LOGINMabilis na nagbago ang ekspresyon ni Adrian. Kanina lamang ay parang wala siyang pakialam sa nangyayari, pero nang marinig niya ang sinabi ko, unti-unting nanlamig ang mukha niya.
“Anong ibig mong sabihin?”
Matalim ang boses niya, hindi ko alam kung bakit parang may biglang dumagan sa dibdib ko nang marinig ko iyon. Sa halip na sagutin ko siya, napatingin ako sa balikat niya. At doon ko nakita ang isang maliit na marka, isang hickey.
Halos hindi iyon mapapansin kung hindi titignang mabuti, ngunit mabilis ko itong nakita. At sapat na iyon para tuluyan kong maintindihan kung saan niya iyon nakuha.
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko. Kahit hindi niya pa sabihin ang totoo, nasa harapan ko na mismo ang ebidensya. Ilang oras lang siguro ang nakalipas nang may ibang babaeng dumampi sa balat niya. Habang ako, ang asawa niya, ay naghihintay sa bahay at umaasang maaalala man lang niya ang anniversary namin.
Mapait akong napangiti bago ko sinagot ang kanyang tanong.“Alam ko nang may babae ka at buntis siya.”
Saglit siyang nanahimik. Inaasahan kong itatanggi niya, inasahan kong sasabihin niyang hindi iyon totoo at umasa akong bibigyan niya ako ng kahit anong dahilan para maniwala sa kanya.
“Yes, she’s pregnant.”
Iyon lang ang sinabi niya.
Napakurap ako. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit, ang katotohanang may nabuntis siyang ibang babae o ang paraan ng pagkakasabi niya nito.
Wala man lang pag-aalinlangan. Ni hindi rin siya nagsinungaling. Parang napakasimple lang para sa kanya na aminin iyon.
“Ganun lang?”
Mahina kong tanong, hindi siya sumagot kaya natawa na lang ako nang bahagya.
“Tatlong taon na tayong kasal, Adrian.”
Tumingin siya sa akin.
“Tatlong taon na ako bilang asawa mo.”
Huminga ako ng malalim bago patuloy na nagsalita.
“Pero ngayon malalaman ko na may iba kang babae? And worse, nabuntis mo pa.”
Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang tapang ko, siguro dahil ubos na ang natitira kong pag-asa.
“Anyway,” dagdag ko, “arranged marriage naman ang kasal natin.”
Pinilit kong huwag manginig ang boses ko.
“Wala naman talagang pagmamahalan sa pagitan natin.”
Bahagyang kumunot ang noo niya.
“Exactly.” malamig ang sagot niya.
“Dahil walang pagmamahalan sa pagitan natin, hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa kanya.”
Napatitig ako sa kanya.
“A-anong hindi ko kailangang mag-alala?”
Tumango siya.
“No matter what happen, you will always be my wife. That is a fact that won’t change.” diretso ang mga mata niyang naka tingin sa akin.
Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko.
My wife?
Ilang beses ko nang pinangarap marinig ang mga salitang iyon mula sa kanya. Kung noon, sapat na sana iyon. Kahit hindi niya ako mahal, basta sabihin niya lang na ako ang asawa niya. Ngunit ngayon, hindi na. Dahil ngayon, alam ko na ang ibig sabihin ng mga salitang iyon.
Hindi niya ako pinipili dahil mahal niya ko, kundi dahil gusto niya akong manatali dahil bahagi ako ng buhay na ayaw na niyang baguhin pa.
Habang ang babaeng mahal niya ay nasa ibang lugar pinagbubuntis ang kanilang magiging anak.
At ako?
Ako ang legal niyang asawa. Ang babaeng tatayo sa harap ng mundo. Ang babaeng may hawak ng apelyido pero hindi ang puso.
Mas masakit palang maging asawa sa papel kapag alam mong ibang babae naman ang laman ng puso ng lalaking pinakasalan mo. Para akong binigyan ng titulo na wala namang tunay na halaga. Ako ang Mrs. Monteverde, pero sa likod ng mga saradong p***o, ako pala ang babaeng kailangang matutong makuntento sa tira.
Umiling ako.
“Hindi.”
Bahagyang nagbago ang ekspresyon niya. “Ano?”
“Hindi ko kayang gawin iyon.”
Napatingin ako sa kanya.
“Hindi ko kayang makihati sa ibang babae, lalo na kung alam ko na ako naman ang tunay na nagmamay-ari.”
Natahimik ang buong silid. “Hindi mo kailangang—”
“Hindi?” Pinutol ko siya.
Napatawa ako nang mahina. Halos puno na ito ng lungkot at galit.
“May asawa ka na, Adrian.”
Tumingin ako sa singsing na nasa daliri ko, tatlong taon ko na itong suot. Tatlong taon kong pinaniwalaan na simbolo ito ng pagmamahalan.
Ngayon, pakiramdam ko isa lamang itong paalala ng pagkakamali ko.
“Pero nagawa mong makabuntis ng ibang babae.”
Unti-unting nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
“Paano mo gustong maniwala akong wala akong dapat ipag-alala?”
Hindi siya sumagot.
At sa pagkakataong iyon, hindi ko na kailangan ng sagot. Dahil alam ko na ang sagot, hindi ko kailangan na hintayin siyang piliin ako. At lalong hindi ko kailangang manatili sa isang kasal na matagal nang walang laman.
Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama. Nanginig ang mga tuhod ko, ngunit pinilit kong manatiling tuwid. Tumingin ako sa paligid ng kwarto, tatlong taon namin itong tinulugan. Dito ako tahimik na umiiyak, dito ako naghihintay sa bawat gabing hindi siya umuuwi. Dito rin ako umaasa na baka isang araw, mahalin niya rin ako.
Pero ngayong gabi, tapos na. Hindi ko na kayang maghintay, hinubad ko ang singsing sa aking daliri. Matagal ko itong tinitigan sa palad ko, napakaraming alaala ang kasama nito.
Ang araw ng kasal namin, ang unang gabi namin bilang mag-asawa. Ang mga taon na ginugol ko sa pagsisikap na maging sapat para sa kanya. At ngayon, isang bagay na lang ang naiwan.
Dahan-dahan kong inilapag ang singsing sa ibabaw ng mesa.
Napatingin si Adrian sa ginawa ko.
“Anong ginagawa mo?”
Hindi ako sumagot agad, huminga ako nang malalim. Pagkatapos ay tumingin ako sa kanya, isang tingin na wala nang takot na makikita sa mga mata ko. Wala nang pag-asa, at wala nang hinihintay.
“Hindi ko kayang matulog dito.”
Kumunot ang noo niya.
“Where will you sleep?”
Napangiti ako nang mapait.
“Sa guest room na lang muna ako.”
Kinuha ko ang mga gamit ko at nagsimulang naglakad palabas ng kwarto.
At sa gabing iyon, sa mismong ikatlong anibersaryo ng kasal namin—pinili kong bitawan na si Adrian Monteverde.
Hindi ko na kaya.
Siguro panahon na para piliin ko naman ang sarili ko.CLARANang makapasok ako sa law firm ni kuya Erickson, agad akong dumiretso sa office niya. Hindi na ako nag paalam pa sa receptionist, alam kong sinabi na rin niya sa mga staff na parating ako at papasukin na lang ako anumang oras. Nang makita niya ako, agad siyang napakunot-noo.“Naligaw ka ata, Clara, anong ginagawa mo rito?”Umupo ako sa harap ng mesa niya.“Gusto kong mag-file ng annulment.”Nanatili siyang tahimik, matagal niya akong tinitigan na para bang sinusubukan niyang alamin kung seryoso ba talaga ako. “Sigurado ka ba? Pinag isipan mo na ba iyan?”Tumango ako.“Oo kuya, sigurado na ko and hindi na siya dapat pag isipan pa.”Huminga siya nang malalim at sumandal sa kanyang upuan.“Alam mo namang hindi ganun kadali iyon.”Hindi ako nagsalita.“Naalala mo ba noong inayos ng dalawang pamilya ang kasal ninyo?” patuloy niya. “Nagpalitan ng shares ang pamilya natin at ang pamilya ni Adrian bilang bahagi ng kasunduan.”Tumango ako.“Kapag nag-hiwalay kayo, hindi basta-basta mai
CLARABuong gabi ako hindi nakatulog, paulit-ulit lang akong hihiga tapos babangon. Ngunit kahit anong pwesto ang gawin ko, hindi ako mapatahimik ng isip ko. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, bumabalik sa akin ang lahat. Ang pregnancy test, ang babae niyang kamukha ko at higit sa lahat ang malamig nitong boses nang aminin niya ang totoo. You will always be my wife.Dati, baka iyon ang mga salitang pinakaaasam kong marinig. But now, it was just empty words. Sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko namalayan na sumikat na pala ang araw. Kaya naman bumangon na ako mula sa kama. Mugto pa rin ang aking mga mata, pero wala na akong mailuha pa.Marahil ay ubos na ito sa buong gabi kong pag-iyak. Kinuha ko ang bag ko at para lumabas na ng guest room. Pagbukas ko ng pinto, agad akong sinalubong ng isang kasambahay.“Ma'am, pinapatawag na po kayo ni Sir para kumain ng almusal.”Napatingin ako sa kanya.Napangiti ako nang mapait, ngayon pa talaga? Eh kagabi na mismong anniversary namin, hin
CLARAMabilis na nagbago ang ekspresyon ni Adrian. Kanina lamang ay parang wala siyang pakialam sa nangyayari, pero nang marinig niya ang sinabi ko, unti-unting nanlamig ang mukha niya. “Anong ibig mong sabihin?”Matalim ang boses niya, hindi ko alam kung bakit parang may biglang dumagan sa dibdib ko nang marinig ko iyon. Sa halip na sagutin ko siya, napatingin ako sa balikat niya. At doon ko nakita ang isang maliit na marka, isang hickey. Halos hindi iyon mapapansin kung hindi titignang mabuti, ngunit mabilis ko itong nakita. At sapat na iyon para tuluyan kong maintindihan kung saan niya iyon nakuha.Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko. Kahit hindi niya pa sabihin ang totoo, nasa harapan ko na mismo ang ebidensya. Ilang oras lang siguro ang nakalipas nang may ibang babaeng dumampi sa balat niya. Habang ako, ang asawa niya, ay naghihintay sa bahay at umaasang maaalala man lang niya ang anniversary namin.Mapait akong napangiti bago ko sinagot ang kanyang tano
CLARAMaliwanag na ang araw nang makauwi ako, ni hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay. Ang tanging alam ko lang, buong biyahe ay para akong robot na walang maramdaman. Walang luha, walang galit o miski kahit anong emosyon. Para bang may malaking bahagi ng puso ko na tuluyang namatay nang makita ko ang asawa kong may kasamang ibang babae. Tahimik ang buong bahay, parang walang nangyari. Parang hindi ko lang nalaman na sa tatlong taon naming pagsasama, isa lamang pala akong pansamantala. Ginawa ko buong araw ang mga daily routines ko, mas pinili ko na libangin ang aking sarili kaysa magmukmok. Sa sobrang gulo ng utak ko dahil sa mga tanong na bumabagabag sa akin, nagawa kong linisin ang buong bahay. Hapon na nang matapos ako sa lahat ng gawain, umupo ako sa sofa at tahimik na naghintay. Hindi ko rin alam kung bakit, siguro dahil gusto kong marinig mula mismo sa bibig niya ang katotohanan. Siguro gusto kong makita kung magsisinungaling pa rin siya sa harap ko. O baka sa kab
CLARATahimik ang buong silid, tanging tunog ng tubig mula sa banyo ang naririnig ko habang nakaupo ako sa gilid ng kama.Tatlong taon na kaming mag asawa ni Adrian Monteverde, tatlong taon na rin akong umaasa na baka isang araw ay matutunan niya rin akong mahalin. Noon pa man, hindi ko hiniling sa kanya na mahalin niya ako agad. Dahil alam ko naman na kinasal lang kami dahil sa kagustuhan ng pamilya namin. Sa totoo lang, hindi ko inaasahang magiging madali ang pagsasama namin. Pero ang kinagulat ko ay ang bilis ng pagsang-ayon niya. Ni hindi man lang siya tumutol o nagtanong. Parang napakadali lang para sa kanya na pakasalan ako.Noong gabing pinag-usapan namin ang kasal, hindi ko napigilang tanungin siya.“Sigurado ka ba sa akin?”Gamit ang malamig niyang mga mata tumingin lamang siya sa akin.“Wala naman akong dahilan para tumanggi.”Iyon lang ang naging sagot niya at pinili ko na rin na huwag nang magtanong pa. Siguro dahil bata pa ako noon at medyo may pagka-tanga rin. Umasa pa







