
Secret Baby with the Cold-Hearted CEO
Sebastian Zamora is a ruthless, cold-hearted CEO. Feared by his employees and respected by his competitors, he has always believed that emotions are nothing but a weakness.
Until Madhel Madrigal becomes his secretary.
She was only supposed to work for him, follow his orders, and stay out of his way. Pero mula sa unang araw pa lang, alam na ni Sebastian na magiging problema ang bagong sekretarya.
Madhel is stubborn, outspoken, and completely unafraid to challenge him. Ibang iba si Madhel sa mga nauna niyang sekretarya. Sa halip na matakot sa malamig niyang ugali at matalim na pananalita, palagi nitong nasusubok ang pasensya niya sa paraang walang ibang taong nagawa.
What started as constant arguments slowly turns into something neither of them expected.
Hanggang sa isang gabi, sa gitna ng kanilang galit, nangyari ang isang bagay na pareho nilang pinagsisihan kinabukasan.
Pero ilang linggo matapos malaman ni Madhel na buntis siya, nagdesisyon siya na umalis sa mundo ni Sebastian bago pa nito malaman ang katotohanan.
Limang taon ang lumipas, muling nagbalik si Madhel.
Pero hindi na siya nag-iisa.
Kasama niya ang isang batang lalaki na may mga matang pamilyar kay Sebastian.
A child he never knew existed.
At nang makita ni Sebastian ang bata sa unang pagkakataon, isang bagay ang agad niyang napansin...pareho sila ng mga mata.
Five years ago, Madhel walked away from Sebastian without telling him the truth.
Now, she has returned with that one SECRET that could change everything for the COLD-HEARTED CEO.
قراءة
Chapter: CHAPTER 5: You're Coming With MeMADHEL,Habang naglalakad ako papunta sa opisina ni Sir Sebastian, paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang mga sinabi ni Luna kanina sa cafeteria.Huwag magpa-cute. Huwag siyang hahawakan. Kapag sinabi niyang no, it means no. Kapag sinabi niyang leave, leave. At bawal sumagot nang pabalang.Napahinto ako sa tapat ng elevator at napabuntong-hininga.“Okay, Madhel. Kaya mo 'to.” Huminga ako nang malalim at inayos ang blouse ko.Pagdating ko sa executive floor, mabilis akong naglakad papunta sa opisina niya.Hindi muna ako kumatok sa pinto. Nanatili muna ako sa labas.At dahil ayaw kong magkaroon ng panibagong dahilan para tanggalin niya ako, gumawa ako ng mental checklist sa utak ko.One, don't call him dinosaur.Two, don't touch him.Three, don't say anything stupid.Four, don't make unnecessary jokes.Five, keep my mouth shut.Pero mukhang mahihirapan yata ako sa number five. Minsan kasi bida-bida ang bibig ko at may sarili itong desisyon.Napabuntong-hininga ako habang nasa tapat ng ma
آخر تحديث: 2026-08-25
Chapter: CHAPTER 4: He Hate The MostMADHEL,Lunch break na, pero imbes na makaramdam ako ng ginhawa dahil nakaligtas ako sa unang kalahati ng araw ko bilang secretary, mas lalo lang akong nainis habang nakaupo sa cafeteria kasama ang kaibigan kong si Luna.Si Luna ang nag-recruit sa akin para mag-apply dito sa kompanya. HR siya rito, kaya nang sabihin niyang may hiring ng secretary at malaki ang sahod, hindi na ako nagdalawang-isip na magpasa ng application at resume.Binigyan niya pa ako ng tips kung paano ko raw makukuha ang trabaho.At dahil desperado talaga akong magkaroon ng bagong trabaho, sineryoso ko ang lahat ng sinabi niya.Pinag-aralan ko ang background ng kompanya. Minemorize ko ang mission at vision. Binasa ko ang mga core values.Pinag-aralan ko rin ang organizational structure ng kumpanya para alam ko kung sino ang mga taong kailangan kong kausapin at kung kanino ako dapat maging professional.At dahil sinabi ni Luna na malaking advantage kung alam ko kung sino ang mga department head, minemorize ko rin a
آخر تحديث: 2026-08-25
Chapter: CHAPTER 3: Private RestroomMADHEL,Dahil hindi ko na talaga kayang magpigil kaya halos isuksok ko na sa dibdib niya ang tasa ng kape.“Here, sir. 'Yong kape niyo po."He instinctively took the cup from my hand. Maging siya parang nagpa-panic na rin.Kahit na natatae na ako, parang gusto kong matawa sa reaksyon ng mukha niya. Halatang tuliro siya at hindi pa rin makapaniwala sa bilis ng pagbabago ng sitwasyon. Kanina, iniisip niyang àssâssin ako. Ngayon, mukhang mas iniisip niya ang desperasyon kong makapunta sa CR.“Sir, saan po ang CR?”Bahagyang kumunot ang noo niya. “Restroom?”“Yes, sir. The restroom. CR. Toilet. Banyo. Whatever you want to call it. Saan po?”Parang ilang segundo pa niyang kailangang iproseso ang tanong ko bago siya tuluyang nakasagot. “At the end of the hallway. Second door on the left.”Napatingin ako sa direksyong itinuro niya. End of the hallway!? Sa estado ng tiyan ko, mukhang hindi na ako aabot doon.Napatingin ako sa loob ng opisina niya, at saka ko napansin ang isang pinto sa gil
آخر تحديث: 2026-08-25
Chapter: CHAPTER 2: Pinaglihi sa DINOSAURMADHEL POV:Gusto kong ipanalangin na sana biglang magkaroon ng earthquake drill para naman makatakbo agad ako palabas ng building. Bakit naman kasi lahat ng pwedeng lumabas sa bibig ko, bakit 'yun pa?!"You’re the first secretary who’s ever had the audacity to insult me directly.”"Wala naman po akong sinabi na pang-iinsulto sa'yo sir. Baka mali lang po kayo ng rinig.” Kung may best actress lang ang maang-maangan, malamang ako na yon."Don't play dumb with me, Miss. I clearly heard you just called me a dinosaur.” Humakbang siya palapit. Dahil nasa 6'3 ft ata ang tangkad niya, parang biglang nagdilim ang paligid ko nang tumapat siya sa harap ko. Halos tumabon sa akin ang anino niya, kaya napilitan akong bahagyang iangat ang mukha ko para lang makita ang expression niya.At base sa itsura niya, mukhang wala siyang balak maniwala sa kahit anong sasabihin ko.Napakagat ako sa ibabang labi habang pilit na naghahanap ng matinong sagot. "Sir, I think you misunderstood me. Ang ibig ko lang
آخر تحديث: 2026-08-25
Chapter: CHAPTER 1: NEW SECRETARYMHADEL POV: “Six billion pesos?! How the hell did you manage to screw up a financial report with a ₱6 billion discrepancy?!"Muntik ko nang matapon sa dibdib ko ang hawak kong black coffee nang biglang umalingawngaw ang boses ng CEO mula sa loob ng kanyang opisina.I adjusted my grip on the coffee cup and took a small step back. Para sana sa kanya ang kape na dala ko. Pero sa narinig kong sigaw niya, parang napako ang mga paa ko sa sahig. Nagdadalawang-isip na tuloy ako kung papasok pa ba ako o hindi na. But judging from the tone of his voice, mukhang hindi magandang timing kung papasok ako.Napatingin ako sa hawak kong kape bago muling bumaling sa bahagyang nakaawang na pinto. Nakita ko ang dalawang taong nakatayo sa loob ng opisina. Si Mr. Reyes, ang head ng Finance Department, kasama ang accounting head na si Ms. Villanueva. May meeting ata sila tungkol sa quarterly financial report, pero sa lakas ng boses niya, parang hindi na 'yon meeting. It sounded more like a public execution
آخر تحديث: 2026-08-25