مشاركة

CHAPTER 4: He Hate The Most

مؤلف: madizone
last update تاريخ النشر: 2026-08-25 07:52:27

MADHEL,

Lunch break na, pero imbes na makaramdam ako ng ginhawa dahil nakaligtas ako sa unang kalahati ng araw ko bilang secretary, mas lalo lang akong nainis habang nakaupo sa cafeteria kasama ang kaibigan kong si Luna.

Si Luna ang nag-recruit sa akin para mag-apply dito sa kompanya. HR siya rito, kaya nang sabihin niyang may hiring ng secretary at malaki ang sahod, hindi na ako nagdalawang-isip na magpasa ng application at resume.

Binigyan niya pa ako ng tips kung paano ko raw makukuha ang trabaho.

At dahil desperado talaga akong magkaroon ng bagong trabaho, sineryoso ko ang lahat ng sinabi niya.

Pinag-aralan ko ang background ng kompanya. Minemorize ko ang mission at vision. Binasa ko ang mga core values.

Pinag-aralan ko rin ang organizational structure ng kumpanya para alam ko kung sino ang mga taong kailangan kong kausapin at kung kanino ako dapat maging professional.

At dahil sinabi ni Luna na malaking advantage kung alam ko kung sino ang mga department head, minemorize ko rin ang pangalan ng lahat ng mga department head. Ayon kay Luna may possibility raw na ang mga department head mismo ang mag-interview sa akin during the final evaluation.

I spent almost the entire night memorizing everything.

Ang nakakasama lang ng loob, ang dami niyang sinabi, tapos di manlang niya nabanggit na may sumpa pala ang position ng secretary.

At ngayon, habang pinapanood ko si Luna na kalmado lang kumakain na parang walang nangyari sa buhay ko ngayong araw, gusto kong ibato sa kanya ang kutsara ko.

“Luna..." mahinahong tawag ko kahit gusto ko na siyang sabunutan.

"Yes?”

“Bakit hindi mo sinabi sa akin?”

“Sinabi ang ano?” Kumunot ang noo niya habang kumakain ng spaghetti.

“Bakit hindi mo sinabi na two weeks lang halos ang tinatagal ng mga secretary ni Sir Sebastian?”

Natigilan siya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang tinidor bago tumingin sa akin.

“Ah...”

“Ah?!" Halos mapasigaw ako. “Yon lang sasabihin mo, Luna? Ah lang?!"

Dahil sa lakas ng boses ko, napatingin sa amin ang ilang empleyadong nakaupo sa kabilang table. Agad akong yumuko nang kaunti at binabaan ang boses ko.

“Hindi ko naman kasi alam na gusto mong malaman.” Sumbo siya ng pagkain na parang napaka-normal lang ng sinabi niya.

“Luna, alam mo kung gaano ako muntik mawalan ng dignidad ngayong umaga?”

“Bakit? Tinanggal ka na?”

Napailing ako at sumandok ng kanin sa plato ko.

“Hindi pa. Sabi niya sa' kin, not yet."

“Eh di congratulations! Big achievement na yon. Dahil alam mo ba last month? May isang secretary na halos isang oras lang ang itinagal niya. Umiiyak siyang pumunta sa HR at sinabing magre-resign na siya."

“Ano?! Isang oras lang? Gano'n kabilis?!”

Tumango si Luna habang patuloy sa pagkain.

“Yap. Tapos kinabukasan nun, may nagchika sa'min na kaya pala tinanggal agad ang secretary na 'yon dahil panay pa-cute daw ang babae kay sir Sebastian. And it's one of the things he hates the most.”

“Wait..." napatigil ako sa pagsubo ng fried chicken. “So ang pinaka-hate niya ay mga babaeng panay pa-cute sa kanya?”

“Exactly.”

Saglit akong natahimik. Naalala ko ang ginawa ko kanina sa opisina. Ang pilit kong ngiti. Ang paghawak ko sa braso niya. At higit sa lahat, 'yong mukha kong parang nagmamakaawang tuta habang nakikiusap na gamitin ang private restroom niya dahil natatae na ako.

"Kaya ikaw Madhel." Luna leaned closer saka ibinaba ang boses niya. “Wag na 'wag kang magpapa-cute ha? Do not even try it. Huwag mo siyang hahawakan. Kapag sinabi niyang no, it means no. Kapag sinabi niyang leave, leave. Kapag sinabi niyang wait, wait. Huwag mong susubukang makipagtalo sa kanya dahil hindi siya sanay na may kumokontra sa kanya. At higit sa lahat, huwag na huwag mo siyang bibigyan ng kahit anong nickname, like halimaw na CEO, heartless, monster or whatever weird name na naiisip mo. Dahil kapag narinig ka niya, he’ll make sure you won’t survive until the end of the week.”

Napalunok ako sa kaba. So, 'yon ang dahilan niya bakit ayaw niya pa akong tanggalin ngayong araw? Dahil two weeks niya muna akong pahihirapan hanggang sa ako na mismo ang sumuko.

"Luna, sa tingin ko kailangan ko na rin atang magpasa ng resignation ngayon din."

"Ha? Bakit naman As long as, hindi mo binanggit 'yong mga sinabi ko kanina, tiisin mo muna hanggang next week."

Napabuntong-hininga ako. "'Yon na nga ang problema eh. Kasi lahat ng sinabi mo, halos nagawa ko na lahat. Hinawakan ko siya, ginamit ko ang private restroom niya at sinabi ko pang pinaglihi siya sa dinosaur."

"ANO?!" Halos mapasigaw si Luna kaya mabilis kong tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay ko.

“Shhh! Hinaan mo naman ang boses mo!”

Agad niyang inalis ang kamay ko sa bibig niya at napatingin sa akin nang nanlalaki ang mga mata.

“You did what?!”

“Shhh!” Muli ko siyang sinenyasan na hinaan ang boses niya. “Gusto mo bang malaman ng buong cafeteria kung paano ako muntik mawalan ng trabaho sa unang araw ko?”

“Girl, hindi 'yan ang problema!” Yumuko siya palapit sa akin. “Tinawag mong dinosaur si Sir Sebastian?!”

Napangiwi ako at marahang tumango. “Accidentally.”

“Accidentally?!” Napailing si Luna habang nakatitig sa akin na para bang sinusubukan niyang intindihin kung paano ako nakaligtas hanggang lunch break.

“Oo, hindi ko naman sinasadyang sabihin sa kanya."

“Hindi mo sinasadya?! Madhel, paano mo hindi sinasadyang tawagin ang CEO na dinosaur?!”

"Lumabas lang sa bibig ko."

"Jusko naman Madhel!"

Napapikit si Luna at ilang segundo siyang nakatingala sa kisame na parang humihingi ng guidance sa Panginoon para sa katangahan ng kaibigan niya.

"Hindi ko na alam kung ano ang unang ipagdadasal ko. Ang kaligtasan mo ba o ang anxiety ko sa pinaggagawa mo."

"Ang OA mo naman."

"OA?!" Mabilis siyang napalingon sa akin. "Madhel, tinawag mong dinosaur ang CEO ng kompanya! Hindi 'yan simpleng pagkakamali. That's a career-ending mistake!"

"Pero hindi pa naman niya ako sinisante."

"Exactly!" Itinuro niya ako gamit ang tinidor niya. "At iyon ang mas nakakatakot. Kung hindi ka niya sinisante agad, ibig sabihin may plano pa siya sa'yo. Maybe he’s planning something worse.”

Napairap ako at itinuloy ang pagkain ko. Iisipin ko muna siguro ang nagugutom kong tiyan bago ko isipin kung paano ako makakaligtas sa kamay ng isang dinosaur na CEO.

Kahit na hindi ko maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Luna, pinilit kong kumain nang tahimik. Dahil kailangan ko ng energy. Kung sakaling gusto talaga akong pahirapan ni Sir Sebastian, at least may lakas akong lumaban. Ika pa sa kasabihan, An eye for an eye and a tooth for a tooth.'

Pero bago pa man ako muling makasubo ng kanin, tumunog ang cellphone ko sa bag.

Inilabas ko ang cellphone ko at agad kong tiningnan ang screen.

Napakunot-noo ako nang makita ko sa notification ang isang message galing sa unknown number.

+6394565065**:

–Come to my office. Now.

Hindi ko na kailangang hulaan kung sino.

Halata naman kung sino ang nagpadala ng message...

Syempre ang dinosaur na CEO mismo.

Ano kayang kailangan nito sa'kin?

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Secret Baby with the Cold-Hearted CEO   CHAPTER 5: You're Coming With Me

    MADHEL,Habang naglalakad ako papunta sa opisina ni Sir Sebastian, paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang mga sinabi ni Luna kanina sa cafeteria.Huwag magpa-cute. Huwag siyang hahawakan. Kapag sinabi niyang no, it means no. Kapag sinabi niyang leave, leave. At bawal sumagot nang pabalang.Napahinto ako sa tapat ng elevator at napabuntong-hininga.“Okay, Madhel. Kaya mo 'to.” Huminga ako nang malalim at inayos ang blouse ko.Pagdating ko sa executive floor, mabilis akong naglakad papunta sa opisina niya.Hindi muna ako kumatok sa pinto. Nanatili muna ako sa labas.At dahil ayaw kong magkaroon ng panibagong dahilan para tanggalin niya ako, gumawa ako ng mental checklist sa utak ko.One, don't call him dinosaur.Two, don't touch him.Three, don't say anything stupid.Four, don't make unnecessary jokes.Five, keep my mouth shut.Pero mukhang mahihirapan yata ako sa number five. Minsan kasi bida-bida ang bibig ko at may sarili itong desisyon.Napabuntong-hininga ako habang nasa tapat ng ma

  • Secret Baby with the Cold-Hearted CEO   CHAPTER 4: He Hate The Most

    MADHEL,Lunch break na, pero imbes na makaramdam ako ng ginhawa dahil nakaligtas ako sa unang kalahati ng araw ko bilang secretary, mas lalo lang akong nainis habang nakaupo sa cafeteria kasama ang kaibigan kong si Luna.Si Luna ang nag-recruit sa akin para mag-apply dito sa kompanya. HR siya rito, kaya nang sabihin niyang may hiring ng secretary at malaki ang sahod, hindi na ako nagdalawang-isip na magpasa ng application at resume.Binigyan niya pa ako ng tips kung paano ko raw makukuha ang trabaho.At dahil desperado talaga akong magkaroon ng bagong trabaho, sineryoso ko ang lahat ng sinabi niya.Pinag-aralan ko ang background ng kompanya. Minemorize ko ang mission at vision. Binasa ko ang mga core values.Pinag-aralan ko rin ang organizational structure ng kumpanya para alam ko kung sino ang mga taong kailangan kong kausapin at kung kanino ako dapat maging professional.At dahil sinabi ni Luna na malaking advantage kung alam ko kung sino ang mga department head, minemorize ko rin a

  • Secret Baby with the Cold-Hearted CEO   CHAPTER 3: Private Restroom

    MADHEL,Dahil hindi ko na talaga kayang magpigil kaya halos isuksok ko na sa dibdib niya ang tasa ng kape.“Here, sir. 'Yong kape niyo po."He instinctively took the cup from my hand. Maging siya parang nagpa-panic na rin.Kahit na natatae na ako, parang gusto kong matawa sa reaksyon ng mukha niya. Halatang tuliro siya at hindi pa rin makapaniwala sa bilis ng pagbabago ng sitwasyon. Kanina, iniisip niyang àssâssin ako. Ngayon, mukhang mas iniisip niya ang desperasyon kong makapunta sa CR.“Sir, saan po ang CR?”Bahagyang kumunot ang noo niya. “Restroom?”“Yes, sir. The restroom. CR. Toilet. Banyo. Whatever you want to call it. Saan po?”Parang ilang segundo pa niyang kailangang iproseso ang tanong ko bago siya tuluyang nakasagot. “At the end of the hallway. Second door on the left.”Napatingin ako sa direksyong itinuro niya. End of the hallway!? Sa estado ng tiyan ko, mukhang hindi na ako aabot doon.Napatingin ako sa loob ng opisina niya, at saka ko napansin ang isang pinto sa gil

  • Secret Baby with the Cold-Hearted CEO   CHAPTER 2: Pinaglihi sa DINOSAUR

    MADHEL POV:Gusto kong ipanalangin na sana biglang magkaroon ng earthquake drill para naman makatakbo agad ako palabas ng building. Bakit naman kasi lahat ng pwedeng lumabas sa bibig ko, bakit 'yun pa?!"You’re the first secretary who’s ever had the audacity to insult me directly.”"Wala naman po akong sinabi na pang-iinsulto sa'yo sir. Baka mali lang po kayo ng rinig.” Kung may best actress lang ang maang-maangan, malamang ako na yon."Don't play dumb with me, Miss. I clearly heard you just called me a dinosaur.” Humakbang siya palapit. Dahil nasa 6'3 ft ata ang tangkad niya, parang biglang nagdilim ang paligid ko nang tumapat siya sa harap ko. Halos tumabon sa akin ang anino niya, kaya napilitan akong bahagyang iangat ang mukha ko para lang makita ang expression niya.At base sa itsura niya, mukhang wala siyang balak maniwala sa kahit anong sasabihin ko.Napakagat ako sa ibabang labi habang pilit na naghahanap ng matinong sagot. "Sir, I think you misunderstood me. Ang ibig ko lang

  • Secret Baby with the Cold-Hearted CEO   CHAPTER 1: NEW SECRETARY

    MHADEL POV: “Six billion pesos?! How the hell did you manage to screw up a financial report with a ₱6 billion discrepancy?!"Muntik ko nang matapon sa dibdib ko ang hawak kong black coffee nang biglang umalingawngaw ang boses ng CEO mula sa loob ng kanyang opisina.I adjusted my grip on the coffee cup and took a small step back. Para sana sa kanya ang kape na dala ko. Pero sa narinig kong sigaw niya, parang napako ang mga paa ko sa sahig. Nagdadalawang-isip na tuloy ako kung papasok pa ba ako o hindi na. But judging from the tone of his voice, mukhang hindi magandang timing kung papasok ako.Napatingin ako sa hawak kong kape bago muling bumaling sa bahagyang nakaawang na pinto. Nakita ko ang dalawang taong nakatayo sa loob ng opisina. Si Mr. Reyes, ang head ng Finance Department, kasama ang accounting head na si Ms. Villanueva. May meeting ata sila tungkol sa quarterly financial report, pero sa lakas ng boses niya, parang hindi na 'yon meeting. It sounded more like a public execution

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status