بيت / Romance / Secret Baby with the Cold-Hearted CEO / CHAPTER 2: Pinaglihi sa DINOSAUR

مشاركة

CHAPTER 2: Pinaglihi sa DINOSAUR

مؤلف: madizone
last update تاريخ النشر: 2026-08-25 07:48:35

MADHEL POV:

Gusto kong ipanalangin na sana biglang magkaroon ng earthquake drill para naman makatakbo agad ako palabas ng building. Bakit naman kasi lahat ng pwedeng lumabas sa bibig ko, bakit 'yun pa?!

"You’re the first secretary who’s ever had the audacity to insult me directly.”

"Wala naman po akong sinabi na pang-iinsulto sa'yo sir. Baka mali lang po kayo ng rinig.” Kung may best actress lang ang maang-maangan, malamang ako na yon.

"Don't play dumb with me, Miss. I clearly heard you just called me a dinosaur.”

Humakbang siya palapit. Dahil nasa 6'3 ft ata ang tangkad niya, parang biglang nagdilim ang paligid ko nang tumapat siya sa harap ko. Halos tumabon sa akin ang anino niya, kaya napilitan akong bahagyang iangat ang mukha ko para lang makita ang expression niya.

At base sa itsura niya, mukhang wala siyang balak maniwala sa kahit anong sasabihin ko.

Napakagat ako sa ibabang labi habang pilit na naghahanap ng matinong sagot. "Sir, I think you misunderstood me. Ang ibig ko lang po sabihin, sir, napakalakas ng presence niyo! Complete package po kayo kumbaga. Kasi taglay niyo po ang leadership, power at dominance! Para kang king of the jungle, o king of the Jurassic period! At tyaka compliment po 'yon, sir. Ang mga dinosaur kasi, sila 'yung mga tinuturing na legend. At kinatatakutan sila ng lahat dahil sa lakas nila. In short, apex predator po kayo rito sa corporate world!"

Mas lalo siyang tumitig sa akin. Hindi ko alam kung napaniwala ko siya o mas lalo ko lang pinalala ang sitwasyon.

"In my thirty-two years of existence, no one has ever tried to sugarcoat an insult with such a pathetic pun."

Gusto kong sapakin ang sarili ko sa sobrang kabobohan ng palusot ko. Bakit ba kasi hindi na lang tumahimik itong bibig ko?

Pero dahil wala na akong ibang maisip na paraan para iligtas ang sarili ko, ngumiti na lang ako ng pilit–'yong pa-cute na ngiti at baka sakaling umepekto sa kanya.

“Hehe...thank you, sir.”

Kumunot ang noo niya sa pagtataka. “Thank you, for what?”

“For appreciating my creativity, sir.”

Hindi siya agad sumagot. Pero parang gusto niyang tumawag ng HR para itanong kung bakit isang baliw na secretary ang pinadala sa opisina niya.

Ilang segundo rin siyang nakatitig sa akin bago siya nagsalita. “I wasn't appreciating anything.”

"Ahh..."

Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko. Kaya bago pa siya makapagsalita ulit at bago pa ako makapaglabas ng panibagong kabobohan, mabilis kong iniabot sa kanya ang hawak kong kape.

“Anyway, sir, your coffee.”

Hindi niya agad tinanggap ang tasa ng kape.

Sa totoo lang, wala na akong pakialam kung tatanggapin niya iyon o hindi. Gusto ko na lang matapos ang usapan na 'to dahil may mas malaking problema akong kailangang asikasuhin.

Kailangan ko na talagang mag-CR.

Kanina pa ako nagpipigil sa totoo lang. Dahil sa sobrang kaba, parang na-pressure din ang bituka ko.

“Sir, please. Your coffee.” Muli kong inilapit ang tasa sa kanya. Ramdam ko na ang malamig na pawis sa noo ko dahil unti-unti nang sumasakit ang tiyan ko. At kung hindi ko pa maibibigay sa kanya ang kape, baka pati dignidad ko ay tuluyang mawala sa harap niya.

“Why are you suddenly in such a hurry?”

Napakurap ako. Aba, bakit naman kailangang mapansin pa niya 'yon?

“Hindi naman po ako nagmamadali, sir.”

“Really?” Bumaba ang tingin niya sa kamay kong kanina pa nakalahad sa harap niya. “Because you've been shoving that coffee at me like your life depends on it.”

Kung alam mo lang, sir. Literal na nakasalalay na sa pagtanggap mo ng kape ang buhay ko.

“Gusto ko lang po siguraduhin na hindi lalamig ang coffee niyo. Kaya please lang po, tanggapin niyo na po."

Bahagya niyang tiningnan ang tasa bago ibinalik ang tingin sa akin.

“Why are you so desperate for me to drink this coffee?”

“Desperate po? Hindi naman.”

“Then why are your hands shaking?”

Agad kong tiningnan ang kamay kong nakalahad sa harap niya. At totoo nga. Nanginginig na pala iyon. Hindi dahil sa takot, kundi dahil pakiramdam ko, may nagaganap nang civil war sa loob ng tiyan ko.

“Do you know that I've been receiving death threats lately?"

"Po?"

"Someone has been sending me anonymous messages, threatening my life. At paano kung isa ka sa mga kasama nila na may misyon na patayin ako?”

“Sir, I swear po, wala akong balak patayin kayo. Gusto ko lang po ibigay 'yung kape niyo.”

“Then why are you so desperate for me to drink it?”

Napangiwi ako nang bahagya nang muling kumirot ang tiyan ko.

“Dahil po—” Bigla akong natigilan. Hindi ko naman pwedeng sabihin ang totoong dahilan.

"See? That's exactly what someone who's hiding something would say. Siguro binayaran ka nila para lagyan ng lason ang kape."

Napanganga ako. Pati ba naman simpleng pag-aabot ng kape, suspicious na ngayon?

Ramdam ko nang malapit na talagang lumabas at kailangan ko nang magpunta sa CR sa lalong madaling panahon. Pero kailangan ko pa ring patunayan sa kanya na walang lason ang kape.

At dahil wala na akong oras para sa isang mahaba at kumplikadong paliwanag, napatingin ako sa hawak kong tasa ng kape at agad na uminom.

Napapikit ako sandali nang dumampi sa dila ko ang mapait na kape.

Hindi ako sanay sa black coffee, kaya halos gusto kong iluwa agad iyon. Pero nilunok ko.

“Ayan po. Kita niyo, sir. Buhay pa ako. Walang lason ang kape. At lalong hindi po ako assassin na inutusan para ipapatay ka. Secretary niyo po ako."

"How do I know you didn't take an antidote before coming into my office? At isa pa, masyadong kahina-hinala ang mga kilos mo. First, you were unusually nervous when you arrived. Second, you kept insisting that I should drink the coffee. And third, you—"

"Sir tangina pwede mamaya na yong pang-third dahil natatae na po talaga ako."

Wala na akong oras para mahiya. Wala na akong oras para mag-isip ng mas magandang excuse. Wala na akong oras para alalahanin na CEO ko ang kaharap ko at hindi ko dapat sinasabi sa kanya nang diretsahan na natatae na ako.

Basta ang alam ko, bawat segundo na lumilipas ay parang may countdown ang tiyan ko.

“You're what?”

“Natatae na po ako, sir.” Mas mariin ko pang sinabi dahil mukhang hindi agad naproseso ng utak niya ang una kong sinabi kanina.

Napapikit ako sandali nang muling kumirot ang tiyan ko at napahigpit ang pagkakahawak ko sa gilid ng blouse ko. “Sir, please. Kung may gusto pa po kayong itanong, mamaya na lang po. Kahit i-interrogate niyo pa ako buong araw, sasagutin ko po. Pero ngayon, kailangan ko na pong pumunta sa CR."

Bahagyang bumuka ang bibig niya, pero ilang segundo siyang walang nasabi. Mukhang mas natulala siya sa confession ko na natatae na ako kaysa sa lahat ng kabobohang sinabi ko kanina.

"What the heck! You're actually serious?"

"Yes, sir!"

Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang itanong. Kitang-kita naman siguro sa mukha ko na hindi ako nagbibiro at natatae na talaga ako.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Secret Baby with the Cold-Hearted CEO   CHAPTER 5: You're Coming With Me

    MADHEL,Habang naglalakad ako papunta sa opisina ni Sir Sebastian, paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang mga sinabi ni Luna kanina sa cafeteria.Huwag magpa-cute. Huwag siyang hahawakan. Kapag sinabi niyang no, it means no. Kapag sinabi niyang leave, leave. At bawal sumagot nang pabalang.Napahinto ako sa tapat ng elevator at napabuntong-hininga.“Okay, Madhel. Kaya mo 'to.” Huminga ako nang malalim at inayos ang blouse ko.Pagdating ko sa executive floor, mabilis akong naglakad papunta sa opisina niya.Hindi muna ako kumatok sa pinto. Nanatili muna ako sa labas.At dahil ayaw kong magkaroon ng panibagong dahilan para tanggalin niya ako, gumawa ako ng mental checklist sa utak ko.One, don't call him dinosaur.Two, don't touch him.Three, don't say anything stupid.Four, don't make unnecessary jokes.Five, keep my mouth shut.Pero mukhang mahihirapan yata ako sa number five. Minsan kasi bida-bida ang bibig ko at may sarili itong desisyon.Napabuntong-hininga ako habang nasa tapat ng ma

  • Secret Baby with the Cold-Hearted CEO   CHAPTER 4: He Hate The Most

    MADHEL,Lunch break na, pero imbes na makaramdam ako ng ginhawa dahil nakaligtas ako sa unang kalahati ng araw ko bilang secretary, mas lalo lang akong nainis habang nakaupo sa cafeteria kasama ang kaibigan kong si Luna.Si Luna ang nag-recruit sa akin para mag-apply dito sa kompanya. HR siya rito, kaya nang sabihin niyang may hiring ng secretary at malaki ang sahod, hindi na ako nagdalawang-isip na magpasa ng application at resume.Binigyan niya pa ako ng tips kung paano ko raw makukuha ang trabaho.At dahil desperado talaga akong magkaroon ng bagong trabaho, sineryoso ko ang lahat ng sinabi niya.Pinag-aralan ko ang background ng kompanya. Minemorize ko ang mission at vision. Binasa ko ang mga core values.Pinag-aralan ko rin ang organizational structure ng kumpanya para alam ko kung sino ang mga taong kailangan kong kausapin at kung kanino ako dapat maging professional.At dahil sinabi ni Luna na malaking advantage kung alam ko kung sino ang mga department head, minemorize ko rin a

  • Secret Baby with the Cold-Hearted CEO   CHAPTER 3: Private Restroom

    MADHEL,Dahil hindi ko na talaga kayang magpigil kaya halos isuksok ko na sa dibdib niya ang tasa ng kape.“Here, sir. 'Yong kape niyo po."He instinctively took the cup from my hand. Maging siya parang nagpa-panic na rin.Kahit na natatae na ako, parang gusto kong matawa sa reaksyon ng mukha niya. Halatang tuliro siya at hindi pa rin makapaniwala sa bilis ng pagbabago ng sitwasyon. Kanina, iniisip niyang àssâssin ako. Ngayon, mukhang mas iniisip niya ang desperasyon kong makapunta sa CR.“Sir, saan po ang CR?”Bahagyang kumunot ang noo niya. “Restroom?”“Yes, sir. The restroom. CR. Toilet. Banyo. Whatever you want to call it. Saan po?”Parang ilang segundo pa niyang kailangang iproseso ang tanong ko bago siya tuluyang nakasagot. “At the end of the hallway. Second door on the left.”Napatingin ako sa direksyong itinuro niya. End of the hallway!? Sa estado ng tiyan ko, mukhang hindi na ako aabot doon.Napatingin ako sa loob ng opisina niya, at saka ko napansin ang isang pinto sa gil

  • Secret Baby with the Cold-Hearted CEO   CHAPTER 2: Pinaglihi sa DINOSAUR

    MADHEL POV:Gusto kong ipanalangin na sana biglang magkaroon ng earthquake drill para naman makatakbo agad ako palabas ng building. Bakit naman kasi lahat ng pwedeng lumabas sa bibig ko, bakit 'yun pa?!"You’re the first secretary who’s ever had the audacity to insult me directly.”"Wala naman po akong sinabi na pang-iinsulto sa'yo sir. Baka mali lang po kayo ng rinig.” Kung may best actress lang ang maang-maangan, malamang ako na yon."Don't play dumb with me, Miss. I clearly heard you just called me a dinosaur.” Humakbang siya palapit. Dahil nasa 6'3 ft ata ang tangkad niya, parang biglang nagdilim ang paligid ko nang tumapat siya sa harap ko. Halos tumabon sa akin ang anino niya, kaya napilitan akong bahagyang iangat ang mukha ko para lang makita ang expression niya.At base sa itsura niya, mukhang wala siyang balak maniwala sa kahit anong sasabihin ko.Napakagat ako sa ibabang labi habang pilit na naghahanap ng matinong sagot. "Sir, I think you misunderstood me. Ang ibig ko lang

  • Secret Baby with the Cold-Hearted CEO   CHAPTER 1: NEW SECRETARY

    MHADEL POV: “Six billion pesos?! How the hell did you manage to screw up a financial report with a ₱6 billion discrepancy?!"Muntik ko nang matapon sa dibdib ko ang hawak kong black coffee nang biglang umalingawngaw ang boses ng CEO mula sa loob ng kanyang opisina.I adjusted my grip on the coffee cup and took a small step back. Para sana sa kanya ang kape na dala ko. Pero sa narinig kong sigaw niya, parang napako ang mga paa ko sa sahig. Nagdadalawang-isip na tuloy ako kung papasok pa ba ako o hindi na. But judging from the tone of his voice, mukhang hindi magandang timing kung papasok ako.Napatingin ako sa hawak kong kape bago muling bumaling sa bahagyang nakaawang na pinto. Nakita ko ang dalawang taong nakatayo sa loob ng opisina. Si Mr. Reyes, ang head ng Finance Department, kasama ang accounting head na si Ms. Villanueva. May meeting ata sila tungkol sa quarterly financial report, pero sa lakas ng boses niya, parang hindi na 'yon meeting. It sounded more like a public execution

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status