مشاركة

CHAPTER 3: Private Restroom

مؤلف: madizone
last update تاريخ النشر: 2026-08-25 07:49:49

MADHEL,

Dahil hindi ko na talaga kayang magpigil kaya halos isuksok ko na sa dibdib niya ang tasa ng kape.

“Here, sir. 'Yong kape niyo po."

He instinctively took the cup from my hand. Maging siya parang nagpa-panic na rin.

Kahit na natatae na ako, parang gusto kong

matawa sa reaksyon ng mukha niya. Halatang tuliro siya at hindi pa rin makapaniwala sa bilis ng pagbabago ng sitwasyon. Kanina, iniisip niyang àssâssin ako. Ngayon, mukhang mas iniisip niya ang desperasyon kong makapunta sa CR.

“Sir, saan po ang CR?”

Bahagyang kumunot ang noo niya. “Restroom?”

“Yes, sir. The restroom. CR. Toilet. Banyo. Whatever you want to call it. Saan po?”

Parang ilang segundo pa niyang kailangang iproseso ang tanong ko bago siya tuluyang nakasagot. “At the end of the hallway. Second door on the left.”

Napatingin ako sa direksyong itinuro niya.

End of the hallway!?

Sa estado ng tiyan ko, mukhang hindi na ako aabot doon.

Napatingin ako sa loob ng opisina niya, at saka ko napansin ang isang p***o sa gilid.

“Sir, may CR po ba sa loob ng opisina niyo?”

Saglit siyang napatingin sa pintong tinutukoy ko bago muling bumalik ang tingin sa akin. “That's my private restroom. I don't allow anyone to use it.”

"Sir sigena please...five minutes lang po. Wala naman po akong gagalawin kahit ano. Hindi na po kasi aabot sa dulo ng hallway kasi talagang sobrang natatae na po ako."

"No. I don't care how badly you need to use the restroom. You’re not using mine.”

Napahawak ako sa tiyan ko nang muling kumirot. “Sir, please. Kahit three minutes na lang po. Promise bibilisan ko po ang pagtae, at lalabas din po agad ako.”

"I said no."

Napangiwi ako. Grabe. Kahit yata mamatay ako sa harap niya ngayon, hindi pa rin siya magpapagamit ng CR.

“Sir, emergency na po talaga.”

“Look, I understand that you’re in an emergency situation, but that doesn’t mean you can just—”

“Sir, I’m sorry po!” Hindi ko na hinintay na matapos niya ang sasabihin niya. Mabilis akong tumalikod at halos tumakbo papasok ng CEO's office.

“Miss!”

Narinig ko pa ang malakas niyang pagtawag sa likuran ko, pero wala na akong pakialam.

Wala na talaga.

Hindi ko na alintana kung professional pa ba ang kilos ko o kung ano ang iisipin niya sa akin. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay makarating ako sa CR bago pa akong maging headline sa tsismis sa boung kompanya na ang bagong sekretarya ng CEO ay natae sa unang araw niya.

Agad kong hinanap ang pintuan ng private restroom. Mabuti na lang at hindi naman ito mahirap makita dahil may maliit na sign sa tabi ng p***o.

RESTROOM.

Parang iyon na yata ang pinakamagandang salitang nakita ko sa buong buhay ko.

Nagmamadaling akong pumasok sa loob ng restroom. Halos hindi ko na nga nasara nang maayos ang p***o bago ako dumiretso sa toilet.

“Finally!” Napahawak ako sa dibdib ko habang malalim na huminga.

I made it. Nakakaproud.

Hindi ako natae sa hallway.

Hindi ako naging walking disaster.

At higit sa lahat, hindi ako naging unang sekretarya sa kasaysayan ng kompanya na nawalan ng dignidad sa unang araw.

At gaya ng pinangako ko ron sa madamot na CEO, mga tatlong minuto lang ay tapos na ako sa paggamit ng toilet.

Mabilis kong inayos ang sarili ko at agad na lumabas ng CR.

“Thank you, Lord.” Natigil ako sa pagpupunas ng pawis sa noo ko nang biglang bumungad sa'kin ang tila madilim na mukha ni sir Sebastian.

Nakatayo siya ilang hakbang mula sa pintuan, parehong nakabulsa ang mga kamay niya habang nakatitig sa akin na para bang isa akong kriminal na nahuli niyang tumatakas mula sa crime scene.

“Sir…” Napalunok ako.

"You ran into my office without permission. And then you used a restroom I specifically told you not to use.”

"Ahmm...opo sir."

"Do you understand the consequences of what you just did?”

"Opo sir. Pero...pero subukan niyo pong ilagay ang sarili niyo sa sitwasyon ko. Kung kayo po ang nasa kalagayan ko na malapit ng matae,

iisipin niyo pa ba ang permission? Iisipin niyo pa ba kung kaninong private CR 'yon? Sir, sa ganoong klaseng krisis, nawawala ang mga social etiquette. Ang utak mo, nagse-send na lang ng signal na mabuhay o mamatay sa kahiyaan. At tyaka sobra namang nakakahiya sir kung matatae ako sa harap mo."

Nakita kong bahagyang gumalaw ang gilid ng labi niya na parang gusto niyang matawa, pero agad din niyang pinigilan.

“Ang dami mong sinasabi. Go back to your desk.”

Napakurap ako. “Po?”

“Your desk. Bumalik ka na roon.”

“So, hindi niyo po ako tatanggalin kahit na tinawag kitang dinosaur? Kahit na ginamit ko ang private restroom niyo?”

“Not yet.”

"Not yet? Talaga po sir?" Sa sobrang tuwa ko na hindi niya ako tinanggal, lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya.

"Sir thank you po talaga. Kailangan ko kasi ang trabaho na ito. Promise po, hindi na po ako gagawa ng kahit anong ikakagalit niyo. Gagalingan ko po sa trabaho. Magiging mabuting sekretarya po ako."

Matalim ang tingin niya sa kin, hanggang sa napansin kong unti-unting bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak pa rin sa braso niya.

“Did you wash your hands?”

Napatingin ako sa sarili kong kamay, saka sa kanya.

“I asked if you washed your hands?" mariin niyang tanong.

"Ahmm... hi-hindi po sir. Kasi di ba po? Nangako ako sa inyo na wala akong gagalawing gamit kahit ano sa loob ng restroom niyo kaya hindi ko ginalaw 'yong sabon.”

"What the! Then stop touching me!" Agad niya akong itinulak palayo na para bang may nakakahawa akong sakit.

"Ang arte mo naman sir. Gumamit naman ako ng bidet."

"I don't know what kind of environment you're used to, but in this office, especially in my office, I expect basic cleanliness. You used my private restroom. You touched me without washing your hands. And now you're standing there trying to convince me that using a bidet somehow makes washing your hands unnecessary.”

Napabuka ang bibig ko pero wala akong maisagot. May punto naman siya. Nakakainis lang dahil ang yabang niya habang sinasabi iyon.

"For Pete's sake! Unang araw mo pa lang pero pinapainit mo na ang ulo ko. Sigena, lumabas ka na at bumalik ka na sa desk mo. I have work to do, and I don't have the entire day to argue with you about basic hygiene.”

Tumango ako agad. “Yes boss!”

Mabilis akong tumalikod at naglakad papunta sa p***o, pero bago pa ako tuluyang makalabas, narinig ko ulit ang boses niya.

“Wait.”

“Yes, sir?"

Hindi siya agad nagsalita. Ilang segundo siyang walang sinabi, na para bang pinag-iisipan niya kung tama ba ang susunod niyang itatanong o kung mas mabuti na lang na hayaan niya akong lumabas.

“What's your name?”

“Po?”

Tama ba rinig ko na tinatanong niya pangalan ko? Siguro baka e-add niya ako sa fácébook.

“I’ve been calling you ‘miss’ since earlier, and apparently, you’ll be my new secretary. I should at least know the name of the person who almost destroyed my entire morning.”

"Ah…” Napangiti ako nang alanganin. “Akala ko po ea-add niyo ako sa fácébook. Madhel po pangalan ko."

“Madhel what?”

“Yon nga po sir. Madhel po. Walang second name. Madhel lang po.”

Tinitigan niya ako nang diretso. “I know your first name is Madhel. I’m damn asking for your full name."

"Ah...bakit kasi di mo sinabi agad sir. Madhel Madrigal po ang full name ko."

"Madhel Madrigal,” ulit niya, na para bang sinusubukan niyang tandaan ang pangalan ko.

“Go to your desk Miss Madrigal, and read the employee handbook on your desk. I expect you to know every single rule by tomorrow.”

"Noted po, sir.

"And one more thing, Miss Madrigal.'

"Ano po 'yon sir?"

"Huwag mong isiping nakaligtas ka na dahil lang hindi kita tinanggal ngayong araw. Starting tomorrow, I’ll show you exactly why none of my previous secretaries have ever lasted more than two weeks.”

Napahinto ako. Ano? Halos lahat ng naging secretary niya, two weeks lang ang tinatagal?

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Secret Baby with the Cold-Hearted CEO   CHAPTER 5: You're Coming With Me

    MADHEL,Habang naglalakad ako papunta sa opisina ni Sir Sebastian, paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang mga sinabi ni Luna kanina sa cafeteria.Huwag magpa-cute. Huwag siyang hahawakan. Kapag sinabi niyang no, it means no. Kapag sinabi niyang leave, leave. At bawal sumagot nang pabalang.Napahinto ako sa tapat ng elevator at napabuntong-hininga.“Okay, Madhel. Kaya mo 'to.” Huminga ako nang malalim at inayos ang blouse ko.Pagdating ko sa executive floor, mabilis akong naglakad papunta sa opisina niya.Hindi muna ako kumatok sa pinto. Nanatili muna ako sa labas.At dahil ayaw kong magkaroon ng panibagong dahilan para tanggalin niya ako, gumawa ako ng mental checklist sa utak ko.One, don't call him dinosaur.Two, don't touch him.Three, don't say anything stupid.Four, don't make unnecessary jokes.Five, keep my mouth shut.Pero mukhang mahihirapan yata ako sa number five. Minsan kasi bida-bida ang bibig ko at may sarili itong desisyon.Napabuntong-hininga ako habang nasa tapat ng ma

  • Secret Baby with the Cold-Hearted CEO   CHAPTER 4: He Hate The Most

    MADHEL,Lunch break na, pero imbes na makaramdam ako ng ginhawa dahil nakaligtas ako sa unang kalahati ng araw ko bilang secretary, mas lalo lang akong nainis habang nakaupo sa cafeteria kasama ang kaibigan kong si Luna.Si Luna ang nag-recruit sa akin para mag-apply dito sa kompanya. HR siya rito, kaya nang sabihin niyang may hiring ng secretary at malaki ang sahod, hindi na ako nagdalawang-isip na magpasa ng application at resume.Binigyan niya pa ako ng tips kung paano ko raw makukuha ang trabaho.At dahil desperado talaga akong magkaroon ng bagong trabaho, sineryoso ko ang lahat ng sinabi niya.Pinag-aralan ko ang background ng kompanya. Minemorize ko ang mission at vision. Binasa ko ang mga core values.Pinag-aralan ko rin ang organizational structure ng kumpanya para alam ko kung sino ang mga taong kailangan kong kausapin at kung kanino ako dapat maging professional.At dahil sinabi ni Luna na malaking advantage kung alam ko kung sino ang mga department head, minemorize ko rin a

  • Secret Baby with the Cold-Hearted CEO   CHAPTER 3: Private Restroom

    MADHEL,Dahil hindi ko na talaga kayang magpigil kaya halos isuksok ko na sa dibdib niya ang tasa ng kape.“Here, sir. 'Yong kape niyo po."He instinctively took the cup from my hand. Maging siya parang nagpa-panic na rin.Kahit na natatae na ako, parang gusto kong matawa sa reaksyon ng mukha niya. Halatang tuliro siya at hindi pa rin makapaniwala sa bilis ng pagbabago ng sitwasyon. Kanina, iniisip niyang àssâssin ako. Ngayon, mukhang mas iniisip niya ang desperasyon kong makapunta sa CR.“Sir, saan po ang CR?”Bahagyang kumunot ang noo niya. “Restroom?”“Yes, sir. The restroom. CR. Toilet. Banyo. Whatever you want to call it. Saan po?”Parang ilang segundo pa niyang kailangang iproseso ang tanong ko bago siya tuluyang nakasagot. “At the end of the hallway. Second door on the left.”Napatingin ako sa direksyong itinuro niya. End of the hallway!? Sa estado ng tiyan ko, mukhang hindi na ako aabot doon.Napatingin ako sa loob ng opisina niya, at saka ko napansin ang isang pinto sa gil

  • Secret Baby with the Cold-Hearted CEO   CHAPTER 2: Pinaglihi sa DINOSAUR

    MADHEL POV:Gusto kong ipanalangin na sana biglang magkaroon ng earthquake drill para naman makatakbo agad ako palabas ng building. Bakit naman kasi lahat ng pwedeng lumabas sa bibig ko, bakit 'yun pa?!"You’re the first secretary who’s ever had the audacity to insult me directly.”"Wala naman po akong sinabi na pang-iinsulto sa'yo sir. Baka mali lang po kayo ng rinig.” Kung may best actress lang ang maang-maangan, malamang ako na yon."Don't play dumb with me, Miss. I clearly heard you just called me a dinosaur.” Humakbang siya palapit. Dahil nasa 6'3 ft ata ang tangkad niya, parang biglang nagdilim ang paligid ko nang tumapat siya sa harap ko. Halos tumabon sa akin ang anino niya, kaya napilitan akong bahagyang iangat ang mukha ko para lang makita ang expression niya.At base sa itsura niya, mukhang wala siyang balak maniwala sa kahit anong sasabihin ko.Napakagat ako sa ibabang labi habang pilit na naghahanap ng matinong sagot. "Sir, I think you misunderstood me. Ang ibig ko lang

  • Secret Baby with the Cold-Hearted CEO   CHAPTER 1: NEW SECRETARY

    MHADEL POV: “Six billion pesos?! How the hell did you manage to screw up a financial report with a ₱6 billion discrepancy?!"Muntik ko nang matapon sa dibdib ko ang hawak kong black coffee nang biglang umalingawngaw ang boses ng CEO mula sa loob ng kanyang opisina.I adjusted my grip on the coffee cup and took a small step back. Para sana sa kanya ang kape na dala ko. Pero sa narinig kong sigaw niya, parang napako ang mga paa ko sa sahig. Nagdadalawang-isip na tuloy ako kung papasok pa ba ako o hindi na. But judging from the tone of his voice, mukhang hindi magandang timing kung papasok ako.Napatingin ako sa hawak kong kape bago muling bumaling sa bahagyang nakaawang na pinto. Nakita ko ang dalawang taong nakatayo sa loob ng opisina. Si Mr. Reyes, ang head ng Finance Department, kasama ang accounting head na si Ms. Villanueva. May meeting ata sila tungkol sa quarterly financial report, pero sa lakas ng boses niya, parang hindi na 'yon meeting. It sounded more like a public execution

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status