ko o ang babaeng nasa larawan. Agad kong hinablot ang nightdress na nakalatag pa rin sa kama, at bago pa man ako makapag-isip. Mabilis ko itong pinunit gamit ang dalawa kong kamay.
Napunit ang mamahaling tela, isa pang punit at hindi pa rin ako nakuntento ng punitin ko siya ulit. Hanggang sa wala nang natira sa dating magandang bistida kundi mga piraso ng tela sa kamay ko.
Tumulo na naman ang luha ko, pero sa pagkakataong ito hindi na dahil sa sakit. Kundi dahil na sa galit, ibinaba ko ang mga piraso ng damit at sa sandaling iyon…
Bumukas ang p***o, napalingon ako. Nandoon si Adrian, tahimik siyang nakatayo sa may pintuan. Walang bakas ng pagod sa mukha niya at parang ordinaryong gabi lamang ito.
Parang hindi niya ako nagawang pag hintayin sa 3rd anniversary namin o baka sa sobrang busy niya sa babae niya ay hindi niya ito naalala.
Parang wala akong nalaman ngayong gabi, dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Hindi man lang siya nagtanong kung bakit ako umiiyak, kung bakit may wasak na nightdress sa sahig. Sa halip, tumayo siya sa likuran ko at niyakap ako.
Naramdaman ko ang mga braso niya sa paligid ng katawan ko. Matagal ko ng hinihintay ang ganitong yakap niya, ngunit ngayon ay wala akong maramdaman.
Wala akong maramdaman kundi pagkasuklam, paano niya ko nagawang yakapin habang may ibang babae siyang niyayakap? Nang ilapit niya ang kanyang mukha sa akin ay agad akong umiwas. Ngunit hindi siya tumigil, hanggang sa tuluyan niyang tangkaing halikan ako.
Mabilis ko siyang itinulak palayo, napatingin siya sa akin. Sa unang pagkakataon ngayong gabi, may bahid ng pagtataka sa mga mata niya.
“Anong problema?”
Tinitigan ko siya, ang lalaking minahal ko sa loob ng tatlong taon. Ang lalaking inalagaan ko, at ang lalaking pinili kong makasama kahit alam kong hindi niya ako mahal.
Ngayon, bigla kong napagtanto. Wala na pala akong kahit na anong dahilan para manatili pa sa tabi niya. Pinunasan ko ang luha na tumulo sa aking pisngi, huminga ako nang malalim. At sa unang pagkakataon, hindi na ako natatakot sa posibleng sagot niya.
“Adrian.”
Tinitigan ko siya nang diretso sa mga mata. Hindi ako sumigaw, hindi rin ako umiyak at wala ring pagsusumamo. Tanging isang malamig at malinaw na desisyon ang aking binitawan.
“Mag-hiwalay na tayo.”
CLARANang makapasok ako sa law firm ni kuya Erickson, agad akong dumiretso sa office niya. Hindi na ako nag paalam pa sa receptionist, alam kong sinabi na rin niya sa mga staff na parating ako at papasukin na lang ako anumang oras. Nang makita niya ako, agad siyang napakunot-noo.“Naligaw ka ata, Clara, anong ginagawa mo rito?”Umupo ako sa harap ng mesa niya.“Gusto kong mag-file ng annulment.”Nanatili siyang tahimik, matagal niya akong tinitigan na para bang sinusubukan niyang alamin kung seryoso ba talaga ako. “Sigurado ka ba? Pinag isipan mo na ba iyan?”Tumango ako.“Oo kuya, sigurado na ko and hindi na siya dapat pag isipan pa.”Huminga siya nang malalim at sumandal sa kanyang upuan.“Alam mo namang hindi ganun kadali iyon.”Hindi ako nagsalita.“Naalala mo ba noong inayos ng dalawang pamilya ang kasal ninyo?” patuloy niya. “Nagpalitan ng shares ang pamilya natin at ang pamilya ni Adrian bilang bahagi ng kasunduan.”Tumango ako.“Kapag nag-hiwalay kayo, hindi basta-basta mai
CLARABuong gabi ako hindi nakatulog, paulit-ulit lang akong hihiga tapos babangon. Ngunit kahit anong pwesto ang gawin ko, hindi ako mapatahimik ng isip ko. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, bumabalik sa akin ang lahat. Ang pregnancy test, ang babae niyang kamukha ko at higit sa lahat ang malamig nitong boses nang aminin niya ang totoo. You will always be my wife.Dati, baka iyon ang mga salitang pinakaaasam kong marinig. But now, it was just empty words. Sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko namalayan na sumikat na pala ang araw. Kaya naman bumangon na ako mula sa kama. Mugto pa rin ang aking mga mata, pero wala na akong mailuha pa.Marahil ay ubos na ito sa buong gabi kong pag-iyak. Kinuha ko ang bag ko at para lumabas na ng guest room. Pagbukas ko ng pinto, agad akong sinalubong ng isang kasambahay.“Ma'am, pinapatawag na po kayo ni Sir para kumain ng almusal.”Napatingin ako sa kanya.Napangiti ako nang mapait, ngayon pa talaga? Eh kagabi na mismong anniversary namin, hin
CLARAMabilis na nagbago ang ekspresyon ni Adrian. Kanina lamang ay parang wala siyang pakialam sa nangyayari, pero nang marinig niya ang sinabi ko, unti-unting nanlamig ang mukha niya. “Anong ibig mong sabihin?”Matalim ang boses niya, hindi ko alam kung bakit parang may biglang dumagan sa dibdib ko nang marinig ko iyon. Sa halip na sagutin ko siya, napatingin ako sa balikat niya. At doon ko nakita ang isang maliit na marka, isang hickey. Halos hindi iyon mapapansin kung hindi titignang mabuti, ngunit mabilis ko itong nakita. At sapat na iyon para tuluyan kong maintindihan kung saan niya iyon nakuha.Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko. Kahit hindi niya pa sabihin ang totoo, nasa harapan ko na mismo ang ebidensya. Ilang oras lang siguro ang nakalipas nang may ibang babaeng dumampi sa balat niya. Habang ako, ang asawa niya, ay naghihintay sa bahay at umaasang maaalala man lang niya ang anniversary namin.Mapait akong napangiti bago ko sinagot ang kanyang tano
CLARAMaliwanag na ang araw nang makauwi ako, ni hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay. Ang tanging alam ko lang, buong biyahe ay para akong robot na walang maramdaman. Walang luha, walang galit o miski kahit anong emosyon. Para bang may malaking bahagi ng puso ko na tuluyang namatay nang makita ko ang asawa kong may kasamang ibang babae. Tahimik ang buong bahay, parang walang nangyari. Parang hindi ko lang nalaman na sa tatlong taon naming pagsasama, isa lamang pala akong pansamantala. Ginawa ko buong araw ang mga daily routines ko, mas pinili ko na libangin ang aking sarili kaysa magmukmok. Sa sobrang gulo ng utak ko dahil sa mga tanong na bumabagabag sa akin, nagawa kong linisin ang buong bahay. Hapon na nang matapos ako sa lahat ng gawain, umupo ako sa sofa at tahimik na naghintay. Hindi ko rin alam kung bakit, siguro dahil gusto kong marinig mula mismo sa bibig niya ang katotohanan. Siguro gusto kong makita kung magsisinungaling pa rin siya sa harap ko. O baka sa kab
CLARATahimik ang buong silid, tanging tunog ng tubig mula sa banyo ang naririnig ko habang nakaupo ako sa gilid ng kama.Tatlong taon na kaming mag asawa ni Adrian Monteverde, tatlong taon na rin akong umaasa na baka isang araw ay matutunan niya rin akong mahalin. Noon pa man, hindi ko hiniling sa kanya na mahalin niya ako agad. Dahil alam ko naman na kinasal lang kami dahil sa kagustuhan ng pamilya namin. Sa totoo lang, hindi ko inaasahang magiging madali ang pagsasama namin. Pero ang kinagulat ko ay ang bilis ng pagsang-ayon niya. Ni hindi man lang siya tumutol o nagtanong. Parang napakadali lang para sa kanya na pakasalan ako.Noong gabing pinag-usapan namin ang kasal, hindi ko napigilang tanungin siya.“Sigurado ka ba sa akin?”Gamit ang malamig niyang mga mata tumingin lamang siya sa akin.“Wala naman akong dahilan para tumanggi.”Iyon lang ang naging sagot niya at pinili ko na rin na huwag nang magtanong pa. Siguro dahil bata pa ako noon at medyo may pagka-tanga rin. Umasa pa







