Share

Chapter 4

Author: Nepthalie
last update publish date: 2026-08-14 05:42:51

CLARA

Buong gabi ako hindi nakatulog, paulit-ulit lang akong hihiga tapos babangon. Ngunit kahit anong pwesto ang gawin ko, hindi ako mapatahimik ng isip ko. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, bumabalik sa akin ang lahat. 

Ang pregnancy test, ang babae niyang kamukha ko at higit sa lahat ang malamig nitong boses nang aminin niya ang totoo. 

You will always be my wife.

Dati, baka iyon ang mga salitang pinakaaasam kong marinig. But now, it was just empty words. Sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko namalayan na sumikat na pala ang araw. Kaya naman bumangon na ako mula sa kama. Mugto pa rin ang aking mga mata, pero wala na akong mailuha pa.

Marahil ay ubos na ito sa buong gabi kong pag-iyak. Kinuha ko ang bag ko at para lumabas na ng guest room. Pagbukas ko ng p***o, agad akong sinalubong ng isang kasambahay.

“Ma'am, pinapatawag na po kayo ni Sir para kumain ng almusal.”

Napatingin ako sa kanya.

Napangiti ako nang mapait, ngayon pa talaga? Eh kagabi na mismong anniversary namin, hinayaan niya akong kumain mag isa. Tapos ngayon, bigla niya akong gustong makasabay kumain?

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis.

“Sabihin mo sa kanya, wala akong gana.”

“Pero Ma'am, sinabi po ni Sir na hihintayin niya kayo.”

Saglit akong natahimik, sa huli ay naglakad na rin ako patungo sa dining area. Hindi dahil gusto kong makasama siya. Gusto ko lang malaman kung ano pa ba ang gusto niyang sabihin. Pagdating ko sa dining room, nakita ko siyang nakaupo sa dulo ng lamesa. 

Mukhang may video conference siya dahil nakaharap sa kanya ang laptop niya. Hindi man lang niya napansin na nakarating na ako, umupo ako sa kabilang dulo ng mesa. 

Tahimik akong naghintay na matapos ang kanyang ginagawa. Maya-maya, narinig ko ang mga boses mula sa laptop. Business meeting nga, hindi ko na iyon pinansin.

Sa halip, sinubukan kong kumain kahit wala akong gana. Ilang minuto ang lumipas bago ko napansing nakabukas ang camera niya, kaya mabilis akong umiwas ng tingin. 

Hindi ko gustong makita ako ng mga taong kausap niya, ang kasal namin dalawa ay hindi alam ng nakararami. Dahil sa arranged marriage lamang ito ng aming pamilya, sadyang pinanatili itong pribado. 

Tanging iilan lang sa aming malalapit na kamag-anak at kaibigan ang nakakaalam nito. Ayoko ring may makaalam sa kung ano ang nangyayari ngayon sa pagitan namin.

Hindi dahil gusto kong protektahan ang pangalan ni Adrian, kundi dahil ayoko makarinig ng mga tanong. At mas lalong ayoko na kaawaan lang nila ako, hindi rin nagtagal ay natapos na ang kanyang meeting. 

Isinara ni Adrian ang laptop, at ang unang lumabas sa kanyang mga bibig ay hindi tungkol sa akin. Hindi rin tungkol sa aming dalawa at lalong hindi tungkol sa nangyari kagabi. 

“Don’t you dare tell them na makikipaghiwalay ka na sa akin.”

Napatingin ako sa kanya. “A-anong sabi mo?”

Malamig ang mukha niya.

“Kapag kumalat ang balitang gusto mo akong hiwalayan, masisira ang reputasyon niya.”

Parang may kung anong humampas sa akin, napangiti ako nang mapait. Syempre, siya na naman. Sa pagkakataong ito, hindi ko na kailangan pa itanong o hulaan kung sino ang tinutukoy niya. 

Dahil alam ko naman na ang sagot, walang iba kundi ang babae niya. Ang babaeng nagdadala ng kanyang magiging anak. Hindi man lang niya naisip kung ano ang nararamdaman ko, ang tanging iniisip lang niya ay kung paano protektahan ang reputasyon ng babae niya.

“Talaga ba Adrian?”

Hindi ko napigilang itanong.

“Siya pa rin ang iniisip mo?”

“Hindi ito tungkol sa kung sino ang iniisip ko.”

“Really? Huwag mo naman ako lalo gawing tanga”

Napatawa ako nang mahina.

“Dahil sa lahat ng bagay na pwedeng pag-usapan natin ngayong umaga, ang una mong sinabi sa akin ay huwag kong sabihin sa iba ang tungkol sa paghihiwalay natin dahil masisira ang reputasyon niya.”

Hindi siya sumagot.

Sa halip, malamig niyang sinabi,

“This is my fault, not hers.”

Tinitigan ko siya.

“Hindi mo siya kailangan idamay dito, Clara. Ang mommy niya ang may pinakamalaking overseas shareholder ng kompanya ko. Matuto ka naman magbigay ng kaunting consideration.”

Napakunot ang noo ko, hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak. Kahit sa sandaling nasisira na ang pagsasama namin, nagagawa pa rin niyang iparamdam sa akin na ako ang kailangang umintindi. 

Ako ang kailangang magparaya at ako ang kailangang manahimik. Bakit? Dahil mapera at maimpluwensya ang pamilya ng babae niya?

Samantalang ako, ano lang nga ba ako? Ako lang naman ang legal na asawa eh, pero ako ang babaeng tinatago.

Huminga ako nang malalim. “Konsiderasyon? Talaga, Adrian?”

Tumayo ako mula sa upuan, tinitigan ko siya nang diretso.

“Hindi ka naman nagkaroon niyan, anong karapatan mong hingin sa akin ang isang bagay na hindi mo nagawang ibigay?”

Bahagyang nagbago ang ekspresyon niya, pero wala na akong pakialam. Agad kong kinuha ang bag ko at tumalikod.

“Huwag ka mag-alala hindi ko sisirain ang reputasyon niya,” dagdag ko.

Huminto ako sandali.

“Pero hindi ko kayang manatiling asawa mo para lang protektahan siya.”

Hindi ko na hinintay ang maaari niyang isagot, mabilis akong lumabas ng bahay. 

Sa unang pagkakataon, hindi ko naramdaman ang pangambang iwan ang bahay na ito.

Sa halip, may kakaibang gaan sa dibdib ko. Hindi na dahil hindi na ko nasasaktan, ramdam ko pa rin ang sakit. Pero sa wakas, alam ko na kung ano ang kailangan kong gawin. 

Kailangan kong tapusin ang kasal namin at kailangan kong gawin iyon sa lalong madaling panahon. Sumakay ako sa sasakyan at agad na pinaandar ang makina, may isang lugar akong kailangan na mapuntahan. 

Kung gusto kong matapos ang lahat nang maayos, kailangan ko ng taong marunong humawak sa batas. At alam kong walang ibang taong mas mapagkakatiwalaan ko kaysa sa kapatid ko.

Diretso akong nagmaneho papunta sa law firm niya. Habang papalapit ako sa gusali, mas lalong bumibigat ang dibdib ko.

Pagkaparada ko, agad akong bumaba ng sasakyan. Tumingala ako sa malaking gusaling nasa harapan ko. Huminga ako nang malalim.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Cold Billionaire Husband Wants Me Back   Chapter 5

    CLARANang makapasok ako sa law firm ni kuya Erickson, agad akong dumiretso sa office niya. Hindi na ako nag paalam pa sa receptionist, alam kong sinabi na rin niya sa mga staff na parating ako at papasukin na lang ako anumang oras. Nang makita niya ako, agad siyang napakunot-noo.“Naligaw ka ata, Clara, anong ginagawa mo rito?”Umupo ako sa harap ng mesa niya.“Gusto kong mag-file ng annulment.”Nanatili siyang tahimik, matagal niya akong tinitigan na para bang sinusubukan niyang alamin kung seryoso ba talaga ako. “Sigurado ka ba? Pinag isipan mo na ba iyan?”Tumango ako.“Oo kuya, sigurado na ko and hindi na siya dapat pag isipan pa.”Huminga siya nang malalim at sumandal sa kanyang upuan.“Alam mo namang hindi ganun kadali iyon.”Hindi ako nagsalita.“Naalala mo ba noong inayos ng dalawang pamilya ang kasal ninyo?” patuloy niya. “Nagpalitan ng shares ang pamilya natin at ang pamilya ni Adrian bilang bahagi ng kasunduan.”Tumango ako.“Kapag nag-hiwalay kayo, hindi basta-basta mai

  • My Cold Billionaire Husband Wants Me Back   Chapter 4

    CLARABuong gabi ako hindi nakatulog, paulit-ulit lang akong hihiga tapos babangon. Ngunit kahit anong pwesto ang gawin ko, hindi ako mapatahimik ng isip ko. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, bumabalik sa akin ang lahat. Ang pregnancy test, ang babae niyang kamukha ko at higit sa lahat ang malamig nitong boses nang aminin niya ang totoo. You will always be my wife.Dati, baka iyon ang mga salitang pinakaaasam kong marinig. But now, it was just empty words. Sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko namalayan na sumikat na pala ang araw. Kaya naman bumangon na ako mula sa kama. Mugto pa rin ang aking mga mata, pero wala na akong mailuha pa.Marahil ay ubos na ito sa buong gabi kong pag-iyak. Kinuha ko ang bag ko at para lumabas na ng guest room. Pagbukas ko ng pinto, agad akong sinalubong ng isang kasambahay.“Ma'am, pinapatawag na po kayo ni Sir para kumain ng almusal.”Napatingin ako sa kanya.Napangiti ako nang mapait, ngayon pa talaga? Eh kagabi na mismong anniversary namin, hin

  • My Cold Billionaire Husband Wants Me Back   Chapter 3

    CLARAMabilis na nagbago ang ekspresyon ni Adrian. Kanina lamang ay parang wala siyang pakialam sa nangyayari, pero nang marinig niya ang sinabi ko, unti-unting nanlamig ang mukha niya. “Anong ibig mong sabihin?”Matalim ang boses niya, hindi ko alam kung bakit parang may biglang dumagan sa dibdib ko nang marinig ko iyon. Sa halip na sagutin ko siya, napatingin ako sa balikat niya. At doon ko nakita ang isang maliit na marka, isang hickey. Halos hindi iyon mapapansin kung hindi titignang mabuti, ngunit mabilis ko itong nakita. At sapat na iyon para tuluyan kong maintindihan kung saan niya iyon nakuha.Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko. Kahit hindi niya pa sabihin ang totoo, nasa harapan ko na mismo ang ebidensya. Ilang oras lang siguro ang nakalipas nang may ibang babaeng dumampi sa balat niya. Habang ako, ang asawa niya, ay naghihintay sa bahay at umaasang maaalala man lang niya ang anniversary namin.Mapait akong napangiti bago ko sinagot ang kanyang tano

  • My Cold Billionaire Husband Wants Me Back   Chapter 2

    CLARAMaliwanag na ang araw nang makauwi ako, ni hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay. Ang tanging alam ko lang, buong biyahe ay para akong robot na walang maramdaman. Walang luha, walang galit o miski kahit anong emosyon. Para bang may malaking bahagi ng puso ko na tuluyang namatay nang makita ko ang asawa kong may kasamang ibang babae. Tahimik ang buong bahay, parang walang nangyari. Parang hindi ko lang nalaman na sa tatlong taon naming pagsasama, isa lamang pala akong pansamantala. Ginawa ko buong araw ang mga daily routines ko, mas pinili ko na libangin ang aking sarili kaysa magmukmok. Sa sobrang gulo ng utak ko dahil sa mga tanong na bumabagabag sa akin, nagawa kong linisin ang buong bahay. Hapon na nang matapos ako sa lahat ng gawain, umupo ako sa sofa at tahimik na naghintay. Hindi ko rin alam kung bakit, siguro dahil gusto kong marinig mula mismo sa bibig niya ang katotohanan. Siguro gusto kong makita kung magsisinungaling pa rin siya sa harap ko. O baka sa kab

  • My Cold Billionaire Husband Wants Me Back   Chapter 1

    CLARATahimik ang buong silid, tanging tunog ng tubig mula sa banyo ang naririnig ko habang nakaupo ako sa gilid ng kama.Tatlong taon na kaming mag asawa ni Adrian Monteverde, tatlong taon na rin akong umaasa na baka isang araw ay matutunan niya rin akong mahalin. Noon pa man, hindi ko hiniling sa kanya na mahalin niya ako agad. Dahil alam ko naman na kinasal lang kami dahil sa kagustuhan ng pamilya namin. Sa totoo lang, hindi ko inaasahang magiging madali ang pagsasama namin. Pero ang kinagulat ko ay ang bilis ng pagsang-ayon niya. Ni hindi man lang siya tumutol o nagtanong. Parang napakadali lang para sa kanya na pakasalan ako.Noong gabing pinag-usapan namin ang kasal, hindi ko napigilang tanungin siya.“Sigurado ka ba sa akin?”Gamit ang malamig niyang mga mata tumingin lamang siya sa akin.“Wala naman akong dahilan para tumanggi.”Iyon lang ang naging sagot niya at pinili ko na rin na huwag nang magtanong pa. Siguro dahil bata pa ako noon at medyo may pagka-tanga rin. Umasa pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status