Share

Chapter 5

Author: Nepthalie
last update publish date: 2026-08-14 05:43:10

CLARA

Nang makapasok ako sa law firm ni kuya Erickson, agad akong dumiretso sa office niya. Hindi na ako nag paalam pa sa receptionist, alam kong sinabi na rin niya sa mga staff na parating ako at papasukin na lang ako anumang oras. 

Nang makita niya ako, agad siyang napakunot-noo.

“Naligaw ka ata, Clara, anong ginagawa mo rito?”

Umupo ako sa harap ng mesa niya.

“Gusto kong mag-file ng annulment.”

Nanatili siyang tahimik, matagal niya akong tinitigan na para bang sinusubukan niyang alamin kung seryoso ba talaga ako. 

“Sigurado ka ba? Pinag isipan mo na ba iyan?”

Tumango ako.

“Oo kuya, sigurado na ko and hindi na siya dapat pag isipan pa.”

Huminga siya nang malalim at sumandal sa kanyang upuan.

“Alam mo namang hindi ganun kadali iyon.”

Hindi ako nagsalita.

“Naalala mo ba noong inayos ng dalawang pamilya ang kasal ninyo?” patuloy niya. “Nagpalitan ng shares ang pamilya natin at ang pamilya ni Adrian bilang bahagi ng kasunduan.”

Tumango ako.

“Kapag nag-hiwalay kayo, hindi basta-basta maibabalik ang mga iyon,” dugtong pa niya.

“Alam ko naman iyon eh.”

“Hindi lang ito tungkol sa emosyon mo, Clara.”

Matalino ang kuya ko, alam kong alam niyang kapag nagsalita na ako tungkol sa hiwalayan. Hindi na lang ito simpleng away mag-asawa.

“Kapag ipinilit mo ito, maaaring magkaroon ng problema sa mga shares. Maaaring tumagal ang proseso. At hindi natin alam kung papayag ang mga Monteverde.”

Napayuko ako sandali, alam kong tama siya. Hindi simple ang kasal namin, hindi lang ito basta-bastang arrange marriage. May mga kasunduang kailangang isaalang-alang at may mga shares sa negosyo na kailangang ingatan. 

Pero sa pagkakataong ito, ayoko nang umatras. Tumingin ako ng diretso kay Kuya Erickson, isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago nagsalita.

“Kung tutulungan niya ako?”

Natigilan ang kuya ko. “Si Adrian? Talaga?”

Tumango ako.

“Kung tutulungan niya ako, hindi ba magiging mas madali?”

Ilang segundo siyang hindi nagsalita. Pagkatapos ay bahagya siyang napangiti. 

“Hindi ko akalaing nakita mo na siya.”

Napakunot-noo ako. “Sino?”

Tumayo siya mula sa kanyang upuan.

“Sumama ka sa akin.”

Hindi ko na siya tinanong, tahimik akong sumunod habang naglalakad kami sa mahabang hallway ng building. Huminto kami sa isang malaking pintuan, kumatok siya ng dalawang beses bago ito binuksan. 

Pagpasok ko, agad akong natigilan. Malawak ang office na ito, simple ngunit elegante ang buong kwarto. May malaking bookshelf sa isang gilid, malalaking bintana at isang malawak na mesa sa gitna. 

At sa likod nito ay may isang lalaki, nang mapatingin siya sa amin bigla akong napahinto. Matagal na rin mula nang huli ko siyang nakita, pero kahit ilang taon na ang lumipas nakilala ko pa rin siya.

Si Nathaniel Reyes, kaibigan siya ni Kuya noong nag aaral pa lang sila. Noon pa man, kapansin-pansin na ang mukha niya.

Pero ngayon…

Mas lalo siyang nagmukhang kahanga-hanga, mas mature at mas seryoso na ang kanyang aura. 

Kamakailan lamang siyang bumalik mula sa ibang bansa matapos ang ilang taong pag-aaral roon. At ayon sa mga naririnig ko, isa na siya ngayon sa mga hinahangaang batang abogado sa kanilang larangan.

Hindi ko alam kung bakit biglang naging awkward ang pakiramdam ko. Marahil dahil hindi ko inaasahang makikita ko siya rito o baka dahil sa sitwasyon ko ngayon.

“Long time no see,” bati niya.

Bahagya akong tumango. “Hi.”

Lumapit ang kuya ko sa mesa.

“Kailangan niya ng tulong mo, Nathaniel,” sambit ni kuya.

Napatingin sa akin si Nathaniel.

“Let me guess, annulment?”

Diretso ang tanong niya.

Tumango ako. “Y-yes.”

Hindi ko na hinintay na tanungin pa niya kung bakit. Lumapit na ko sa mesa at naupo sa kabilang bahagi nito.

“I need to file for annulment, I am hoping that you can help me.”

Hindi siya agad sumagot. Sa halip, inilahad ko sa mesa ang cellphone ko.

Binuksan ko ang mga litrato na kinuha ko sa labas ng bahay kung saan ko nakita si Adrian at ang babae niya. Ang mga picture ay malinaw na nagpapakitang makasama sila.

Maingat na kinuha ni Nathaniel ang cellphone. Isa-isa niyang tiningnan ang mga larawan. Hindi nagbago ang ekspresyon niya sa unang ilang litrato. Ngunit nang makarating siya sa larawan ng babae, bahagyang kumunot ang noo niya.

Mas matagal niyang tinitigan iyon, pagkatapos ay muli niyang tiningnan ang picture.

“It’s not enough to simply have a picture of them together. As for the pregnancy test, you’re not even sure that your husband is the father of her baby. So, legally speaking, it’s still a pretty weak ground for annulment.” 

“Then tell me what it takes to make this marriage disappear. I don’t care how much it costs, how long it takes, or what I have to endure. I’m done being his wife.” 

“Okay. If you’re really determined, then I’ll help you. We’ll gather more evidence and find stronger grounds for the annulment. But for now, tama na muna. Kumain ka na ba? Ako kasi, hindi pa. Come on, let’s grab something to eat. We can talk about your annulment while we eat.” 

“Okay,” pumayag ako. “Kain na tayo.”

Sabay kaming lumabas ng law firm. Habang naglalakad, bigla kong naramdaman na parang may nakatingin sa amin.

Napalingon ako, pero wala naman akong nakitang kahina-hinala. Isinawalang-bahala ko na lang iyon at nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi ko alam na sa hindi kalayuan, may isang taong palihim na kumukuha ng litrato namin.Hindi ko alam na ang simpleng sandaling iyon ay may kapalit na problemang hindi ko inaasahan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Cold Billionaire Husband Wants Me Back   Chapter 5

    CLARANang makapasok ako sa law firm ni kuya Erickson, agad akong dumiretso sa office niya. Hindi na ako nag paalam pa sa receptionist, alam kong sinabi na rin niya sa mga staff na parating ako at papasukin na lang ako anumang oras. Nang makita niya ako, agad siyang napakunot-noo.“Naligaw ka ata, Clara, anong ginagawa mo rito?”Umupo ako sa harap ng mesa niya.“Gusto kong mag-file ng annulment.”Nanatili siyang tahimik, matagal niya akong tinitigan na para bang sinusubukan niyang alamin kung seryoso ba talaga ako. “Sigurado ka ba? Pinag isipan mo na ba iyan?”Tumango ako.“Oo kuya, sigurado na ko and hindi na siya dapat pag isipan pa.”Huminga siya nang malalim at sumandal sa kanyang upuan.“Alam mo namang hindi ganun kadali iyon.”Hindi ako nagsalita.“Naalala mo ba noong inayos ng dalawang pamilya ang kasal ninyo?” patuloy niya. “Nagpalitan ng shares ang pamilya natin at ang pamilya ni Adrian bilang bahagi ng kasunduan.”Tumango ako.“Kapag nag-hiwalay kayo, hindi basta-basta mai

  • My Cold Billionaire Husband Wants Me Back   Chapter 4

    CLARABuong gabi ako hindi nakatulog, paulit-ulit lang akong hihiga tapos babangon. Ngunit kahit anong pwesto ang gawin ko, hindi ako mapatahimik ng isip ko. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, bumabalik sa akin ang lahat. Ang pregnancy test, ang babae niyang kamukha ko at higit sa lahat ang malamig nitong boses nang aminin niya ang totoo. You will always be my wife.Dati, baka iyon ang mga salitang pinakaaasam kong marinig. But now, it was just empty words. Sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko namalayan na sumikat na pala ang araw. Kaya naman bumangon na ako mula sa kama. Mugto pa rin ang aking mga mata, pero wala na akong mailuha pa.Marahil ay ubos na ito sa buong gabi kong pag-iyak. Kinuha ko ang bag ko at para lumabas na ng guest room. Pagbukas ko ng pinto, agad akong sinalubong ng isang kasambahay.“Ma'am, pinapatawag na po kayo ni Sir para kumain ng almusal.”Napatingin ako sa kanya.Napangiti ako nang mapait, ngayon pa talaga? Eh kagabi na mismong anniversary namin, hin

  • My Cold Billionaire Husband Wants Me Back   Chapter 3

    CLARAMabilis na nagbago ang ekspresyon ni Adrian. Kanina lamang ay parang wala siyang pakialam sa nangyayari, pero nang marinig niya ang sinabi ko, unti-unting nanlamig ang mukha niya. “Anong ibig mong sabihin?”Matalim ang boses niya, hindi ko alam kung bakit parang may biglang dumagan sa dibdib ko nang marinig ko iyon. Sa halip na sagutin ko siya, napatingin ako sa balikat niya. At doon ko nakita ang isang maliit na marka, isang hickey. Halos hindi iyon mapapansin kung hindi titignang mabuti, ngunit mabilis ko itong nakita. At sapat na iyon para tuluyan kong maintindihan kung saan niya iyon nakuha.Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko. Kahit hindi niya pa sabihin ang totoo, nasa harapan ko na mismo ang ebidensya. Ilang oras lang siguro ang nakalipas nang may ibang babaeng dumampi sa balat niya. Habang ako, ang asawa niya, ay naghihintay sa bahay at umaasang maaalala man lang niya ang anniversary namin.Mapait akong napangiti bago ko sinagot ang kanyang tano

  • My Cold Billionaire Husband Wants Me Back   Chapter 2

    CLARAMaliwanag na ang araw nang makauwi ako, ni hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay. Ang tanging alam ko lang, buong biyahe ay para akong robot na walang maramdaman. Walang luha, walang galit o miski kahit anong emosyon. Para bang may malaking bahagi ng puso ko na tuluyang namatay nang makita ko ang asawa kong may kasamang ibang babae. Tahimik ang buong bahay, parang walang nangyari. Parang hindi ko lang nalaman na sa tatlong taon naming pagsasama, isa lamang pala akong pansamantala. Ginawa ko buong araw ang mga daily routines ko, mas pinili ko na libangin ang aking sarili kaysa magmukmok. Sa sobrang gulo ng utak ko dahil sa mga tanong na bumabagabag sa akin, nagawa kong linisin ang buong bahay. Hapon na nang matapos ako sa lahat ng gawain, umupo ako sa sofa at tahimik na naghintay. Hindi ko rin alam kung bakit, siguro dahil gusto kong marinig mula mismo sa bibig niya ang katotohanan. Siguro gusto kong makita kung magsisinungaling pa rin siya sa harap ko. O baka sa kab

  • My Cold Billionaire Husband Wants Me Back   Chapter 1

    CLARATahimik ang buong silid, tanging tunog ng tubig mula sa banyo ang naririnig ko habang nakaupo ako sa gilid ng kama.Tatlong taon na kaming mag asawa ni Adrian Monteverde, tatlong taon na rin akong umaasa na baka isang araw ay matutunan niya rin akong mahalin. Noon pa man, hindi ko hiniling sa kanya na mahalin niya ako agad. Dahil alam ko naman na kinasal lang kami dahil sa kagustuhan ng pamilya namin. Sa totoo lang, hindi ko inaasahang magiging madali ang pagsasama namin. Pero ang kinagulat ko ay ang bilis ng pagsang-ayon niya. Ni hindi man lang siya tumutol o nagtanong. Parang napakadali lang para sa kanya na pakasalan ako.Noong gabing pinag-usapan namin ang kasal, hindi ko napigilang tanungin siya.“Sigurado ka ba sa akin?”Gamit ang malamig niyang mga mata tumingin lamang siya sa akin.“Wala naman akong dahilan para tumanggi.”Iyon lang ang naging sagot niya at pinili ko na rin na huwag nang magtanong pa. Siguro dahil bata pa ako noon at medyo may pagka-tanga rin. Umasa pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status