بيت / Romance / Secret Baby with the Cold-Hearted CEO / CHAPTER 5: You're Coming With Me

مشاركة

CHAPTER 5: You're Coming With Me

مؤلف: madizone
last update تاريخ النشر: 2026-08-25 07:54:18

MADHEL,

Habang naglalakad ako papunta sa opisina ni Sir Sebastian, paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang mga sinabi ni Luna kanina sa cafeteria.

Huwag magpa-cute. Huwag siyang hahawakan. Kapag sinabi niyang no, it means no. Kapag sinabi niyang leave, leave. At bawal sumagot nang pabalang.

Napahinto ako sa tapat ng elevator at napabuntong-hininga.

“Okay, Madhel. Kaya mo 'to.” Huminga ako nang malalim at inayos ang blouse ko.

Pagdating ko sa executive floor, mabilis akong naglakad papunta sa opisina niya.

Hindi muna ako kumatok sa p***o. Nanatili muna ako sa labas.

At dahil ayaw kong magkaroon ng panibagong dahilan para tanggalin niya ako, gumawa ako ng mental checklist sa utak ko.

One, don't call him dinosaur.

Two, don't touch him.

Three, don't say anything stupid.

Four, don't make unnecessary jokes.

Five, keep my mouth shut.

Pero mukhang mahihirapan yata ako sa number five. Minsan kasi bida-bida ang bibig ko at may sarili itong desisyon.

Napabuntong-hininga ako habang nasa tapat ng malaking wooden door ng CEO's office.

Tinitigan ko ang doorknob. Parang kahit ang simpleng paghawak lang sa doorknob na ito ay isa nang malaking desisyon sa buhay ko.

Huminga ako nang malalim bago marahang kumatok.

“Come in.”

Pagkapasok ko pa lang, agad kong napansin na busy siya.

“Good afternoon, sir...” magalang kong bati, pero hindi man lang siya sumagot, ni nag-angat ng tingin. Nakatuon lang ang buong atensyon niya sa laptop.

His fingers moved quickly across the keyboard, typing something on the screen with a level of concentration that made me hesitate to disturb him.

Nakatayo lang ako malapit sa p***o habang hinihintay kong mapansin niya ako. Pero wala.

Hindi na rin ako nangahas na magsalita ulit. Baka kasi maistorbo ko siya at bigla na naman niyang isipin na hindi ako marunong sumunod sa simpleng instruction.

Kaya nanatili lang akong nakatayo at tahimik na naghintay.

Pero habang ilang segundo akong nakatayo, hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.

At doon ko napansin ang isang bagay na hindi ko napansin kanina.

Naka-eyeglasses siya.

He was wearing a pair of black-rimmed eyeglasses.

Hindi ko alam kung bakit parang biglang nagbago ang itsura niya. Pareho pa rin naman ang malamig niyang mukha. Pareho pa rin ang matalim niyang titig. Pero iyong eyeglasses niya...

Bagay na bagay.

As in nakakainis sa sobrang bagay sa kanya.

The glasses sat perfectly on the bridge of his prominent nose. Mas lalong naging defined ang features ng mukha niya dahil sa frame. At iyong makapal niyang kilay na kanina pa nagbibigay sa kanya ng intimidating aura? Mas lalo lang nagmukhang masculine.

At 'yong seryoso niyang expression habang nakatutok sa laptop?

Damn! Sobrang gwapo niya.

I mean—Hindi!

No! Stop, Madhel! Ano na naman 'yang iniisip mo? Hindi siya gwapo! Hindi!

He's your boss. Your scary, cold-hearted dinosaur-looking boss.

Napailing ako nang bahagya at sinampal ang sarili ko sa pisngi para magising sa katotohanang hindi siya gwapo sa paningin ko.

“What the heck are you doing, Madhel?”

Napahinto sa ere ang kamay ko nang marinig ko ang boses ni Sir Sebastian.

“Sir?”

“Why are you hitting yourself?”

“Ah—wala po.” Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko.

“Wala? You were literally slapping your own face.”

“May lamok po kasi.”

'Yon na lang ang naisip kong safe na katwiran. Ang sabihing may lamok. Kaysa naman aminin kong gwapo siya sa paningin ko five seconds ago.

“May lamok?” His eyes narrowed slightly behind his glasses. Halatang ayaw niyang maniwala sa rason ko.

“My office is maintained at eighteen degrees Celsius. Mosquitoes are cold-blooded insects, but they rely on external heat to regulate their body temperature, which means they're most active in warm and humid environments. And considering how cold this office is kept, combined with the fact that there’s no standing water or obvious breeding source inside, the possibility of a mosquito casually flying around here is extremely low. So, ibig sabihin walang lamok dito sa office ko.”

Napanganga na lang ako dahil sa OA na paliwanag niya.

“Ah, opo, sir. Walang lamok dito sa office niyo. Guni-guni ko lang siguro 'yong lintek na lamok na 'yon.”

Hindi na siya sumagot. Muli niyang ibinalik ang tingin sa laptop bago nagsalita.

“Anyway, dalhin mo itong documents sa Accounting Department, Madhel. Tell Ms. Villanueva to review every page and have her sign the last page before bringing it back to me.”

Tumango ako at lumapit sa desk niya. “Yes, sir.”

Inabot niya sa akin ang isang makapal na folder. Iniabot ko rin ang kamay ko para tanggapin iyon. At sa isang iglap, nagkadikit ang mga kamay namin.

Saglit akong natigilan. Ganun din siya.

Hindi naman talaga malaking bagay iyon. Nagkataon lang na sabay kaming humawak sa folder. Isang simpleng accidental contact.

Pero bigla kong naalala ang sinabi ni Luna na huwag mong hahawakan ang CEO.

Kaya mabilis kong hinampas ng folder ang kamay ni sir Sebastian para hindi tuluyang maglapit ang mga kamay namin.

“What the hell was that? Bakit mo hinampas ang kamay ko?"

“Para hindi po magdikit ang kamay natin, sir."

“What?” Tinitigan niya ako, parang hindi niya alam kung maiinis ba siya o susubukan niyang intindihin kung anong klaseng logic ang gumagana sa utak ko.

“May rule po kasi na sinabi ang kaibigan kong si Luna."

Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. “What rule? And who the hell is Luna?”

“Si Luna Salcedo po, nasa HR Department. Kaibigan ko po.”

“I don't care who she is. Why exactly would she tell you to hit my hand?”

“Hindi naman po niya sinabi na literal hampasin ko kayo.”

“Then why did you hit me?”

“Kasi po, sir, mas okay na pong hampasin ko na lang kayo kaysa isipin niyo na nagpa-cute ako sa inyo.”

Napahilot siya sa sentido niya bago tuluyang sumandal sa kanyang upuan.

“I don’t even know what to say to you anymore.”

“Sorry po, sir. Hindi ko na po hahampasin ulit ang kamay niyo.”

“Just take the documents to Accounting. Now.”

Mabilis akong tumango at niyakap ang folder sa dibdib ko bago umatras. But before I could reach the door, narinig ko ulit ang boses niya.

“Also, clear my schedule for tomorrow, Madhel.”

Napahinto ako. “Tomorrow po?”

“Yes. I’ll be flying to Singapore tomorrow morning for the Innovation Summit. I’ll be there for approximately two weeks, so rearrange my appointments accordingly. Move anything that can be moved, cancel anything unnecessary, and make sure the important meetings are properly coordinated while I’m away.”

Halos lumiwanag ang mukha ko.

Two weeks?

Dalawang linggo siyang wala?

So ibig sabihin, two weeks akong hindi makakarinig ng malamig niyang boses, hindi mapapagalitan, at higit sa lahat, hindi ko kailangang mag-ingat na matawag siyang dinosaur!

Thank you Lord. This was the best news I had received all day.

“Wow, two weeks po, sir?”

He slowly looked up from his laptop. “Why do you sound so happy?”

“Ah wala po, sir. I’m just happy to help with your schedule.”

"And prepare your things, Madhel."

Napakurap ako. “My things po?”

“Yes, becasuse you’re coming with me to Singapore.”

”PO? Kasama ako?"

“You’re my secretary, Madhel. Did you really think I was going to Singapore for two weeks without you?”

Kanina lang, halos mag-celebrate na ako sa isip ko dahil dalawang linggo ko siyang hindi makikita.

Tapos ngayon, sasama pala ako.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Secret Baby with the Cold-Hearted CEO   CHAPTER 5: You're Coming With Me

    MADHEL,Habang naglalakad ako papunta sa opisina ni Sir Sebastian, paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang mga sinabi ni Luna kanina sa cafeteria.Huwag magpa-cute. Huwag siyang hahawakan. Kapag sinabi niyang no, it means no. Kapag sinabi niyang leave, leave. At bawal sumagot nang pabalang.Napahinto ako sa tapat ng elevator at napabuntong-hininga.“Okay, Madhel. Kaya mo 'to.” Huminga ako nang malalim at inayos ang blouse ko.Pagdating ko sa executive floor, mabilis akong naglakad papunta sa opisina niya.Hindi muna ako kumatok sa pinto. Nanatili muna ako sa labas.At dahil ayaw kong magkaroon ng panibagong dahilan para tanggalin niya ako, gumawa ako ng mental checklist sa utak ko.One, don't call him dinosaur.Two, don't touch him.Three, don't say anything stupid.Four, don't make unnecessary jokes.Five, keep my mouth shut.Pero mukhang mahihirapan yata ako sa number five. Minsan kasi bida-bida ang bibig ko at may sarili itong desisyon.Napabuntong-hininga ako habang nasa tapat ng ma

  • Secret Baby with the Cold-Hearted CEO   CHAPTER 4: He Hate The Most

    MADHEL,Lunch break na, pero imbes na makaramdam ako ng ginhawa dahil nakaligtas ako sa unang kalahati ng araw ko bilang secretary, mas lalo lang akong nainis habang nakaupo sa cafeteria kasama ang kaibigan kong si Luna.Si Luna ang nag-recruit sa akin para mag-apply dito sa kompanya. HR siya rito, kaya nang sabihin niyang may hiring ng secretary at malaki ang sahod, hindi na ako nagdalawang-isip na magpasa ng application at resume.Binigyan niya pa ako ng tips kung paano ko raw makukuha ang trabaho.At dahil desperado talaga akong magkaroon ng bagong trabaho, sineryoso ko ang lahat ng sinabi niya.Pinag-aralan ko ang background ng kompanya. Minemorize ko ang mission at vision. Binasa ko ang mga core values.Pinag-aralan ko rin ang organizational structure ng kumpanya para alam ko kung sino ang mga taong kailangan kong kausapin at kung kanino ako dapat maging professional.At dahil sinabi ni Luna na malaking advantage kung alam ko kung sino ang mga department head, minemorize ko rin a

  • Secret Baby with the Cold-Hearted CEO   CHAPTER 3: Private Restroom

    MADHEL,Dahil hindi ko na talaga kayang magpigil kaya halos isuksok ko na sa dibdib niya ang tasa ng kape.“Here, sir. 'Yong kape niyo po."He instinctively took the cup from my hand. Maging siya parang nagpa-panic na rin.Kahit na natatae na ako, parang gusto kong matawa sa reaksyon ng mukha niya. Halatang tuliro siya at hindi pa rin makapaniwala sa bilis ng pagbabago ng sitwasyon. Kanina, iniisip niyang àssâssin ako. Ngayon, mukhang mas iniisip niya ang desperasyon kong makapunta sa CR.“Sir, saan po ang CR?”Bahagyang kumunot ang noo niya. “Restroom?”“Yes, sir. The restroom. CR. Toilet. Banyo. Whatever you want to call it. Saan po?”Parang ilang segundo pa niyang kailangang iproseso ang tanong ko bago siya tuluyang nakasagot. “At the end of the hallway. Second door on the left.”Napatingin ako sa direksyong itinuro niya. End of the hallway!? Sa estado ng tiyan ko, mukhang hindi na ako aabot doon.Napatingin ako sa loob ng opisina niya, at saka ko napansin ang isang pinto sa gil

  • Secret Baby with the Cold-Hearted CEO   CHAPTER 2: Pinaglihi sa DINOSAUR

    MADHEL POV:Gusto kong ipanalangin na sana biglang magkaroon ng earthquake drill para naman makatakbo agad ako palabas ng building. Bakit naman kasi lahat ng pwedeng lumabas sa bibig ko, bakit 'yun pa?!"You’re the first secretary who’s ever had the audacity to insult me directly.”"Wala naman po akong sinabi na pang-iinsulto sa'yo sir. Baka mali lang po kayo ng rinig.” Kung may best actress lang ang maang-maangan, malamang ako na yon."Don't play dumb with me, Miss. I clearly heard you just called me a dinosaur.” Humakbang siya palapit. Dahil nasa 6'3 ft ata ang tangkad niya, parang biglang nagdilim ang paligid ko nang tumapat siya sa harap ko. Halos tumabon sa akin ang anino niya, kaya napilitan akong bahagyang iangat ang mukha ko para lang makita ang expression niya.At base sa itsura niya, mukhang wala siyang balak maniwala sa kahit anong sasabihin ko.Napakagat ako sa ibabang labi habang pilit na naghahanap ng matinong sagot. "Sir, I think you misunderstood me. Ang ibig ko lang

  • Secret Baby with the Cold-Hearted CEO   CHAPTER 1: NEW SECRETARY

    MHADEL POV: “Six billion pesos?! How the hell did you manage to screw up a financial report with a ₱6 billion discrepancy?!"Muntik ko nang matapon sa dibdib ko ang hawak kong black coffee nang biglang umalingawngaw ang boses ng CEO mula sa loob ng kanyang opisina.I adjusted my grip on the coffee cup and took a small step back. Para sana sa kanya ang kape na dala ko. Pero sa narinig kong sigaw niya, parang napako ang mga paa ko sa sahig. Nagdadalawang-isip na tuloy ako kung papasok pa ba ako o hindi na. But judging from the tone of his voice, mukhang hindi magandang timing kung papasok ako.Napatingin ako sa hawak kong kape bago muling bumaling sa bahagyang nakaawang na pinto. Nakita ko ang dalawang taong nakatayo sa loob ng opisina. Si Mr. Reyes, ang head ng Finance Department, kasama ang accounting head na si Ms. Villanueva. May meeting ata sila tungkol sa quarterly financial report, pero sa lakas ng boses niya, parang hindi na 'yon meeting. It sounded more like a public execution

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status